ALAALA KA

Mabining Ihip ng hangin

Nagpapa alala ng nakaraan natin

Alaalang masakit isipin

Ngunit nakatatak na sa king damdamin...

Hindi ko alam at matandaan

Kung ilang beses ko nang sinubukang kalimutan

ang ating nakalipas na nakaraan

Na hanggang ngayo'y nandito parin sa pusot isipan...

Nananalangin ako

Na sanay damdamin moy magbago

At muling bumalik sa piling ko

Dahil ikaw lang ang tanging kailangan ko...

Araw araw na naghihintay

Nanalangin ikay muling sumilay

Puso koy patuloy na nanaghuy

Sa pag ibig mong na sakiy hindi na kayang iabuloy...