3W8L

Bago pa kita makilala

Meron nakong mahal na iba

Konteto ako para sa kanya

At perpekto na sana ang aming pagsasama...

Ngunit noong nagkita na tayo

Bakit ginulo mo ang aking pagkatao?

Iniwan ako ng sinabi kong ako'y sineseryoso

Ngunit ikaw pala ang papalit at seseryosohin ko ng todo...

Ngunit pagsubok laging nadiyan

Sinubok kung gaano katibay ang pundasyon ng ating samahan

Ikaw palay may iba nang pakakasalan

At itoy sa huliy naging sanhi ng ating magulong hiwalayan...

Pero pandalian lamang, di kita kaya mawala sakin ng tuluyan

Dahil sa ngayon sa pusoy koy ikaw na ang syang laman at syay sakin wala ng puwang.

Tinanggap kita at nagbulag-bulagan...

Nagkukunwaring okay lang pero ang sakit2x na sayoy may kahati na sa hangganan

Iisipin ko palang ang walang kasiguraduhan nating pagmamahalan

Nangangamba na ang pusong iyoy akoy iiwanan

Dahil hindi ko yata kakayanin ang makita kang masaya ngunit hindi ako ang iyong kasakasama.

Kaya mas pinili kong isekreto ang ating relasyon

Mas mabuting ganito, mamahalin parin kita

at kahit may kahati na Okay lang.

basta sakin meron kapa ring atensyon.

Oo kahit kakarampot pa yan. Manghihingi ako.

Kasi ikaw lang ang gusto ko at ikaw lang ang tanging mamahalin ko...

Ngunit ang akala nating madali

Ito palay isang pagkakamali

Nasasaktan sa bawat sandali

Dahil tayoy nagkukunwari sa bawat sengundong nalalabi....

Kapwa tayo sumuko at hindi kinaya

Di kinayang hindi ka ipagsigawan sa iba.

Mahal na mahal kita at hindi ka dapat ikahiya

Dahil kapwa mahal natin ang isat isa ang oras ang tutol sa pag sasama nating dalawa....

Pero hangang sa huli pala'y di parin tayo pede

Dahil ang ina mo na ang humiling at hiningi

Ang makasama ka muli at kalimutan na ang ating bawat sandali....

Kahit tutol ang loob koy binigay kita sa kanya

Kahit ang sakit tiniis ko kasi mahal na mahal kita.

Pero sobrang sakit ang akiy dinulot nya

Dahil sa araw na sinabi ko sayong 'tama na at di ko na kaya'

Ay siya namang araw na dapat ako ang babaeng pinakamasaya

Dahil ito sana ang araw na hinihingin mo ang kamay ko

at habang buhay na tayong legal na magsasama...

🖤 💔 🖤