SHE
Maaga akong nagising at nagbyahe sa tutuluyan kong dorm. Kung tutuusin pala, malaking tulong ang paglipat ko dahil magkakaroon ako ng scholarship. Mabuti na lamang at pumayag ako.
Nagmamasid masid lamang ako sa paligid habang nagbbyahe papunta sa Leibniz University.
Ye, we were dancing
Dancing with our hands tied
Bagets na bagets si Maam, Swifties. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Tumigil ang sasakyan ni Ms. Ren sa napakalaking gate ng University. Lalo naman akong namangha sa itsura ng kaubuuan nito. Kung tutuusin ay mas malaki ang paaralang pinanggalingan ko, ngunit mas maganda ito kung ikukumapra sa Cornerstone Academy.
Tumigil kami ni Miss, at bumaba sa kanyang sasakyan. Hindi ko pa man alam kung ano-anong mga haharapin ko dito. Ngunit mas mabuti na ito kaysa makasalamuha sila. Hindi naman sa ayoko silang makita, ang nais ko lamang ay makaiwas sa kahit na anong gulo. Ayoko lamang na makasira ng relasyon. Relasyon na ako ang dahilan kung bakit nabuo.
"Halika na Ace."
Natigil ako sa pagtawag sa akin ni Maam, aissh dapat talaga iwas-iwasan ko ang pag-iisip ng kung anu-ano lalo na napakarami kong kailangang alalahanin sa ngayon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa kanilang office. Kumatok ng tatlong beses si Miss Ren at pinapasok kami ng isang babae. Tingin ko ay secretary siya ng Principal.
" Good morning Maam, We are the representative from Cornerstone Academy and she is Alexis Ace Israel."
" Good morning Maam!" Agaran ko namang pagbati sa nakangiting babae sa harapan ko. Kita ko ang paglandas niya ng paningin sa akin habang hindi niya parin natatanggal ang kanyang mga ngiti.
" Mukhang may panlaban ang school niyo iha. But sad to say, all other schools have bigtime representatives too and mind you, they were all boys and that Alexis is the only girl." Turan niya. Nagulat naman kami sa giit ng Principal.
"But darling, since hindi ko talaga inaasahan na mag-isa mong babae, the dorms were all occupied by guys. But I'll be sending you to the apartment near the school. But don't worry, sagot ng school lahat ng expenses." Napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi ng Principal.
"Alright Maam. So do we need to settle anything else?" Tanong ni Miss Ren
" Miss Alexis go ahead in the Gym. The orientation is on going and you Ren, take a sit."
Napatango naman ako at nginitian sila pareho bago lumabas ng office.
Naglalakad-lakad lamang ako habang hinahanap kung nasaan yung Gymnasium nila. Sa sobrang lawak at kalat-kalat ng mga departments dito. Paano ko naman hahanapin yun?! Damn.
Nakita ko ang tingin ng mga tao sa akin lalo na sa damit na suot ko. White shorts na abot hanggang tuhod. Black T-shirt. White Cap. Black rubber shoes. Simple lang naman ah? Hays. Mga mayayaman nga naman. Rinig ko ang kanilang tawanan. Hindi talaga mawawala sa isang istorya ang mga taong mapanghusga. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napansin ko ang isang babae na pinagtutulungan ng mga estudyante.
Agad naman na kumulo ang dugo ko sa mga nakikita ko. Akmang ppagbubuhatan sana ulit ng lalaki ang babae ngunit maagap ko itong napigilan.
"Pare, hindi naman yata tama yang ginagawa mo." Madiing bigkas ko habang nakatingin sa lalaking tabachoy.
"Bakit?! Sino ka bang pakealamera ka?!" balik nito sakin.
"Babae parin yan. Ang pumapatol lang sa babae ay bakla. Bakit pre, Bakla ka ba?" mapang-asar na sagot ko. Ibinangon ko naman ang babae at pinagpag ang kanyang damit.
" Mabuti pa dumeretso kana sa clinic. Ako na ang bahala dito." Sabi ko at agad na hinarap ang grupo ng mga baboy.
" Alam mo, hindi ka marunong gumalang ng babae. At kayo! Bakit niyo hinahayaan na saktan neto ang walang kalaban-laban na babae aber?! Hindi niyo man lang ba naisip ang mga kapatid niyong babae? o kaya ang nanay niyo kapag nananakit kayo?" Kita ko ang pagdadalawang-isip sa mga mata nila. Sa dinami-rami siguro ng mga nakasalamuha kong tao, natutunan ko ng basahin ang kanilang mga emosyon at mga mata. Lahat ng galaw nila.
Unti-unting ibinaba ng lalaking mataba ang kanyang kamao na nakaamba sa mukha ko.
" Pasenya na." Yun lang lumabas sa bibig nito. Tila ba natutop din ang kanyang mga kasama.
" Ayos lang. Humingi kana rin ng tawad sa babae kanina." Tanging tango lamang ang naging sagot nila sa akin at akmang aalis na nang maalala kong hindi ko pa pala alam kung saan ang Gymnasium nila.
" Mga pare saglit! Saan ba dito ang gymnasium?" sabay-sabay naman nilang itinuro ang kabilang dako ng kanilang paaralan. Nagpasalamat lamang ako at tsaka dumeretso na paroon.
"So as I was saying. There were 45 schools to join the Battle. Anyway anong school pa ang wala Ms?" tanong ng isang lalaki sa katabi nitong babae.
Kita ko ang mga ibang representative sa nakaupo sa lapag at nakikinig sa nagsasalita.
" Isa nalang po Sir si Mr. Israel galing sa Cornerstone Academy"
Napatigil ako sa sinabi nila.
" Wow. So lahat pala ng isinali ng paaralan niyo ay puro mga lalaki. This would be great." Ika ng tinawag na sir ng babae.
" Hinahantay ko pa naman ang representative ng CA. Balita ko bihasa daw yun sa mga battle. Siguro natakot na yun at nagback-out." Nakangising giit ng lalaking nasa harapan ko. Napakaarogante naman neto.
" Oo nga pre. Humanda talaga sakin ang pambato ng CA."
Hindi ko tuloy mapigilang ngumisi sa mga naririnig ko.
Kaya habang abala sila ay umupo ako sa bandang likuran at tingin ko naman ay walang nakapansin ng presensya ko.
" Wth. Bakit naman napakatagal ng rep. ng CA. Kailangan n natin siya para maidistribute ko na kayo sa unang groupings." Asar na giit ng teacher.
Nagtaas ako ng kamay.
" Yes Ms? what are you doing here??!! Bawal ang hindi contestants dito! GO BACK TO YOUR CLASSROOM!!!" sigaw nito kaya naman napatingin sa akin lahat ng mga kasama ko dito at tinaasan ako ng tingin.
Problema ng mga to?
"Sir. Mawalang galang na po. I am the representative of Cornerstone Academy."
"Pinagloloko mo ba ako?! Lalaki ang lahat ng representatives! Lumayas ka dito kung ayaw mong isumbong kita sa adviser mo!" sigaw niyang muli at tila ba nanggagalaiiti talaga siya.
" I am Alexis Ace Israel, Sir." Tila ba natutop ang mga bunganga nila at hindi makapagsalita ng maayos.
" Wtf. Mag-isang babae."
" Sinabi mo pa pare. Baka matalo tayo agad kapag naparte yan sa grupo natin sa unang set."
Rinig ko ang mga bulungan ng mga lalaki. Mas maingay pa sila sa mga babae. Kaasar.
" A-alright. So let's proceed to the groupings. Miss Maculao, pakidisplay na sa bulletin yung groupings per school."
Siksikan naman agad ang mga lalaki at hinanap nila ang kanilang mga kagrupo.
Group 9
La Salette Academy
St. Madi University
Silver University
Trioz University
Cornestone Academy
" YES! Hindi natin siya kagrupo. Mabuti naman at hindi na natin kailangan pang mahirapan. Masakit ang ulo kapag may babae sa grupo pare." Kita ko ang saya sa mga mukha nila.
Napatingin naman ako sa apat na lalaking nasa bandang unahan. Tila ba nalungkot ang mga ito na ako'y parte ng kanilang grupo. Hindi ko naman sila masisisi. Isa akong babae.
At sa panahon ngayon, para sa kanila... kapag babae ka—mahina ka.