3

Kinabukasan, maaga palang ay lumabas na ang pangkat ni Aya sa kanilang himpilan.

"Aya, mag-iingat kayo ha?" Bilin sa kanya ni Noknok ng nasa labas na sila ng himpilan.

"Sila ang mag-ingat kamo!" Ang kanang kawal ni Aya ang sumagot kay Noknok at nagtawanan sila. Kalo ang tawag sa kanya, malaking tao ito na ang sandatang gamit ay dalawang bilog na bakal at may mga nakadikit na matutulis.

"Wag mong pababayaan si Tanda ha? Wag mong kakalimutang ipang-igib ng pangligo yon." Bilin naman ni Aya kay Noknok. Ang tinutukoy niyang Tanda ay ang Heneral.

"Aya, wag kang mag-alala, ako balaha. Araw-araw maliligo yon." Iniabot na ni Nonok ang pamana at sibat kay Aya. Pagkatapos ay pinalakad na ni Aya ang sinasakyang kabayo at nakasunod naman ang mga kasamang kawal na lahat ay sakay ng kabayo.

Medyo may kalayuan din mula sa kanilang himpilan papunta sa Sapa na siyang naghahati sa lupain ng dalawang kaharian.

"Hindi ako makapaniwalang isang prinsipe ang susundoon natin." Pagbasag ni Kalo sa tahimik nilang paglalakbay. Naninibago sila sa nararamdamang awra mula sa kanilang pinunong pangkat.

"Ang sabi, tanging magagaling lang daw na kawal ang maaaring makalapit sa isang dugong bughaw." Sabi naman ng kawal na nasa likuran ni Kalo.

Humalakhak si kalo. "hahahaha Kung ganon ay nakaabot na pala sa Paldreko ang kasikatan natin, hahahaha, ibig lang sabihin nito ang ating pangkat ay isa sa pinakamagagaling sa kaharian. Tama ba Pinuno?"

Hindi sumagot si Aya sa tanong na iyon ni Kalo dahil adala ang kanyang isipan sa kung ano ang maaaring mangyari at kung maililigtas ba nila ang prinsipe? Ngunit kahit pa yata bumaha ng dugo ay ililigtas niya parin ang susunod na Hari dahil nakasasalay dito ang katuparan ng kanyang paghihiganti.

Umihip ng malakas ang hangin na inisayaw pa ang maiksing buhok ni Aya na hanggang balikat lamang.

Ramdam sa puso ni Aya kung ano ang ipinapahayag ng hangin. Sa katunayan ay hindi niya alam kung bakit para sa kanya ay naiintindihan niya ang hangin, mula noong maging kawal siya at madalas na mag-ikot upang bantayan ang hangganan, nauunahan niya ang mga nakakalaban dahil sa bulong ng hangin sa kanya. Sinabi narin niya ang bagay na iyon sa heneral ngunit hindi din naman maipaliwanag ng nabanggit. Ipinagpalagay na lamang niya na ito ay isang angking kakayahan bilang kawal.

Itinaas ni Aya ang kanang kamay kaya naman ay naghanda ang kanyang mga kasama sa anumang panganib na naghihintay sa kanila. Wala ni isa sa mga kawal ang nais na magsalita at abala ang mga mata sa paligid.

Tahimik ang kagubatang kanilang tinatahak dahil maging ang mga ibon yata ay nagtago narin.

"Ano kaya ang mayroon?"Ang tanong sa isip ni Aya.

Biglang nagliparan ang nanina'y nawawalang mga ibon salungat sa tinatahak nilang daan kaya naman ay napahinto sila at yumuko pa upang hindi bumangga sa kanilang mga mukha ang maraming ibon. Isa iyong babala mula sa mga ibon.

"Takti! Na naman! Bakit ayaw yata ng ibon na sundoon natin ang prinsipe?" Inis na tanong ni Kalo.

"Pinuno, kailangan niyo pong umatras." Sabi naman ng kaliwang kawal ni Aya na si Makoy. Matangkad lang ito sa kanya ng kaunti at may magandang pangangatawan, malaki at mahaba ang sundang(single blade sword) nito na nakasabit sa kabayo.

Mabilis namang nasundan ni Aya ang tinitingnan ni Makoy at kaagad niyang pinaatras ang kabayong sinasakyan ng makita ang patibong na isang manipis na tali na nakaharang sa daan.

Bumaba si Aya ng kabayo gayun na rin ang mga kasama niya.

"Kailangang masira ang patibong na ito." Sabi ni Aya.

"Hindi ba pweding lampasan nalang natin?" Tinatamad namang tanong ni Kalo.

"Hindi maaari at baka sabihin pa nilang tayo ang may kagagawan nito kung sakali." Sagot naman ni Aya habang hinahanap ng mga mata ang pangunahing dulo ng patibong.

Pansin ni Aya na ang lubid na iyon ay nakatali sa mga bato na nasa taas na naghihintay lamang na gumulong pababa sa kinarurunin nila.

"Ang gulo nito." Sabi nalang ni Aya at kinausap ang kaliwang kawal niya. "Makoy!" Tawag niya dito. "Putulin niyo nalang yung lubid na nakagapos sa mga bato ng hindi na iyon mahulog pagsinira natin dito sa ilalim ang patibong."

Agad namang sumunod si Makoy sa utos niya at may apat pang kawal itong isinama.

Sakto lang ang mga katawan nina Makoy at ng mga kawal nitong kasama kaya naman ay mabilis ang mga ito na nakaakyat at pinutol ang lubid sa mga bato.

"Mukhang may bago na namang mga tulisan na umaaligid sa nasasakupan natin ah." Pagpapalagay ni Kalo dahil sa patibong na sinira na nila at nagsibabaan narin sila Makoy.

"Hindi mga tulisan ang may gawa nito." Wika naman ni Aya.

Kita sa mga mukha ng mga kawal na kasama ni Aya ang pagtataka. "Sino naman? Tika, ibig mo bang sabihin ay para sa atin talaga ang mga patibong na ito at hindi sa mga mangangalakal?" Si Kalo uli ang nagtanong.

Sumakay si Aya ng kabayo niya upang masiguro niyang makikinig ang lahat sa kanya.

"Makinig kayo!" Simula niya. "Mga Salamangkiro ang ating mga kalaban. Matatalino sila kaya higit kayong handa at mapagmatyag."

"Pinuno, paano mo naman nasabing salamangkiro ang ating mga kalaban?" Nagtatakang tanong ni Makoy.

"Wala tayong sapat na panahon para sa mahabang paliwanagan." Ang sagot na lamang ni Aya. "Maaaring may mamatay sa atin sa pagkakataong ito kaya pagsumikapan nating hindi tayo umabot doon ngunit ang nasisiguro ko lamang ay....kapag mamatay ang prinsipe ay wala sa ni isa sa atin ang matitirang buhay. Naiintindihan niyo?"

"Naintindihan!" Magkakasabay namang sagot ng mga kawal. Pagkatapos ay nagsisakayan na sila sa kanikanilang nga kabayo at ipinagpatuloy na nila ang naudlot nilang paglalakbay.

Huminto sa paglalakbay sina Aya ng marating nila ang tutok ng bundok. Mula doon ay tanaw nila ang sapa na naghahati sa dalawang kaharian. Makikita din sa kapatagang yun ang ilang kubol at mga kawal na nagbabantay.

Pansin din sa mga kawal na iyon ang dalawang kulay ng kasuutan. Ang iba ay kulay dilaw at pula na siyang kasuutan ng mga kawal na nagbabantay sa hangganan ng kabilang kaharian at ang iba namang kawal ay asul ang kulay ng soot na may talukbong pa, sila naman ang mga kawal ng kanilang kaharian.

"Mga salamangkiro." Narinig ni Aya na wika ni Makoy na ang tinutukoy ay ang mga kawal na nakaasul.

"Salamangkiro? Tika, sila ba ang tinutukoy mong kalaban natin? Ngunit tulad natin ay kawal din sila ng ating kaharian." Si Kalo naman na nagpalipat-lipat ang tingin kina Aya, Makoy at sa nasa kapatagan.