Chapter 15

Ilang minuto na kaming naglalakad ngunit hindi pa namin nahahanap ang sasakyan niya. Gutom na gutom na ako, yung paa ko medyo masakit padin pero nakakalakad naman ako. Binilhan pa ako ni Cros ng bagong tsinelas, yes tsinelas ang binili niya.

"Napaka-makakalimutin mo naman kasi.", bulong ko.

Naiilang ako dahil sa nangyari kanina. Maniniwala ba ako? Baka naman love as a lil sister lang or what. Loving me like a friend ganon. Ayoko mag-assume.

"I parked it somewhere near the gate. Pero hindi ko matandaan ang eksaktong pwesto.",

Naglakad-lakad pa kami ng ilang minuto ngunit wala parin.

"Hanapin mo nalang kaya mag-isa. Balikan mo nalang ako. Pagod na ako", pagrereklamo ko.

Lumingon siya sa akin pababa sa paa ko.

"Does it hurt?",

"Ha? Hindi. Hindi masakit. Kahit kanina pa tayo naglalakad hindi masakit. Sobrang sakit lang.", inirapan ko siya.

Pano ko ba nagagawang mailang habang nagtataray? Pwede ba yun?

He sighed.

"Then bakit di mo sinabi?", pagsusungit niya.

Kalalakeng-tao ako pa manunuyo?

"Tapos? Iiwan mo ako don?", pinagkrus ko ang mga braso ko.

"Kelan ba kita iniwan?",

Napatingin ako sa kanya at mas lalong nailang. Linuhod niya ang isang tuhod niya nang nakatalikod sa gawi ko.

"Are you just going to watch me?", inis na tanong niya.

"Anong ginagawa mo diyan? Magpropropose ng nakatalikod?",

"Tanga. Sakay!",

Ayan nanaman siya sa 'tanga'. Tangang to!

Sumampa ako sa likod niya habang nangingiti. Hindi parin maalis sa isip ko ang katotohanang ninakaw niya ang first kiss ko. Napaka-kapal ng pagmumukha niyang sobrang gwapo.

Mukhang hindi naman siya nabibigatan sakin.

"W-Was that your first kiss?", tanong niya.

"Yes.", simpleng sagot ko sabay tingin sa palagid, nababawasan kasi ang awkwardness kapag ginagawa ko 'yon.

"I'm sorry. I didn't mean to kiss you. Nadala lang ako.",

Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko nagawang sagutin ang sinabi niya. Hindi ko maipagkakailang ginusto ko rin 'yon. At gusto kong maulit pa.

Mahal ko na ba siya? I mean, alam ko sa sarili kong gusto ko na siya pero mahal ko na ba?

Nahanap namin ang sasakyan niya sa kabilang gate, napakamakakalimutin talaga neto.

"All I can remember is the gate. How would I know there are more that one gate here?", pagsusungit niya.

Wow a. Pagkatapos nakawin ang first kiss ko aasta siya ng ganito. Nakakainis a.

Wait. Am I expecting him to be sweet? Oh no. No, Ash.

"What's with that look?",

Doon ko lang napagtanto na nakatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

Inirapan ko siya at sumakay na sa sasakyan niya. The scent, so manly hays. Yaman siguro netong tangang 'to.

"Where are we going to eat?", seryosong tanong niya habang ini-start ang sasakyan.

"Try mo sa tabi ng kalsada, streetfoods.", pagsusungit ko.

Ang akala ko'y sa restaurant kami kakain, sa tabi-tabi lang talaga niya ako dinala. Bumaba ako sa sasakyan at hindi makapaniwalang dito kami kakain ng lunch. Walang rice dito.

"What the hell! Is this how you treat your girls?", bulyaw ko sa kanya.

"What? You're the one who chose it, remember?",

"But that was a joke! You took it seriously.",

Nasapo ko ang noo ko dahil sa inis.

"What is wrong with eating in here? Bagay naman sa suot mo, naka-tsinelas ka nga e.", ngumisi siya at nauna nang naglakad papalapit sa mga bangketa.

Nakatayo lang ako don at hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Tatayo ka nalang ba dyan?

Padabog akong lumapit sa kanya habang siya ay ngingisi-ngisi at halatang iniinis lang ako.

Napilitan akong umupo sa isang bench doon, siya naman ay bumili ng mga streetfoods na magiging tanghalian namin. Nakakainis lang. Alam niyang pagod ako, hindi ako mabubusog dito.

"Here. Eat.",

Nilapag niya ang isang plato na puno ng barbeque, isang supot na puno ng square na dugo arghh I don't know what that is at isang malaking bowl na may lamang---omygod!

"Is that a snake?!", napatayo ako sa gulat.

Taka siyang lumingon sa akin at amy bahid ng gulat sa mga mata niya. Siguro akala niya ay alam ko ang mga ito e barbeque nga lang ang alam ko dito.

"Where?", nagpalinga-linga siya.

Tinuro ko ang tinuhog na ahas na kulay orange.

"Fuck! Isaw 'yan.", sabay iiling-iling.

Nangunot ang noo ko. What the fuck is Isaw?

"Small intestines yan. Big ata, big intestines. Hayy importante pa ba 'yon? Kumain kana.", nilapag pa niya ang bowl na may lamang suka at sibuyas.

Nagsimula na siyang kumain habang ako ay pinapanood lang siya. He's so rude. Pagkatapos akong halikan kanina. Natigilan ako sa naiisip.

"Why did you kissed me?", tanong ko.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at napatigil sa pagkain.

"Do we have to talk about that here? Just eat for now.", saad niya saka pinagpatuloy ang pagkain.

Kumuha ako ng barbeque at sinubo iyon. Ang sarap! Kahit hindi gaanong kagaya ng mga hinahanda sa bahay ay kakaiba ang lasa nito.

"How was it?", tanong ni Cros na nakatingin pala sa akin.

"Masarap.", ngumiti naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.

Sinubukan ko din iyong square na dugo at nalamang betamax pala ang tawag don. Masarap din iyon at ang huli kong tinikman ay ang Isaw.

"Go on. Try it.", pagpupumilit ni Cros.

"Wag na. Busog na ako.", pagsisinungaling ko.

Masama siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong dumampot ng isang stick ng Isaw at basta nalang kinain iyon.

Masarap pala siya. Parang hindi nakakasawa kahit ilang araw akong kumain ng ganun. Kumuha pa ako ng isang stick at sinawsaw iyon sa suka saka kinain.

Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa Mines View, ang ganda ng tanawin. Gusto ko pa sanang subukang magsuot ng native clothes na narito ngunit parang mas gusto ko nalang umupo at tingnan ang tanawin na nasa harapan ko.

Unti-unti akong napangiti habang inaalala ang unang beses na nakita ko si Cros. Iyong mga pagtatalo namin, mga pagkakataon na kakaiba ang pinaparamdam niya sa akin hanggang sa halik kanina.

"Seems like you're too bothered by your thoughts.", bigla siyang nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya.

"Nangako ka na ba sa isang tao pero hindi mo tinupad?", tanong ko.

Naalala ko kasi ang pangako ko sa sarili ko na hindi ako mawawalan ng pag-asa na mahanap si Kuya Spark. Pero hindi ko nagawa kasi pinanghinaan ako ng loob. Nakakaguilty.

"Nangako ako pero hindi ko pa natutupad.", sagot niya.

"Really?", iyon na lamang ang nasabi ko.

"Yes, to your mom.",

"M-My mom?", so totoo pala iyong sinasabi ni Mommy.

"Yes. I promised her to marry you.",