24 pagtunog ng tambol

Pagmulat ni Aya ay kaagad niyang napansing nasa loob na siya ng kanilang himpilan. Sa pag-aalala kina Noknok at sa prinsipe ay kaagad siyang bumangon at nakita ang dalawa na natutulog parin.

"Pinunong pangkat," natutuwang tawag kay Aya ni Makoy ng pumasok ito at nakitang bumangon na siya. "Mabuti at gising na kayo."

Kaagad naman itong sininyasan ni Aya na huwag mag-ingay at tumango naman ito.

"Sa labas nalang tayo mag-usap." Wika ni Aya at tinangka pa siyang alalayan ni Makoy ngunit agad naman siyang tumanggi sa tulong nito. "Luko 'to, hindi ako baldado, malakas yata 'to."

Paglabas nila ay nakita ni Aya na hindi pa lubos na nagliliwag ang paligid at mahamog din.

"Hindi pa lubos na sumisikat ang araw kaya maykalamigan pa." Pag-uumisa ni Makoy ng usapan habang pinagmamasdan nila sa di kalayuan ang malaking lungsod ng labas at loob ng Paldreko na animoy may mga bituin sa lupa. "Nakita namin ang ginawa mo kahapon, bakit hindi mo nalang hinayaan si Noknok?"

"Paano ko naman maaatim na pumaslang ang isang nilalang na laging nakangiti?" Balik tanong ni Aya dito. "Hanggat maaari ay hindi ko hahayaang masira ang mundong binoo sa kaisipan ni Noknok. At isa pa, hindi naman ang punong kawal na iyon ang totoong kalaban natin. Isa lamang siyang alipuris ng mabagsik na nilalang. Kahit mamatay pa siya o sino man sa atin ay hindi doon natatapos ang labanan sa pamumuno."

"Ngunit kung mababawasan natin ang pwersa nila, hindi ba't mainam iyon?" Muling tanong ni Makoy.

"Magkaiba ang digmaan sa pangangayaw na siyang tinutukoy mo at ng digmaan sa pamumuno na siyang hinaharap natin ngayon. Kung napatay ni Noknok ang pinunong kawal ay iisipin nilang nakakahigit ang kasalukuyang lakas natin ngayon kaya magdadagdag sila ng higit pang lakas, kayat hindi kabawasan sa kanila kung may mamatay sa kanila. Ngunit tayo? Sa bilang pa lamang ay talo na tayo. Yung dalawa, hindi natin alam kung kailan magigising. Higit na makabubuti ang iwasan nalang natin sila dahil ang digmaan sa pamumuno ay matatapos lamang pagmaymatalo na sa dalawang nilalang na siyang totoong naglalaban." Mahabang paliwanag ni Aya.

"Naiintindihan ko na." Ang naiwika na lamang ni Makoy na sinamahan pa ng pagtango.

Samantala, sa himpilan naman ng punong kawal na itinapon ng ipuipo kahapon ay pinanood sa mahiwagang salamin ang naging pag-uusap nina Aya at Makoy. Napangisi pa ito ng marinig ang dahilan ni Aya kung bakit pinigilan nito ang isang kasama na mapaslang siya.

"Tama ka." Pagsang-ayon ng punong kawal kay Aya na nakikita niya sa salamin. "Talaga ngang hindi ako kabawasan sa lakas ng punong minsitro."

Tumayo ito at humalakhak na naaawa sa sarili at itinatapon ang ano mang mahawakan. "Haaa!"

Inabot nito ang isang bote ng alak at tinango iyon. "Isa lang naman akong walang kwentang pamain."

Nagising ang prinsipe dahil sa lakas ng kulog at kidlat ngunit ang higit na ikinagulat niya ay ng makitang nasa maayos na silid na siya na sa hinuha niya ay sa kabahayan na ng Hari.

Mabilis siyang bumangon at lumabas ng kanyang silid. Hindi nga siya nagkakamali sa kanyang hinuha dahil sa dalawang tagapagsilbing lalaki at babae na nakatayo sa labas ng kanyang silid.

Nagulat ang mga ito sa paglabas ngunit agad din namang bumati. "Magandang gabe po mahal na prinsipe."

Naguguluhan ang prinsipe, ang huling naaalala niya ay kasama niya si Aya sa dagat ngunit papaanong narito na siya?

"Magsalita kayo! Panaginip lang ba ito?"

Agad na napaluhod ang dalawang tagapagsilbe sa naging tanong na iyon ng prinsipe.

"Mahal na prinsipe kung talagang gising na po kayo ay hindi po ito panaginip." Ang lalaking tagapagsilbe ang sumagot.

Tumakbo ang prinsipe at hinabol naman siya ng dalawa at nagising narin ang iba pang naroroon sa tahanan ng prinsipe. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay tuluyan paring lumabas ang prinsipe ng hindi ito alintana.

Matapos niyang mabuksan ang tarangkahan ng kanyang tahanan ay siya namang malungkot na magtunog ng tambol na hudyat ng pagpanaw ng kasalukuyang Hari.

Walang nagawa ang prinsipe ng panghinaan siya ng tuhod sa narinig na pagpanaw ng kanyang kapatid, napaluhod na lamang siya at kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kagaya ng inaasahan, mamatay ang nakatatanda niyang kapatid kapag siya ay nagbalik sa kabayahang ito.

"Kapatid ko, patawad....hindi ko ninais ang pagbalik kong ito...." Iyak ng prinsipe.

Nagsiluhuran narin ang mga nagsisunuran sa kanya at tulad niya ay nagdadalamhati din ang mga ito sa pagpanaw ng Hari.

Pinatunog din ang mga tambol sa ibat-ibang bahagi ng lungsod kaya nagising si Aya na labis ang pagod sa ginawang paglilinis sa kabahayan ng heneral na matagal ng napabayaan kayat hindi parin tapos sila nina Noknok at ginoong walang pangalan sa paglilinis.

Matapos nila nina Noknok at heneral na maihatid ang prinsipe sa tahanan nito ay isinama na nila ang ginoo papunta dito na ayon sa heneral ay pagmamay-ari nito.

Dito na muna sila mamamalagi ngunit ang heneral ay umalis din pabalik ng silangang hangganan kasama ang mga kawal na nasa ilalim ni Aya.

Narinig ni Aya ang mabilis na pagkatok sa pintuan kaya bumangon na siya at binuksan iyon at nakita ang nakangiting si Noknok.

"Aya ano iyon?"

"Hindi ko alam." Tamad naman niyang sagot saka tinungo ang bintana at binuksan iyon. Doon nakita niya sa labas ang ginoo na nakaluhod at hindi alintana ang ulan.

"Anong ginagawa ng isang iyon?" Tanong niya na hindi naghihintay ng kasagutan.

Tumakbo si Aya at kumuha ng payong na nabili nila kahapon at pinuntahan ang ginoo.

"Hoy! nababaliw ka na ba?" Tanong niya dito at kinalabit ito sa balikat.

"Hindi mo ba narinig ang pagtunog ng tambol?" Balik tanong nito sa kanya. "Namayapa na ang Hari kayat lahat ng mga nasasakupan nito ay dapat na lumabas at magbigay ng lubos na paggalang sa Hari."

"Hindi ko alam." Pag-amin ni Aya na nabitiwan ang payong at lumuhod narin. Lumakbo din sa kanila si Noknok at lumuhod kaharap nila.

"Aya, Ikaw, bakit kayo lumuluhod? May kasalanan ba kayo?" Tanong sa kanila ni Noknok at tumigil na ang pagtunog ng tambol kaya nagsitayuan na sila at nagsibalikan na sa pangunahing tahanan ng kabahayan na siya nilang unang nalinisan ang mga silid.

ANG PAGWAWAKAS NG UNANG YUGTO....