Chapter 17
"Hey Max," I whispered as I tried to wake him up.
I poke his cheek lightly then called his name. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mata at tumitig sa akin.
"Gising na," he blink twice then massage his forehead. He yawn as he straighten up. Napailing na lang ako sa hitsura nito.
"Tapos na ang movie?"
"Yep, like, five minutes ago."
Napaawang naman ang labi nito.
"Ba't di ko ako ginising kaagad?" Tanong niya at tumayo na. Nakita ko na din yung staff sa malayo at nag-inspect na. I stand up then grab his hand para lumabas na.
"Your a sleepyhead," I remark.
"I'm sorry..."
Napahinto naman ako at kunot-noong napatingin sa kanya.
"For what?"
"So rude for me to sleep when in the first place I asked you for this," he scowled.
Napangiti naman ako, I gently squeez his hand kaya napatingin naman siya doon.
"Sabi ko okey lang, so no need to say sorry." Napangiti din naman ito at tumango.
"Where we go next?"
Napaisip naman ako dahil sa tanong niya.
"What time ba practice mo?" Naglakad na kami palabas at kinuha na ang paper bag kung nasaan ang mga libro sa bagger.
"1 P.M. why?"
"Its still early." I glance at my watch at nakitang 11:15 pa ito.
"Saan tayo?"
"Shopping na lang, tagal ko ng di nakapag-shopping eh,"
He just nodded at me. Nauna na akung maglakad sa kanya at sumunod lang siya sa akin. Pumasok ako sa isang botique at tumingin ng mga bag doon. At the end, I bought two bags and three wallets. Bitbit iyon ni Max kasama ang librong binili namin kanina.
Botiques after botiques. Binili ko ang lahat na nagustuhan ko. I also bought some new arrival tops. Max was waiting patiently at me at sumusunod lang sa akin. Para ko tuloy siyang bodyguard. Naguilty tuloy ako dahil doon.
"Ahm Max," he raised his brow at me.
"Nauuhaw ako, can you buy me a milktea?" I smiled sheepishly. Nakakunot noong tinignan niya muna ako.
"Huwag na, mawawalan ka ng gana. Kakain pa tayo ng lunch."
"Pero nauuhaw na talaga ako," nakasimangot na sabi ko sa kanya. He eyed me for a minute but then he sighed in defeat.
"Fine, hintayin mo ako dito. Wag kang umalis," he commanded kaya tumango ako kaagad.
"Flavor?"
"Wintermelon," I smiled sheepishly at him.
"Huwag kang aalis dito, babalikan pa kita,"
I nodded politely. Umalis ito bitbit pa din ang pinamili namin.
Agad akung umalis doon at pumasok sa malapit na Nike Store. The sales lady smiled at me.
"Ano sa inyo ma'am?"
"Dri-fit shirt," naglakad na ako papasok at nilibot ang aking tingin.
"Para sa boyfriend ma'am?"
Napatikhim naman ako dahil sa sinabi nito.
"Uh, para sa kaibigan lang."
"Ay? Friend zone ma'am?"
I suppress myself to lash at the sales lady. Hindi ko na ito sinagot ngunit ngumiti lang ito sa akin at tinuro ang mga dri-fit shirt na nandoon. I choose two dri-fit shirt, the grey and maroon color na puro medium size.
Malaki ang katawan ni Max but I think sakto lang naman ata to sa kanya.
"Ito lang ma'am?" Tumango ako. After paying for the shirt ay umalis na ako doon.
"Bye Ma'am! Sana hindi na friend zone,"
Napailing na lang ako dahil sa sinabi ng sales lady. Bumalik ako sa pewestong napag-usapan namin ni Max. Napahinga ako ng maluwag nang nakitang wala pa ito. Pumasok na ako sa cosmetic store para bumili na lang din habang naghihintay sa kanya.
I bought five matte lipsticks, foundation and a new set of eyeshadow. My phone suddenly ring and Max's name flash in my phone, agad ko itong sinagot.
"Where are you? Nandito na ako,"
"Coming," lumabas na ako at nakita ko itong nakatayo sa gitna, the paper bags was slinging in his left arm while holding the milktea. Nasa kanang kamay naman ang cellphone at kunot noong may hinahanap sa paligid.
"Here," as I waved my hand at him. Binaba na niya ang tawag at lumapit sa akin. Inabot niya ang milktea ko kaya tinanggap ko ito.
"Your milktea Ma'am," he said sarcastically but I just grinned at him.
"Thank you," he just nodded at kinuha na naman ang paper bag na bitbit ko.
"Ako na--" ngunit hindi na niya ako hinayaang kunin pa 'yon at hinuli lang ang kamay ko at nauna ng maglakad. Napasunod tuloy ako sa kanya.
"Anong gusto mong kainin?"
Napaisip tuloy ako sa kanyang tanong.
"I want some sinigang,"
"Craving for filipino dishes?" I nodded.
Umalis na kami sa mall at pumunta na sa parking lot. He put the paper bags at the back seat, kunot noong nakatitig ito sa mga paper dags doon.
"Umalis ka?"
"Huh?"
Tinuro niya ang paper bag kung nasaan ang dri-fit shirt niya. I bit my lips.
"Umalis ka?" Ulit na tanong nito.
"Uh, Yeah. May nagustuhan kasi ako." Napailing na lang ito at pumasok na sa driver seat.
Agad din akung nagpamusic sa loob ng kotse, wala din naman kasi itong mga music doon. He maneuvered the car away.
I open my instagram story and took a selfie.
Saturdate with @Maximus
My phone beep with the new notification. Nakita kung nagreply si Blue doon kaya binasa ko iyon.
AsulNaUlan: Traitor! Hmp.
Napangisi na lamang ako at nagtype ng reply.
Priscymarie: Tayo na naman gala sa susunod. Luv u
AsulNaUlan: Libre mo 'ko?
Napasimangot na lang ako ng nabasa ang kanyang reply. Mukhang libre talaga.
Priscymarie: Oo na, tss.
Mas lalo ata akung napasimangot ng ni-heart lang niya ito at di na nagreply.
"We're here," napabaling ako sa harap at nakitang nandito na pala kami. Naunang bumaba si Max habang tinatanggal ko pa ang aking seatbelt. My brow raised when I saw him went to my side and open my door.
Di na talaga galit, hmm.
Bumaba na ako at ni lock na niya ang sasakyan. We went together inside the restaurant and the waitress in her black uniform greeted us. Well, she's smiling widely while eyeing my friend.
"Hi sir! Table for two?"
Napairap na lang ako. Bubu lang? Alangan namang four? Anong tingin niya sa akin?
"Yes please," the girl lead us habang sumunod lang ako kay Max na naunang maglakad sa akin. I saw how girls eyeing him like his the freaking dish like duh? Tao yan, di yan pagkain.
What the heck is wrong with you Prim?
Napakurap-kurap ako ng pinaghila ako ng upuan ni Max. Agad naman akung umupo at pumunta din siya sa kaharap na upuan. The waitress give us the menu.
"Anong sa inyo Sir?"
Ako? Di mo ako tanungin? Sir ka ng sir.
Napataas ang aking kilay habang binabasa ang mga pagkain doon. Bakit parang nakakawala ng gana 'tong babaeng 'to?
"What's yours Prim?"
Napabaling naman ako kay Max when he called my name. I cleared my throat as I glanced at the waitress na hanggang ngayon ang buong attention ay nakay Max pa rin.
"I want some sinigang, and kalamares," doon lang tuluyang bumaling ang waitress sa akin. Sinulat niya ang order ko sa bitbit niyang papel, I glance at Max when he also read the menu.
"Adobong Manok, apat na rice and... anong drinks ang gusto mo Prim?"
"Buko juice,"
"Okey, dalawang buko juice." The waitress nodded as she write. Inulit niya pa ito tapos bumaling kay Max.
"Yes, yan lang." Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito, I get my phone and scroll in my social medias. Wala akung magawa, at hindi din naman umimik ang kasama ko. But my forehead creased when I received a new notification.
Maximus mentioned you in a story
I open the notification at nakita ko ang aking mukha doon na vini-video ni Max habang nakatutok ako sa aking cellphone.
My forehead creased when I read his caption. Pangit o maganda?
Agad akung nagtipa ng reply doon.
Priscymarie: Sinong pangit?
Maximus: Ikaw?
I glanced at his grinning face then glared at him.
"What?" Natatawang tanong nito sa akin.
"Kanina ka pa ah,"
"I didn't do anything?"
Anong I didn't do anything?
"Alam mo ba, nakakainsulto sa babae kapag sinabihan siya ng pangit." Inis na sabi ko dito na mas lalo lang niyang ikinatawa.
"Oh? Di ko alam yan,"
"Pwes ngayon alam mo na,"
Naputol ang pagbabangayan namin ng inilagay na ang order namin.
"Yung sinigang at adobong manok ay i-serve lang po after five minutes sir," Max nodded then stare back at me. Tinaasan ko ito ng kilay.
"What?" I asked with a hint of annoyance.
"Wala naman akung sinabing pangit ka sa caption ah?"
Napatahimik ako dahil sa kanyang sinabi. Ngayon ako na naman ang tinaasan niya ng kilay.
"Bakit ganun caption mo?"
He was silent for a moment.
"Nagtatanong lang ako kung pasok ka na ba," kumunot tuloy ang noo ko.
"Pasok saan?"
"Pasok sa banga," then he smirked. Now my face crumpled when I know na ginagago lang ako nito.
"Chill okey? I know your pretty." Sabi niya pambulabog loob. Pero inirapan ko lang ito. He chuckled. Dumating na ang order namin, he put some soap in my bowl at nilagay sa tabi ng plato ko. Nakasimangot na nakatingin ako sa dalawang cup ng rice.
"Why?"
"My diet?"
He raised his brow then glance at my plate.
"Ubusin mo yan,"
"Pero masisira ang diet ko," I scowled.
"Your skinny, kaya kumain ka ng marami," sabay lagay naman ng kalamares sa plato ko. Wala akung nagawa kundi kainin ang pagkain na inilagay niya. We were just silently eating, at binabantayan talaga ni Max na maubos ko ito.
At the end I was so full dahil sa dami naming kinain. Nagtanong pa nga ito kung may gusto pa akung kainin but I just shake my head, feeling ko tuloy puputok ang tiyan ko.
"Rest room," paalam ko nito at tumayo na.
"Samahan na kita," hindi na ako umangal at nauna ng maglakad patungo sa rest room. Pumasok ako sa pambabae at naghugas ng kamay doon. One of the cubicle opened and my eyes widen when I saw the transferee girl.
Tumabi siya sa akin at naghugas din ng kamay. Napabaling kami pareho sa cellphone niyang nagri-ring kaya kinuha niya ito at sumagot.
I open my bag as I get my lipstick, paunti-unti lamang ang galaw ko habang tinitignan siya sa salamin.
"Hello? Ah yes," Is it Stan?
"Uhm, yeah. Nakakuha na ako ng appointment sa doctor." Napataas ang aking kilay doon at kinuha na din ang suklay to comb my hair.
"Yeah, don't worry i'm fine." She chuckled then get some tissue. Pinasok ko na din ang suklay sa bag at kinuha ang pressed powder.
"Yeah, salamat. I'll talk to you soon. Bye," at binaba na ang tawag. She glanced at me kaya nagulat ako doon.
"I'm sorry about that," she mumble lowly so I just nod at her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'yon.
After she's done ay nauna na itong umalis sa akin pero nagulat ako ng bumaling pa ito sa akin.
"Mauna na ako," napakurap-kurap pa ako bago tuluyang tumango. I didn't expect that. Parang tingin niya'y matagal na kaming magkaibigan. Ganun na ba talaga yun kabait? O pakitang tao lang?
Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos na ang sarili para makaalis na ng tuluyan doon. Max was waiting patiently outside, agad itong umayos ng tayo ng nakita ako.
"Let's go?" Tumango lamang ako at sumunod sa kanya. Umalis na kami sa restaurant at sumakay na sa kanyang sasakyan.
Wala kaming imikan sa loob lalo na't napupuno ang isip ko sa inasal ni Evee kanina.
"Are you okey?"
Mapabaling ako kay Max. His face was written with worry.
"I'm fine,"
"Tired?" Tumango na lamang ako para matapos na.
He just nodded at binilisan na lamang ang pagpapatakbo.
"May practice ka pa diba? Late kana, baka pagalitan ka pa," I glance at my watch at nakitang 1 P.M. na.
"Nah, its fine," then he smiled at me. Napailing na lamang ako.
We arrived at my house safely. Max open the door for me at sinalubong kami ng kasambahay. They get my papers bags at the back seat. My eyes widen when I saw one of the paper bags that I bought for Max.
"Ah teka lang," napabaling ang kasambahay sa akin. Kinuha ko ang paper bag at hinayaan na itong umalis.
Max glance at me then raised his brow. Agad ko itong inabot sa kanya.
"What's this?"
"Thank you gift?" Kunot noong tinanggap niya ito.
"Thank you? Para saan?"
I smiled at him, "Thank you for today."
He was stunned for a second then nodded while eyeing the bag.
"Is this why your trying to get rid of me? You let me bought for some milk tea hmm?" My cheeks suddenly feel warmth dahil sa kanyang sinabi. I glared at him while he chuckled at me.
"Shut up, tanggapin mo na lang yan."
Tumawa pa ito ng bahagya bago tumango.
"Alis na ako, patay na ako kay coach nito."
"Ingat sa pagdrive,"
"Hmm, I'll text you," I nodded at hinintay ang sasakyan niya na umalis. He beep his car then drive away.
"Musta ang date?" Napabaling ako sa aking likuran at nakita ang kakambal doon.
"It was fine," I paused as I scan her, ayos na ayos ito na tila may pupuntahang lakad.
"May appointment ka?" My forehead creased when I saw she was feeling awkward for a moment. She cleared her throat then nodded.
"Saan?"
"Ah, importante lang." Importante? Binalewala ko na lang ito.
"Ingat ka," nagpaalam na ito sa akin ng nagpahatid ito kay Kuya Leo. Pumasok na ako sa loob para makapagbihis, gusto kung matulog pagkatapos ng lakad namin ni Max.
After showering and wear some comfy clothes napabaling ako sa aking cellphone ng may natanggap itong text.
From: Max
Pinagalitan ako ni coach :(
Napataas naman ang aking kilay ng nabasa ito.
To: Max
Told ya.
From: Max
Okey lang, worth it naman eh.
Napailing na lang ako sa kanyang reply
From: Max
Btw, salamat dito. I like it
Then he attach his selfie wearing the new shirt I bought for him. Napanguso ako ng nakitang medyo fit iyon sa kanya, dapat ba large binili ko? Pero mukha naman siyang sakto. His broad shoulders were define well though.
He was grinning like an idiot in the picture while holding the shirt.
To: Max
Para kang tanga.
Hindi na ito nagreply sa akin, mukhang busy nga ito. But my eyes blink twice when I read the new notification.
Maximus mentioned you in a story
Its a new pic of me, while eating the kalamares. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon, hindi ko naalala na nagpipicture ito kanina habang kumain.
Ang Kyut @Priscymarie
I pout when I read his caption. Do I look like a dog to him? Pero mukhang bumabawi ito kanina ah? Kanina pa yun pangit ng pangit, tas ngayon naman maiba.
Napangisi na lang ako habang sinave ang picture niya na suot ang bagong t-shirt na binili ko. I add a new story then tap his picture.
Parang Tanga @Maximus
I smirked, waiting for his reply pero hindi dumating. I just shrugged my shoulder then stalk Stan. Wala itong bagong post o kahit myday sa facebook. I try to search for his account in instagram pero nakaprivate ito. Hindi pa pala ako ni-accept. Napanguso na lamang ako.
Napataas ang aking kilay ng nakitang may bago na namang story si Max at naka-mention na naman ako.
It was me smiling while reading a book. Naka side view ako at focus na focus sa librong binasa. Kinuha niya siguro ito kanina sa National Book Store.
But my heart went fast when I read his caption.
This pretty lady made my day. She's pretty isn't she?