Dalawang araw na lamang Semestral Break na. Nandito ako sa Cafeteria habang nagbro-browse kung saan pwede pumunta para hindi ako maboring sa bahay.
"Ay kamote!", napatili ako dahil sa gulat.
"Luh, OA mo 'te.",
"Pisti ka, KFC!",
Inirapan naman niya ako dahil don.
"Hey girls.", bati ni Josh na kararating lang.
Hindi ko na siya iniwasan mula nang gabing niyakap ako ni Cros dahil alam ko na kung sino sa kanila ang gusto ko.
"Hey.", bati ko.
Si Kea, nakatungo lang. Nagtaka naman ako don dahil madalas ang bangayan nila kapag magkakasama kami. Pero iba ngayon, pati si Josh parang umiiwas ng tingin kay Kea. Mmmm, something's not right.
"So, a-ahm san kayo this Semestral break?", tanong ni Josh.
Umupo siya sa tabinni Kea na agad naman namula ang mukha. Mmm, I think I know the reason now. Hihi, they're bagay naman.
"Hindi ko pa alam sakin e. Kayo?", tanong ko sabay inom ng pineapple juice ko.
"Batanes", sabay nilang sabi.
Nabuga ko ang iniinom kong juice dahil sa gulat.
"Magkasama kayo?!", napatayong tanong ko.
"What? No! It's not what you thi--",
Pinutol ko ang sasabihin ni Kea.
"Omygosh. Josh, you should bring some contraceptive okay? Kea, take pills. Bata pa kayo masyado.",
Natigilan sila at nakatingin lamang sa akin. Did I s-said something wrong?
"What the hell are you thinking? Hindi ko nga alam na dun siya pupunta.", dipensa ni Josh.
"Dinada-hell mo na ako ngayon a.", kunwari'y nagtatampo ako kay Josh.
"Look. I was just shocked okay? I didn't mean it.", pahina ng pahinang saad niya.
Kumain na lamang kami habang nagsu-suggest sila ng pwedeng puntahan. Palawan, Sagada, or sumama nalang daw ako sa Batanes.
"No, thanks. I don't want to ruin your honeymoon.", inosenteng saad ko.
Masama akong tiningnan ni Josh, samantalang umiwas ng tingin si Kea.
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay nag-iimpake na ako paalis. Napagpasyahan kong magpunta ng Baguio tutal ay mainit ang panahon kaya magandang doon na muna ako. Parang narin irefresh ang isip ko.
It took me almost 7 hours bago nakarating sa Baguio. Maaga pa, maaga kasi akong umalis sa bahay. Inantay ko lang magising sina Mommy and Daddy for extra money hihi.
"Baguio! Here I come!", sigaw ko nang makababa sa sasakyan ko.
Wala si Cros. I didn't inform him about this Baguio thing. I'm sure he's busy at ayokong magulo ang schedule niya because of me.
Maganda ang interior design ng hotel na tinuluyan ko. Five star hotel ito at angat kumpara sa ibang hotel na nalampasan namin kanina.
"Good morning Ma'am. May reservation po?", tanong ng receptionist.
"Hello. Yes. Gwynette Lacson.", saad ko.
Nasa 10th floor ang room ko, room 102. Nang makapasok ako don, namangha ako ng sobra sa ganda ng kwarto. Executive suit iyon at lahat ng gamit ay tila ba sumisigaw ng karangyaan.
Nahiga ako agad dahil sa pagod. Hindi namalayang nakatulog pala ako at nagising lamang dahil sa katok mula sa pintuan ng kwarto.
Inis akong bumangon, sino naman 'to? Wala naman akong nirequest na room service ah.
Magulo pa ang buhok ko at hindi na ako nag-abalang ayusin iyon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking naka-leather jacket na kulay brown, black shirt sa loob at pants.
"What the hell are you doing here?", tanong ko sa kanya.
"What do you think?", nakangising tanong niya pabalik.
"Don't you have work to do? Am I messing with your schedule?", singhal ko kay Cros.
"I have. But it can wait. My girl needs me.",
May girlfriend siya? Bakit kasi hindi ako nagtanong non? Tsk! Paasa!
"Then go to her. Go!", tinulak-tulak ko siya palabas ng kwarto at sinara ang pinto.
Hindi ko alam pero naiinis ako dahil pakiramdam ko umasa ako. Nag-assume ako e.
Babalik na sana ako sa kama nang narinig ang katok sa pinto. I opened it just to see him standing outside.
"My girl is here.", saad niya.
Agad akong namula sa narinig. Ako? Ako yung tinutukoy niya? Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko.
"Hmm? Someone's blushing.", nakangiti niyang saad.
"In your wetdreams!", sigaw ko saka tumalikod na at naglakad papunta sa may living room ng suit.
Ilang oras pala akong nakatulog dahil palubog na ang araw. Lumabas ako sa balcony ng kwarto ko. Napakaganda. Well, I love sunsets. The last picture I have with my lost brother was taken during sunset. I was beautiful.
"So, where are you planning to go tomorrow?", biglang sumulpot si Cros sa tabi ko at may hawak siyang beer.
"I don't know. I'll search later. Can I have some?", sabay turo sa beer na hawak niya.
"No. You're still a minor.",
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.
"Alam mo bang nahirapan pa akong hanapin ang room number mo?", pagbabasag niya sa katahimikan
"Why? Hindi mo ba alam ang pangalan ko?", pagtataray ko sa kanya
"Alam. Ilang beses kong pinahanap ang Ash Lacson, Jamila Lacson, Ash Jamila Lacson. Muntik pa nga ang Ash Delaveda e.", he chuckled.
The way he laugh, ang gwapo parin. Pano niya nagagawa yun?
"Korni mo.", pagsusungit ko.
He looked at me at ngumiti ng bahagya.
"What?",
"Do you miss your brother?", biglang tanong niya.
"Yes. I miss him so much.", nag-iwas ako ng tingin at ngumiti ng mapait habang nakatingin sa kawalan.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga, tila ba nilabas niya doon lahat ng pagod niya nitong mga nakaraang araw.
"I'm trying to find him. That is why I was so busy these past few days. Siningit ko iyon sa trabaho ko kaya madalas nag-oovertime ako.",
Natigilan ako ng narinig. What?
"You don't have to do that.", nakakunot noong saad ko.
"Why?",
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. He's nowhere to be found at imposible na siyang mahanap.", nangilid ang luha ko.
Alam ko sa sarili ko na umaasa akong makikita ko pa si Kuya. Pero sinasampal ako ng realidad na imposible yun.
"I will still find him.",
He stared at me while saying those words. Tila ba tumatagos sa akin lahat ng sinasabi niya.
"Why are you doing this?", tanong ko habang pinipigilan ang emosyon ko.
"Because I want to make you happy. I want to bring him back to you.",