TINADHANA

Bakit tayo pinagtagpo kung sa huli tayo rin ay magkakalayo?

Bakit tayo nagkakilala kung sa huli hindi rin tayo nakatadhana?

Bakit ang pagibig natiy hindi na naging sapat?

Para hanggang sa huliy matawag tayong karapat dapat?

Ilang libong katanungan ang naguunahan sa aking isipan

Ngunit ni isang salitay walang katumbas na kasagutan.

Walang letra o salita ang kayang itala

Kung gaano kasakit ang sakiy, ikay mawala

Dekada ng samahan binuo natin ng magkasama

Ngunit nasira lang ng isang araw na puno ng pagdurusa

Katumbas ba ng kalayaan ay aking kamatayan?

Dahil lahat ng bayani'y namatay sa kanilang ipinaglalaban.

Dahil buhay man ang aking katawan

Ang puso nama'y namatay na nong ikay unang lumisan

Tadhanang sadyang ang saklap sa ating dalawa

Tayoy pala'y nakatadhanang bumalik sa ating umpisa.

'Sa umpisang pareho nating hindi kilala ang isat isa. '