Dear; Bhesh

Bhesh, advice lang ha?

Wag ka ngang masyadong ambisyosa

Tigil tigilan mo na rin ang yong pagka ilusyunada

Nagmukha ka na kasing kaawa awa.

Hindi mo kailangang ipagyabang

Ang mga pangyayaring hindi mo pa nga nanararanasan

Di mo rin kailangang magbida bidahan

May maipagmalaki ka lang sa kwentuhan.

Bes baka naman naguguluhan kana?

Alam mo pa ba ang totoo sa yong iyong kwento?

Kasi minsan ang kwento moy di na magkatugma

O baka naman lahat ng storya moy isip lang ang may katha?

Pero sana naman hindi ka makakalimutin no?

Para naman natatadaan mo pa ang iyong kwenento

Ng hindi ka sana magkamalit pabago bago

Napaghahalataan kasi, sarili mong ganap sa buhay, di mo pa makabisado?

At kung pede lang? Kung magsasabi ka ng kaganapan

Yung wala naman kaming mapagtatanungan

Kami pa kasi ang nalalagay sa kahihiyan

Kasi ang version moy di tugma sa kwento ng tunay na nakakaalam.

Payo lang ulit ha?

Wag ka ngang ng aangkin sa pag aari na ng iba

Ikaw pa ang may ganang masakatan at lumuha?

Bes hindi ka nakakaawa, walang kayo kaya wag kang magluksa!

At isa  pang nakakainis sayo

Yong parati kang feeling agrabyado

Wow ha, Ikaw lang naman ang nagfeeling ng may kayo!

Tapos sisihin mo ang taong wala namang pakialam sa buhay mo!

Hindi mo pa ba nahahalata?

Wala na sayong naniniwala

Ang dami mo na kasing binitawang salita

Ni wala ngang pruweba at di mo mapatunayan sa gawa.

Bes please? Tigil na ha?

Nagmumukha ka na kasing tangatanga

Alam mo ba kung anong sayoy bansag nila?

Fil-Am besh! May Breed.

LAHING, Half-Feelingera, Half-Ambisyosa.