CHAPTER 18

AN:SANA PO MAGUSTUHAN NIYO! KEEP SAFE AND MAY THE GOD BLESS US ALL! DO VOTE AND COMMENT! YOU CAN ALSO CHECK MY OTHER STORIES. KEEP READING AND ENJOY!

-CLXG_DRGN

*****

CHAIN ALEZEIR

WALA AKONG choice kundi ang paupuin at pasaluhin silang dalawa sa hapag na para lang sana sa'min ni Rage, magkaharap pa kaming dalawa ni Craig, mas pahirap para malulon ko ang sinusubo kong pagkain, para akong nawalan ng panlasa, gana habang minamasdan kung ka attentive si Craig sa pagsisilbi kay Naya while she's eating. Hindi ko na mabilang ang pinong kurot ko sa braso ni Rage dahil narin naaasar na ako sa kanila.

Si Rage lang at si Naya ang masayang nag-uusap habang pareho kaming tahimik at nakikinig lang ni Craig, wala talaga akong boses para magsalita. I am still socked by their sudden intrussion. Pasulyap lang ang tingin ko sa kanila, naninikip na kasi ang dibdib ko. I am so sure na hindi ako mabubusog kahit madami pagkain ang nakahanda sa hapag ngayon.

He chuckles aloud. "Hah? Ah kami ni Chain? Hahaha bago lang!" Rage said flawlessly when Naya ask her about us. Kinurot ko siya sa may gilid ng kanyang beywang. "Hahahaha ara-y bago lang talaga! Ang cute kasi ng nilalang na'to eh."

He even pinched my cheeks, may mantika pa dahil mas gusto niyang kinakamay ang ulam. I gave him my warning glare, so he stopped.

She giggles. "Ang sweet! Look Craig, they're so bagay!" Ang conyo.

Mukhang game naman si Rage na dagdagan pa ang kasinungalingan niya kaya siya ulit ang sumagot. "Diba? Me and Chain we're so perfect. Kahit bago lang ang relasyon namin, alam ko agad na sa kanya ako magtatagal. We complimented each other, I really love all her sides."

Pinabilib ako sa level ng confidence ni Rage, lakas. I examined Craig's reaction, alam kong galit siya. I can read his facial expression but his trying his very best not to show it, a facade of his calm face.

Rage gave me a quite long stare. "Hinding-hindi ko to ipagpapalit, hindi ko siya sasayangin, I want her happiness and she deserve to be loved whole heartedly. Hindi ko siya lulokohin, gaya ng iba diyan." Medj double meaning na usal ni Rage.

I saw how Craig gave him a prying stare, checking him deliberately after he said those words, parang nanghahamon.

Rage patted my shoulder softly. "Diba Bae bae hinding-hindi kita sasaktan, paiiyakin dahil alam ko kung gaano ka ka-special. You're so worthy enough to be wasted dapat sa'yo minamahal, inaalagaan at pinapasaya." He even gave me a peck on my temple.

Agad kaming nakarinig ng lagitgit ng upuan, yung padarang ang pag-usog.

"Excuse me!" Craig uttered coldlessly after he stood up. He has this grim face, jaw tightening as he left us.

"Craig where to go?" Naya asked, confused.

He stop walking for a while. "I have an important call." He answered at diretso na palabas sa pinto ng terasa ko, we were left astound.

"Amph! Seloso Bae!" Tatawa-tawang usal ni Rage pagkatapos ding tumayo ni Naya para sundan si Craig.

Naiwan tuloy kaming dalawa dito, I gave him a glare, pang-asar talaga ang mukha ng tukmol na'to. "Hahahaha ayan eh, tahimik mo kasi. Hindi ka naka ambag sa convo kanina, sarap pa namang asarin ng asawa mo, hahaha you saw how jealous he was when I gave you a peck. Amp talaga, possessive pero wala sa lugar!"

Kinurot ko ulit siya dahil happy siyang inaasar na naman ako. "Masaya ka?! Alam mong ayaw ka niyang kasama ko kaya iyan nagkakaganyan. Hindi ko na naman kasi sinusod ang gusto niya."

He shook his head. "Hayaan mo siyang ma-stress dapat happy lang tayo habang inaasar siya, just let him taste his own karma. Mas gagalitin ko siya, just watch and observe." He evily said while grinning.

Napailing nalang din ako, naaabnoy na naman ang isang to. "Ewan ko sa'yo tukmol, bahala ka nga sa buhay mo. Ang saya mo talaga pag nakakagawa ka ng kasamaan no?"

"My special skill!" He even proudly uttered. "Para hindi lang ikaw ang nase-stress dapat siya din para fair."

Ako naman ang natawa. "Hahaha awts gegeh! Kung saan ka masaya, tumawa ka." I only said at pinagpatuloy ko na ang pagkain. Hindi talaga ako nabubusog, powtek! "San ba ang kape ko? Pede ba tomg ibuhos sa kanila para sila naman ang mag-palpitate? Kabahan naman silang sugurin ang lungga ko, hindi ako prepared, nang-iinvade pree. Apakalakas!"

He messes my hair, giving me a chidish smirked. "Babaogin natin sila Bae, mag eepic comeback tayo. Kala nila ha? Mabuti talaga at naisipan kong puntahan ka ngayon, kundi iyak ka na naman panigurado! Hay ang timing ko talaga swabe! Mag thank you ka dali!"

Naikot ko ang mga mata ko! "Salamat shoppee! Tang-ina mo ng hard Rage!"

At iniwan ko na siya don sa lapag na humahalakhak, pinatong ko ang mga platong ginamit namin para mahugasan sa lababo at padabog na naghugas ng pinggan. Thinking about our awkward atmosphere in here, punyeta talaga ng utak ni Craig minsan eh! Ang twisted masyado, he has this big guts to bring his mistress here, face to face pa kami. Hindi ko alam ang pakiramdam ko, inis, insulto o galit, masakit pero wala akong kakayahang harapin at magtapang-tapangan sa harapan nilang dalawa. Na parang welcome at okay lang na nandirito sila, inaapakan ang sahig ko at minamantyahan ng kataksilan nila ang bawat sulok ng bahay ko. The audacity of these two thick face creatures.

Isang marahang tapik sa balikat ko ang nagpagising sa'kin sa pagkatulala. "Tama na yan, mababasag na oh! Makakuskos ka akala mo damit yan?!"

Ang mukha ni Rage ang bumungad sa'kin, pilit inaagaw ang sinasabunan kong plato at siya na ang nagpatuloy. Making me stand beside him, looking at his idiotic face as he hummed a song. Nang aasar talaga ang mukha niya habang sinusulyapan ako. Hinilamos ko nga ang may bula kong kamay sa pagmumukha niya. Making him scream in annoyance.

He shutted me his grim look. "BAD! Aray iyong mata ko, Chain nalagyan mo! Mahapdi, nyemas ka!" He growls aloud.

Naawa naman ako sa kanya ng beri beri light dahil puno din ng bula ang kamay niya kaya hindi niya maaalis, nilapitan ko siya at ako na ang nagpunas ng sabon. Stilling his face para maalis ko ng maayos. "Huwag kang malikot diyan." I warned bago ko ulit bitawan nong ubos na lahat ng pinahod kong bula. "Oh ayan maghilamos ka na. Mukha kang tanga diyan."

Grabe kasi makapikit akala mamamatay siya sa bula, sinunod niya naman ang pinapagawa ko.

After he washed his face he then diverted his accusing stare at me. "Ikaw kasi eh, para kang tanga. Ayan tuloy nabasa na ang damit ko!" At walang siremonya niya ng hinubad ang kanyang shirt sa harapan ko.

Napatanga nalang ako bigla kay Rage, hubadero ang tukmol! I heard his loud laughter. "First time?! Makatitig oh, your obviously drooling over my body, Bae Chain." He even winked at me.

Kusang umangat ang gilid ng labi ko para mapangiwi, I shutted him my disgusted look. "Luh asa ka! Mukha kang tingting! Wag mo kong yabangan diyan, boi!" Sabay batok sa kanya.

"A-Aray, a-aray! Amph ambigat tologo ng kamay mo, bae. Ansakit!" He snapped, massaging his head.

"Bweshit ka kasi! Magbihis ka nga, may damit don sa kwarto, yung damit mo! Nandon sa drawer ko." I suggested keysa naman rumampa to dito ng topless.

He laughs yet he headed his way to my room. "Awts gegeh! Paligo nadin wala pa kasi akong ligo, Chain. Saka pahiram ng short!"

Hindi ko alam kung nagjojoke ba siya o kung tamang tangina lang talaga ang utak ng isang to. Ako padin ang tumapos ng hugasin ko, hindi pa nakabalik ang dalawa. I took a deep calming breath, argh whatever!

Habang pinupunas ko sa aking damit ang basa kong braso ay lumabas na akong kusina, heading to my sala. Only to be rooted in place when I saw Craig and Naya, sweetly cuddling each other. Smiling wide and doing cheesy things, like hugging and kissing. Matarfvckah! Bahay ko pa ba to? Kasi ang tahanan ay isa sa dapat pinakasafe na lugar pero bakit parang feeling ko, nandito ang kinakatakutan kong makita mula pa noon? Hindi na ako kayang protektahan sa sakit na nararamdaman ko sa ngayon, I watch them from a far. Watching them two, close and intimate with each other.

Nanpalamig ang kamay ko pero ganoon naman ang pag-iinit ng aking mga mata, parang may gusto butil na kumawala. Hindi ko na kinaya ang lihim na magmasid nong nagsalo sila sa isang mainit na halik.

I walk out, hurriedly. Striding my way to my room, eagerly wanted to escaped that scene. Mas lalo akong nanghina, anong karapatan nilang maghasik ng kasakitan sa loob pa mismo ng pamamahay ko? Walang mga pakundangan! Walang modo!

"WOAHH! AJAKAMANYO!" Sabay pa kaming napasigaw ni Rage dahil saktong pagbukas ko ng pinto ang kalalabas niya lang din ng banyo ko. Wearing my towel, covering only his hips and topless.

Napatanga ako pagkatapos kong tumili, ang lakas kasi ng boses ni Rage, nagkagulatan kaming dalawa.

"HOY BAKIT GAMIT MO ANG TOWEL KO!" Halos malagutan ako ng hininga habang sumigaw kay Rage na wala ng pakialam na nadirito ako ngayon. Pasipol-sipol na niyang sinusuot ang damit niyang nakalatag sa kama ko, ako pa ang nahiyang tumalikod para magkaroon naman siya ng privacy kahit feeling ko hindi niya alintana iyon. After a while I uttered, pissed off. "TUKMOL TAPOS KA NA BA? PUNYETA KA TALAGA RAGE! PALITAN MO YANG TUWALYA KO! ISA LANG SLAPSOIL!"

Nanggagalaiti ko paring dagdag kahit nakatalikod ako sa kanya, I heard him chuckles.

"Ajakamayo nga, atat mo naman eh!" He said whimpering. "Ano ba kasi ang nangyari at bigla mo nalang naisipang pumasok dito?"

I raised my brow, ako pa. "Wow! Ipaalala ko lang ha? Nasa pamamahay kita at kwarto KO ang ginagamit MO! So bakit kelangan kong magpaalam? May ambag ka sa renta dito?!"  

He tsked. "Hindi ko naman kasi inaangkin, nagtatanong lang eh, HB ka na agad. Maaga kang tatanda niyan bae, chill lang kase!"

"Heh i-chill ko yang mukha mo eh!" Pikon kong usal. Humarap na ko sa kanya nong sinabi niyang bihis na siya. Bihis wala pa ring pang-itaas, hubadero yata to sa pastlife niya eh. "Wala kang balak magdamit? Magbuburles ka dito? Sa harapan ko pa mismo?"

He smirked. "Oh di talikod ka lang, ikaw ang mag-adjust bae. Hahaha to namen joke lang, eto na po. Magbibihis na." He helplessly say after I shutted him with my glare. He sarcastically added. "Hahaha o ayan happy?"

"Mukha ba akong happy?!" Maanghang kong balik sa kanya.

Iling niya ang patunay na ramdam niyang hindi ako okay. "Mukha ngang hindi, anyare ba sa labas at pumasok ka sa loob?" He asked carefully.

Nagkibit-balikat ako at diretso paupo sa kama, heaving a deep breath. Iniisip kong anong kamalasan ang meron sa araw na'to at kutang-kuta na ako! Si Craig at kay Naya palang double kill na eh.

"Just just..." hindi ko na matuloy pa ang sasabihin ko. "Punyeta talaga nila Rage!" I can only cursed.

He gave me his knowing look. "Hayst sabi kasing kalma lang Chain, hayaan mo sila. Halika nga rito, masyado mong sinasaktan ang puso mo sa mga taong walang kunsiderasyon sa damdamin mo. Let them, okay lang yan. Sa una lang yan masakit, masasanay ka rin." He patted my back. "Try and learn to be happy by your own, trust me mas fulfilling sa feeling na kaya mong maging masaya kahit walang tulong o ambag ang ibang tao. Find your own happiness bae, hindi yung palagi ka nalang nasasaktan ng kung sinoman ang kasiyahan mo ngayon."

"Kaya ko ba Rage?" I asked him, so scared.

He nodded while grinning. "Mali naman dapat sabihin mo kakayanin! Wala namang hindi kayang gawin eh, nasa will iyang ng isang tao. Kung gusto ika nga may paraan pero pag ayaw wala eh, libo ang reasons na baon niyan."

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naguusap ni Rage ng masinsinan, minsan may pakinabang din ang tukmol na'to sa buhay ko, he knows the right words to say. Basta ang alam ko lang, andami niyang payo sa'kin, yun nga lang kung makikinig ako. Minsan kasi ang utak ko wala ng sinasanto, minsan alam na ngang mali, bawal, imposibleng mangyari pero heto parin, sige ng sige. Alam nang masasaktan sa huli pero sa huli pa naman iyon kaya okay lang. I pu-push parin kahit alam na ang ending, diba?! Ang bobo, ang agnat-agnat, self!

Rage cage me in his arms, securing to give me a reassuring hug as he says these words. "You deserve someone's love and source of happiness, Chain. Sana wag mo iyong i-buhos lahat kay Craig, sometimes nabubulagan ka lang ng expectation mo kaysa sa sarili mong damdamin. Try to be happy, for yourself and for Craig too. Malay mo hindi talaga kayo para sa isa't-isa."

At sakto namang bumukas ulit ang pintuan at niluwa non si Craig, I saw him stilled. Nakatingin lang siya sa'min ni Rage, intently and with blazed. Para naaktohan niya kami sa isang karumaldumal na krimen. Dali tuloy akong napabitaw kay Rage na nagtataka kaya napatingin din sa aking gawi, only to find Craig there. He instantly put his playful smirked as he stared back. Tila nangaasar talaga ang tukmol, I awkwardly cleared my clog throat, ako ang naiinitan sa palitan nila ng tingin.

Utal ko na lamang nasabi. "O-Oh C-Craig, w-why? May k-kailangan k-ka?"

He then darted his eyes on me, accusing. Showing me his masked calm face, yet I know behind those cold stare, he's giving me a warning. "Aalis na kami ni Naya, mukhang hindi mo na kasi kailangan ng kasama."

Rage butted. "Ah yeah, akong bahala. Yakang-yaka namin to ni Bae Chain, kami pa ba? Ang ganda ng tandem namin nito eh." Pinisil niya pa ang pisngi ko, then added in a faint whisper.  "Alis na, di ka naman kawalan."

Craig face grimmed, he asked. "What?"

Nataranta naman ako dahil baka magsapakan tong dalawang to sa harap ko, halatado kasing wala sa mood si Craig ngayon habang si Rage naman ay game maki-pagasaran sa isang to.

So I calmly uttered. "Wala, sabi niya mag-kakape lang siya! Wag kang bingi Craig, alis na kung aalis na kayo. We can manage na, thanks na lang pala. Ge bye!"

I heard Rage's faint chuckles as I said those words. Sira-ulo talaga tong tukmol na'to.

He patted Craig's shoulder mockingly peto agad iyong pinalis ng isa. "Ge na pre, ako na bahala kay Chain — I mean dito. Hahaha ako na lang!"

Minsan ang sarap ng kutusan tong si Rage eh, ang wild ng imagination.

Craig's penetrating glare darted on me before he finally leave the room. The fire on his eyes is the proof that his in rage, to me and Rageon.

Walang gana niyang itinugon habang papaalis. "Bahala na kayo sa buhay niyo!"

Only to be left atound while Rage's laughing hard as he heard Craig's parting words.

He abnoxiously said, still laughing. "Hahahaha amph Bae, nagwalk-out. Parang agtan!"

Sinapok ko nga! "Tahimik ang bano mo Rage, sasakit ang ulo ko kakaintindi sa kagaguhan mo!"

He then added. "Aw ah, hahaha pasensya ka na godbless!"

"Namo ah! Mukha ka nang tanga diyan, hoy tama na! Halika na nga, wala na ang toxic sa mata ko sa labas, don ka maghasik ng lagim." Tinulak ko na siya palabas ng room ko para matulongan na sila ate sa labas at matapos na agad nila.

"AWTS GEGEH! ARAT NA!" He snapped happily. Napa-face palm nalang ako, si Rage talaga ang pantagal stress ko sa buhay.

*****

Dec.02.20 😊