Kwatro

SHE

I really saw him somewhere.

Nakangiti lamang siya. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ng kanyang kapatid na ngayon ay buhat-buhat niya.

"Put me down, Bigbro."

"Mga apo, halina kayo at magdidinner na tayo." Babalik pa sana ako sa sala para icheck yung phone ko ngunit hinila na ako ni Prince papunta sa kusina.

Nakaupo si Aling Rosa sa gitna habang sa kabila naman katabi nito ang kanyang apo at katabi ko si Prince. So bale magkatapat kami nung lalaking 'di ko maalala kung saan ko nga ba nakita.

"Hala iha, simulan mo ng kumain. Huwag kang mahihiya." Masiglang sabi ni Aling Rosa.

" Uhmm.."

" Ano yun iha? may kailangan ka ba?"

" Pwede po bang manalangin muna tayo?" Hindi nakaligtas sa mata ko ang gulat sa kanilang mga mata. Namamanghang napatango naman ang batang si Prince.

" Sige iha." Pagkuway yumuko na sila

" Ama, maraming salamat po sa pagkaing aming nasa harapan. Ibless niyo po ito ng sa gayon ay maging lakas namin sa araw-araw naming pamumuhay. Bless also those who prepared these foods Lord. Thank you for the family of Aling Rosa, Ama sa kanilang pagtanggap sakin and shower them blessings God nang siksik,liglig at umaapaw. Sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat. In Jesus Name, Amen."

" Napakabait mo talagang bata iha." Sabi ni Aling Rosa habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Prince.

" Hindi naman po. Sumusunod lang sa utos." Nakangiting giit ko.

" Ate Ace, can you teach me also how to pray?" tanong ni Prince.

" Ofcourse. I'll teach you later after dinner." Napatango naman ang bata habang kumakain.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Tahimik lamang na kumakain si King habang inoobserbahan ang babaeng kanyang nasa tapat. Naaalala niya ito. Ito ang babaeng nagtatrabaho sa Coffee shop ng kanyang lola. Pangalawang beses niyang nakita ito nang mabunggo niya habang papasok sa shop.

Hindi maiwasan ng binata na mapahanga sa taglay nitong kabaitan. Hindi niya maipagkakaila na sa simpleng ganda nito ay mas maganda pa pala ang kanyang pag-uugali. Hindi rin siya makapaniwala sa binulong ng kanyang kapatid kani-kanina lamang habang papunta sa kusina.

" I like her for you, bigbro. I don't like your girlfriends. Ang aarte and so conyo." Natawa na lamang ang binata sa inaasta ng kanyang kapatid. Someone got his brother's heart in just a few hours. Matalinong bata si Prince at magaling kumilatis ng tao. Higit pa rito ay pili lamang ang kanyang kinakausap. Madalas ay dinededma niya lamang ang mga bisita lalo na kapag hindi niya gusto.

Nagprisinta itong maghatid sa dalaga ngunit mariin naman itong tumanggi.

SHE

Malapit na ako sa apartment nang magpag-isipang kong tumigil muna sa isang 24/7 na convenience store. Gusto ko lang magpalamig. Iceeeee creaaaaaaaaaaam. Nagiging patay-gutom na yata ako masyado. Hahaha

Bumili ako ng chocolate icecream. Nakaupo lang ako sa sa gilid habang nakatingin sa labas.

" First Day of class bukas. Hays."

" Eh ano naman ngayong kung first day?"

" Eh kasi kinakabahan ako baka mahirapan ako mag adjust."

" Gusto mo ba tulungan kita mag-adjust?"

" Paano mo—." Huli na nang mapagtanto kong hindi sarili ko ang kausap kokundi ibang tao.

" AY TIKBALANG! Anak ka naman ng kabute! Bakit ka ba sumusulpot!" Nakahawak parin ako sa puso ko. Ano ba naman tong lalaking to. Sinusundan ba niya ako?

" Ang gwapo ko naman yatang tikbalang Miss at hindi ako anak ng butete." Nakatawang sabi nito habang kumakain ng cookies and cream na ice cream.

" Bakit ka ba nandito?" tanong ko.

" Hahaha pasensya kana kung nagulat kita. Pinasundan ka kasi sakin ni Lola. Nag-aalala siya sayo. 'di bale na daw na may mangyaring masama sakin 'wag lang sayo." Nakabusangot na sabi nito.

Napangiti naman ako ng wala sa oras.

" Ayos na ako dito. Pwede ka ng umuwi. Dyan lang sa tapat ng school ang apartment na tinutuluyan ko."

" Alright. Pero kailangan parin kitang ihatid kahit malapit pa yan, Mademoiselle."

Naiilang naman ako sa tingin niya sa akin.

" Mata mo."

" Peripheral vision huh." Nakangisi siya ngayon.

" You're interesting, Mademoiselle."

" Mukha mo. Lumayas kana nga at baka hindi pa kita matantya." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

" Hahahaha. May pagkamasungit ka rin pala. Nice." Tila natutuwa pa ito. Kung hindi lang siya apo ni Aling Rosa baka naupakan ko na ito kanina pa eh. Ang kulit.

" Shut up."

" Payagan mo na akong ihatid ka. Hindi rin ako matatahimik kapag may nangyaring masama sayo. Baka samain ako ni Prince. Gustong-gusto ka pa man din ng kapatid ko."

" Ganda ko kasi." Humagalpak naman siya ng tawa.

" Masungit. Mahangin din. Damn. Hahahha" Tuwang-tuwa naman itong loko.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Did I give a stranger a chance to see my other sides? Sighs.

Tinakpan ko na ang bunganga niya at masyado na siyang maingay. Tsaka ko siya hinila palabs ng store.

" Chill, mademoiselle. Darating din tayo dyan." Kumindat pa ito. Umakto na naman ako na parang masusuka.

" Tara na ihatid mo na ako para hindi ko na makita pa yang pagmumukha mo." Masyadong nawiwili itong loko sa pagtawa sa akin kahit wala naman sa tingin ko ang nakakatawa.

Ilang metro lang ay narating naming ang apartment na tinutuluyan ko.

" Dito na. Maaari ka ng umalis. Salamat sa pangbbwisit."

" Alright. See you when I see you, Mademoiselle." Tumalikod na ako. Hays. Huwag kang bad Ace. Nakalayo na siya agad? Ang bilis naman ng lalaking yun. Palibhasa kalaking tao.

" King!!! God bless!!!" Sigaw ko kahit 'di ko sigurado kung narinig niya ba talaga.

" SINO YUNG SUMIGAAAAAAW????!!" Tanong ng lalaki habang tumitingin sa daan kaya naman nagmadali na akong pumasok. Muntik nay un. HAHAHHAHAHA

Bago matulog ay binuksan ko yung devotional notebook ko.

Lesson: Huwag na huwang kang manghuhusga ng iyong kapwa. Dahil kung anong paraan mo sila hinusgahan, ganun din ang gagawin sayo ng Diyos.

Lord, Itinataas ko ang pangalan mo. Nararapat lamang na ika'y parangalan at pasalamatan dahil tunay ngang napakabuti mo o'Diyos. Tulungan mo ako Panginoon na huwag pangunahan ng aking isip sa kung ano mang klase ang mga taong makakaharap ko. Huwag mo sana akong maging mapanghusga. Alam ko po na ako'y hindi perpekto at ako rin po'y may pagkakamali. Huwag niyo nawa kaming pababayaan lalo na ang mga taong nakapaligid sa akin pati narin ang mga taong magiging parte ng buhay ko. Maraming salamat din po sa lahat ng mga biyaya. I am asking for your presence for tomorrow and for the battles po. Pawarin niyo po ako kung may nagawa man akong hindi naging kaaya-aya sa iyong harapan, sa aking sarili at sa aking kapwa. Sayo lahat ng papuri at pasasalamat. Mahal po kita. Amen.

KINABUKASAN

Pumasok na ako ng school habang hindi parin napapakali. Kasi naman napakaikli ng suot na palda. Hindi naman hostes ang mga estudyante dito kung bakit ba naman kasi. Huhuhuhu. Lord, ayoko nitong uniform nila. Balik na ako sa CA. Huhuhu

" What's up Spade?" may nagsalita. Ako naman aptuloy lamang sa paglalakad papunta sa unang subject ko. Aissh.

Minadali ko na ang paglalakad gusto ko na talagang maupo.

"Wait! Spade!!!!" Ang aga-aga may sumisigaw. Nakakabanas. Buti sana kung babae eh, kasi normal. Pero boses lalaki. Bigla nalang may humahangos na lalaki na humarang sa harap ko.

" Bakit ka ba hindi namamansin?" Tanong nung kateam kong pula ang buhok.

" Huh? Tinatawag mo ako?" Takang tanong ko naman dito pabalik.

" Engot ka pala eh. Pangalan mo hindi mo alam. Diba ikaw si Spade? Ay tanga! Hahahaha" tawa lang ito ng tawa. Pero sa sinabi niya ako naman ang natawa.

Pffft-Hahahahahaha

" Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan? Naengotan ka din ba sa sarili mo?" Tanong niya habang hindi maiwasan ang mga takas na ngiti sa kanyang labi.

" My name is not spade. I'm Ace." Bigla naman niyang natampal ang kanyang noo sa sinabi ko.

" Basta Spade. So Spade what's your first class?"

" Anatomy." Sagot ko dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

" What course?"

Ano ba to? Q&A?

" Medical Laboratory Science and you?"

" Sa wakas nakiramdam ka rin. Hindi naman pwedeng ikaw lang lagi ang sumasagot noh. Gusto ko ring tanungin mo ako. BS Physical Theraphy" Hindi ko alam kung matatawa ako sa nagging turan niya ngunit napatigil naman ako sa pagbanggit niya ng kanyang kurso. My dream course.

" Ahh ganun ba."

" So tayo na?" tanong niya ng nakakaloko. Agad ko namang sinakyan ang trip niya.

" Sige tayo na." Nagulat siya sa sinabi ko kaya iyon naman ang pagkakataon ko para tawanan ang pagmumukha niya.

" Pffft- hindi ka yata tumabla kay Spade ah?" Biglang singit ng mga nasa likod namin. Napalingon naman ako at kita ko ang tatlo pa naming kagrupo.

" Tara na magsisimula na ang klase. San ba room mo Spade para maihatid kana namin." Prisinta ni Yno.

" Dyan lang sa Room 301." Tumanggi ako sa alok nila kaso mapilit eh. Mga lokong to. Parang noong una lamang ay halos itakwil ako tapos ngayon grabe naman makabantay sa akin. Pinandilatan rin nila ng mga mata ang mga kaklase kong lalaki sa subject na yun.

Umupo na ako sa pinakadulong parte at nag-antay ng prof. Nkatingin lang ako sa labas ng may kumalabit sa akin.

" Hi Missy. Ako nga pala si Reen. At ikaw naman si Spade right?" Pagpapakilala ng babaeng maganda. Maliit lamang siya ngunit mukha siyang manika.

" Not Spade. You can call me Ace. Hello." At nakipagkamay ako sa kanya.

" Pwede ba akong makiupo? Wala pa kasi akong kabigan dito eh." Imwinestra ko naman sa kanya ang katabi kong upuan at sakto namang dumating ang prof.

" Any exchange students here?" tanong ni Maam. Nagtaas naman ako ng kamay at pinapunta niya ako sa harapan para magpakilala.

"Alexis Acyl Israel from Cornerstone Acaddemy. You can call me Ace for short"

Nagpatuloy na ang klase at hindi ko rin nagustuhan ang tingin ng mga babae kong classmate. Tila ba kilala nila ako. Pero sa pagkakaalala ko, hindi naman ako sikat?

" Bakit kaya siya nilalapitan ni Reen?"

" Siguro dahil malapit siya sa grupo ni Red."

" Paanong nangyaring nagging malapit siya kila Yno eh bago pa lamang siya dito?"

" Balita ko kasi kasali siya sa mga battles ngayong taon."

" Mukha namang walang talento ang isang yan."

" Hihi. Mukha nga. Nagpadala ng pipitsugi ang school nila. Maaout sila Red sa unang round neto eh."

Mga tao talaga ngayon manghuhusga na nga yung maririnig mo pa. Back stab pa ba yun? o front stabbing?

Natawa naman ang katabi ko. Naisatinig ko ba yun?

" Pffft-front stabbing would fit. I didn't know you're funny too kahit tahimik ka." Natatawang giit ni Reen.

"Eh?" Napailing na lamang ito ay nakinig sa lecture hanggang matapos ang klase.

" Class dismissed."

" Yown!" Hindi ko maiwasan na mag inat ng kamay at magyawn. Kasi naman sinong hindi mababagot kung 4 hours kang nakaupo at nakikinig lamang sa pagkadami-daming lessons.

" Information overload!!!" nasabi ko na lamang.

" Sabay tayo maglunch?" si Reen yung nagsalita.

" Sige. Tara bilisan mo at nagugutom na ako." Sabi ko at nagmadali ng lumabas.

" Hoy babae! San ka pupunta aber? May practice tayo!" sabi ni Miggy.

" Hey hindi pa ako kumakain. Pakainin niyo muna ako pwede ba?!" pagsusungit ko sa kanila. Napangiti naman sila sa tinuran ko. Mukhang napansin naman silang may kasama ako.

" Si Reen. Kaklase ko." Agad naman na lumapit si Yno para magpakilala ngunit piningot ko na ang patilya niya at nagsimulang maglakad.

" Bawal yan. Tara na bilisan niyo at nagugutom na ako." Sabi ko.

" A-arayy! Aray naman Spade! O-oo na titinigil na ako." Sabi niya tsaka ko siya binitawan saktong nasa harap na kami ng canteen.

" Anong gusto mo ate?" tanong ni Miggy.

" Kahit ano basta libre." Sabi ko. Tumango lamang siya at pumila na.

" Huh? Since when did you became close with Miggy?" Takang tanong nila.

" Secret." Sabi ko na lamang at tumawa.

" Kunin niyo na rin ang order ni Reen. Kayo na pumila. Thanks."

" Basta ikaw Spade."

At yun na nga ang ginawa nila. Pumila silang apat sa counter habang kami nalang ang naiwan ni Reen.

" Matagal na ba kayong close ng grupo ni Yno?"

" Huh? Mukha ba kaming close?" Nakapagtataka naman itong babaeng to.

" Oo. Sa pagkakaalam ko kasi kahit magkakaibang school sila magkakaibigan yung apat nay un eh. So maybe you were one of their friends from other school also."

" Hindi ko sila kilala. Kakikilala lang naming nung sabado."

" Then bakit ganun nalang turing nila sayo? Hindi ka man lang nila binubully. Inuutus-utusan mo lang din si Miggy" kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Palaisipan din yun sa akin.

" I think I gained something from them." Giit ko.

" Gained what?"

" Respect."

­­­­­­­­Mga isang lingo na rin kaming nagppractice. Sa makalawa na gaganapin ang First battle. Isang linggo na rin na buntot ng buntot sa akin si Reen. Naging malapit kami sa isa't isa kahit magkabaliktad ang ugali naming dalawa.

" Aray! Anak ka naman ng tokwa Rex!" Sigaw ko tsaka ko siya binatukan. Eh paano ba naman lakas ng trip. Pitikin ba naman ako sa noo. Kalakas pa man din mamitik ng loko.

" Kanina ka pa kasi lutang dyan ale."

" Wala iniisip ko lang kasi yung first battle."

" Hindi ka ba confident sa galing natin ate?" singit ni Migs.

May mali yata sa batang 'to. Eh paano ba naman ni hindi na mahiwalay sa tabi ko. Lagi nalang nakasukbit yung kamay niya sa braso ko. Akala mo laging nawawala.

" Confident ako syempre. Pero mas magiging confident ako kapag sumama kayo sa akin na magsimba ngayong linggo."

Kita ko ang pag-asim ng mga mukha ng loko.

" Nako pre, pass ako dyan may date kami ng mga girlfriend ko." Sabi ni pula.

" Ako nga din pre eh. Baka masunog ako sa harap pa lamang ng simbahan. Ayoko." Giit naman ni Yno.

" Ako pre, ayos lang sa akin. Pwede ba isama ko si mama? Noon niya pa kasi ako inaaya eh." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

" Sige. Isama mo mama mo. Ikaw Migs, sasama ka sa'kin?"

" Sige ba. Basta ba libre mo ako after magsimba?" nakatawang sabi nito habang nakasandal sa balikat ko.

" Col. Ako na bahala sa inyo nila Alen."

Bigla namang nagtinginan ang dalawa at sabay na sumigaw.

" SAMA KAMIII"

Napatawa nalang ako sa inakto nila. Basta talaga sa pagkain.

" Aceeeeeee. Sabay na tayo umuwi." Biglang alok naman ni Reen habang inaayos ko yung gamit ko.

" Hindi. Samin ka nalang sumabay Spade."

" Hindi sakin siya sasabaaaay!"

" No. Sa amin."

Ang iingay talaga ng mga 'to kahit kailan.

" Sorry guys may pupuntahan pa kasi ako. Hindi—."

Naputol ang sasabihin ko ng may magsalita.

" Sa akin ka sasabay Alexis."

A-anong ginagawa ng taong 'to dito?!