Chapter 21

Chapter 21

"Go Campbell! Go Campbell!" Sigaw ng mga kasama ko nang nagsimula na ang laro. Hanggang ngayon hindi pa din aware si Max na nandito ako at nanonood. First quarter pa lang ay nangunguna na ang aming team kaya mas lalong nag-iingay ang mga kasama ko.

"Three points from number 15, Rivera!" Napahiyaw naman ako ng nakashoot si Stan. Shit ang cool niya talaga. Kahit pinagpapawisan na ito ay sobrang gwapo pa rin.

Nasa kabilang team ang bola, even though magaling ang kabilang team ay parang ang easy lang ito para kay Max. He still wears a stoic face while facing the opponents. Hanggang ngayon hindi ko pa ito nakikitang nagsho-shoot. Madalas niyang ginagawa sa first quarter ay pinapasa ang bola.

Shit? Wag mong sabihin na totohanin niya na itatalo ang team? Pero impossible! Nangunguna na nga kami oh dahil ang galing ng mga kasama niya.

Napailing na lang ako sa aking naisip. What the hell Scavien, may topak ka talaga siguro.

"Anong problema ni Captain? Kanina pa yan nagpapasa ng bola ah?" Naguguluhang tanong ng mga kasama ko. Habang kami namang dalawa ni Blue ay tahimik lang din na nanonood sa laro.

"Baka nagchi-chill lang yan. Pieace of cake lang siguro para sa kanya ang laro kaya ganyan."

"Iba talaga trip eh, dibale road to final round tayo," at naghagikhikan sila.

"Tahimik ka diyan?" Blue nudge her elbow at me kaya napabaling ako dito.

"Nothing, focus lang sa game," I said as I shrugged my shoulders. Binalik ko ang aking tingin sa court. Its the end of first quarter kaya nagbreak pa sila.

"Alam ba ni captain na nandito ka?"bulong ni Blue. Our team's coach was giving command seriously. I observe them, Stan was listening intently while Max, I sighed. Well, he was listening pero pasulyap-sulyap ito sa kanyang cellphone. He was bothered though.

"Hoy gaga, anong sinabi mo kay captain? Mukhang distracted!" Bulong-bulong ni Blue sa akin kaya napilitan akong bumaling sa kanya. Her forehead creased when she saw my grin.

"What?"

"Wag mo akong ma what-what! Narinig ko ang usapan niyo nung nakaraan. Pano kung totohanin niyan?" Blue glared at me.

I chuckled at her, "Don't worry, may tiwala naman ako diyan. Ang sabi ko ay may ginawa pa ako sa classroom, catch up na lang ako." Then I shrugged my shoulders.

Blue's lips parted a little tila hindi makapaniwala sa aking ginawa. What? Anong masama doon? Napatawa na lang ako.

"You're a bitch," she mumbled.

Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. Sabay kaming napabaling sa bitbit nitong cellphone nang tumunog ito. My eyes widen when I saw Max's name flash in the screen. Taas kilay'ng tinignan naman ako ni Blue.

"Alam mo, pasalamat ka at kaibigan kita." She hissed then put back the phone inside the bag after nitong ni silent mode. Mas lumaki tuloy ang ngisi ko sa kanyang ginawa.

"Thank you, my friend."

She just scoffed at me. Napabaling tuloy ako ulit sa court. Nakaupo na si Max sa isa sa mga bleachers doon kasama si coach at tila may sinasabi ito kay Max.

"Shit mukhang napagalitan pa ata," bulong ko.

"This is your fault."

Hindi ko na pinansin si Blue at nakatitig lang doon. Nagsimula na ang second quarter, tila ang lamya na ngayon ni Max. I also saw Stan, nang nakuha sa kanya ang bola ay huminto ito at hindi humabol. He was panting and his face crumpled.

Para namang walang nakapansin sa mga kasama ko ng tinignan ko sila. Masyado silang focus sa naganap habang nakatitig naman ako kay Stan na humabol na sa team. Something is wrong.

Natapos ang second quarter mas lamang ng walong puntos ang kabilang team. Ngayon parang stress na stress ang mukha ng coach namin. The players was panting heavily kahit sina Lucas at Ryder. No more playful aura you can sense in Ryder. Seryoso na ito ngayon habang nakikinig sa coach nila. Hindi ko alam na kaya pa palang magseryoso nitong lalaking 'to. Don't blame me, he always have this playful aura.

"Shit, totohanin talaga 'yon ni captain?" There's a bit apprehension in Blue's tone while staring at the players. Hindi mo alam kung ano ang nasa isip ni Max sapagkat blanko lamang ito habang nakikinig kay coach.

"Prim! Pag tayo matatalo kakalbohin talaga kita," Blue hissed at me while glaring. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang totohanin ata ng mukong. Damn you Scavien!

Parang wala lang si Max habang nagpupunas ito ng pawis while listening to his coach. Parang hindi malaki ang problema eh nanlalamang ang kalaban lalo na kung hindi sila babawi.

The third quarter started and nasa kabilang team ang bola. We shouted the name of our school while looking intently at the court. Naghihiyaw na kami ng naagaw ni Lucas ang bola.

"Ayusin mo Tyson!" Sigaw ni Blue na tila galit na galit sa mundo. Hindi ko tuloy maiwasang napatingin sa kanya, her face was serious though while watching the game, so I shrugged the thought off.

Mas lalong naghiyawan ng nasa kamay na ni Max ang bola, hindi ko alam kung papairalin niyang ipapasa na naman ang bola.

"Prim, makisigaw ka naman ng matauhan yan," Saad ni Blue.

Nakikitayo na din ako sa bleachers habang nanonood. Max dribbled the ball while watching his opponent.

"Go Scavien! Kakalbuhin talaga kita pagnatalo tayo!" Sigaw ko na din na ikinatawa ng mga nakarinig na kasama ko.

Blue smirked too while nudging her elbows at me. The crowd was hype when Max shoot the ball.

"Three points from 23, Scavien!"

Nagtatalon kami sa tuwa habang parang demonyo na natawa si Blue.

"Shit! Lakas maka lucky charm kay captain eh," she said while grinning.

Napabaling na din ako sa court. My eyes blink when Max gaze at me, naestatwa tuloy ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. He was running though, my forehead creased when a smug smirk plastered in his face.

"Mukhang good mood na," bulong naman ni Blue.

We are in hyped when the third quarter finished. Lamang na kami sa kalaban ng limang puntos. Naka-apat si Max ng three points kaya pinipeste ako ni Blue habang may malaking ngiti ito sa labi.

"Sabi ng ikaw ang lucky charm eh," I just rolled my eyes at her.

The team was having their meeting again with the coach habang si Max din naman ay nakikinig. My phone beep and a new message came.

From: Max

Your Late.

Napangisi na lamang ako.

To: Max

Focus on the game. Kakalbuhin kita pag natalo tayo.

From: Max

Aye, aye captain.

Hindi na din ako nagreply dahil sinaway na ito ng coach nila, kahit nasa malayo ako ay kitang-kita ko ang masamang tingin na natatanggap ni Max galing sa kanilang coach pero tila parang wala lang iyon kay Max. What an arrogant specie.

Agad naghiyawan ang crowd nang nagsimula na ang fourth quarter. Ramdam mo ang tension at ang adrenaline rush ng mga players. Seryoso na itong masyado lalo na at tila bumabawi ang kabilang team.

Seryoso na ding nanonood ang mga kasama ko when we saw the score. Pareho na kami at ang kabilang team ng score na mas lalong ikinakaba naming lahat. Pero kahit ganun, on hype pa naman ang mga kasama ko habang nagchecheer.

We are watching the game intently, nasa kamay ng kalaban ang bola. Mas lalo ata akung kinabahan but grateful when Ryder manage to get the ball. Halos kaming lahat ay tumayo na at napabaling doon. We shouted for joy when Ryder shoot two points, ibig sabihin ay lamang na kami. But then hindi iyon hinayaan ng kalaban, they manage to shoot three points and there is one minute left.

Tumawag kami ng time-out. The coach gave them commands at seryoso na ang lahat. Kahit mga kasama ko ay kinakabahan na din.

"Shit, bakit gusto parin kitang kalbuhin? Ugh," nafu-frustrate na sabi ni Blue sa akin na ikinasimangot ko.

"What did I do?"

"You knew what you did." She rolled her eyes.

"Hindi ko naman kasi alam na totohanin niya."

"Well, now you know."

Napanguso na lang ako sa pagmamaldita ng kaibigan alam kung masungit ito eh pero di pa din ako nasasanay.

Nagsimula na ulit ang laro. My heart pound faster for the fact na maaaring matalo nga kami. Dapat sunod-sunod na yung pagkapanalo eh.

Nasa amin ang bola, one of Max's teammate dribbled the ball habang tumatakbo pagkatapos ay ipinasa kay Lucas. We are currently standing while watching, lahat ata kami ay focus na focus sa game.

Lucas dribbled the ball and able to passed the opponent. He passed the ball towards Ryder, kunot noong nakatitig ako sa aso ni Aquila. Seryoso naman ito habang dini-dribble ang bola. Agad niya itong ipinasa kay Max kaya di ko na mapigilang kabahan.

Alam kung magaling si Max pero shit, kinakabahan pa din talaga ako. Naghiyawan na ang mga nanood. Max effortlessly shoot the ball na ikinahiyaw na naming lahat.

"Three points from 23, Scavien!"

Blue also shouted habang nagpatuloy pa din ang laro. Sabay sabay na tuloy kaming nakikisigaw ng 'Defend' eh.

"Defend! Defend! Defend!" They need to buy time. There are only twenty seconds left.

Nasa kamay ng kalaban ang bola. Tumatakbo na sila patungo sa kabilang ring, when the player aiming to shoot the ball, Stan block it at agad nagbuzzer.

Agad din kaming nagtatalon sa tuwa. Blue was shouting too at kaming lahat na nasa aking banda was on hyped. They declared the winner at kami iyon. Lahat ng aking nga kasama ay nagsasaya pero nakatuon ang aking mata kay Stan na nakalugmok sa sahig ng court habang nakahawak sa kanyang kaliwang paa.

His face was crumpled like he was enduring some excruciating pain in his feet. Dinaluhan agad ito ng mga kasama kaya napansin nila ang crowd na nasa court. My classmates also went into silence while watching the court.

"Hala? Anong nangyari?"

"Si Rivera ba yan? Hala shit? Anong nangyari?"

Kahit ako ay naguguluhan. Malakas ang tibok ng puso ko, I know there is something wrong with him earlier pero naglalaro pa din ito. Mas lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko when medics came in bringing a stretcher. Nagkakagulo na ang mga tao habang nakatingin sa court.

"Blue, puntahan natin," kinakabahang sabi ko.

"Okey," agad din akung sinamahan ni Blue para bumaba patungo sa court. The medics carefully put Stan in the stretcher. He was panting heavily as he close his eyes. Pain is visible in his face.

Nang nasa court na kami ay dinala na papalayo si Stan habang nakatanaw na lamang ako doon kasama ang ibang tao doon. Blue put a hand in my shoulder pero hindi ko iyon binalingan, I want to check if Stan was alright but then hindi ako hinayaan ni Blue.

"Deretso na yun sa hospital, 'wag ka nang mag-alala. Mas mabuti pa magpahinga ka na baka pagalitan ka ni Tito. We will check him tomorrow if you want, kung hindi pa siya makakalabas." Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Blue.

My mind was in chaos and the end of my eyes sting. The pain in Stan's face was still vivid in my mind.

"Prim," a baritone voice called me kaya napabaling ako doon. Max face was blank as he stared at me. My lips tilt downward as I face him, he sighed and open his arms wide.

Hindi ko na napigilang pumunta sa kanya at yumakap. I sob as I hugged him tightly, worry filled my system. Panalo nga kami pero may nasaktan naman.

"Hey, Its okey... he'll be fine." He said gently as he stroke my back, soothing me.

Kahit pawis na pawis siya but I didn't mind it. Tumulo lang ang aking luha at tahimik na lamang na umiyak sa kanyang dibdib habang niyakap niya pa rin ako.

Lumayo na ako sa kanya at pinahid ang luha sa aking mukha. His face soften when he watch me and I saw something glisten in his eyes. I can't really determine what is it but I think I saw sadness and pain.

Nag-aalala din ba siya kay Stan? But he hate stan, but then, his also a teammate kaya siguro nalulungkot ito at nasasaktan para kay Stan.

"Magiging okey din siya, stop crying. Namumula na ang ilong mo," saad nito at nilagay ang aking buhok sa likod ng aking tenga. I can sense pain in his voice pero binalewala ko iyon.

"P-Pwede ba tayong pumunta sa hospital? To check him?" My voice was hoarsed. He was silent for a moment as he stared at me intently. Kalaunan ay bumuntong-hininga ito.

"What about your curfew? I can check him if you want then I'll give you a call."

Napaisip naman ako doon. I look at my watch and its almost nine. I didn't even eat dinner, ni hindi ko naramdaman ang gutom habang nanonood. Lalo na sa nangyari ngayon, wala akung ganang kumain.

"Ahm... okey, give me a call." Napatango naman ito. Blue went to us then congratulate Max, ngumiti lamang si Max dito at binalik na agad sa akin ang atensyon.

"Dala mo kotse mo?"

"Oo, kasama ko si Blue." He nodded.

"Ingat sa pagmamaneho okey? Text me kapag nasa bahay ka na."

I nodded at him. Tinawag na ito ng kanilang coach kaya nagpaalam na ito sa akin. Bumaling naman si Blue.

"Tara?" Ngumiti na ito kaya tumango ako.

Alam kung masaya ang mga kasamahan ko sa resulta ng laro ngunit hindi din maiwasang malungkot at mag-alala lalo na't may nadisgrasyang player. I sighed while gazing at nowhere. I hope Stan we'll be fine.