ASAN KA?!

Tanginang FOREVER yan

Bat di ko matagpuan

Punyeta nga naman

Ako ba'y pinagtataguan?

Dude, magpakita ka na nga

Wag kang pabebe ika nga

Lumabas kana sayong lungga

Nang mapagtagpo naman tayo ng tadhana.

Naasar nako sa kahihintay pre

Ang tagal mo naman yatang matorpe

Eto na nga ako oh, reading ready

Tas ikaw dyan nag iinarte?

Magtapat ka na nga

Huwag ka na kasing mahiya

Sasagutin kita, wag kang mabahala

Ng masabi ko namang 'forever koy akin ng nakita'.