CHAPTER 16

CHAIN ALEZEIR

DAHIL NARIN sa kalasingan ko kagabi hindi na ako inuwi ni Rage sa bahay ko, we stayed and sleep in his condo, mas malapit kasi doon sa bar na huli naming napuntahan. We've been drinking hard kagabi hanggang kaninang madaling araw kasama pati iyong mga kaibigan ni Rage, we got drunk, party and got wasted.

Doon nalang ako pinatulog ni Rage dahil I passed out noong mag-aalas tres na ng umaga, ganon kami ka strong, o sadyang sawi lang talaga ang puso ko kaya nagpakalunod ako sa alcohol. I escaped Craig's presence, ignoring him totally kahit nakakasalubong ko ulit siya wala na sa kanya ang paki ko, I just wanted to get drunk para mamanhid na ang buong katawan ko sa sakit.

Tapos kakagising lang din namin ni Rage, hapon na pala. Natakot pa ako kanina pagkamulat ko ng aking mata ay hindi ka kulay ng kisame ko ang aking nabungaran. Mabuti nalang pumasok ang tukmol na Rage kung hindi maghehestirya na ako. Nasapo ko ang ulo kong nanakit, hindi to sa hangover kundi nasobrahan sa tulog.

"Kain na, nagluto ako sa baba." Rage informs me bago pa iyon pinagtawanan niya pa muna ako. Must be my messy state right now, I can tell. "Or if you want maligo ka na lang muna, use my shirt. Amoy vomit ka bae, labas sisig kanina!"

"Argh, tahemek! Kadere ka pre!" Nahihiyang napatakip ako sa mukha ko, mukhang nagkalat talaga ako kanina ah. Napurwesiyo ko tuloy si Tukmol, inaasar tuloy ako. "Hindi na ako maglalasing, promise!"

He laughs. "Bat parang di ako naniniwala?" He tease. "Bilis na, nagugutom na ako. Then hatid kita sa bahay mo." He winks kaya napangiwi ako, kadiri!

After kong ayusing at gawing normal na ang pagkatao ko lumabas na ako at pinuntahan ko si Rage sa baba, sa kusina kung san siya ngahihintay.

"Here, orange juice meron din akong ibrufofen kung hindi mo talaga kaya ang sakit." He said meaningfully.

"Tatalab ba'to hanggang kasulok-sulukang parte ng puso ko ha? Lalaklakin ko to araw-araw pramis!" I mock myself, tumawa naman si Tukmol at napailing. Napabuntong hininga nalang din ako, ang purdoy ng lablyp ko, pak!

"Wala ka ngang maramdamang sakit sa puso, sakit sa utak nalang kung sakali, tapos makikita kitang naglalakad tapos may hila-hila kang lata, omo! Huwag na Chain, maawa ka sa makakakita sa'yo. But kidding aside just let your heart feel the pain, masasanay na yan tapos hindi mo mamalayan wala ka na palang sakit na nararamdaman."

"Pero kailan iyong Rage?" I helplessly asked, heaving a sigh. "Hangang kailang ko kakayanin to, Rage? Pwede bang makalimutan ko nalang ang lahat ng parte na kasama si Craig? Sobra na kasi eh, ang sakit na masyado."

"Se temeng penehen bae, mekekereos ke den." He teases me and patted my messy hair. Lalo akong napahugot ng malalim na hininga sa sinabi niya, kailan ba kasi matatapos ang karupukang meron ako?

"Ah ewan ko! Behele ne se betmen!" I frustratedly uttered that made him laugh.

PASADO ALASAIS na ng gabi ako naihatid ni Rage sa bahay ko, nagliwaliw pa kasi kami kung saan-saan pang palubag-loob daw sa'kin ni Tukmol para hindi na sambakol ang pagmumukha ko. I had fun, sa sobrang tarantado ba naman ni Rage hindi pa ako matatawa kahit yata tumayo lang siya sa harapan ko matatawa na ako eh, malaking ngisi sa aking bibig ang nakapaskil habang sinususian ko aking pinto, napapailing dahil sa kabaduyan ng joke ni Rage kanina.

Pasipol-sipol pa akong naglakad papasok sa loob, inon ko muna iyong tv, trip ko lang bakit saka humilata sa sofa, yawning. Masakit parin ang ulo ko pero kering-keribels na, kunting tulog at tubig nalang to.

Hindi pa nga tumatagal ng ilang minuto ang pagkakahiga ko sa sofa ay bigla nalang akong napabangon sa gulat nong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nilabas non ang madilim na anyo ni Craig, he also look so damn pissed of something or somehow, someone.

He darted his prying stares at me, nangaakusa na naman ang tingin. "Bakit ngayon ka lang?"

"Dumating sa buhay ko?" I replied seriously, straight face.

"WHAT?" He asked.

Hindi niya gets so I continued, gusto kong matawa but I maintain my stoic expression. "Pilit binubuksan ang sarado kung puso."

"I am not into your petty jokes right now, damn it answer me, Chain!" He raised his voice pero wala sa kanya ang paki ko. "Sinong kasama mo?"

I ignored his querry and resume talking. "Ikaw ba ay nararapat sa'kin?" I darted my eyes on his, nanunubok sabay bahaw akong napatawa. "Naaah malabo." I whispered to myself.

Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin, sabay hinablot ako sa balikat at tinitigan ng masama, napalunok ako bigla dahil sa apoy na ibinubuga ng kanyang mga mata. "I said who's with you?! Ilang beses ko pang uulitin iyan? MAHIRAP BANG SAGUTIN IYAN?"

Mas lalo niyang idiniin ang kanyang mga daliri kaya nasasaktan na ako, naghumulagpos akong makawala.

"ANO BA! BITIWAN MO NGA AKO! MASAKIT HA? NAKAKASAKIT KANA KAYA TIGILAN MO AKO!" I complained pero ibang sakit ang mas gusto kong malaman niya, ang sakit sa puso kong siya ang dahilan. Agad niya rin namang niluwagan ang pagkakahawak sa'kin.

He said under his very dangerous tone, jaw clenching.  "Kanina pa akong umaga naghihintay sa'yo Chain, then what uuwi ka ng ganito? Sino na naman ang kasama mo ang lalaking iyon? Ha?"

Kusang umangat ang kilay ko, eto na naman tayo! I slyly smirked. "Yes kasama ko siya, si Rage. Bakit anong masama don?"

Mas lalo pa yatang dumilim ang bukas ng kanyang mukha, naramdaman ko ulot ang paghigpit ng kanyang hawak sa'king balikat, masakit. "KAYO NA BA? MAY RELASYON NA KAYO NG LALAKING IYON? PUNYETA CHAIN! NANLALAKI KA NA?"

Otomatik na umangat ang kanang kamay ko at malakas na lumagapak ang pisngi niya sa aking pagkakasampal, sumusubra na ang bibig ng lalaking 'to. Tila pakiramdam ko ay lalong umaapoy ang mata ko sa galit habang tinititigan siyang minamasahe ang pisngi niyang natamaan. "Shut up, Craig! Wala ka na kung anuman ang gawin ko sa buhay, kung kami man ni Rage, wala sa'yo ang paki ko kaya habang nakakapigil pa ako, tigilan mo ako Craig. Parehas lang tayo kung saka-sakali." Halos maguntugan na ang mga ngipin ko dahil, ayokong sumigaw. Ang mata ko'y naguumpisa nang humapdi, ang marinig ang pangaakusa niya na nanlalaki ako, eh siya naman ang gawain iyon, siya ang may babaeng palaging kinakarakay, siya ang dati pang may sideline. "Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo Craig, kung may makita man akong mas higit pa sa'yo pasensyahan nalang tayo saka nakakatawa ka, bakit apektado ka kung may iba ako? Ako ba may paki dahil nambabae ka? Diba? Wala tayong karapatan sa isa't-isa, sa papel siguro pero sa totoo lang wala naman talaga, kaya huwag mo akong artehang parang isa kang ulirang asawa at ako ang masama dito, FYFI ikaw ang may kabit, hindi ako."

I said hissing, halos pabulong na ang pagkakausal ng mga salitang iyan pero naninikip pa ang dibdib ko, sinusumbat ko sa kanya pabalik ang sinabi niya and that silence him. "Saka matatapos na ang walang kwentang kasalan na'to Craig, diba ikaw na ang nagsabi ilang buwan nalang at papakasalan mo na ang babaeng iyon? Oh ano pa ang pinuputok ng butse mo kung may iba man akong lalaking pagtutuunan ng pansin, hindi lang ikaw ang may gustong sumaya Craig, ako din. At kung hindi ko iyon mahanap sa'yo then why would I stay? Bakit ko ipagsisiksikan ang sarili ko sayo? Kung hindi ka sa'kin sasaya umalis ka pero hayaan mo akong maging masaya sa iba, Craig. Don't hinder my happiness because you don't want to see me with another man. Find your happiness and I'll find mine, my way. Sana hayaan mo akong hanapin ang lalaking mamahalin ko at mamahalin ako pabalik, just like how you found yours." Puno ng hinanakit ko iyang binibigkas, hindi kasi ako ang para sa kanya. 

Nakitaan ko ang mata niya ng biglaang pagbabago ng emotion, hindi ko nga lang maipunto kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa kanyang mga titig. Tila inaarok kung katotohanan ba ang aking naiwika. "M-mahal mo ba siya?"

Nagsalubong ang aking kilay sa tono ng kanyang boses, as if he was half-scared and awed. Tumalikod ako para hindi niya makita ang pagbilisbis ng luha sa'king mata, I would never let him see me cry because of him. "Y-yes I really l-like him. Magkasundo kami, may oras siya sa'kin, masaya ako pag kasama ko siy—"

"At hindi mo iyon m-maramdaman pag ako ang kasama m-mo?"

"H-Hindi!" dahil puro sakit lang naman sa puso ang kaya mong ialay sa'kin hindi ang pagmamahal. "Ni hindi nga tayo nag-uusap ng matagal, palagi kang wala, walang oras, maraming gagawin, maraming-maraming dahilan sa lahat, kaya paano ako sasaya sa'yo? Kalaban ko ang mga dahilan mo Craig, wala akong laban don. Dahil pag ayaw maraming dahilan, si Rage parating nandiyan. He made me feel so special, like how every girl wants to felt, needed and loved by someone." Ngayon palang nanalangin na akong hindi matapilok si Rage dahil kanina pa namin inuulit ang kanyang pangalan, ginawa ko pa siyang shield para maitago ang totoo kong damdamin para kay Craig, that's a white lie, hindi ako involve kay Rage ng may halong malisya, he is more of my male bestfriend, siya ang hingahan ko ng sama ng loob. Pasimpleng pinahid ko ang butil ng luha saking mata bago ko siya hinarap. "MAYBE RAGE IS THE RIGHT MAN FOR ME, CRAIG. SIYA ANG PWEDE KONG MAHALI—"

"THIS IS ALL BULLSHIT!" He roared like a mad lion, napasigaw ako sa gulat ng bigla niya nalang sinuntok ang salaming nasa gilid niya, basag at dugo. "THAT'S NOT FVCKIN'TRUE! TAKE IT BACK! HINDI MO MAMAHALIN ANG LALAKING IYON! HINDI KA SA KANYA SASAYA—"

"EH KANINO CRAIG? HA? KANINO? SAYO?"

"HINDI!" Tila punyal na tinarak sa puso ko ang maikling hindi niya, punyeta wag na kasi umasa self.

"THEN HAYAAN NO KAMI NI RAGE, MASAYA AKO SA KANYA! STOP BEING SO IRRATIONAL, LET ME BE WITH SOMEONE WHO CAN LOVE ME BACK!" Hindi ko na maiwasang hindi mapasigaw sa frustrasiyon, nakakagigil. Baka gumulong na si Rage sa ngayon, sangkalan ko ang pangalan niya. "AYUSIN MO ANG UTAK MO CRAIG! MASAYA KA KAY NAYA HAYAAN MONG PASAYAHIN DIN AKO NI RAGE, GIVE AND TAKE. WALA NAMAN TAYONG NARARAMDAMAN PARA SA ISA'T-ISA KAYA TIGILAN MO NA ANG KABALIWAN MO! STOP MEDDLING MY LIFE, STOP RUINING MY HEART."

"THEN STOP MY FVCKIN' BRAIN NOT TO OVERTHINK! THIS IS ALL YOUR FAULT! BAKIT KA SUMASAMA SA LALAKING IYON! AKO LANG DAPAT! AKO LANG DAHIL AKIN KA!"

"EH IKAW CRAIG? AKIN KA BA?" I fired back, laughing hard mocking his words. "Gusto mo sayo lang ako pero ikaw ba akin lang? Huh? Ang unfair non, you have Naya tapos gusto mo pati ako hindi aalis sa tabi mo? Masyado ka naman yatang greedy non, you want us all by yourself. Kung si Naya ang mahal mo, don ka. Huwag mo na akong gawing second choice, your always option in a given situation. Hindi ako pinalaking maging kabit ng nanay ko, dahil kahit alam kong ako ang legal mas pinaparamdam mo sa'kin na ako ang walang karapatan, ako pa ang tinatago mo and I understand that. That's our agreement but somehow try to be considerate also with my mine, hindi lang ikaw ang pwedeng mahalin Craig, maraming mas may gusto akong kasama, gusto ako bilang ako lang, hindi na hinhanap sa iba ang pagkukulang ko, wala ng pangalawang choice. Hindi gaya mong ginagawa lang akong pamalit."

Bahaw akong napailing. "Dahil kung meron mang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan, maybe sisihin mo ang sarili mo, Craig. Hindi ka makontento sa isa, palaging may kulang ako sa'yo. So kung nakita mo lahat ng iyon kay Naya then be with her, hindi kita pipigilan, hatid pa kita eh pero kung nakita ko man ang lalaking kaya akong tanggapin ng buo sa kung ano LANG ako, then sana ikaw din hayaan mo rin ako para less hussle. Maybe his love is enough to make me whole, even with my flaws and shitty attitude and still he chose to stay then maybe he is the right man for me. Not you because you belong with Naya, not with me, C-Craig."

Napakislot na naman ako ng hinablot niya ang vase at tinapon iyon, basag ulit. He didn't even bother his bloody knuckles, he was in rage right now. Alam kung ginalit ko siya pero iyon ang katotohanan, ganon siya kaya kami ganito.

"Bat mo binabasag ang gamit ko dito, may naiambag ka?" I said sarcastically dahil lahat nalang ng makita niyang pwedeng ihagis ay ihahagis niya, nababasag, nasisira. He's fuming mad throwing and punching walls out of rage. Hinayaan ko siyang magwala, he can turn this place a big mess, bahala siya. Hindi ko siya nilapitan, I just stood here, nanginginig sa kaba pero hindi ako magmamakaawang pigilan siya, I watch him silently, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, I just can clearly hear his expletives, cursing expertly as he rampage my place.

Nailing nalang ako at napasandal sa pader na malapit sa'kin, napapakislot kung minsan pag may binabasag siyang gamit. "Sige lang, magwala ka."

"Hindi naman mababago ng galit mo ang sitwasyon natin, your with Naya and I am with Rage, kasal nga tayo pero mageexpire na rin, diba dapat magsaya ka Craig, makakalaya ka na ng tuluyan sa'kin, makakasama mo na ang pinakamamahal mong si Naya, so why fuss about us? Wala ng masasalba sa'tin Craig kahit basagin mo lahat ng gamit kong naririto wala namang mag-iiba, parehas nating kailangan iwanan ang bawat isa." I flatly uttered but in my heart I felt like I am in so much pain. Malapit na, iiwan ka na niya Chain.

He darted his hot glare at me, his fuming mad. Inilang hakbang niya ang pagitan namin, grabbing me by force and scolding me. "SHUT UP! SHUT THE FVCKED UP, CHAIN! HUWAG NA HUWAG MONG SASABIHIN IYAN! HINDI KITA IIWAN!"

Isang kasinungalingan na naman. "HAH! TAPOS ANO? HINDI MO RIN BIBITAWAN SI NAYA? WOW AMAZING! HINDI NA TAYO BATA PARA MAGLOKOHAN PA CRAIG, DAHIL KAHIT ANO PANG SUGAR-COAT MO NG MGA SALITA HINDI PARIN IYON MAPAPAGTAKPAN NA SA HULI PAREHO TAYONG MAIIBA NG LANDAS, IKAW KAY NAYA AND ME?" Nakibit-balikat ako, mocking him. "AKO NA ANG BAHALA SA BUHAY KO SIMULA NON, HINDING-HINDI NA KITA KAKAILANGANIN PA!" Pinagbabayo ko siya sa dibdib, wala akong paki kong masaktan pa siya.

Gusto rin lang naman pala niya ng komprontahan di mas mabuting maklaruhan na kami, labasan pala ng hinaing sa buhay ha? Well, mas marami ako sa'kanya. "Oh ano? Balak mo talagang pagsabayin kami forever? Hah para ipamulat ko sa'yo walang FOREVER pre! Gising na ako sa katangahan natin, so stop this and let's part ways smiling."

"Bakit ka ganyan, Chain? Ayaw mo na ba sa'kin? Sawa ka na—"

Nanahimik siya bigla at sinuri ako, taas-baba ang mata niyang nanuniri. So I frowned, ano na namang problema niya?

"YOU'RE WEARING HIS SHIRT?!" He screams at me, akala ko kung ano na! "FVCK CHAIN! WHY WOULD YOU WEAR HIS FVCKIN' THING? PUNYETA NAMAN OH! TAKE IT OFF! BAKIT MO SINUSUOT ANG DAMIT NIYA? PAG-AARI KA BA NIYA? HA? YOU ARE MINE! SO TAKE THAT PIECE OF SHIT OFF! ALISIN MO IYAN SA KATAWAN MO! HINDI NAKAKATUWA, YOU'RE NOT HIS, AKIN KA! AKIN LANG!" He said possessively at pinipilit tanggalin sa katawan ko ang damit na pinahiram sa'kin ni Rage.

"ANO BA! AMPUTS CRAIG! ANO BANG PROBLEMA MO SA MUNDO? DAMIT LA—"

"DAMIT IYAN NG LALAKING AAGAW SA'YO SA AKIN KAYA HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SA'YO CHAIN, HUBARIN MO IYAN! AKO LANG ANG MAY KARAPATAN SA'YO! ANO BA! MAHIRAP BANG INTINDIHIN IYON? SO TAKE IT OFF!" Sapilitang niyang itinaas ang kamay ko at hinubad ang aking damit, throwing it away, leaving me with my underwear. Mukha siyang nakahinga ng maluwag nong wala na ang damit ni Rage sa katawan ko, he snake his arms around my body, caging me inside his warmth, whispering. "Damit ko lang ang isusuot mo, gamit ko lang ang dadapo sa katawan mo kaya huwag na huwag kang magpapakita sa'kin kung suot-suot mo ang damit ng kung sino, Chain. Naiintindihan mo? Masakit sa mata ko, huwag mo akong galitin."

He take off his own shirt at yon ang sinuot sa'kin nakatanga lang ako sa kanya habang inaayos niya iyon, he was standing infront of me naked, on top. Nagiging marupokpok na naman ang mga mata ko, tila naitulos dahil sa bilis na naiba ang sitwasyon.

He cupped my face, meeting my gaze with his pleading eyes. "Huwag na tayong mag-away, Chain. Tigilan mo lang ang lalaking iyon."

"NO!" Mariin kong tanggi. Pilit iniiwas ang aking mata pero ibinabalik niya ako sa kanyang mapang-akit na mata. "No Craig! That's final, hindi ko susundin ang gusto mo. Hindi mo ako panghabang-buhay pagmamay-ari. Dahil darating ang oras na pakakasalan mo na si Naya at ako baka si Rage ang lalaking magiging kasama ko sa pagtanda. Hindi ikaw, Craig and that's our reality."

"SO IT WOULD BE SO FVCKED UP THEN!" He hisses bago niya tinawid ang pagitan ng aming mga mukha, angling his lips with mine. Halik na madiin, tila gigil sa labi ko. Giving me that penetrating wild kisses, so deep and tongue delving way. Making me still and unmoving, wide-eyed by his sudden intrusion. What the fvcked is happening?

Pinutol niya ang mapagparusang halik niya sa'kin, leaving me panting and melting. Bago niya lisanin ang bahay ko, isang banta muna ang binitawan niya. "YOU.ARE.MINE! MY POSSESSION, MY PROPERTY AND NO ONE CAN STEAL YOU AWAY FROM ME! REMEMBER THAT CHAIN, I WON'T LET ANYBODY. EVEN THAT RAGE OF YOURS, HE WON'T SUCCEED."

And with that dangerous words he then leave my place, banging my door close, loud and shaking.

Napahawak ako sa labi kong pinapak niya, mas lalo akong naguluhan sa ikinilos ni Craig, he's giving me a mixed emotion. Naistress ako napa-upo ulit sa sofa ko, sapo ang ulo kong tila lumalala ang sakit. Mumbbling words, frustrtated. "GG BA SIYA? SIRA-ULO ARGH! WAG KANG MARUPOKPOK SELF, HALIK LANG IYON WALANG MEANING HUWAG KANG ANING DIYAN."

Nasipa ko nalang sa paanan ko ang throwpillow, messing my hair after. "UGH! NANGHALIK PA KASI EH, PUNYETA TALAGANG BUHAY TO OH, ANG RUPOK!"

HAPPYAKO!

A/N:SA LAHAT NG NABWEBWESIT KAY CRAIG, APIR TAYO🙏! SA LAHAT NAMAN NG NAKAKA-RELATE SA KARUPUKAN NI CHAIN, HAHAHA SAME!😁