I'm Jasmine Smith 18 year's of existence living peacefully in unknown province of Philippines together with my family but now namumuhay akong nahiwalay sa kanila, Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakaupo habang nakatingin sa harap ng salamin
"Babe, anong ginagawa mo dyan? Ikaw talaga C'mon may bisita ako sa baba. Pakikilala kita" mula sa salamin ay nabaling ang tingin ko sa pinto ng pumasok sa kwarto ko si Justine, at yes he's my boyfriend
"Ahh sige susunod nalang ako sa baba" tinanguan nya ako sabay labas nya. Bumaling uli ako sa sarili ko sa salamin, black beauty, curly hair, medyo makapal na kilay, at mapupulang labi. Bumuntong hininga muna ako bago napag desisyonan na mag ayos ng sarili
Ngayon ay naka suot ako ng isang simple and over sized white shirt and mini short. Pinuson ko rin ang buhok ko sa isa masyado kasing mahaba
Nag lagay rin ako ng konting pulbo at matapos non ay nag tungo na ako sa labas ng kwarto
Bumaba na ako at nakita si justine na nag hahanda ng meryenda sa mini table rito sa living room, bahay ko to at madalas na nandito si justine. Busy sya sa pag lalagay ng mga pagkain sa mesa. Pero mistulang tumigil ang oras, hindi ko maalis ang titig sa isang taong lumabas mula sa likuran nya, ramdam kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mamamatay na ba ako? Sa pag angat ng kanyang ulo ay doon ako nakaramdam ng kaba isama mo pa ang tibok ng puso kong parang may nag uunahan, ang mga mata nyang medyo singkit, ang mga dimple nya sa pisnge.... Ang imahe ng taong pinilit kong kalimutan sa matagal na panahon
"Babe andyan ka na pala. Ah nga pala kaibigan ko si Joshua" parang tinatambol ang puso ko. Yung mga ngiti nya, ano bang nangyayari sakin? Bakit ko nararamdaman to?p-pero teka?k-kaibigan nya? Pano?
"Hmm hi good to see you" napipilitan akong ngumiti, ano jasmine umayos ka may boyfriend ka,Naiilang man ay bumaba na ako ng tuloyan, naupo narin ako sa tabi ni justine, wala nga pala syang alam tungkol kay Joshua
"Hey babe do you know him?" Tumango ako sa kanya, isa lang ang masasabi ko ngayon ang awkward para sakin hindi ko alam kung ganon rin sa kanya pero yun ang nararamdaman ko eh
"How come? Kwento mo naman" hindi ako nag salita. Ni isang beses wala akong nasabi sakanya about my ex.Yes Joshua was my ex, hayst Pano pa kaya kung malaman nyang ang kaibigan nya ay ex ko
"Long story babe hehehe"wala sana muna akong balak sabihin sa kanya ayoko namang masira ang pag kakaibigan nila Nakatingin ako sa kanya pero nakangiti lang ngunit kita ko ang pag tataka—teka bakit ba ako naiilang? Wala naman dapat akong ikailang. Tsaka may boyfriend narin ako dapat nga normal nalang ang kilos ko
"Ah babe busy ba kayo? Pwede namang dun muna ako sa kwarto" tanong ko kay justine, pinilit kong di mautal.
"We're just talking about something,ah by the way joshua di ko pa pala nasasabi, Jasmine is my girlfriend" ngumiti ako sa kanya, at bumaling kay Joshua nakangiti lang sya habang nakatingin saming dalawa, hindi ba sya nagulat?teka nga bakit ba ine-expect kong magugulat sya?
"Really? Congrats...if you don't mind gano na kayo katagal?" Tanong nya habang nakatingin samin, nakayuko lang ako ng konti ewan ko ang awkward kasi for me
"Almost seven months I think, tama ba ko babe?" Bumaling sya sakin kaya tumango ako mabait si Justine at maalaga actually sya yung nandyan nung time na walang wala akong malapitan nung time na parang ayoko ng mabuhay, iba ang naging epekto ng pag hihiwalay namin ni Joshua.... Halos isang buwan akong wala sa sarili ni hindi makausap ng ayos....di ko nga alam kung pano ako bumalik sa dati
"Matagal narin pala...well congrats again stay strong both of you" nginitian ko nalang sya, gusto ko mang mag sabi ng 'thank you' walang lumabas sa bibig ko
"Ah sa kwarto na lang muna ako" nakangiting paalam ko kay justine at nag tungo paakyat sa kwarto
Ng makapasok ako ng kwarto ay doon ko napag desisyonan na kunin ang laptop ko. Kaagad kong binuksan yon at nag open facebook account ko, pag ka log in ko kitang kita ko kung gano karami ang notif at messages, papara ilang araw lang akong di nag bukas ganito na agad karami to?
Hindi ko pinansin ang mga messages at notif sa halip ay kaagad akong nag type sa search bar..tinaype ko ang full name ni joshua
[Search: Joshua Del Mundo]
Nag daldalwang isip pa sana ako kung pipindutin ko ang search button,tinititigan ko ang laptop
"Ano ba jasmine, pipindutin mo na nga lang di mo pa magawa?" Pinatong ko sa tabi ang laptop at nag pagulong gulong ako sa kama, masama bang mag stalk?ndi naman ah
Nag mumuka na akong ewan na pagulong gulong sa kama, anyare sakin? ise-search lang naman ah Natigil ako sa ginagawa kong yon at tumingin sa salamin
"Gaga ka! Ex mo na yun kaya okay lang yan umayos ka nga...maliban nalang kung...—eh wala! wala na ex is ex past is past never comback! Kaya pindutin mo na yung search hehe"dinuro duro ko pa ang reflection ko sa salamin. Oo na muka na akong tanga rito, pero anong magagawa ko kung ganito nararamdaman ko ngayon, normal lang naman to ah lalo na pag ex ang pinag uusapan
Binalikan ko yung laptop ko na nasa kama ko,at tinignan ang name nyang nakalagay ron. Pano ba to?
[Search: Joshua Del Mundo]
"Last na tingin ko rito siguro mga 2 years ago na....ano ba kasi selp! Pipindutin lang eh" nag dadalawang isip talaga ako eh, pipindutin ko ba o hindi? Nalilito na ako, umayos pa ako ng tayo at sumandal sa headboard ng kama habang hawak ko yung laptop
"Ano? Titigan mo na lang yan selp? Wala kang balak pindutin yan?ang arte mo! Hindi masesearch yan pag di mo pinindot" bumuntong hininga pa ako at tinitigan ng maigi ang name nya sa search bar
[Search: Joshua Del Mundo]
Nanliliit pa ang mga mata ko habang nakatingin sa pangalan nya, napakamot pa ako sa ulo kahit wala naman akong kuto.
"Geh na pindutin mo na. Kaya mo yan trust your self, pipindutin lang naman eh hehe"
[Search: Joshua Del Mundo]
Result: People. Places. Groups. Events.
Joshua Del Mundo
1 mutual friends
Add friend
Yan ang lumabas ng pindutin ko ang search,1 mutual friend? Ang loyal ah sino naman yun?
Pinindot ko yung name nya para mapunta sa timeline nya,pero wala akong napala, naka private pano to? Kailangan ko pa syang Iadd friend para makita ko
Tinitigan ko ang profile infos nya. Pero mas titig ako sa add friend button, iadd ko ba sya? Humalumbaba pa ako habang nakatingin ron
"Pano kung mag assume to?baka isipin nito may gusto ako sa kanya?luhh selp woi! Ano ba yang iniisip mo. Gaga ka bakit nya iisipin yon eh may boyfriend ka na nga diba. I add mo nalang kase hehe" titig parin talaga ako sa add button, add pa yung pag kausap ko sa sarili ko. Ganito talaga ako pag nag dadalawang isip pati sarili kinausap na hehe
Tinapat ko pa yung arrow ba to? Ah basta yung nasa laptop yun. Tinapat ko yun sa add button habang nag dadalawang isip kung pipindutin ko ba.
"Eh baka di ako iaccept nito?wag nalang kaya? Hay selp isip isip isip" i oof ko na sana yung laptop ng biglang bumukas yung pinto kaya mabilis kong tinago yung laptop sa likod ko
"Ah babe pumasok na ako sorry, nga pala may pupuntahan kami ni josh. Okay ka lang ba dito?" Nakatayo sya sa harap ng pintuan habang nakatingin sakin
"Ah o-oo okay lang ako dito, siguro papupuntahin ko nalang si Jean para rin may kasama ako" sagot ko. Nginitian nya ako at nag lakad papalapit sakin, sabay halik nya sa noo ko. At hinarap ako
"Alright take care, I'll be back bye" matapos nyang sabihin yon ay sinarado na nya yung pinto kasabay ng pag labas nya, nakahinga naman ako ng maluwag
Binagsak ko ang katawan ko sa kama—wait! Yung laptop, naalala ko yung ginagawa ko kanina. Umayos ako at kinuha yung laptop ko sabay bukas non
Pero natigilan ako. At di nakagalaw sa nakita, yung puso ko para tinatambol na naman, ramdam ko rin ang kaba, nanlaki bigla ang mata ko sa nakita ko
"SHIT!" kaagad kong tinakpan ang bibig ko pag ka sigaw ko non at nag tatakbo sa pinto para tignan kung nandito pa ba si Justine at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong walang katao tao sa baba
Dali dali ko namang sinara ang pinto at bumalik sa loob ng kwarto ko sabay hagip ng laptop,napatakip ako ng bibig ng mapag tanto kong....
NAPINDOT KO YUNG ADD BUTTON!
Gusto kong mag sisigaw dahil hindi ko naman sinasadya yun, nag pagulong gulong ako sa kama ko habang nakatakip pa ang unan sa muka ko, nakakahiya bakit ko sya inadd---no bakit ko napindot yun huhu
Pano na? Di ko naman ginusto yun ah pano kung pag isipan nya ng iba? Okay lang yun diba? Okay lang naman na Iadd ang EX mo?
"Hala! Ang shunga shunga mo talaga jasmine,Bakit mo napindot yon!" Sinisisi ko na ang sarili ko kung bakit napindot ko yon naman ih bwisit
Pero natigil ako ng mag vibrate ang cellphone ko, sino yun?baka si--
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko at di tinignan kung sino ang tumatawag dahil sinagot ko agad yon
"Ah uy hehe hindi ko sinasadya wag mo sanang pag isipan ng iba yun hehe napindot lang naman talaga yun hehe" kaaagad kong sabi sa tumawag, wala akong nakuhang respone at nag taka naman ako kaya tinignan ko ang caller id at nanlaki naman ang mata ko, the heck! Ang shunga shunga mo na talaga selp!
"A-ah hehehehe j-jean ikaw pala n-napatawag ka?" The heck! Di kasi muna tinitignan kung sinong tumatawag
"Seriously? Hindi mo na naman tinignan kung sinong tumawag---at teka! Woi babae sino yung tinutukoy mo ha?!" Ay shit, ang sakit sa tenga. Nailayo ko pa ng konti ang cellphone baka mamaya mabingi ako
"Gaga wala! Bakit ka pala tumawag?" Pag iiba ko ng usapan, tsismosa pa naman to baka kung ano ano pa ang itanong
"Ah yun ba...nag enroll na kasi ako sa College University and..."pinutol na ang sasabihin nya, ano na naman ang sasabihin nya?
"Ano?patagal ka naman eh" reklamo ko at nakatanggap ako ng tawa mula sa kanya
"Okay so ayun nga nag enroll na ako and tomorrow na ang class" kakaenroll lang tomorrow na agad? Anong klase yon?
"Bukas na agad kaka enroll mo palang? Bilis naman" tumawa na naman sya, ano ba talagang nakakatawa? Yung totoo. Baliw na ba ang isang to?
"Actually last week pa ako nag submit ng enrollment form natin kaya bukas may pasok na tayo" ah last week pa naman pala, edi tama lang naman pala yung——
"NATIN?!" the heck! Bakit kasama ako?! Bakit wala akong kaalam alam?
"Aray naman! Ang OA mo hmp! Kung andyan lang ako nahampas na kita. Oo kasama ka! Kaya may pasok na tayo bukas gaga" natulala pa ako saglit sa sinabi nya...tas hindi nya man lang sinabi sakin?! Wala pa naman sana akong balak mag enroll sa college pero dahil sa babaeng to wala na naka enroll na. Muka na akong pinag bag sakan ng langit at lupa, this is my worst day ever!
"Tsk! Fine wala na akong magagawa dyan nangyare na eh naka enroll na ako. Bat ang malas ng araw nato naman ih" sagot ko sa kanya at napa buntong hininga pa, ni loud speaker ko ang phone ko dahil ililigpit ko muna ang kinalat ko rito sa kwarto, pag talaga ako lang rito ang kalat ko
"Is that so? Bakit anyare ba kasi sa araw mo ngayon at parang napaka malas naman yata?mind to share?" Muka nya,yako ka baka mamaya kung ano pang isipin ng babaeng to, nahagip ng mata ko yung laptop. Naman ih! Hindi ko naman talaga sinadya yon. Napindot lang talaga ng di ko inaasahan, wala pati akong balak na iadd sya eh
"Bat ko i-sheshare sayo eh napaka daldal mo" madaldal naman talaga sya, tiniklop ko ng ayos ang kumot kong blue tapos nilagay sa ibabaw ng unan ko. Inayos ko pa ang bed sheets, nilapag ko sa study table ang laptop
"Ang sama mo talaga sakin! Hindi ako madaldal noh! Madamot kalang talanga mag kwento" at kasalanan ko ba yun? Pero di naman ako madamot ah ayaw ko lang malaman nya ang tungkol kay Joshua. Marami rin syang alam about samin isa rin sya sa saksi nung time na iniwan nya ako,nung gulong gulo ako, hayst bwisit na luha to. Naramdaman ko ang nag babadyang luha sa mga mata ko, kaagaad ko yung pinunasan at tumawa ng ng mahina
"Haha hindi ako madamot baliw, tsaka next time ko nalang ikekwento actually inaabala mo ko sa pag lilinis ko ngayon gaga" sagot ko. Tapos sakto namang tapos na ako sa pag aayos ng kwarto ko
"Che! Edi wow baka nga pati, kelan ka pa nag linis ha?for your information tamad ka!" Aray ha, oo na tamad naman talaga ako. At ang lakas ng loob kong humingi ng sariling bahay kina mom and dad kahit tamad ako
"Psh oo na tamad na kung tamad basta ang alam ko napaka daldal mo talaga!" Naupo na ako sa kama
"Eh pake mo! Atleast madaldal lang hindi tamad na katulad mo, teka babae nakita ko si Justine ah sinong kasama mo dyan?" Ay oo nga pala. Sa kadaldal nya hindi ko na tuloy nasabi na pumunta sya rito
"Wala. Sasabihin ko nga sana na pumunta ka rito eh kaso sobrang daldal mo kung san san na napunta ang usapan kaya hindi ko na nasabi"
"Bruha ka! Kung sinabi mo agad edi sana hindi tayo sa cellphone nag uusap"
"Eh pano ko nga sasabihin kung ang dami dami mo agad sinabi ha?!"
"Tss oo na, oo na...ano pupunta pa ba ako dyan ha?"
"Oo na bilisan mo naiinip na ako rito sa bahay"
"Sige na papunta na bye!"
Napatingin ako sa cellphone ko ng ibaba na nya yon, ibang klase. Bumuntong hininga nalang ako sabay higa sa kama ko
Naisip ko na naman tuloy yung bwisit na pag ka pindot ko sa add button na yon. Bahala na nga kung iaacept nya edi okay. Kung hindi naman edi mas okay! Hayst
Ang malas ng araw ko...
~•~