It's been ten years.
Algid as ice.
Ruthless as sword.
Punish like a fearless rapscallion.
No mercy, no pity.
I need to run out of this place.
Running is the only way to escape.
If you can't run, you will be killed.
If you can't kill, you will be the one who killed.
This was a life of an Assassin.
***
Hindi pa man tumitirik ang sikat ng araw, babad na babad na siya sa panunuod ng telebisyon. Tanging tunog lamang nito ang nangingibabaw sa loob ng kanilang tahanan. Kasalukuyan siyang nanunuod ng Adventure Time kasama ang nakababatang kapatid na hindi naman mapakali sa pwesto at kung ano-ano ang kinakalikot.
"Bunder, ibaba mo nga 'yang remote! 'Pag 'yan nasira isusumbong kita kay Mama!" bulyaw niya sa apat na taong gulang na kapatid at tatawa-tawa pang pinagmamasdan ang remote control. Siyam na taong gulang pa lamang siya, natural na pumapatol sa bata dahil sa napakaikling pasensya.
"Nyenye, ang pangit mo," singhal din nito saka siya pinandilatan at binelatan.
"Agang-aga, Katarina—Voughnder. Bakit nagsisigawan kayo d'yan ha?" saway ng kanilang ina nang marinig ang argumento ng mga anak. Abala siya sa kanilang kusina sa paghahanda ng kanilang almusal.
Padabog siyang tumayo sa kinauupuan sa pag-aakalang siya na naman ang pinagbibintangan ng ina na nagsimula ng asaran sa kanilang magkapatid. Kasabay nito ang aksidenteng pagkapindot ng bata sa remote control mula TV sa DVD. Bumungad sa dalawa ang maaksyong bakbakan mula sa pelikulang Ninja Assassin. Mukhang hindi napatay ng kanilang ama ang DVD player, isip nito.
Sa inis niya, busangot nitong nilapitan ang kapatid. Ngunit sa bawat paghakbang na kaniyang ginagawa, tila bumagal ang paggalaw ng mga bagay sa paligid. Narinig niya ang sunod-sunod na harurot ng kotse sa labas na mukhang nagsitigil sa tapat ng kanilang bahay.
"Katherine!!!" sigaw ng kanilang ama mula sa labas na nagdidilig at naglilinis ng kanilang kotse.
Bang! Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Marahas na bumukas ang pinto ng kanilang bahay. Pumasok ang kaniyang ama na duguan at may tama ng baril sa kanang balikat. Nanlaki ang mga mata ni Katarina sa gulat. Hindi niya magawang makagalaw. Maski ang kanyang paghinga ay pigil niya. Mula sa kusina, patakbong nagtungo ang ina sa sala.
"W-what happened? I t-thought everything is f-fine. I'm s-sorry, Gabriel," nangangatal na usal ni Katherine sa asawa. Bakas na bakas ang takot sa kanyang mga mata. Hindi siya natatakot para sa sarili niya kundi para sa mga anak niya. Tiningnan niya ang mga ito. Nakatitig lamang ang panganay niyang anak sa kanila, gulat na gulat sa mga pangyayari. Ibinalik niya ang paningin sa asawa. Hindi man lang niya ito kinakikitaan ng takot.
"Palagi akong handa sa mga mangyayari, Katherine. Hindi ko lang inaasahan na ngayon na pala tutuldukan ang ating tinatamasang kapayapaan at katahimikan," ngiting sambit nito. Hindi man lang nito iniinda ang natamong tama sa balikat.
"H-hindi pwedeng magwakas tayo ng ganito na lang. Labing limang taon..." pilit na pinakalma ni Katherine ang sarili. "We will fight against them. I don't give a damn who they are. Have you forgotten who we are?"
Hinalikan ni Gabriel ang asawa. Hinihiling nito sa isip na sana hindi pa ito ang huling pagkakataon na magagawa niya ito.
"That's my woman. Go upstairs. Let's give them a shot."
Papaakyat na sana sa taas si Katherine upang kumuha ng mga sandata nang biglang pumasok ang isa, dalawa—pitong lalaking naka-tuxedo. Ang isa ay may suot na black fedora hat kung kaya't hindi matanaw ang kabuuan ng mukha nito. Hindi na niya nagawang makaakyat pa dahil isang bala sng bumaon sa kanyang binti, sanhi upang bumagsak siya sa malamig na sahig. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari.
"Goddamnit!" Katherine shouted. Hindi man lang niya nahuli ang galaw na 'yon. Isang tao lang ang pumapasok sa isip niya ngayon. Pinilit niyang tumayo ngunit bumagsak lang ulit siya sa sahig.
Hindi makapaniwala si Katarina sa nasaksihan. Nangingilid na ang kanyang luha. Wala namang kamuwang-muwang si Voughnder sa nangyayari dahil manghang-mangha siya sa nakikitang aksyon sa telebisyon. Walang imik siyang lumapit sa mga estranghero at hinarap ang naka-fedora hat na mukhang kanilang pinuno.
"Katarina!" pigil ni Gabriel sa anak. Tatangka sana siyang lumapit subalit tulad ng kanyang asawa, walang habas din siyang pinaputukan sa binti.
"W-who are you, sir?" nahihikbing tanong ni Katarina.
Umupo ang estranghero sa harapan niya. Inalis ng niya ang suot niyang fedora. Siniyasat niya ang mukha ng bata saka mariin na hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Wala pa rin siyang imik. Ang kanina pang nangingilid na luha sa kanyang mga mata ay tuluyan ng kumawala.
Nanlilisik na tumingin ang estranghero taliwas sa direksyon niya. "Did you miss me, Gabriel?"
"F-Ferreiro..." gulat na sabi ni Gabriel.
Nagpakawala siya ng nakakatakot na tawa. Walang pakundangan nitong tinutukan ng baril sa sentido si Katarina. Ngumiti ito ng nakakaloko.
"It's been a long time, my old friend. I didn't expect that you two would have a beautiful and brave daughter," ibinalik nito ang paningin kay Katarina. "But sad to say little girl, it's my payback time."
"Don't listen to him! He's insane, anak!" galit subalit bakas ang takot sa sambit ni Katherine.
"Mama!" si Voughnder na natauhan na sa pinapanuod at tumakbo sa kanyang ina.
"What do you want, Hades?" tanong ni Gabriel.
Hindi ito sumagot. Inilapag niya sa sahig ang hawak niyang sumbrero. Nakatutok pa rin ang baril sa sentido ni Katarina. May kinuha si Hades sa bulsa niya. Sa isang iglap, bumagsak si Katarina sa sahig. Tila naparalisa siya ng turukan siya ng kung anong kemikal sa leeg nito.
"Let your brave daughter sleep," humalakhak na naman ito sabay tayo.
Susugod sana si Gabriel pero mabilis na nakalapit sa kanya si Hades at siya namang tinutukan nito sa sentido.
"One wrong fucking move, I'll rip your head off using this gun! I trusted you before my old friend! But you and Adam were both a piece of shit!"
Tumawa ng mapakla si Gabriel. "Inaasahan ko na darating ang araw na ito. Subalit ni hindi mo ako kakikitaan ng ni katiting na pagsisisi, Hades," ngumisi siya ng nakakaasar. "I'll never regret the fifteen fucking years with Katherine after you had an affair with Adam's goddamn fiancee! I saved her from you!" Gabriel said it proudly.
"I'm taking back what's mine, Gabriel."
"What's yours? She became yours once but she's mine forevermore."
Dahil hindi nakapagpigil si Hades sa nararamdamang galit, hinampas niya sa ulo si Gabriel gamit ang baril niya. Bumagsak ito ngunit 'di naman nawalan ng malay.
"Take Katherine and the little boy," utos ni Hades sa mga tauhan niya.
"Let me go! Ano ba?! Bakit hindi ka na lang manahimik, Hades?!" pagpupumiglas nito sa dalawang tauhan na pilit siyang kinukuha. "Don't you dare to touch my son!"
Tinadyakan niya ang dalawang lalaki sa parteng labis niyang pinagsisihan. Tumakbo siya sa direksyon ng anak subalit pakiramdam niya ay bigla siyang naparalisa at unti-unti ng nawalan ng malay. Ganoon din ang nangyari kay Voughnder. Hindi namalayan ni Katherine na sa kanyang pagpupumiglas ay tinurukan din siya ng kung anong kemikal, gaya ng tinurok kay Katarina.
Binitbit ng mga tauhan ang walang malay na mag-ina palabas ng bahay. Nagsilabasan na rin ang iba pa. Naiwan si Hades upang harapin at pinag-iisipan niya kung papaslangin niya ba ang dating kaibigan o hindi.
"Pakawalan mo ang mag-ina ko! Hayop ka!"
Hahabulin pa sana ni Gabriel ang mag-ina niya subalit pinatamaan na naman siya ni Hades. Sa pagkakataong ito, sa kanang dibdib na.
***
"Herondale's residence. I want to check something," utos ng lalaki sa kanyang driver na agad namang pinaandar ang kotse.
Trenta minutos na ang lumipas ng makarating sila sa tahanan ng mga ito. Mukhang inasahan na rin ng estranghero na ganito ang madadatnan niya. Nakita niya ang nakahandusay na si Katarina na wala pa ring malay tao. Naglakad pa siya ng kaunti at namataan naman niya ang duguang katawan ni Gabriel na humihinga pa rin kahit papaano.
"F-Fray..." pilit sambit ni Gabriel.
"Poor, Gabriel," ngisi nito. "Nothing is free nowadays. Everything has to be paid for. For every life, a death. If you didn't save that bitch a decade ago, your life was peaceful as dove."
"I-in the n-name of l-love, w-we should k-know how t-to sacri-fice t-tough t-there's an e-exchange—even our lives... I'll go with it..." umubo ito kasabay ng pagsuka na niya ng dugo. "I-I c-can't b-blame y-you nor H-Hades... W-we a-all k-know y-you a-are..." naputol ang sasabihin niya ng sumuka na naman siya ng dugo. "...the r-root of t-these c-chaos."
"Why are you still breathing?" bored na tanong nito.
"I a-asked y-you the same q-question... W-why a-are you still breathing? Don't you? What a waste, Adam. Your whole life was a waste!" pilit na maituwid na sabi niya. Tumawa na naman siya ng mapakla.
Nagtagis ang mga bagang ni Adam. Sa galit na nadarama at ayaw na rin niyang makitang may naghihingalo, tinadtad niya ng bala ang ulo ni Gabriel na halos magkadurog-durog na at hindi makilala.
Matapos niyang gawin iyon, nagkamalay naman si Katarina. Itinago niya ang kanyang baril sa kanyang likuran. Hinarap niya ang bata na kababangon lamang.
"Who art thou? Are you here to save us? Where's my Mama and Papa?" sunod-sunod na tanong nito sa kabila ng pag-iyak.
"Your Dad? He's here. But sad to say, he just killed by Hades Ferreiro. Your Mom? She's abducted by Hades with your young brother," patay malisyang sagot nito.
"How did you know those?"
"They left because of me. I tried to defend y'all because I'm your Dad's best friend. Because I'm only one, I apologize that I didn't save your mom and your brother. And I just saw your dad in that kind of inhumane situation."
Lalapit sana siya sa bangkay ng ama ngunit hinarang siya ni Adam. Lumuhod siya sa harapan niya at tiningnan ang luhaang mata ng bata. "Don't look at him," pigil nito. "Hindi mo magugustuhan ang makikita mo, iha."
Siniyasat niya ang mukha ng bata. Walang ekspresyon ang mga mata nito. Ni wala siyang makitang takot, galit o poot. Napakahirap niyang basahin, na pabor naman kay Adam.
"You want to kill Hades Ferreiro and his whole clan because of what he did?" tanong ni Adam sa kanya na tila ba isang normal na usapan.
Nangunot ang noo niya sa kanyang narinig. How can I do that? I'm just an innocent kid. I can't do it. I can't kill. I'm not a monster and a devil!
Sa oras na iyon, nabasa ni Adam ang naglalaro sa isipan niya. Bahagya siyang napangisi. Ang laki namang tanga ni Hades at iniwan niya ang walang kwentang paslit na ito, isip niya. Ngayong napasakamay niya ang bata, magagamit niya itong alas sa larong matagal na niyang nais mapagtagumpayan.
"Trust me. Justice is not blind if you will use your two little bare hands to find it out, young demoiselle. I pledge that you will be algid as ice and ruthless as sword. I will guide you how to punish like a fearless rapscallion, with no mercy and pity," hinawakan ni Adam ang dalawa niyang kamay.
"Katana..."