SHE
Dapit hapon na nang maalimpungatan ako sa pagkakatulog. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa haba ng pagkakatulog ko ay nalipasan na din ako ng gutom at hindi nakapagtanghalian.
Inayos ko ang mga gamit ko at nagsimula nang lisanin ang lugar. Agad akong tumungo sa Unseen Cafe.
" Magandang hapon po" magalang na pagbati ko sa mga kasamahan ko. Ngumiti naman ang lahat habang abala sa pag-aasikaso ng mga customer. Agad akong nagbihis at pumunta sa counter upang makuha ang ibibigay na order.
" Pakibigay naman 'to, sa binatang nakaupo sa bandang dulo iha. " nakangiting sambit ni Aling Rosa, ang may-ari ng Cafe. Batid ko ang kasiyahan sa kanyang ginagawa na kahit pa may kaya at may edad na ay nagtatrabaho pa rin.
Ipinukol ko ang paningin ko sa binatang nakatalikod.
" Early Evening, Sir. Here is your order, enjoy. " Nakangiti kong sambit ngunit tila baga hindi niya napansin at bakas ang pamumula ng kanyang mata. Umiiyak siya. Sa isang iglap, nakaramdam na naman ako ng pag-aalab sa dibdib ko. Nasasaktan siya.
Idinistansya ko ang aking sarili at kumuha ng sticky notes sa aking bulsa. Pagkatapos ay inilabas ko ang aking panyo at idinikit iyon sa harap nito.
Agad ko siyang nilapitan at inilahad ang panyo. Maagap niya naman itong tinanggap ngunit hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Ni hindi niya magawang tumingin sa mukha ko. Kaya naman agad na akong bumalik sa pwesto ko at naghatid pa ng ibang order ng customers.
Lumingon ako sa kanyang gawi at nahuli ko siyang nakangiti habang nakatitig sa panyo at note na ibinigay ko. Mabuti naman at nakangiti na siya. Sana, mahanap na niya ang tunay na kaligayahan at makahanap siya ng taong mamahalin siya at matatakot na masaktan ang tulad niya.
Nagpatuloy ako sa trabaho at hindi ko namalayan ang oras. Alas Dyes na pala ng gabi at kailangan ko ng umuwi.
" Aling Rosa, ako po'y mauuna na at kailangan ko pa pong mag-aral. Mag iingat po kayo sa inyong pag-uwi. Kung maaari sana ay magpasundo nalang kayo sa anak ninyo baka mapano po kayo at mapagtripan dyan sa labas. "
"Napakabait mo talagang bata. Oo iha, magpapasundo nalang ako sa aking apo. " natatawang giit ng matanda at saglitang niyakap ako.
Agad na akong nagbihis at binitbit ang bag ko.
Paglabas ko ng pintuan, nabungo ako sa salamin at nahulog ang eye glass ko, kaya naman medyo malabo ang nakikita ko.
" Ayos ka lang ba? Heto. " May nagsuot sa akin ng salamin ko at napadako ako ng tingin sa kanya.
"Maraming salamat po at patawad. " tumayo na ako at dumeretso sa labas ng Cafe.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang bumuhos ang malakas na ulan.
"Ano ba naman yan! Hahaha" Mukha akong tanga. Tumatawa ako habang nauulanan. Tumingala ako habang nakapikit. Dinama ang bawat pagpatak ng ulan.
" Aris De Villa, number 78, Done. " Bulong ko sa hangin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi alintana ang pagbuhos ng ulan. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagpunas ng aking buhok at naligo.
Paglabas ko ng banyo ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa bahay na tinutuluyan ko. Hindi pala bahay, apartment.
Maliit, masikip, lumang gamit, at walang masyadong laman. Isinantabi ko ang bawat bumabagabag sa akin at binuksan ang libro ko sa Biology.
I'm having an advance reading for tomorrow.
"Panibagong araw na naman bukas. Sana maabot ko ang isang daan. 'Wag muna ngayon Panginoon."
Kinabukasan ay nagmadali na ako at inayos ang lahat ng gamit na kakailanganin ko para bukas.
"9:00 am" Lalo akong nataranta ng makita ko kung anong oras na. Kailangan ko ng magmadali, baka mahuli pa ako sa klase ko.
Agad akong sumakay sa aking bisikleta at binagtas ang daan patungo sa Cornerstone Academy. Agad ko namang ihi narang ang paa ko sa gulong sa likod upang makapagpreno dahil sa nakaharang sa daraanan ko.
" Ayos lang po ba kayo nay? "Tanong ko sa ale.
" Oo ineng, medyo nahihirapan lang ako maghanap ng masasakyan. " giit ng ginang.
"Ako na po magpapara ng jeep para sa inyo. Saan po ba ang lakad ninyo nay? "
"Sa bayan ineng. Ako nga'y huli na. Kailangan ko pa mag ayos ng aking paninda. "
Napatango naman ako at pumara ng taxi.
"Nay, sakay na kayo. "
"Ay naku iha, mahal ang taxi. Wag na, magddyip nalang ako. "
Ngumiti ako sa kanya at binuhat ng walang kahirap-hirap ang mga dala niyang sako ng gulay.
"Kuya, ito po ang bayad. Sa inyo na po ang sukli. Mag iingat po kayo. "
"Naku maraming salamat iha. " sabay nilang giit, nakita ko naman ang maluha-luhang mata ng manong driver pagkatapos kong ibigay ang isang libo.
"Walang anuman ho. God bless. Mauuna na po ako. " kumaway ako at sumakay sa aking bisekleta.
"76, done. " Napangiti ako ng mapakla. Aishh lagot! Late na ako!!
------
Nagmadali na akong umakyat sa ikatlong palapag. Napag-isipan kong huwag nalang pumasok dahil 40 minutes narin naman akong late. Hayys.
"Gutom na ako." Sambit ko sa aking sarili habang papalapit sa Canteen. Hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga nadaraanan ko.
"Hiwalay na sila. Nagkabalikan na si Aris at
Nagmadali na akong umakyat sa ikatlong palapag. Napag-isipan kong huwag nalang pumasok dahil 40 minutes narin naman akong late. Hayys.
"Gutom na ako." Sambit ko sa aking sarili habang papalapit sa Canteen. Hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga nadaraanan ko.
"Hiwalay na sila. Nagkabalikan na si Aris at Lyn. Ginamit lang naman siya. GINAMIT." I smiled at them. Nakangiti ako habang nakatingin sa kawalan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa unahan ng pila.
" Ate, 2 red velvet cake po at tsaka yakult." Masaya kong giit. Agad naman akong tinanguan at ibinigay ang order ko. Agad akong naghanap ng mauupuan nang mahagip sa paningin ko ang dalawang tao. Ang saya nilang tignan, sobrang saya. Magkasama si Aris at Lyn sa table habang nakaangkla an kamay ni Lyn sa leeg ni Aris. I smiled kahit gusto kong umiyak.
Naghanap ako ng mauupuan sa bandang dulo at duon nilantakan ang pagkain ko. Hindi ko alintana ang tingin ng ibang tao at ang 'di mapagtantong bulungan ba o lantarang parinig sa akin.
"Hi. I heard break na kayo? Hahaha. Mabuti naman at nagkabalikan na sila. Hindi naman talaga kayo bagay eh. Ewan ko ba kung bakit ikaw ang pinatulan ni Aris sa loob ng dalawang taon. Pwede namang ako. Mas maganda naman ako sayo. But nevertheless, break na kayo. Pwede ka ng lumipat ng school. Wala na ang knight and shining armor mo." Kasabay nun ang pag-alis niya ang pag-alis ng isang dating kaibigan. Si Reese.
Bumabaon sa puso ko ang mga sinasabi niya. Tama, dalawang taon akong naging girlfriend ng pinakasikat at hinahangaang athlete ng paaralan namin si Aris. Sumilay muli ang ngiti sa aking labi at tinapos ang pagkain ko. Agad na akong naglakad patungo sa susunod kong klase.
"Good morning everyone. I would like to announce that we need an exchange student for Leibniz University. Any volunteer? " Nagtaas ng kamay si Lyn.
" I think Lyca would like to volunteer herself maam. I saw her raising her hand." Sabi niya at agad akong pinandilatan ng mata.
" You're our volunteer then, Miss Lyca?" Napaisip ako, mabuti na rin siguro ito para makapaglibang ako.
"Yes maam, I volunteer."
" I knew it, matutuwa ka sa balita ko sayo mamaya Miss Lyca." Nakangiting giit ni Maam Ren.
Ngumiti lang ako sa kanya at nakinig sa lectures niya about B-boying. She's a PE teacher. Tila ba una palang alam ko na agad ang dahilan ng pagpunta ko ng LU.
"Class dismissed. Miss Israel, stay for awhile."
Inayos ko na ang gamit ko at nanatili sa kinauupuan ko.
" About tomorrow, you'll be staying there for a month or two and if you ace the contest, you'll have a full scholarship until your fourth year here in CA." Napangiti naman ako sa sinabi ni Maam.
" Sige po maam, aalis na po ako at kailangan ko pang ihanda ang mga gamit ko."
"Sure. See you tomorrow."
Nagmadali na akong lumabas at dumeretso sa banyo ngunit hindi ko inasahan ang daratnan ko sa loob nun.
"I love you Lyn. I love you so much." Giit ni Aris habang patuloy sa pakikipaghalikan kay Lyn. Nakita ko ang mga mata ni Lyn na nakaderekta sa akin. Nakangisi ito.
" Did you ever loved Lyca? " tanong nito kay Aris. Bigla akong napaatras sa tanong niya. Am I ready for this?
" No! I don't love her! Never did I! I only loved you, it was always been you, Lyn. " Kita ko ang takas ngisi ni Lyn dahil sa paglandas ng luha sa mata ko. Umalis na ako agad at dumeretso sa ibang comfort room. Napahilamos ako at sinampal sampal ang sarili ko. Humarap ako sa salamin at pinunasan ang mga takas luha.
"Open your eyes. Accept the fact Ace. Shut it out." I whispered to myself and left the school.
Napako ang tingin ko sa amusement park kaya naman ihininto ko na muna ang aking bisikleta at umupo sa katabi nitong bay. Sunset. I love this. A sad smile escaped from my lips. Inilabas ko ang aking camera at tumingin sa paligid. Finding for a subject. Napatingin ako sa lalaki, his eyes were closed. Ang lalim yata masyado ng iniisip ng lalaking ito ngunit kalaunan ay hindi nakatakas sa akin ang pagngiti niya at agad ko itong kinuhanan.
Crap.
Beautiful. The sunset, the color, the background, and him. I was able to focus on the sight of his smile. Muli akong napatingin sa kinaroroonan ng lalaki ngunit wala na ito sa pwesto niya kanina. Iniayos ko na ang aking camera at agad nang nagbisikleta pauwi.
" All done!!!! Yehey!" Napapalakpak ako ng wala sa oras dahil sa wakas tapos na din ako mag-ayos ng gamit ko para bukas. I sighed and comfortably sit on the balcony. I missed Cheena. She's a bestfriend of mine na ipinagpalit ko dahil kay Aris. I missed my friend so much. Napag-isipan ko na munang maglakad-lakad sa park dala-dala ang gitara sa likod ko.
Kita ko ang bawat ngiti na sumisilay sa mukha ng mga taong nadaraanan ko. Nandito ako ngayon sa katabing park ng inuupahan kong apartment. Napadaan naman ako sa centro ng music.
" Ace! Sakto iha! Maraming salamat at napadaan ka. Ngayon kita kailangan na kailangan." Naguguluhan naman ako sa sinabi ni Kuya Jethro. Ang music operator ng buong park.
"Po? Ano pong maitutulong ko kuya?" Ngumiti siya nginuso ang gitarang nasa likod ko. Ibig niyang sabihin, gusto niya akong kumanta ngayong gabi.
" Kahit isang kanta lang iha. May nagrerequest kasi na mga tao, gusto ka nilang marinig ulit na kumanta ngunit ngayon ka lang naman ulit napadaan dito."
" Pasensya na kuya, busy lang po sa school at sa part time job ko. Buti na nga lang po at wala po akong pasok ngayon sa trabaho."
"So ano? Papayag kana ba? Pakiusap Ace."
" Cool." Napatawa siya at agad niya akong pinapasok sa studio upang ikabit ang aking gitara at ayusin ang aking mic.
Nagthumbs up naman si kuya upang senyasan ako na ayos na at maaari na akong magsimula.
" Good evening, this is Ace. This song is for all of you. Enjoy."
I started to strum my guitar and close my eyes to feel the song.
[Breathe by Lauv]
I've watched those eyes light up with a smile
River in the not good times
Oh, you taught me all that I know
I've seen your soul grow just like a rose
Made it through all of those thorns
Girl into the woman I know
Mataman akong nagmamasid sa paligid habang nakaupo dito sa mini stage. May mga ilan na napapatigil at piniling maupo sa mga upuan sa harapan ko at makinig sa akin saglit.
And it's killing me, me to say "I'm fine, " "I'm fine"
When I really mean, mean to say
You're my all and more
All I know you taught me, yeah
You're my all and more
But I need room to breathe, yeah
Damang-dama ko ang bawat paghaplos ng hangin sa mukha ko. Hindi ko maipinta sa loob ko kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman sa mga nangyayari. Ngunit wala akong karapatan na isisi ito sa iba sapagkat ito ang pinili kong daan ng buhay ko....hanggang matapos.
I found New York laying in your arms
We'll melt into the bedroom floor
Never knew I'd stay for so long
And this truth cuts
Not through one, but both not through one, but both of us
But it's deeper if I hold on
I saw glitter in their eyes. They seem to feel what I feel. But all I can do is smile. Hide all the pain and make other people happy by sacrificing my own happiness.
And it's killing me, me to say "I'm fine, " "I'm fine"
When I really mean, mean to say
You're my all and more
All I know you taught me, yeah
You're my all and more
But I need room to breathe, yeah
Uh Uh Uh
Gotta breathe for me, it's now or never
Gotta breathe for me, it's now or never
Ipinagpatuloy ko ang pagkanta at dinama ang bawat paghampas ko ng aking gitara. Aalis na ako bukas at medyo matagal-tagal din kitang hindi makikita... Aris. But I want you to know that behind those smiles were not all fake. I am truly happy for you.
I should leave, 'cause you deserve better, better
Gave my all and more
But I need room to be me
You're my all and more
All I know you taught me, yeah
You're my all and more
But I need room to breathe, yeah
Damn. Ang sakit.
A tear escaped from my eyes as soon as I finished singing. I hate this feeling. I hate myself for being not enough for anyone.
Kasabay nun ang paglisan ko sa lugar na yun.