CHAPTER 7

CHAIN ALEZEIR

Kinabukasan maagang kaming nagising lahat. Trip daw nilang maligo sa falls na malapit sa bahay nila Aki. 30 minutes walk away from this vacation house kaya naghanda na kami ng dadalhin. We brought foods, drinks, charcoal para pangluto.

Maghapon daw kami don eh. Oh diba eggsiting.

Umalis na kami ng bahay at naglakad na papuntang 'Santiago's falls' yon daw ang name ng naturang falls. Si Grae at Drean ang nagpapakahirap sa pagbibitbit sa lahat ng gamit namin. Pinabuhat sa kanila lahat ni Alki kaya nawalan sila ng angal.  Mainit kasi ang ulo ng isang yon kaya di na naka imik ang dalawa.

Nakucurious ako kung anong nangyari sa kanila ni Drean. Di kasi sila nagsasalita at ang aga pang mainit ang ulo ni Alki? Kawawa tuloy si Drean nadamay tuloy si Grae.

The fuckin' wrat of Alki, ang bitch mode naka on.

Maganda ang panahon, maaga pa naman kaya hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw. Safe pa sa skin namin. May kanya kanya kaming mundo habang naglalakad papuntang falls.

Si Drean at Grae business stuff ang pinaguusapan. Si Aki at Aimie naman about sa trend na damit ngayon at ang nag aalburotong si Alki nandon sya ang  pinaka huling naglalakad.

Ako naman busy kaka take ng videos and photos namin and sa surrounding. Maraming subjects kaya naman enjoy na enjoy ako sa walkathon naming to.

Inayos ko ang camera sa tripod "Guys! Lets take a Groufie, Pose na!"

Tinimer ko naman ang camera at tumakbo na palapit sa kanila na reading ready na ang pose at sunod sunod ng nag flash ang DSLR ko.

Tiningnan ko naman ang photo. Nice. Mukha kaming mga tanga. Pero masaya, si Alki lang yata ang pauso samin eh. Siya lang ang nakasimangot. Siya pa naman ang nasa gitna. Mukha tuloy siyang napipilitan habang kaming lahat ang lapad ng ngisi.

Mas lumaki ang ngisi ko nong nakita ko na ang karatulang 'Welcome to Santiago's falls'. Na excite ako bigla kaya nilingon ko sila. Ang babagal kasing maglakad.

"Guys bilisan nyo nandito na tayo!" I shouted in glee at tumakbo na ako papuntang falls.

Napanganga tuloy ako sa ganda ng falls. Ang taas ng pinaka peak ng talon at ang lakas ng bumubulusong tubig at bumagsak sa napaka linis at crystal blue na tubig sa pinakababa kung san pede kang maligo at magtampisaw. Nagsidatingan narin sila Drean at ang iba pa. Katulad ko namangha din sila sa ganda ng Talon.

Kaya naman as a photographer nagkaroon kami ng instant photoshoot. Lahat sila gustong may souvenir sa falls kaya kanya kanya silang angle, pose at emote sa harap ng camera ko.

Mag fe-feeling mowdels daw sila.

"Oy ano yan Grae? Hindi ko pina payagan ang malalaswang larawan sa camera ko!" Sigaw ko kay Grae na naghuhubad na ngayon.

Ngumisi lang ito at tinuloy ang paghuhubad ng damit. "Tsk. Ano ka ba naman Chain. Shinishowcase ko lang ang kagandahang lalaki ko. Oh dali na. Take a photo of me at ng ma post ko na sa instagram."

Natawa nalang ako. Grabe talaga ang pagsamba sa sariling kagawapuhan neto.

"Mukha kang tanga!" Ako.

"Dati pa." si Alki ang sumigaw niyan.

Natatawa kong sumigaw sa kanya at sinumulan na ang pag take ng shots. Gwapo si Grae sa camera kaya nagmu-mukha etong isa sa Greek Gods ng Forest at tinatanaw ang napakalapad na kaharian. Kung ano anong pose ang ginagawa nya at tawa lang kami ng tawa.

Isa rin tong certified self vain eh. Lulong sa self proclaimed ng kagwapuhan.

"Oh tama na to. Mukha mo na lang yata ang laman ko sa camera ko." Saway ko sa kanya na panay parin ang pose nito. May future na model tong si Grae addict sa flash ng camera.

Natigilan naman ito "Tsk. Isa pa Chain. Hindi ko pa na nagagawa ang pinaka final pose ko. Last na lang." Pagmamaka awa nito.

Tsk. "Oo na. Oh hanap ka na ng background." Napipilitan kong sagot sa kanya.

Luminga-linga muna ito sa paligid na tila may hinahanap.Ilang sandali pa, Nakangiti itong lumapit kay Aime at hinila ito sa papunta sa may malapit sa falls.

Maganda yong background, lumalagpas ang rays ng sun sa mga siwang sa puno at mas nakaka dagdag ng enchanting effect sa camera. Ang falls at ang mga ibong lumipad at ang mga puno at mga naglalakihang mga bato at ang crystal clear water na tila dyamanteng kumikinang sa sikat ng araw. Splendid!

Nag approved sign ako kay Grae. Ready na ang camera ko. "Oh dali na. At ginugutom nyo na ako"

Natatawa namang naki join si Aimie sa harap ng camera nang magsimula ng mag pose si Grae. May naka hug, talikod, may hinahabol, may naka upo, may nagkikiss, may naka wacky at iba pang pose na maisipan nila.

Ang isang shot ay tila naging prenup photos na ng dalawa na may Forest theme na background. May future tong dalawang to.

Hanggang sa lumuhod na si Grae. My forehead knotted. "Wait lang guys. Stop muna ang landian este ang kakapose nyo. Lowbat na ang camera ko. Kukunin ko ang isa." Pigil ko sa kanila at hinalughog na ang dala kong bag.

Gotcha! May pa surprise yata si lolo. Nilagay ko muna ang lowbat kong DSLR sa tripod malapit sa pwesto nila Grae. Binuting ting ko muna bago bumalik sa pwesto ko.

"Oh game. Landi na ulit!" Sigaw ko sa kanila na ikinatawa nila Drean at Aki na nag iihaw na ngayon ng ulam namin para pananghalian.

Ngumisi naman si Grae at lumuhod ito sa harap ni Aimie. Pauso nito? Shot lang ako ng shot hangang sa may dinukot na sa bulsa si Grae. Lumaki lalo ang ngisi ko. Lumapit ako sa kanila. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Aimie pagkakita nya sa laman ng box.

A ring. An elegant black diamond ring. I knew it!

Ngumisi si Grae ng makita nyang naluluha si Aimie habang nakamasid sakanya. After he gathered all of his strength, he stared lovingly at Aimie and confess his undying love with her.

"Aimie baby, You and I stayed together for a year. I know this is too early but Im very sure to myself  that I love you so fucking much and I visualized myself to be with you for the couple of years until we are old and gray" he paused.

"and living w-without you seems to be the biggest mistake I will do in my entire life. So I want to keep you for the rest of my life and spend each day with so much love and happiness with you." Grae paused again. Hinawakan pa nito ang kamay ni Aimie.

"I dream to be yours and you, to be mine and now, with this ring. It symbolizes my never ending love and promise to love you and love you more as we step in the new chapter of our lives if you allow me." Grae deeply take a breath na halatang nenenerbyos.

And then he bravely ask the question, a girl always dream to hear from a guy, but guy's too scared and too afraid to say those 4 magic words that form a simple sentence but have a very big impact and change every girls life entirely.

A simple word but with a deep meaning and a promise of a lifetime commitment.

"Aimie Kasandra Elizondo will you marry Graexon Sebastian Del Rojas and spend the rest of your life till old and gray with him?" Grae sincerely asked to Aimie

"W-what?" Naluluhang nag tanong ulit ni Aimie kay Grae. Halatang nabingi sa gulat. Ang bangenge eh.

Grae chuckled and said "You, Aimie Kasandra Elizondo, Will you marry me, Graexon Sebastian Del Rojas?" He repeated with his shaky voice.

Doon na tuluyang napa iyak si Aimie. Nagsink in na siguro dito na sasakalin este nagpropropose na si Grae sa kanya.

Tumango-tango pa ito. "Y-Yes baby" she answered while crying. Namilog naman ang mga mata ni Grae.

"Yes Grae I will marry you!" Dali dali namang sinuot ni Grae ang singsing then he kissed her at nagsisisigaw na sa kaligayahan

Nakakatawa sila. Si Aimie umiiyak habang si Grae talon ng talon. Naiiyak namang nilapitan at niyakap nila Alki at Aki si Aimie.

"Waaaah congrats girl!" Masayang greet nila Alkit  Aki at sila naman ngayon ang talon ng talon.

Nilapitan naman ni Drean si Grae na mukhang takas sa mental. Nag bro hug silang dalawa then nag shake hands. Ngumisi naman si Grae halatang masaya.

So Grae the playboy finallly found his match. Nice.

"Hoy umayos kayo! Group picture to!" Sigaw ko sa kanila. Nasitakbuhan naman sila at ready ng magpose sa harap ng camera. Inayos ko ang angle at tinimer sabay takbo sa kanila.

Nakisiksik ako don "SMILE MGA BAKLA!" sakto pagka ayos ko sunod sunod na ang pag flash ng Camera.

Tawa kami ng tawa. Niyakap ko din si Aimie. "Bakla congrats!"

"Waaaah. Girl. Totoo talaga? Nagpropose sa kin si Grae? Nananaghinip yata ako" hindi makapaniwalang sabi nito sakin

"Sampalin kita gusto mo?" Sinampal ko agad "okay na? Gising kana? Or gusto mo part two?" Sabay taas ulit ng kamay ko.

"Aray naman Chain." Sabay himas nito ng pisngi. "May galit ka yata eh!"

"Hahaha. Oo meron. Malaki. Ginutom nyo ko ni Grae. At bayaran nyo ko sa prenup photos nyo! Mga walang hiya. Inabuso nyo ang kakayahan ko. Pero Total friends naman tayo. Wala ng talent fee." Natatawa kong sabi sa kanya nabatukan tuloy ako. 

"Gaga. Engagement photos palang yon. Wait 3 month from now. Yon ang paghandaan mo." Nakangisi nitong booking sakin. Lumapit naman si Grae samin.

"Oh Grae congrats." Yayakapin nya sana ako pero tinulak ko sya. " wag ako Del Rojas. Uupakan kita!"

Natawa naman ito and said sincerely "Thanks Chain." Napatango nalang ako. Im really happy for them. 

Bago pa man sila makagawa ng kahalayan sa harap ko, pinigil ko na"Oh iharap mo yang kamay mo dito! At mamaya na kayo mag honeymoon." Turo ko ko kay Aimie. At natatawang nag pose sila ni Grae.

Nice.

Indeed. They are really engaged.

After kong masatisfied. May kapilyan akong naisip. Itinabi ko na ang Camera ko. At yung nasa tripod. Inayos ko lang at pinabayaan. I faced Grae and Aimie.

"Wheres your fucking phone?" I asked them both.

"Mine sa bag." Aimi replied

"Here's mine. Why?" Pinakita naman ni Grae ang phone nya at kinuha ko kaagad.

Cause you won't need this.

Binigyan ko muna sila ng sweet smile ko and shouted "MABUHAY ANG BAGONG ENGAGED!" Sabay tulak sa kanila pababa ng Falls. Nakatayo kasi kami malapit sa clift kaya hinulog ko sila sabay.

"Ahhhhh" nakakabibging sigaw nilang dalawa

"MABUHAY!" sigaw nila Aki at Alki after ther hear the loud splash of water.

We burst out laughing aloud.

"Congrats Dudes! Basbas ko yan sa inyo!" Sigaw ko habang nakadungaw sa kanila sa baba.

"Fuck you! Chain!" Habang tinutulungan si Aimie iangat.

"Hahaha WELCOME GRAE!" Nakangisi kong sagot ko sa kanya. Ako naman ang napasigaw nang tinulak ako ng bruhang si Alki.

"Fuck! Ahhhhhh" sigaw ko hangang naramdaman ko ang sakit ng pagbagsak ko sa tubig. Ouch. Peste!

Fuck!

Bago pa ko makaahon ay  sunod sunod naakong nakarinig ng splash. Hahahaha. Tinulak din pala ni Drean sila Alki at Aki. At sya ang pinakahuling tumalon. Kaya heto kami ngayon naghabulan sa tubig, hinahabol kasi ako ni Aimie.

Tawa kami ng tawa habang nagtatampisaw sa tubig. Mas natawa kami nong nahuli ni Alki at Aki si Drean at sabay nilang niloblob sa tubig.

"Gago ka! Isa ka talagang bwesit sa buhay ko! Alam mong bang lalaki ka!  ANG GALING galing MONG MANG HULOG!  Peste ka! ANG SAKIT TULOY NG BAGSAK KO!!" Gigil na sigaw ni Alki sabay lublob ulit ng ulo ni Drean.  Hindi nya nahalatang double meaning sya don.

Kawawa tuloy si Drean.

Sa mga sumunod na sandali ay ang mga masasayang halakhak at asaran na namin ang nag eecho sa buong Talon. Inumpisahan na rin kasi naming lumaklak ng alak kaya mas umingay kami lalo.

Tumayo naman si Alki at tinaas ang isang bote ng Jack Daniels "Cheers to Grae and Aimie's upcoming wedding!"

Kanya kanya naman kaming taas ng baso at nag "Cheers" bago namin nilagok ang laman.

Pagkatapos naming magsawa kakalangoy at magpakalasing doon sa Falls, napagpasyahan naming umuwi. Kaya heto kami ngayon kanya kanyang salampak sa sahig at sa sofa ng bahay. Nanood ng Tv sabay papak ng sobrang pulutan kanina.

Binato ko si Aimie ng unan, mukha kasi syang tanga na nakatingin sa kamay nyang may singsing. Pero sadly, si Grae ang natyambahan. Sya ang nasapol. Nakahiga kasi si Aimie sa lap nya habang si Grae nakasandal ang likod sa sofa.

"Aray naman Chain!"reklamo ni Grae.

"Hahaha! Sorry Grae. Para yon kay Aimie. Paki sapok nalang sya for me!" Natatawang nag peace sign ako kay Grae.

"Gaga! Ano na naman ang problema mo sakin?" Pakikisali ni Aimie sa usapan.

"Mukha kang tanga. Ngayon kalang ba nakakita ng singsing? Mukha kasing amaze na amaze ka."

"Bwesit to! Hahaha. Di lang ako maka paniwalang engaged na ako!"

"Tsk! Balde na nga ang naiyak mo! Nag iinarte ka pa din dyan!"

"Namo Chain! Panira ka sa imahinasyon!"

"Ang sabihin mo naiiyak ka dahil halatang ang mahal ng singsing. May isasangla ka na naman!" pang asar ko sa kanya.

"Nadali mo friend. Mukha pa naman totoo. Mahal to mabebenta sa merkado" Kinagat kagat pa nito ang dyamante na tila ininspeksyon.

"Tado! May alahera akong alam. Mahal ang palitan don! Ibenta mo na. Nang mapaghatian natin. Walang onsehan brod. Hahabulin ka talaga ng bala ko!" At parang binabaril ko sya

Tinaas naman nito ang dalawang kamay "Wala akong balak onsehin ka Pre. May isang salita ako! Oh heto na ang mga epektos. Ikarga mo na at ma deliver sa mga pusher natin. Baka matunugan ng mga pulis, mayari tayo."

"Areglado Bossing!" Sagot ko naman.

Nagtawanan sila dahil nababaliw na naman kami ni Aimie kahit si Grae na masama ang tingin kanina, natawa na sa kalokohan namin. Akala siguro totohanan yon.

"I love you baby" sabi pa ni Aimie kay Grae.

"Love you too, baby Aimie!" Hahalikan nasa ni Grae ang handang handa ng si Aimie.

Nang bigla silang batuhin ng unan ni Alki. "Wag sa harapan ko!" Nabubwesit na puna ni Alki sa dalawa.

Natawa nalang ako. Ang bitter eh!

"Aray naman!" Grae

"Kung naiingit ka Alk, yang si Drean ang pagnasaan mo! Wag kami!" Sabay tapon din ni Aimie ng unan pabalik kay Alki.

Sapol sa mukha.

Naiinis namang sumagot si Alki "Gago! Walang na iingit sa kamanyakan nyo! Nakakasura lang talaga ang kalandian nyong dalawa! At para sa kaalaman nyo! Hindi kayo nakakakilig, nakakabwesit kayo! Umalis nga kayo sa harapan ko. At baka makalbo ko kayo ng wala sa oras! Mainit pa naman ang ulo ko!"

Hindi naman nakasagot ang dalawa at natatawang nag peace sign lang kay Alki!

Nakisali ako sa asaran nila "Hahaha. Kayo nalang ang mag adjust Aim. Ganyan talaga ang epekto ng hindi na kascore kagabi. Nag iinit."

Ako naman ang nabalingan ng nagbabagang tingin ni Alki.

"Oh Drean, di mo ba pinagbigyan kagabi si Alki? Mabuti hindi ka kinalmot? Nagkakarabies pa naman yan pag di pinagbigyan." Pakikisakay rin ni Aki sa sinabi ko.

"Anong hindi? Etong pruweba. Ang wild ng kakambal mo Aki. Para tuloy akong naharassed sa jungle" Sabay pakita pa ni Drean ng kalmot at kagat nito katawan

Puuuuff. Lahat kami nagpipigil tumawa. Ang epic kasi ng reaction ni Alki.

Gulat na gulat syang nakatingin kay Drean hangang Para na syang binabad sa suka. Ang putla at ang asim pa ng mukha.

"Dapat tinali mo Drean. Ganyan talaga ang resulta pag ilang taon ng natigang. Di makapag pigil. Nangangagat. Ikaw Alki ha? Di ko alam ang fierce mo palang masabik?" Pakikitukso rin ni Aimie.

"Kaya nga eh! Ang sakit tuloy ng katawan ko. Grabe makabalya, halatang  pinangigigilan ang bawat parte ng napaperfect kong katawan,  Para tuloy akong na DEVIRGINIZED. Sirang sira ang puri ko"ang laki ng ngisi ni Drean habang pinapatay naman sya ng tingin ni Alki.

Doon na kaming lahat natawa except lang kay Alki na pinapatay na siguro kaming lahat sa utak nya.

Sira ulong Drean to!

"Gago ka Drean! Devirginized my ass! Matagal ka ng di virgin! Puta! Ang sakit ng tyan ko!" Tawang tawang sabi ni Grae habang sapo ang tiyan.

"Hahaha. Potek. Bumenta ka don pre! Ginamit nyo ba ang binigay kong proteksyon sa inyo kagabi? Baka mabuntis ka Drean. Mukha pa naman napipilitan kalang. Ayokong pagsisihan mo ang kababuyang ginawa ni Alki!"

"Yon na nga Chain eh. Hindi ko nagamit! Balak yata talaga akong buntisin ni Alki. Para daw sagad!"

Di ko na kaya! Mamamatay nako sa katatawa.

Alki butted "Hoy Dude! Nagamit yon. Saktong sakto kaya yun sayo! Bakat na bakat pa nga Diba?! "

Parang de remote kaming napatigil lahat sa pagtawa nong sinigaw yan ni Alki at sabay sabay na nagulat at nagtatakang napalingon sa kanya

What? Nag ano talaga sila? Akala ko ba joke lang to?

Kung kanina si Drean ang nakangisi, ngayon naman nagkabaligtad na, si Alki na ang ngising aso habang si Drean na ang uneasy.

Gago tong dalawang to ah. Mukhang maraming kaganapan ang nangyari kagabi.

"Tsk. Kahit kailan talaga Drean ang sinungaling mo! Hindi mo ba na enjoy yon? Nakalimutan mo agad? Ako kasi tandang tanda ko pa eh. Ang sarap-sarap kaya non. Baon na baon."

Potek. Ako lang ba o mahalay talaga ang ibig sabihin ni Alki?

"Naks Drean. Si Alki talaga ang nagdala? Ang swerte mo Pre" mukhang parehas kaming mag isip ni Grae. Yan din ang gusto kong itanong

Ang laki ng naging ngisi ni Alki na para bang nagrereplay sa utak nya ang mga nangyayari bago sumagot.

"Yes, Grae ako talaga ang nagdala. Tuod yang si Drean. Dalawang beses ko pa ngang ginawa eh. Hindi kasi ako makontento sa isa. Nabibitin ako!"

A letche. Habang nagsasalita si Alki, Puro kamanyakan ang pumapasok sa kukote ko.

Ilang beses namang napalunok si Drean, halatang nag backfire sa kanya ang pang aasar nya kanina kay Alki.

"Ganun ka intense? Masarap ba Alki?" Tila nabuhayan naman nang dugo ang mahalay na si Aimie. Gustong gusto nya ang gantong usapan eh. Nakakarelate kasi sya.

Napangisi na naman si Alki. "Oo naman Aim."

Binalingan nito ang namumutlang si Drean "Ikaw Drean? nasarapan ka din ba? Kasi ako sarap na sarap" tanong pa nito kay Drean na may mapang-akit na boses.

"Shut up! Woman!" Drean hissed that earned Alki's chuckled.

"Why Drean? Ayaw mo bang malaman nila kong gaano natin kaMISS ang isat isa?" Sarkastikong sabi nito kay Drean.

"Yeah. As if!" Drean snorted.

"Hahaha. Too bad. Gusto ko kasing malaman nila. I wont miss this chance to tell them how sweet we are with each other!" Nang aasar pang dagdag ni Alki.

"Teka nga! Naguguluhan na ang utak ko sa inyo! Alki, ginamit nyo talaga ang condom kagabi? Nag ano talaga kayo?" Hindi ko na mapigilang mag tanong. Letche! pinapatay nila kami sa sobrang suspense.

Tumawa muna si Alki bago sumagot. "Yes Chain! Thanks nga pala! Hahaha. Pero Sana isang box ang binigay mo sakin! Nabitin kasi ako sa isa.nHahaha"

Nanlaki naman ang butas ng ilong ko. "WHAT!? GINAGAGO MO BA AKO ALKI?"

"Of course Not! Si Drean lang ang gago dito hindi ako. Tsk!" Pasaring pa nito

He snorted "Dont mind her Chain. Baliw na ang babaeng yan!"

"Hahaha. Yeah. Yeah. Sure. Whatever. Bakit ayaw mong malaman nila kung gaano mo na enjoy ang condom kagabi? Hahaha" tumawa na naman ito.

"Bakit? Paano ba, Twin?" Hindi na napigilang sumabat ni Aki.

"She's insane Aki. Dont mind her! Shes having a hallucination" natatarantang sagot agad ni Drean.

Natawa naman si Alki ng malakas. "Hahaha! Oo nga Twin. Nababaliw na yata ako. Shit! Na malagkit. Im so disappointed! Ang sakit!" Naginarte pa syang nasasaktan.

"Gago ka talaga Alk! Ano bang nangyari sa inyo? Mukhang di naman talaga kayo nag ano ni Drean. Nag aasaran lang kayo!"

"Why dont you ask Drean? Mas may impact pag sya ang nagsabi! Hahaha!" Tinuro pa nito si Drean habang tumatawa na parang nababaliw.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Drean.

"What?" Drean.

"Spill it!" Aki reprimand. Drean defeatedly sighed then give Alki a death glare. Wala namang paki si Alki dahil tawa lang sya ng tawa.

"She slapped me with that fucking condom!" Paninimula nito.

Pfffft. Pigil na pigil kami ng tawa.

He said different curses "Damn! That what she meant when she said 'saktong-sakto, bakat na bakat' baon na baon. Walang mahalay don! Cause she slapped me, Twice and hard. Parang feeling ko naiwan yong wrapper ng condom sa mukha ko kagabi. See this. Thats the proof"

"Fuck! Ang sakit!" Drean curse again.

Thats the cue and we burst out laughing aloud. Epic! Oo nga. Meron dong nag kukulay ubeng bakat sa magkabila nyang pisngi.

"Hindi ko alam kong anong problema sakin ng babaeng yan. At sinampal nya ako. Damn! Tumabingi yata ang mukha ko sa kanya!" Hinawakan pa nito ang mukha na para bang ninanamnam ang sakit ng sampal ni Alki.

"Hahaha! Naiinis lang kasi ako pag nakikita ko yang pagmumukha mo! Nagdidlim ang paligid ko" Sabad ni Alki

He snorted "Natatandaan mo pa ba ang iba mong ginawa sakin? Ang pananakit mo?" Nang aakusang tanong ni Drean kay Alki.

Tila nag iisip muna si Alki " ahmmm? Hindi eh, natutulog kasi ako. Bakit meron ba? Cause The last time I check, ikaw lang mahilig manakit sating dalawa.  Bakit? Nasaktan ba kita?"

Drean snorted again. "Sleep! My ass! Well to inform you woman. Ilang beses mo akong hinulog sa kama kagabi at Ilang beses lumagabog ang likod ko sa lakas ng sipa mo!"

Exagerrated namang napasinghap si Alki "Oh soooorry! Malikot talaga akong matulog! Hindi kasi ako sanay ng may katabi! Lalo pat ang lalaking katabi ko ay yong nanakit sakin dati!"

Burned!

Alki reasoned out with a wide grinned. Halatang sinadya nya talagang ihulog si Drean sa kama

Natatawa kami sa asaran nila sa isat isa. Mqy pinanghuhugutan eh. Lintik. Binugbog nya ang kawawang Drean. Halatang ang laki ng galit eh.

Drean furiously glared at Alki "Ah talaga? Kaya rin ba Sinuntok mo ako? Pinagsasampal, Kinalmot at kinagat kagabi? To tell you woman! Ive never been harrased liked that in my whole life. Sayo Lang! Fuck! Feeling ko talaga nabutas yung baga ko kagabi. My whole body was Aching when I woke up today. Ganun ka talaga matulog? Ganun ka brutal? Nagiging wild animal? Kung di ka lang babae. Binalibag na kita kagabi eh!"

Nakisabay munang tumawa samin si Alki bago sumagot. "Hahahaha! Why dont you? Total Im used of you, hurting me! Wala namang bago don. Hahaha. Siguro ganun lang kita ka hate. I loath you na kahit sa pag tulog ko pinapatay ko parin yang pag mumukha mo! Hahaha. Bakit wala akong chainsaw kagabi? Para pinaglalamayan kana ngayon at ng Mawala ka na sa landas ko at ng mabawasan ang peste sa mundo!"

"SHUT THE FUCK UP! Woman!" Drean hissed angrily

But it only earned laughter from Alki "What the Crap ever. Dumbass!"

Ang taray ni Alki. May pag irap pang nalalaman. Wala na yatang pag asang magkabati ang dalawang to. Hopeless case. Hindi na maaaring masalba. Palaging nagtatalo at nagkakapikunan eh. Pagmagkasama silang dalawa sa isang lugar, Otomatik  na nagiging  battle ground ang place at naka attack mode palagi sa isat isa.

Drean furiously stand and hurriedly leave, para siguro hindi na lumaki ang bangayan nila ni Alki. Sya na lang ang iiwas. Palagi naman syang talo pag dating sa asaran nila eh. Sya kasi ang natatamaan. Bulls eye kumbaga. Sharp shooter yang si Alki pagdating kay Drean. Kung nakakamatay lang ang patama ni Alki, matagal ng nalibing yang si Drean at natitirikan ng kandila.

"Eat that Loser!" Alki whispered when she saw Drean leave at pinagpatuloy ang pag ngatngat ng mani.

"Gaga ka talaga Twin! Ginalit mo na naman si Drean!" Sabay upo sa tabi ni Alki si Aki at marahang binatukan.

"Psh. Masanay ka na Twin! Wala ng magbabago don! Isa syang peste sa buhay ko kaya kailangan nyang idespatsya" Alki plainly replied and resume watching Tv.

Nanahimik na sila at Tutok na tutok ang atensyon sa pagmumukha ng isang businessman na iniinterview sa Tv. Ilang beses akong naplunok nong mapagsino yon.

"Ang pogi" and Aimie giggled. Landi talaga.

"Agree ako bes. Makalaglag panty pag ngumiti. Tingnan mo oh? Wala man lang ka pores pores ang mukha. Ang kinis!" Dagdag pa ni Alki na namamangha din sa kagwapuhan ng lalaki

"Mas pogi Ako dyan!" Grae boastly said.

"ASA!" agad naming kontrang apat as we rolled our eyes

Nagdaramdamg tiningnan ni Grae si Aimie "Pati ba naman ikaw baby? Nakikisali sa kanila? Dapat ako lang ang pogi sa paningin mo!"

Pero trip yatang mang asar ni Aimie "Aw. Mas gwapo talaga sya baby. Lamang sya ng 10 paligo sayo! Wala ka sa kalingkingan nyan.  Ayan oh. Shoulder palang ang yummy yummy na. Ang sarap sampayan ng braso. My gash! Bakat ang abs! How much more pag wala na syang damit? Pandesals! Kakailanganin ko yata ng mainit na kape!"

"OO! at ibubuhos ko sayo ng mahimasmasan ka!" Naiinis na sagot ni Grae.

Natawa kami sa banat ng naasar na si Grae. Nakabusangot talaga eh. Wala naman talagang syang panama sa kagwapuhan at kamachohan ng nasa Tv.

"Hahaha. Selos si Baby." Tukso pa ni Aimie sabay sundot sa cheeks ng naka pout na si Grae.

"Like hell I am!" Mukhang lalangamin na naman kami nito ah. Natatawang niyakap ni Aimie ang nag iinarteng si Grae.

"I love you Baby Grae" Sabay kaming napa ikot ng mata nila Alki at Aki sa kabaduyan ng dalawang to!

"Tsk! Dyan ka sa lalaking yan! Kalimutan mo nalang na FIANCEE mo ako. Mukha kasing mas gusto mo sya kaysa sakin!  Magsama kayo!"

"Gusto ko naman talaga sya ah!" Aimie confess

"What?" Grae asked with his epic angry reaction.

Ayos tong dalawang to. Kung maka arte Parang sila lang ang nandito ah. May sariling dimension.

Matamis namang ngumiti si Aimie "Pero syempre ikaw, ikaw ang mahal ko. I love you baby Grae" agad na pambawi ni Aimie

Parang nangingilo ang bagang ko sa dalawang to. Ako ang nangingilabot sa kanila eh! Ang corny!

"Staka ikaw ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko. Walang panama yang kagwapuhan ng nasa Tv na yan. Your the most handsome and lovable man in the world"

"Really Baby? Mas gwapo ako sa kanya?"

Niyakap muna ulit ni Aimie si Grae bago sumagot "Yes baby. Mas gwapo ka kaysa sa kanya!"

Sabay dugtong nya ng katagang 'JOKE LANG!' na kami lang ang nakakakita.

Tuwang tuwa naman ang uto utong si Grae. Napangisi naman kami nila Alki at sabay umiling. Wala narin yatang pag asang mag bago si Aimie. Inborn ang pagiging loka loka nyan eh.

Magkikiss sana sila Aimie at Grae ng....

"Sabing wag sa harapan ko!" Sigaw ng panirang si Alki at binato ulit sa kanila ang unan. Sapol!

Laughtrip talaga ang kabitteran ni Alki. Tumayo naman sila Grae at pumunta sa likuran ni Alki.

"Oh anong ginagawa nyo dyan?" Nagtatakang tanong nito sa dalawa.

Ngumisi muna si Grae bago sumagot "Sabi mo wag sa harapan! Dito nalang kami sa likuran mo mag kikiss!" At nag kiss sila ni Aimie sa likuran mismo ni Alki.

"Fuck you Grae! Tangina mo ng times two" Nanggagalaiting sigaw ni Alki. Dahil nasaksihan parin nito ang tukaan ng dalawa!

Ang talino mo Grae! Pakyu ka! Bwahahaha

Nandito parin kami ngayon sa sala hinihintay ang pag dating nila Dreon. Mag aalas onse na ng gabi.  At wala parin sila. May meeting chorva na paliwanag si Aki kaya nadelayed ang dalawa.

Hindi pa naman kami inaantok kaya nag Movie Marathon kami. Una naming pinanood ay HOW TO BE SINGLE, si Anastacia yung bida, yung sa FSOG. Ewan yan yung gusto ni Alki. Maganda naman yung story. Tawa lang kami ng tawa.

Bwesit lang.

May pagkamahalay kaya enjoy na enjoy si Aimie at Grae. At yung sinunod namin ay ang Midnight Sun! Ang pogi ni Patrick Schwarzenegger. Ang hawt! Super!

Kaya lang Nakakaiyak! Sobra! Yung pinipilipit yung dibdib mo sa sobrang sakit. Tagos. Kasi Mamamatay si Katie! Nakakainis. Lalo na yung scene na nasa yatch na sila! Kung pede pigilan eh. Peste balde ang niluha namin don. Idagdag mo pa yung background music. Letche! Leche talaga!

'I have seen a thousand things a thousand minds and what theyve bring to this world and to this home'

Sabay sabay kaming umatungal dito ngayon. Ang sakit pre! "Waahhh! Akin ka nalang baby Charlie! Hindi kita iiwan. Mamahalin kita. Hindi nga lang ako marunong kumanta pero kasing ganda ko si Katie at kasing sexy. Hindi ka lugi sakin!"

Ngawa pa ni Alki habang pinupunasan ang luha. Totoong umiiyak na kami ngayon. Diputa! Sobrang heart clenching ng scene. Naikinangiwi lang ni Drean samin. Angbkj kasi neto. Nakakainis. Wala siyang puso!

"Waaah! Sino ba kasi ang director nyan? Ng mapatumba ko! Nakakainis! Hindi ba sya fun ng Happy ending? Eh kung siya kaya ang patayin ko?" Reklamo pa ni Aimie habang inaabutan sya ni Grae ng tissue.

"Okay lang yan Aim. Wala talaga silang happy ending ni Katie. Kasi ako talaga ang nakatadhana kay Charlie at kami ang magkakatuluyan. Kami ang magpapakasal. Kasi Ako talaga kasi ang true love nya. Ako! Ako lang!" Sabay aray ko din kasi tinapunan nila ako ng unan.

Mga bastos talaga to!

"Fuck you Chain!"  Sabay sabay nila Alki, aki at Aimie ng  angal sa sinabi ko with matching middle finger pa.

Hindi na ako sumagot bagkus tumawa lang. Sakto namang paglagok ko ng beer pumasok sa pinto si Dreon at yung kasam-

Oh shit! Nabulunan ako at Inihit ng ubo. Labas sa ilong ko yung konting beer. Kadiri. Puta!

"Yan digital ang karma. Ang bilis!" Pang asar ni Aki sabay batok pa sakin.

At sinalubong na sila Dreon at ang kasama nito. Kahit sila Alki at Aimie natulala sa kasama ni Dreon. Si Grae naman mukhang na asar. Asar na asar!

"Omygash!" Patiling sabi ni Aimie. Para siyang nakakita ng rebultong kanyang sasambahin.

Sinong hindi mabibilaukan kong ang nilalang na pinagnanasaan niyo kanina ay nandito na? In flesh at fresh na fresh na nakatayo sa harapan nyo! Hindi to si Charlie kundi ang business man na minamanyak kanina ni Aimie sa Tv.

"Hi?" Bati nya at ngumiti sa amin.

Laglag. Laglag na panty ni Aimie. Omy gash Ang gwapo nga niya.

Im doom na din cause he's here, the pak! Magka- kasama talaga kami dito? As in? Mapapa-putangina ka talaga ng hard, paksheyt.

*****