CHAPTER FOUR
Familiar Faces
"BAKIT hindi mo pinigilan 'yon?" Bungad na tanong ni Raiko kay Westley na nakahiga sa sofa habang nakapikit ang mga mata nito.
Naglakad si Raiko patungo sa kanyang upuan at tinignan ang nakapikit parin na kaibigan.
Sa sinabi na iyon ni Raiko ay alam na agad ni Westley ang ibig sabihin ni Raiko. Nanatiling nakapikit si Westley habang pinapakiramdaman nya ang kanyang kaibigan.
"I'm a Level 0, Raiko. Nakalimutan mo na agad." Tamad na sagot ni Westley habang nakapikit parin.
Bumuntong hininga si Raiko at pinikit ang mga mata. Napahawak ito sa kanyang sentido at hinilot hilot iyon. Nakaramdam ng bahagyang pananakit ng ulo si Raiko, marahil ay dahil napasobra ang paggamit nito sa kanyang kapangyarihan.
"I told you Westley, hindi masusukat ng Level na 'yan ang kakayahan mong pigilan ang kapangyarihan ng iba." Seryosong saad ni Raiko habang hinihilot parin ang kanyang sentido.
Napadilat naman si Westley at nilingon si Raiko. Napakunot ang noo nito noong makita nya ang itsura ni Raiko habang nakapikit.
Pero agad rin namang napawi iyon noong dumilat na si Raiko at tinignan nito si Westley gamit ang mga mata nitong wala nanamang emosyon.
"Yeah, Yeah, Yeah. Alam ko. Baka naman kasi magtaka 'yung mga miyembro ng Student Council kung bigla ko nalang pigilan 'yung ipo ipo na 'yon." Pagdadahilan ni Westley kaya naman napailing na lamang si Raiko.
Sumandal ito sa swivel chair at pinaikot ikot iyon. Hawak nito ang isang bilog na bagay na tila isang metal kung titignan, inikot ikot nya iyon sa kanyang palad at napangisi.
Kailan ko kaya magagamit 'to?
Tanong ni Raiko sa isipan nya habang pinagmamasdan ang bilog na iyon.
Si Westley naman ay bumalik sa pagkakahiga noong mapansin nya na hindi na magsasalita pa si Raiko dahil nakatuon na ang mga mata nito sa bilog na hawak nito.
Hindi na iyon pinansin pa ni Westley, gusto man nyang magtanong kay Raiko tungkol sa bilog na iyon ay minabuti na lamang nitong manahimik. Kilala nito si Raiko, hindi ito basta basta sasabihin ang tungkol sa bilog na iyon.
-
PINAGLALARUAN ni Xiyue ang bola na gawa sa papel, ginawa iyon ni Pei dahil gusto ni Xiyue na mahawakan iyon.
Nakanguso si Xiyue ngayon at nag-iisip kung tama ba ang magiging desisyon nito na sa City Academy na lamang mag-aral. Nagdadalawang isip kasi ito dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw kung saan napakaraming pagsabog ang naganap.
"Kamusta si Westley? Anong parusa ang kinaharap nya?" Napatingin si Xiyue kay Hera na nagtanong.
Nakatingin ito kay Cuin na nakasimangot. Binitawan ni Xiyue ang Paper Ball na gawa ni Pei at tumabi kay Cuin at pabagsak na umupo sa couch.
"Grounded sya ng isang buwan. Akalain mo nga naman, yung nasaktan nya kahapon... isang Level 2." Mahinang sagot ni Cuin at ipinikit ang mga mata. Tumingin si Xiyue kay Hera na napabuntong hininga.
Nawala bigla si Westley pagkatapos ng mga pangyayari. Pumunta si Westley sa Secret Place nilag dalawa ni Raiko upang sundan nya ito. At dahil sa biglaang pagkawala ni Westley ay inisip nila Pei na naparusahan ito ng Student Council dahil sa paggamit ng kapangyarihan nya para saktan ang isang Level 2.
Pero hindi iyon ang tunay na nangyari. Pinalabas lamang iyon ni Westley upang maalis kay Raiko ang mga mata nila Pei.
Nangunot ang noo ni Xiyue dahil sa parusa kuno na sinasabi nila. At iniisip ni Xiyue kung anong kasalanan ba ang nagawa ni Westley upang ma-grounded ito ng isang buwan.
"Sana lang mahanap na 'yung may kagagawan ng mga pagsabog sa tapat ng main building." Napanguso si Hera sa kanyang sinabi.
Sana. Dahil balak ko pa naman ang mag-aral dito. Sagot ni Xiyue sa kanyang isipan habang pinaglalaruan ang kanyang daliri.
"Gumagawa na ng paraan si President." Sabay sabay na napatingin ang lahat kay Westley na kakapasok pa lamang sa kwarto kung nasaan sila nakatambay.
Matamlay na naglakad si Westley na tila pagod na pagod. Pabagsak itong umupo sa couch at dahil sa ginawa ni Westley na iyon ay halos madaganan na nya si Hera na naka-upo rin sa couch.
"Anong nangyari sayo? Ba't ang tamlay mo?" Tanong ni Hera dito at pilit na pina-usog si Westley dahil medyo nadaganan sya nito.
Bumuntong hininga si Westley bago sinulyapan si Hera na nasa gilid nya.
"Punishment." Tamad na sagot ni Westley bago ipinikit ang mga mata.
Napanguso naman si Hera, samantalang si Xiyue ay nakatitig lamang kay Westley. Lihim na napangiti si Westley dahil ramdam nya ang mga mapanuring mata ni Xiyue sa kanya.
Don't worry Rai, ako ng bahala dito. Bulong ni Westley sa kanyang isipan habang nakapikit parin.
Napapailing na lamang si Xiyue bago iniwas ang mga mata kay Westley. Pakiramdam nya kasi ay tila nakita na nya ito, ngunit hindi nya matandaan kung saan at kailan.
He's really familiar. Did i met him before?
-
"Can I ask something?" Sinulyapan ni Hera si Xiyue at tumango. Humugot muna ng malalim na paghinga si Xiyuw bago ito magtanong kay Hera.
"Diba sabi nyo sa akin, nag-iisa lang ang Level 5 at 'yon ay ang President. Ano nalang mangyayari kung may isa pa palang Level 5, dalawa silang magiging President?" Tanong nito kay Hera noong maalala nito ang sinabi sa kanya ni Pei noon.
Natigilan ng panandalian si Hera sa hindi nya inaasahang tanong ni Xiyue sa kanya. Naigilid nya ang kanyang mga mata at nag-isip.
Ano nga ba? Tanong ni Hera sa kanyang sarili.
"No. Last man standing ang mangyayari. Kailangang mawala ang isa, at ang ang matitira ay 'yun ang tatanghaling Presidente." Sagot ni Hera na ikinatango ni Xiyue.
Pero anong klase namang pagkawala ang tinutukoy ni Hera? Mawala ng parang bula? Edi parang papatayan ang magaganap,kung ganoon.
Imbes na maliwanagan ay lalo lamang naguluhan si Xiyue sa naging sagot ni Hera sa kanya.
"Magaling ba na President si Aron?" Napatingin si Hera kay Xiyue bago ito sagutin.
"Yeah? Maybe? Ewan. Para sa akin, magaling na President si Aron. Pero para sa iba? Di ko lang alam." Sagot ni Hera at saka nag-shrug.
Napaiwas naman ng tingin si Xiyue noong makita nya ang mapanuring mga mata ni Hera sa kanya.
Nanahimik si Xiyue, ganon din si Hera. Pareho lamang silang nakikiramdam sa isa't isa. Medyo nakaramdam ng pagkailang si Xiyue kay Hera dahil nakatingin parin ito sa kanya.
Naghahanap si Xiyue ng pwedeng idahilan upang makaalis na doon, ngunit hindi nya alam kung paano. Mabuti na lamang ay tumunog ang speaker ng nakalagay sa isang gilid ng bawat kwarto sa City Academy.
"Calling the attention of City Academy Students. Please proceed to the field. You only have 5 minutes. Again, please proceed to the field. Thank you"
Tumunog ang speaker na hudyat na tinatapos na ng nag-announce ang kanyang sinasabi.
Nakahinga naman ng maluwag si Xiyue dahil sa narinig. Tila iniligtas si Xiyue ng kung sino mang nagsalita sa speaker.
Agad na tumayo si Xiyue at walang ano-ano'y lumabas ng kwartong iyon. Ramdam naman nito ang pagsunod sa kanya ni Hera, hindi na nya iyon inintindi pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad patungo sa field.
Samantala, nakatingin lamang si Hera sa nakatalikod na si Xiyue. Pinagmamasdan nya ito. Bawat kilos na isinasagawa nito ay pinapanood nya. Napakunot ang noo nito ng sa pagmamasid kay Xiyue ay wala itong napansing kakaiba dito katulad na lamang ng aksidente nyang narinig sa pag-uusap ni Maestra at ni Aron.
Anong meron sa'yo? Wala akong makita na kakaiba sa'yo para ituring ka nilang espesyal.
--
PINAGMAMASDAN ni Raiko mula sa itaas ng Field ang mga estudyanteng nagkakandarapa sa pagtakbo upang makahabol sa limang minutong binigay lamang ng Presidente. Sumimsim ito sa hawak nyang bote ng soft drink habang hindi inaalis ang paningin sa field.
Alam ni Raiko na si Aron ang Presidente ng City Academy. Kaya mas lalo nyang pinag-iisipan ang plano nya dahil alam nitong hindi madaling banggain si Aron lalo pa't Level 5 na ito.
Ngunit sa kabila ng level na pinanghahawakan ni Aron ay alam ni Raiko na may kahinaan parin ito. At kung kinakailangan nyang gamitin ang mga kahinaan ng baway kalaban nya ay gagawin nya upang mawala ang atensyon ng mga ito sa babaeng pinangakuan nya na poprotektahan at babalikan nya.
Muli sanang sisimsim sa bote ng soft drink si Raiko noong mapatigil ito. Napadako ang paningin nito sa isang babaeng mabagal na naglalakad patungo sa gilid kung saan nandoon ang kaibigan nyang si Westley.
Wala sa sariling napangiti si Raiko bago ibinaba ang hawak nito. Napakuyom ang mga palad nito bago umiwas ng paningin kay Xiyue na nakangiti habang nakikipag-usap ito sa mga kasama nya.
Damn it. Napapamura na lamang si Raiko dahil sa inis na nararamdaman.
Gusto na nyang tumalon mula sa kinauupuan nya patungo sa kinaroroonan ni Xiyue. Gusto na nya itong yakapin, ngunit pinipigilan nya ang sarili nya dahil alam nyang sa oras na magkalapit nanaman silang dalawa ay masisira ang pinaplano nito at malalagay ulit sa panganib ang buhay ni Xiyue.
Huminga ng malalim si Raiko bago nilipat ang mga mata sa gitna ng field. Nakita nya ang isang lalaking kilalang kilala nito, kahit malayuan pa.
Dumilim ang mga mata nito habang pinagmamasdan si Aron na magsalita sa harapan. Hindi nya naririnig ang mga sinasabi nito, pero mabuti na rin iyon dahil wala rin namang balak makinig si Raiko sa mga sinasabi ni Aron.
Why? Isang tanong ang nabuo sa isipan ni Raiko habang madilim na pinagmamasdan si Aron sa gitna ng mga estudyante.
Gusto nyang sumugod. Gusto nyang sapakin si Aron ngunit hindi nya magawa, pinipigilan nya ang sarili nya.
Pero alam ni Raiko na ang mga tanong nya ay masasagot kung magkakaharap harap silang lahat. At Mangyayari lamang iyon kung mapagtatagumpayan ni Raiko ang mga pinplano nito.
•