WebNovelKaia100.00%

Chapter Two

CHAPTER II

"Ma'am!"

"Jeez, im coming." Sigaw ko pabalik.

Kaaga aga ay ito ako, imbes na naghahanda para magshopping na lagi kong nakasanayan ay ito ako ngayon naghahanda para pumasok sa unang araw ng pasukan ngunit nakakainis lang kasi tawag ng tawag yung maid.

"Good morning, ma'am." Nakangiti nyang bati.

I smiled sarcastically "Walang maganda sa morning kung ikaw ang una kong makikita." Nauna na kong maglakad pero napatigil din ng may maalala "And oh, stop knocking. Lalabas ako pag gusto, hindi yung pag gusto mo. Okay?"

"O-Okay po, s-sorry m-ma'am."

Hindi ko sya pinansin at bumaba na, naabutan ko sa dining area sina mommy at daddy na kumakain.

"Wow, bagay pala sayo yung uniforme." Pang bobola ni daddy.

Ito ang ayaw ko sa private. May uniforme. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos.

"Hindi kami namin mahahatid sa school, magkaibang direksyon yun. Mauuna na kami."

Tumango lang ako at pinanood silang umalis. Nang makaalis sila ay tska na ko lumabas at pumuntang parking, naabutan ko si manong driver na nag aantay sa akin.

"Kai, where are you?" Tanong nya, pagkasagot ko ng tawag.

"I don't know, Sean." Nilibot ko pa ang tingin ko pero hindi ko talaga alam kung nasan ako.

Buti nalang, napag alaman ko na dito rin pala nag aaral si Sean. Nung nalaman nya nga na dito na ako mag aaral ay halos magtatalon na ito sa tuwa.

"Wh-? You don't know?" Hindi makapaniwalang tanong nya "Where the hell are you?"

Hindi ko naman kasi akalain na ganto pala kalaki itong softbridge na 'to. Jeez. Nagtingin tingin pa ko sa paligid at puro mga damo lang nakikita ko.

"Damo lang nakikita ko, anong lugar to? School pa ba to?"

"Oh, okay. Just stay there, okay? Papunta na ko." He said then he hung up the phone.

Gaya nga ng sabi nya, hindi ako umalis sa pwesto ko at nagmasid nalang sa paligid. Wala akong makitang estudyante ni isa, pakiramdam ko tuloy ay niligaw ako ng driver namin.

"Kai!"

Inalis ko ang sunglass ko at napalingon sa tumawag sakin. Napatitig ako sa kanya dahil ngayon ko lang sya nakitang nakasuot ng gantong uniforme.

"School ba 'to? Tama ba napasukan ko? O mali? Sa kabila ba? Anong lugar 'to?" Sunod sunod na tanong ko habang sinusundan sya paalis sa lugar na puro mga damo.

"School pa rin 'to, school grounds yung napuntahan mo." Sabi nya habang ang mata ay nasa daan.

"What? school ground pa lang yun? Ang laki."

Narinig ko napatawa sya at huminto sa paglalakad. Nilingon nya ko kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Why?"

"Anong room mo?" Tanong nya.

Binuksan ko ang maliit na bulsa sa bag ko at kinuha ang schedule na dala ko.

"Here,"

Inabot ko sa kanya yun. Tinitigan nya muna bago magform ang bibig nya ng O, binalik rin nya pagkatapos.

"Let's go, magkaklase tayo." Masayang sabi nya at hinila na ko sa kung saan.

"Wow, ang dumi." Sabi ko pagkakita sa room namin.

Gaya ng napapanood ko sa Netflix, gantong ganto room namin kaso lang... malinis lang yung sa mga movies, ang kalat kasi ng room namin parang hindi room.

Sinundan ko sya sa may likod, pinaupo nya ko sa may malapit sa bintana at naupo naman sya sa katabi ko. Tatlo ang bawat upuan at sa amin lang ang may extrang seat.

"Ang pangit ng room natin."

Mukhang nataranta sya sa sinabi ko dahil halos hindi nya na alam ang gagawin kung tatakpan ba ang bibig ko o ano. What? Am i supposed to say it's good when infact it's not?

"Shh. Wag ka ngang maingay. Lumang room na 'to." Mahinang sabi nya.

"What? Really?" Shock formed all over my body. Can't believe, akala ko ba private 'to? "Bakit pa to ginagamit? dapat ipalock na 'to. Sira sira naman."

Napalingon sa akin mga kaklase ko kaya tinignan ko sila ng nagtataka. Pamilyar ang iba sa'kin marahil napapanood ko sa tv or nakikita ko sa social media.

"Baka ikaw ang sirain namin." Sabi nung babae sa unahan namin, naka pigtail ito at hindi sya pamilyar sa akin.

"Sirain ko mukha mo eh." Naasar na sagot ko.

Binalingan ko si Sean na nakatingin din pala sa akin. "Anong meron? Bakit parang mahal na mahal nila itong room?"

Bago pa lang sya magsasalita ay nagtilian na ang mga kaklase ko dahilan para maagaw ang atensyon ko.

May pumasok na dalawang gwapong lalaki. yung isa ay mukhang iritado habang yung isa naman ay wagas kung makangiti. Mayabang na naupo sila sa unahan.

"Goodmorning Class. I'm Mrs. Roxe,"

Naagaw ng pansin naming lahat ang kadarating lang na si Mrs. Roxe. Nagsimula na sya magturo kaya nakinig nalang ako.

"Kai, let's go. Lunch tayo, nagugutom na ko."

Niligpit ko na ang gamit ko at nang matapos ay humarap na ko sa kanya.

"Tara na! May mga ipapakilala ako sayo." Hinila nya na ko palabas ng room.

"Sino? Ayok--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin na ang daming nakatingin... sa'kin? I know, i'm pretty but damn, don't stare at me. It makes me uncomfortable.

"HEY SEAN, YOU'RE SO FCKIN' HANDSOMEE!!!"

O... kay? Sa kasama ko pala. Ngumiti sya dun sa nagtawag sa kanya at kumaway.

"Wow, hindi ko alam na gwapo ka pala sa paningin nila." Natatawang sambit ko.

Pinitik nya lang ang noo ko at hindi na sumagot pa, tumingala ako para tignan kung nasan na kami.

Cafeteria

Sinundan ko sya hanggang sa huminto sya, naramdaman kong may nasa likod ko kaya nilingon ko. Napaiwas din ako ng tingin nang mapansing nasa pila pala kami.

"Anong gusto mo dito? Pili ka nalang, ha?" Biglang sabi ni Sean.

Tumango ako at kumuha na ng tray. Pumili lang ako ng pagkain hanggang sa hindi ko namalayan na wala na palang pagkain.

"Miss, that's $50"

Nagtataka akong napalingon sa babaeng nasa harapan ko bago napatingin kay Sean na nag aantay sakin. Inabot ko nalang ang cards ko at nang matapos ay pinuntahan ko na si Sean.

"Gosh, Sean. I can't believe."

"Huh? bakit?" Sabi nya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"$50 'to?? Like whaaat?"

Natawa sya dahilan para umikot ang mata ko.

"Oo, dollar. Ganyan din reaction ko dati. Akala ko nga nung una, 20 pesos yung hinihingi sa'kin kaya inabot ko bente pero sabi nung babae, dollar daw amp, mayayaman noh?" Pagkwekwento nya.

Huminto sya sa isang table na may isang lalaki at isang babae.

"Yow, Sean!"

Tinitigan kong mabuti yung lalaki at babae pagkaupo ko dahil pamilyar sila, parang nakita ko na sila dati pero hindi ko matandaan kung saan.

"Sino yang kasama mo?" Tanong nung babae pagkatapos nyang lunukin ang kinakain nyang pasta.

"Kaia Laus, anak ni June and Cathy Laus. Diba, fan kayo nun?" Sabi nitong si Sean.

Natawa sila "Yes. Anyways, i'm Ava Kul and this guy right here is Adam Hunn. We're the A couples, you'd know that?" Pagpapakilala nung babae.

Napaisip naman ako at tinitigan pa silang mabuti, hindi ko sure kung sila ba yung naiisip ko.

"Netflix?" Wala sa sariling tanong ko, tumango tango naman sila at ngumiti.

"Kayo yun? Kakapanood ko lang sainyo last...." Napaisip naman ako saglit kung kailan ako huling nanood ng netflix "Ah. Kahapon!"

"So, anong masasabu mo about sa Milky Factor?" Tanong ni Ava na ang tinutukoy ay yung sa movie nila.

About yun sa girl na may sakit na diabetes and yung guy ay may depression. Two different stories yet they met accidentally to help each other but instead of being saved, they both died at the end.

I hate tragic movies but i didn't expect it to be that good. Their chemistry is so natural and how they seem to act.

"Good movie." Maikiling sabi ko bago uminom.

"Talagaaa? What's your favorite line?" She asked.

"Oh. I don't remember but i guess none,"

Nagtanong lang sila na sya rin namang sinasagot ko. Buti nalang at nasa mood ako kundi bahala kayo sa buhay nyo. Nagpapicture sila sakin dahil natutuwa raw sila na makita ako sa personal.

"Ayos ha? Artista sila pero sayo sila nagpapicture."

Nagkibit balikat nalang ako, anong magagawa ko? Maganda eh.

"Pano mo sila nakilala, Sean?"

Papunta kami sa Studio dahil Music & Arts ang next subject namin, mas matanda samin sila Ava at Adam kaya mamaya pa klase nila.

"Haynaku, hindi ka talaga nakikinig kanina." He rolled his eyes that made me laughed so hard.

"Nagmeet nga kami kasi nga nalagyan ko nga ng bubblegum yung buhok ni Ava." Gigil na sabi nya.

"Okay, okay" Sabi ko nalang.

Umupo na ko sa naka assign na seats ko, alphabetical order ang seat kaya nasa gitna ako nakaupo. Si Sean naman ay nasa dulo dahil Wayb ang apelido nya.

Magkakalayo ang seats namin kaya wala akong halos makausap at wala rin naman akong balak kumausap.

"Put your headphones." Sabi ng babaeng sa tingin ko nasa 20's palang.

Sinuot ko ang headphones na naka assign sa akin.

"Good afternoon. I'm Miss Valdez."

Pagpapakilala nya sa amin, rinig sya sa headphones kaya kahit na mahina sya magsalita ay maiintindihan pa rin dahil sa lakas ng volume nito.

"As you can see, may computer sa unahan nyo. Search your favorite song and the lyrics. Only one then write why. Pass it today."

Inopen ko ang computer at nagsearch na sa google. Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya automatikong napalingon ako sa unahan katapat ng katabi ko.

Nakita ko ulit ang iritado nyang mukha, hindi ko alam na kaklase ko pa rin pala sya sa music & arts. Tinaasan ko sya ng kilay dahilan para mapaiwas sya ng tingin.

Nagsearch nalang ako ng mga favorite kong kanta. Sa tuwing babasahin at iintindihin ko na ang lyrics, napagtatanto ko na 'iba' pala meaning ng mga kantang gusto ko.

Sometimes, the beat makes me want the music without noticing the real meaning behind it.

Why are men great 'til they gotta be great?

Woo

I just took a DNA test, turns out I'm 100% that bitch

Even when I'm crying crazy

Yeah, I got boy problems, that's the human in me

Bling bling, then I solve 'em, that's the goddess in me

You coulda had a bad bitch, non-committal

Help you with your career just a little

You're 'posed to hold me down, but you're holding me back

And that's the sound of me not calling you back

Pinakinggan ko ang kantang nais kong  isubmit, binasa ko ang lyrics and damn. Bahala na nga.

Why are men great 'til they gotta be great?

Don't text me, tell it straight to my face

Best friend sat me down in the salon chair

Shampoo press, get you out of my hair

Fresh photos with the bomb lighting

New man on the Minnesota Vikings

Truth hurts, needed something more exciting

Bom bom bi dom bi dum bum bay

"Pass it now."

Nataranta ako dahil hindi pa ako tapos.

"Hey!"

Napatingin ako sa unahan ko at napansin na nag aantay pala ito sa papel ko. Sinulat ko na lang ang why bago kunin ang papel ng nasa likod ko at sabay na pinasa sa akin sa unuhan.

"Okay." Ani ni Ms. Valdez nang matanggap ang papel naming lahat.

Nagpunta ito sa desk nya na nasa gitna at nagcheck.

"Class dismissed." Aniya kaya nagligpit na ako ng gamit ko. "Except for Ms. Laus."

Napataas kilay ko at napahinto sa pagliligpit. Umupo akong muli at pinanood ang mga kaklase kong maglabasan.

"What did you do?" Walang boses na tanong ni Sean nang magtama ang mata namin.

I shrugged my shoulders. Sinenyasan nya akong mauuna na sya kaya tumango lang ako.

Ano bang ginawa ko? Gusto ng uwi, gosh.

+++++++++++++++++++++++ <3