N.K.N.K.K

Ilang taon naba ang lumipas?

Bat pag ibig ko sayoy di parin kumukupas?

Ilang dahon na ba ang nalagas?

At magpasahanggang ngayo'y luha'y patuloy na naglalandas.

Sa ula'y ala ala ka

Sa tag araw, hanap hanap kita

Andami mong iniwang ala ala

Na kahit limutin ko'y parang ayaw ng mabura.

Ang paglisan mong kay tila kay dali

Pag iwan mong tila sayo'y akoy isang pagkakamali?

Iniwang mong magisang nagdadalamhati

Sa puso kong iniwan mo't nasawi.😢😭

Sa tagal ng panahong inantay

Ang makalaya sa ala ala moy pilit kong inaalay

Pasensya, at kinalimutan ko ng kalimutan ka

kasi nakalimot na ang puso ko sa sobrang sakit na nadarama.😭😭