Nagdugtongdugtong ang mga kidlat na pinalalabas ng ginoo at itoy nagging matibay na lambat na bumalot sa mga salamangkero.
Bumaba na sina Aya sa lupa at unti-unting nagliwanag ang langit. Binitiwan narin niya ang ginoo.
"Ngayon, hindi pa ba sapat ang nakita mo upang maging karapat-dapat ako na maging Hari?" Tanong ng ginoo sa pinuno ng mga salamangkero na nanunood lamang sa kaninang laban.
"Malakas lamang ang iyong salamangka dahil may tumutulong sayo." Sagot naman ng pinunong iyon
"Narinig mo naman siguro ang sinabi kanina ng aking tapat na lingkod." Si Aya ang tinutukoy na lingkod ng ginoo. "Ang mamamayan ang totoong lakas at kapangyarihan ng Hari."
"Kung ako sayo ay sumuko ka na lamang dahil hindi mo kakayaning mag-isa ang tagapagmana ng Hari na ang lakas at kapangrihan ay ang kanyang mamamayan." Pagbibigay diin pa ni Aya.
Hindi na nagsalita ang pinunong iyon at wala namang balak sina Aya na pumatay kaya minabuti nila na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
"Halina kayo!" Yaya ni Aya sa mga kasamahan na dagli din namang nagsibaba at lunapit sa kanila.
Sumakay na si Aya sa sariling kabayo habang ang nagpapanggap namang prinsipe ay bumalik na sa loob ng karwahe.
"Huling pakiusap!" Sa muli ay humarang na naman ang pinuno ng mga salamangkero habang ang mga kasamahan nito ay balot parin ng lambat na lintik.
"Ano na naman ba? Gusto mo ng mamatay?" Mayabang na tanong dito ni Makoy na siya paring nasa unahan.
"Hindi kayo bubuhayin ng punong ministro kapag kayo ay bumalik ng Paldreko." Babala nito.
Napatingin pariho sina Aya at ang ginoo sa totoong prinsipe na nasatabi na ng karwahe. Habang ito naman ay iniisip kung sino nga ba silang dalawa. Una ang nagpapanggap na siya, ramdam niya ang lakas ng salamangka nito na higit pa sa ipinakita kanina at nahihinuha niyang hindi ito karaniwang salamangkero lamang ngunit bakit naman ito mag-aaksaya ng panahong ibalik siya sa kabahayan ng Hari? Pangalawa ay si Aya, nasisisguro niyang hindi ito totoong anak ng heneral ng silangang hangganan dahil kung meron mang anak ang heneral dapat sanay kilala niya iyon simula pagkabata pa lamang bago pa man siya ihatid ng heneral sa tiyuhin niyang Hari.
Isang malakas na salamangkero at isang mahina ngunit nagagawang higit na palakasin ang una.
"Hoy," tawag ni Makoy sa pinunong yun. "Wag kang tanga pwedi? Hindi kami pupunta ng Paldreko para mamatay."
Nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay. Bago magtakip silim ay natanaw na nila ang labas ng Paldreko.
"Iyan na marahil ang Paldreko!" Sigaw ni Makoy ng may tuwa.
"Huminto tayo dito." Sabi naman ng ginoo kaya natigil na sila.
"Bakit naman? Ang nakikita nating lungsod ay ang labas pa lamang ng Paldreko." Pagtataka naman ng totoong prinsipe.
"Ano? Labas pa lamang iyon?" Di makapaniwalang tanong naman ni Aya.
"Di ka naman siguro bingi?" Balik tanong ng totoong prinsipe.
"Ah...kaya pala wala akong nakikitang harang." Wika naman ni Aya at bumaba narin siya ng kabayo tulad ng ibang ibang mga kawal.
"prinsipe," tawag pansin ng totoong prinsipe sa ginoo na nakasakay parin ng karwahe. "Mukhang ayaw mo na yatang tumuloy." Bumaba narin ito sa kabayong sinasakyan.
"Katulad ng sinabi kanina ng isang kawal, hindi tayo tutungo ng Paldreko para mamatay." Tugon naman ng ginoo.
"Anong gagawin natin?" Tanong naman ni Aya sa ginoo.
"Makakaagaw tayo ng pansin kung lalapit tayo sa punong lungsod ng ganito karami. Magtatayo tayo dito ng matitirahan kung saan ay natatanaw natin ang Paldreko. Pag-aarapan din natin kung papaano makakapasok ng walang gulo." Sagot ng ginoo.
"Bakit hindi mo kaya tanongin kung ano ang iniisip ko?" Muling tanong ni Aya sa ginoo.
"Di nalang magsalita dami pang sinasabi." Parinig ng totoong prinsipe kay Aya.
"Nais kong ang punong ministro mismo ang sumalubong sa prinsipe pagdating natin sa tarangkahan ng Paldreko." Natutuwang wika ni Aya.
Nanlaki naman ang tama ng totoong prinsipe tanda ng pangamba nito. "Hangal ka."
"Wala namang masama kung naisin kong makita ang punong ministro sa unang pagkakataon ng ako ang humahalak sa tuwa, hindi ba?" Pinahabulan pa iyon ng tanong ni Aya sa ginoo.
"Nais kong mangyari iyon ngunit mahirap." Sagot naman ni ginoo.
Ang totoong prinsipe naman ay napaisip sa mga sinabing iyon ni Aya na nahihimigan niyang may matinding galit sa punong ministro tulad niya.
"Maalala ko nga pala," muling pag-uumpisa ni Aya sa usapan. "Noong mga nakaraang araw ay tinawag mo akong Aluna, sabihin mo, sino ang Alunang pinagkamalan mo pa akong siya?"
"Ayy...lumayo ka na nga, ang baho mo na maligo ka!" Pag-iiba ng ginoo sa usapang iyon dahil maging siya ay hindi alam kung sino ang Aluna na binanggit niya. Ang tanging alam lang niya ay may mahalaga itong kaugnayan sa nakaraan niya na nakalimutan na niya.
"Kaya nga, tindi na ng amoy." Dagdag pa ng totoong prinsipe.
Mula ng umalis sila sa kanilang himpilan ay hindi pa sila nakakaligo at alam din naman ni Aya na ilang araw nading hindi nakakaligo itong dalawa.
"Sariling amoy yun." Sabi naman ni Aya at agad na lumayo sa dalawa ng hindi na siya magantihan pa.
"Mga kapatid sa ilog muna tayo!" Sigaw ni Aya upang marinig siya ng lahat. "Manghuli muna tayo ng isda na makakain natin at maligo narin!"
Lumapit si Makoy kasama ang isa pang kawal kina ginoong walang pangalan at sa totoong prinsipe.
"Mahal na prinsipe, hali na po kayo ng makapaligo narin po kayo." Magalang na paanyaya ni Makoy sa nagpapanggap na prinsipe.
"Sandali," pagpigil ng totoong prinsipe at kinausap si Makoy. "Yang Punong kawal ninyo...maliligo din kasama ng mga lalaki.
Hindi na din agad na bumaba ang ginoo dahil maging ito ay naghihintay din aa sagot ni Makoy.
"Sabi ng punong pangkat: walang babae o lalaki sa amin kundi tanging mga kawal na ipagtatanggol ang kabutihan at siyang lakas ng mahihina." Malinaw na sagot ni Makoy sa dalawa na parihong napatango nalang.
Bumaba na ang ginoo sa karwahe at sumunod narin sila kina Aya.
Isang batis ang nadatnan nila, at kaagad namang hinanap ng paningin ng totoong prinsipe si Aya.
"Woo!" Maririnig na pagsigaw sa di kalayuan mula sa kinatatayuan ng totoong prinsipe na agad napatingin doon at kanita si Aya na itinataas ang napana nitong isda. "Galing ko! May nahuli ako!"
"Nakapana lang ng isda, galing na galing na agad sa sarili." Bulong ng totoong prinsipe sa hangin.
"May sinasabi ka?" Tanong naman sa kanya ng nagpapanggap.
"Ah wala. Ang ganda ng batis." Sagot niya na nakatingin parin sa nagmamalaking si Aya na nilapitan ni Kalo upang kunin dito ang isdang nahuli.
"Ang ganda ng batis o ang ganda ng nakikita mo?" Muling tanong ng ginoo ng may kasamang pang-aasar.
"Hoy ito tandaan mo," pabulong na wika ng totoong prinsipe sa ginoo. "Kahit kailan ay hindi ako magagandahan sa isang....maslalaki pa sa akin tingnan." Babaeng dalawa ang likod ang muli sana niyang sasabihin ngunit naalala niya ang sinabi noon ng punong pangkat kaya naman ay iniiba nalang niya ang kanyang sinabi.