MALI PERO

Mahal kita

Mahal ko din sya

At Oo, nagmahal ako ng dalawa

Ngunit ang pagibig ko sa kanila'y iisa...

Alam kong ito'y pagkakamali

Ngunit di ko kayang mamili

Pareho ko silang itinali

Sa relasyong puno nang pagkukunwari...

Kahit akoy nahihirapan na rin

Na dalawang babae'y aking pagsabayin

Konsensiya koy ako'y inuusig din

Na isang kasalanan ang maglaro ng damdamin...

Hindi ko talaga to ginusto

Ang manloko ng taong mahal ko

Inaamin kong nagkamali ako

At isang napakalaking tarantado...

Pareho ko man silang dalawang minahal

Ngunit ang magmahal ng dalawa'y bawal

Oo na, isa nakong hangal

At sa buhay nila'y isa lang malaking sagabal...

Hindi ko man sila gustong mawala

Ngunit ayoko naring patuloy na magkasala

Pagkakamaling handa ko ng itama

At tatangapin naring sa buhay koy pareho silang tuluyang mawawala...