Chapter 19

Chapter 19

I am currently here sa loob ng classroom habang nakikinig sa panibagong discussion ng professor. I am physically present yet mentally absent.

Blue is seriously taking notes na minsan lang din kapag nasa mood. Habang walang ganang nakatitig lang ako sa harap. Naalala ko pa ang nangyari kaninang umaga, though I am really happy dahil tinanggap ni Stan ang regalo ko but then I am bothered with his reaction towards the transferee girl.

"Reporting will be next week. Class dismissed," saad ng prof at umalis na. Doon naman ako napabaling kay Blue dahil hindi ko alam na may report palang gagawin.

"Blue? Anong report?"

"Yung next lesson daw sabi ni Prof. By partner," nakahinga naman ako ng maluwag. Kung by partner ang pag-uusapan walang problema dahil si Blue naman palagi ang ka-partner ko.

"Hey balita ko may sasakyan kana?" Blue asked while raising her brow. Napangisi naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Yes, actually dala ko siya ngayon." Her eyes widen and a wide grin was already plastered in her face.

"Shit! Tara! Sa labas tayo kakain!" Na-eexcite na sabi nito at walang pasabing tumayo at kinuha ang gamit. Napailing na lang ako habang kinuha na din ang gamit ko at sumunod sa kanya.

We went outside at pinatunog ko na ang sasakyan ko. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ni Blue habang nakatitig sa bagong sasakyan ko.

"Shit, ngayon pa lang naiinggit na ako. I need to bring my car tomorrow," nakasimangot na sabi nito. Alam ko naman na may sasakyan ito pero madalas tinatamad itong magdala pero wala namang kaso dahil may driver. Ngayon na ako na ang nagdadrive naiinggit na.

Pumasok na ako sa driver seat habang sa shot gun seat naman ito. Sinuot ko na ang seat belt at pinaandar ang sasakyan. I maneuvered the car away.

"Sana dinala mo na lang sasakyan mo, noon nga ako yung naiinggit dahil malaya ka namang makapagmaneho." I rolled my eyes at her.

"Yeah right, bukas dadalhin ko." Agad kaming umalis doon at naghanap ng makakainan. At the end pumasok kami sa isang restaurant dahil sabi naman ni Blue libre niya. Buti nga at nanlibre ito ngayon.

Nasa may salamin kami nakaupo habang nag-order si Blue ng pagkain. I let her choose dahil siya naman ang manlibre. My cellphone beep when a sudden message came.

From: Max

Lunch?

Napakunot naman ang noo ko. Ngayon lang ito nagpaparamdam, gusto ko na nga magtampo pero alam kung masyado itong busy. Pero bakit tila maraming oras yung aso ni Aquila eh varsity din naman yun?

To: Max

Kasama ko si Blue, were having a lunch.

"Kailan pala ang laro nila Max?" Tanong ni Blue kaya napabaling ako rito.

"I think bukas? May ellimination round pa ata," I shrugged my shoulders.

"Manonood ka?"

"Yep, baka magtampo yun."

Blue smirk teasingly at me.

"Sino ang susupportahan mo? Stan will play too,"

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Wala naman sigurong masama kung pareho ko silang supportahan diba? Total ay iisang school lang naman ang pinaglalaban nila.

"Bahala na si batman," naging saad ko na lamang. Ngunit napabaling kami parehas sa cellphone kung nag-iingay dahil sa panibagong tawag. Max's name flash in my screen kaya nakangising tinignan ako ni Blue.

"Sagutin muna, baka nagtatampo na naman yan si cap."

I mindlessly answered the phone.

"Hello?"

"Hey, saang restaurant kayo?" Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?"

There's a sudden silence for a moment before he answered.

"Tinatanong lang kita." Tapos napatikhim pa ito.

Walang pasumbaling sinabi ko kung nasaan kami pero nakakapagtaka at bigla na lang nitong pinatay ang tawag. What was that?

"Anong sabi?" Naiintrigang tanong ni Blue habang nakatitig sa akin.

"Ewan ko don, nagtatanong lang kung saan tayo kumain." Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ngumisi si Blue na tila nanunudyo. There is something in her smile that I can't pinpoint.

The waiter serve the food. Hindi din naman ako makapaghintay dahil tinatablahan na talaga ako ng gutom kaya kumain na din kami ni Blue. Nasamid ako ng nakita ko kung sino ang papalapit sa table namin.

Blue give me a glass of water na agad ko namang ininom.

"Okey ka lang?" Nagtatakang tanong ni Blue pero di ko siya nasasagot. Inubos ko ang tubig at bahagya pang inubo.

"Hey," mahinang sabi ni Max at seryosong nakatingin sa amin. Napabaling naman si Blue dito.

"Captain! Nandito ka pala. Upo ka," nangingiting sabi naman ni Blue.

Agad namang umupo sa tabi ko si Max habang nakatitig pa din sa akin. His forehead creased when he saw my face.

"Bakit parang hindi ka natutuwa na nakita ako?" Kunot noong tanong nito.

"Bakit di mo sinabi na pupunta ka?" I raised my brow as I asked him.

"I want to surprise you. Bawal?" Supladong tanong nito kaya napaawang ang labi ko. The guts of this guy, I shake my head at tinuon na lamang ang tingin sa pagkain.

Nag-order na lamang si Max habang nagpatuloy ako sa pagkain. Panakaw-nakaw naman ng tingin si Blue sa aming dalawa.

"Captain, kailan game niyo?" Tanong ni Blue kaya napabaling na din ako kay Max.

"Sa Friday na ang simula ng game namin,"

"Oras?" Tanong ko.

"Six sa hapon,"

"Ilang game captain?"

"Kung sunod-sunod ang panalo baka apat, pero hindi pa ako sure. Manonood kayo?" Max asked as he glanced at me. Napabaling din si Blue sa akin kaya napahinto ako sa aking pagkain.

"Kung makaabot kayo sa final, manonood ako," kibit-balikat na sabi ko habang napaawang naman ang labi ni Max na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"H-Hindi mo ako susuportahan?" Napakurap-kurap na tanong niya.

"Why? Nakakatamad kaya yun kung halos lahat ng laro mo nandoon ako eh talo naman pala at di nakaabot sa finals, wag na lang." Masungit na sabi ko dito na ikinatawa naman ni Blue. Nakasimangot na ang mukha ni Max habang nilagay naman ng waiter ang order niya. Hindi niya pa din tinanggal ang kanyang tingin sa akin.

"What if kung panalo hanggang finals?" His forehead creased while asking.

"Kung manalo, kaya nga sa finals lang ako manonood para isang bagsakan!" I exclaimed as I stared at him. Gusto ko na talagang matawa sa lukot na mukha ng kaibigan na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko but I stop myself for laughing.

"Fine, wag kang manood. Itatalo ko talaga lahat ng game." My eyes widen when I realized what he just said.

"Don't you dare Mark Xavier!"

He glared at me, "Dare me,"

Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kanya. Di nga? Itatalo niya? Aba't anong nakain ng gago? This is important to him! Why would he do that? Bakit napakachildish ata nito ngayon?

"Fine," nakasimangot na sabi ko. Seryoso pa din naman itong nakatingin sa akin pero may pinipigilan na itong ngiti sa labi. Binigyan ko na lamang ito ng masamang tingin.

"Don't worry captain. Magdadala kami ni Prim ng banner doon," gatong naman ni Blue na may ngisi sa labi. I also glared at her pero di man lang natinag ang kaibigan.

Buong lunch na nakasimangot ako habang nag-uusap si Blue at Max. Minsan naman sinasali ako nila pero wala talaga ako sa mood.

"Magtataxi kayo?" Tanong ni Max habang naglalakad na kami palabas ng restaurant.

Blue glanced at me habang nakatitig naman si Max sa akin.

"No need, we can manage." Malamig na sabi ko na ikinakunot ng noo nito.

"Dala mo ang sasakyan mo Asul?" Baling naman nito kay Blue. Blue blink twice before answering.

"Uhm, no..." kaya naman naguguluhan si Max habang nakatingin sa amin.

"Sabay na kayo sa akin," sabi nito habang pinapark naman ng valet ang sasakyan niya sa harap namin. He get his car keys at bumaling sa amin.

"Tara?" I shot my brow up at kinuha na din sa valet ang susi kung saan ang aking sasakyan ay nakasunod lang sa kanya.

I wave my car keys and smirked at him.

"I can manage," sabay alis sa kinatatayuan niya na ngayon ay nakaawang ang labi habang nakatanaw sa akin. Blue was tailing me at pumasok na kaming pareho sa sasakyan.

"That was freaking cool." Natatawang sabi ni Blue, "Did you saw captain's face? It was dumbfounded!" She exclaimed.

Napangisi na lamang ako while maneuvered the car. Nakatingin pa din si Max sa amin na hindi makapaniwala I beep my car then drive away.

Agad kaming nakarating sa School at pumasok na kaming pareho ni Blue. It was a peaceful discussion with our prof at natapos naman agad ang klase. But my phone was annoyingly kept on vibrating because of the messages. Nang nagmaneho na kasi ako paalis sa restaurant ay hindi tinantanan ni Max ang cellphone ko hanggang sa nakapasok na ako sa klase.

Surprisingly hindi na ito nanggugulo sa huling subject ko. The professor dismissed us kaya nag-ayos na ako ng gamit. But the sudden commotion of girls in my class did catch my attention.

"Anong meron?" Naguguluhang tanong ko kay Blue na ngayon ay nagliligpit na din ng gamit.

"Oh? Nasa labas kasi si Captain," napaawang naman ang labi ko dahil sa narinig.

"Hey girls, nasa loob ba si Priscela?" Ryder's voice echoed in the hallway na nakapag-estatwa sa akin. Anong ginagawa nila rito?

"Uhm, oo, nasa loob pa."

"Captain nasa loob pa daw, ang tagal naman ng chics mo."

"Mukhang hinahanap ka ni Captain. May ginawa ka?" Tanong ni Blue na hindi ko masagot kasi wala naman kasi akung ka-alam alam kung bakit ako hinahanap ni Max.

"I don't know, puntahan ko lang," tumango na lamang si Blue at sumama na sa akin sa paglabas. I saw Max standing there while crossing his arms. Nakasuot ito ng jersey at kasama nito si Ryder at Lucas. Anong ginagawa nila rito?

"Prim! Finally, babae nga naman oh ang tagal." Saad ni Ryder na hindi ko pinansin. Max stared seriously at me kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko dito kay Captain at basta basta nalang umalis eh may practice pa kami," si Ryder.

"Can I talk to you?" Saad ni Max, naguguluhan man ay tumango ako. Lumayo ito sa mga kasama kaya sinundan ko na lamang ito, nakikita naman nila kami but the distance is enough for us to talk privately.

"What is it?" Inunahan ko na siya kaya napahinto na ito at seryosong nakatingin sa akin.

"Kailan ka pa natutong magdrive?" Napakurap-kurap naman ako sa kanyang tanong. Yun lang? Kaya niya gustong makipag-usap dahil tinatanong lang niya kung kailan lang ako natutong magdrive?

"Matagal na, bakit?"

I saw how his forehead creased in confusion.

"Alam ni Tito?"

"Yes of course. Bakit ba?"

"Pinayagan ka?" His surprisingly annoying.

"Magdadala ba ako ng kotse kung hindi?" Taas kilay'ng tanong ko sa kanya.

Napahinto naman ito at napabuntong-hininga.

"May lisensya ka na?" Napairap na lang ako ng wala sa oras.

"Yes, so don't worry." I sarcastically replied. Ngayon naman hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butse nito. Why is he asking me?

"Yun lang ba?" Masungit na tanong ko dito.

"So I can't drive you anymore," bumubulong-bulong na sabi nito na ikinakunot ng noo ko dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinabi.

"Ano?" Kaya napabaling naman ito sa akin. Para itong bata na nakasimangot.

"Wala, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Eyes on the road, and--" I hushed him with my hands kaya kunot noong nakatingin na ito sa akin ngayon.

"I know, I know. No need to remind me okay? You're like my Dad," I scowled.

He sighed. "Nag-aalala lang ako okey? This is the first time I heard you drive a car." Seryosong sabi nito habang nakatitig sa akin. Something stir in the pit of my stomach but I didn't bother to acknowledge it.

"I'm not a kid Max. Malaki na ako, I can take care of myself. Don't worry," saad ko na lamang dito. Wala itong nagawa kundi napatango na lang.

"May practice ka pa diba?" Tanong ko dito sabay baling kina Ryder kaya napabaling naman ito sa kasamahan.

Blue was smirking, Lucas was seriously looking at us, while Ryder was smiling widely at bahagya pang ikinaway ang kamay.

"Yeah, kailangan ko na palang pumunta," saad nito at binalik ang tingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya dahil halata pa din sa mukha nito na hindi pa rin makapaniwala.

"Good luck sa practice, uuwi na kami ni Blue dahil ihahatid ko pa ito." Sabi ko naman na mas lalong ikina-kunot ng noo nito.

"That's far," komento nito.

"I told you I can manage," I rolled my eyes at him.

"Fine, alis na kami." He sighed in defeat kaya malaki na ang ngisi na nakaplaster sa aking mukha at sabay na kaming pumanhik pabalik sa kanyang mga kasama.

"Kayo na ulit captain?" Ryder asked while smiling.

Napasimangot na lamang ako dito habang napatikhim na lang din si Max.

"Shut up Ortega, tara na." Matigas na utos nito at bumaling sa akin.

"Text me,"

I nodded habang napasipol naman si Ryder at nauna nang naglakad paalis at kinaladkad si Lucas. Kumaway na lamang ako sa kanila at tinanaw ang kanilang papalayong bulto.

"Tara?" Tanong ko kay Blue kaya umalis na din kami doon at pumunta sa parking lot. We went to my car at agad na kaming umalis sa campus.

The Mckeena's residence is a bit far from our house pero okey lang naman. Busy lang si Blue sa pagkalikot sa kanyang cellphone habang pinapatugtug ang stereo. Kalaunan din ay naihatid ko si Blue, ito palang ang mahaba-habang na-idrive ko so far. Blue bid a good bye at umalis na ako doon. Though inalok niya pa ako na pumasok pero nagpaalam na ako.

I drived safely until I reached our house. Nandito na ang kotse ni Aquila kaya pinark ko na ang aking sasakyan. Wala sina Dad dahil mukhang nasa kompanya pa lang. I went to the kitchen at nakita doon ang kambal na stress na stress habang nakatitig sa kanyang baso.

"Quine? Are you okey?" Tila parang nagulat ito at napatingin sa akin.

"I-I'm fine, bakit ngayon ka lang?" Nagtataka man sa inakto ng kambal ay binalewala ko iyon.

"Ah, hinatid ko pa si Blue sa kanila." Tumango na lamang ito. I observe her pero parang wala namang kakaiba sa kanya. Napaparanoid lang ata ako.

"Sigurado ka bang okey ka lang?"

"Yeah, don't worry Prim."

She smiled to assure me. But deep inside I know there is something wrong. I can tell, its like a twin instinct dahil magkadugtong kami ay tila parang may nararamdaman akung hindi maganda. Pero sabi niya ay wala kaya pinaniniwalaan ko na lang at nagpaalam na na pumunta sa kwarto.