Quinn Aria's POV
Pag katapos namin kumain naligo muna sila kasi aalis na din kami.
"Quinn, di ka ba maliligo?" Tanong ni Aiken sakin pag baba nya.
Umiling ako "Dun na ko maliligo. Wala akong damit dito"
"T-shirt nga ni Mave yang suot mo?" Sabi ni Kein
"Oo nga tshirt lang naman wala ako kagabi eh"
"Let's go?" Tanong ni Mave samin pagbaba nya. We nodded
Papunta na kami sa garage nila kung san nakapark yung sasakyan nila ng huminto ako.
"May Van ba kayo dito? Yung pwedeng gamitin?"
Nag tatakang napatingin naman sya sakin "yah? Bakit?"
"Pahiram. You cant use your cars"
"Why?"
"Basta akin na susi"
Binigay nya sakin yung susi nung nakuha nya at pumunta naman ako sa driver's seat.
"Hop in"
"Pero Quinn, you dont have a license. You are only 17."
"Wag kayong mag alala dali na"
Pumasok sila sa likod habang nasa passenger's seat naman si Mave.
Kinuha ko yung bandana sa bag ko
"Suot nyo" binigay ko sakanila yung mga bandana
"Bakit ba?"
"Di nyo pwede malaman ang daan papunta sa Mansion. Its a Mafia Base. Its a rule na hindi pwede malaman kung guests lang kayo. And dont worry about my license, meron akong fake. Pati nga FBI id meron ako"
Napanganga sila at sinuot sa mata nila yung bandana. Chineck ko isa isa kung nakasuot na at nung nakasuot na ay pinaandar ko na yung kotse.
"Putangina! Mag sabi ka naman Quinn pag aandar na" huminto ako saglit at tinignan sila
"Owkey. Seatbelts nyo? Suot nyo walang sisihan pag may bukol kayo mamaya"
Sinuot nila seatbelts nila.
"Start ko na ha? Walang mag sasalita baka gusto nyong mabangga"
Pinaandar ko na yung kotse at narinig ko silang mahinang nag mumura. I cant blame them, mabilis ako mag maneho.
Nakarating kami sa mansion at tinignan ko sila kung buhay pa ba
"Andito na tayo. Pwede nyo na tanggalin bandana nyo." Pero imbes na tinanggal nila lumabas agad sila at umupo sa sahig sa labas
"QUINN! PAPATAYIN MO KAMI SA KABA EH!"
Tinanggal nila yung bandana nila at tinignan ako ng masama
"What? Im just driving."
"Mas mabilis ka pa mag maneho samin. Tignan mo si Gio, violet na yung labi!"
Tumawa nalang ako at sinalubong ang body guards. Sumunod naman sila Mave sakin
"Maam Quinn" the guards bowed at me
"Nasan ang reapers?" I asked
"Nasa sala po silang lahat."
I nodded at pumasok.
Pumunta kami sa sala kung nasan yung reapers
"Kumpleto kayo?" Tanong ko. Lumingon naman sila sakin at tumayo
"Kumpleto kami mam."
"Pakainin nyo muna tong mga kasama ko mag bibihis lang ako" pumunta ako sa taas kung nasan ang kwarto ko dito.
Natapos akong naligo at nag bihis na rin ako. Im wearing hoodie at adidas pants.
Bumaba ako at naabutan ko sila Mave na kumakain sa baba.
"May tao sa training room?" Tanong ko at nag simulang kumain
"Wala. Kakatapos lang namin gamitin yun"
"Prepare all the reapers."
"Bakit Hedvika ?" Tanong sakin ni Havardur. One of the strongest reapers
"Turuan nyo sila gumamit ng iba pang weapons. Wala akong gana kumain ngayon, sa training room lang ako wag nyo muna ako istorbohin hanggat di pa ako tapos"
Maverick's Point of View
"So, mukang gutom na gutom kayo ha?" Sabi nung isang babae kung di ako nag kakamali sya si Marcela
"Si Quinn kase, mag dadrive nalang kailangan pa mabilis. Naging violet pa nga labi nung iba eh"
Nag tawanan naman sila. "Well then lets go? Panoorin nalang natin si Quinn"
Tumango kami at umakyat sa taas. Malaki yung bahay nila, halos kalahati ng laki ng school namin. Magaganda yung designs at mga muwebles.
Huminto kami kung saan may malaking sign na "Training Room" sa taas ng door. Tsaka lang namin napansin na may TV sa gilid ng pinto kung san nakikita yung ginagawa ni Quinn.
"That's real life simulator. Aakalain mong nasa totoo kang laban at totoo din yung kalaban mo pero thats only a simulator."
Pinagmasdan namin sya, nasa isang building sya at may 3 syang kalaban. Umiiwas sya at mag tatago sa poste kapag babarilin sya at lalabas sya kung kailan hindi nila mapapansin. Actaully she's good. Gumulong sya sa sahig at kinuha yung isang baril pagkatapos ay binaril nya sa noo at abdomen kaya bumagsak. Natapos lahat yon at nawala lahat ng buildings at lumabas yung totoong itsura ng training room.
Tumigil sya at pumunta sa table kung nasan yung mga gamit nya. Uminom muna sya at kinuha phone nya. Then bigla syang nag smile.
"Problema nun?" Kein said
Quinn Aria's POV
Natapos akong mag training at umupo muna ako. Binuksan ko ang phone ko kasi baka nag text si mama. Di ko pa kasi nabubuksan phone ko mula kagabi. Walang text pero merong chat galing kay Kai. Nag chat pala sya kagabi ulit pero di ko nireplyan ngayon meron nanaman.
Kai Xavier Trevino: Hey morning;> Andyan ka pa kay Mave?
Quinn Aria Morales: How do you know na nasa bahay kami ni Mave?
Kai Xavier Trevino: Your Insta post. That pic got trending on our school.
Insta post? May post ba ko?
Tinignan ko kung meron at shet meron nga. Bat di ko maalala. Mag aalas kwatro ko to pinost. And woah nag viral nga, in just few hours 80k na likes tas madami din comments
BryleAquino: Huhu sanaol. @KXTrevino boss baka naman
Bryle Aquino, kung di ako nag kakamali member to ng Black Flames. Lahat ata ng members ng Black Flames chinachat ako recently.
MrcLpz: Di nang sasama pag inuman si Quinn @KXTrevino
KeylebMarkez: Lakas mo naman po uminom @TenefranciaRiy
MvrckEmerson: Lakas uminom takot naman sa aso.
Ewan ko bakit pero kahit na kasama ko yung White Empire, parang wala lang sa Black Flames. They will joke na parang friends parin sila ng White Empire. Nung isang araw nga inimbitahan nila ako sa bahay nila eh
Madami pang comments don karamihan di ko na kilala. Nag reply naman ako kay Kai.
Quinn Aria Morales: I dont even remembered posting that.
Kai Xavier Trevino: Hula ko nakatulog kayo sa rooftop no?
Quinn Aria Morales: Galing nyo naman po manghula HAHAHA
Kai Xavier Trevino: You know how to use gun? I saw your friend's post. The group picture.
Quinn Aria Morales: Yup! Ikaw?
Kai Xavier Trevino: Kind of.
Quinn Aria Morales: You know? I think this is really weird. Were talking like di kita nasuntok ng ilang beses
Kai Xavier Trevino: I dont really think about that. Ininis lang naman kita dati kasi natutuwa ako pero aside from that wala akong galit or what sayo. Maybe ikaw meron
Quinn Aria Morales: Nah, not really. Sinuntok lang naman kita kasi ininis mo ko eh. Pero sabi mo naman its a joke lang. Wala din naman akong galit sayo, ganun lang talaga ako pag nainis. Got to go na po. I have things to do
Kai Xavier Trevino: Hmm okay bye. See you when I see you boss! ;>