CHAPTER EIGHTEEN
Connection
SUNOD-SUNOD na pagsabog ang nangyari sa ibang lugar ng mga mortal na tao na talaga namang nagbigay ng isang malaking pangamba at takot para sa mga naninirahan sa bawat lugar na iyon.
Malalakas ang naging pagsabog at ramdam na ramdam ng mga ito ang pagyanig ng buong paligid dahil sa malakas na pagsabog na iyon. At dahil na rin sa pagyanig ng paligid ay agad na nagsilikasan ang mga tao na nakatira sa mga gilid ng tubig, bundok at iba pang delikadong lugar.
"A-ano bang nangyayari?" Hindi maiwasang hindi matakot ng mga tao habang lumilikas bitbit ang kani-kanilang mga importanteng gamit.
"Sigurado ako na malapit nanaman ang giyera. Nagsisimula nanaman sila sa mga naudlot na plano nila." Sagot ng isang matanda na sa 70 ang tantyang edad nito.
Naguluhan naman ang mga taong nakarinig sa sinabi ng matanda, hindi na lamang nila iyon pinansin dahil sa pag-aakalang dahil sa katandaan lamang nito kaya kung ano ano ng pinagsasabi nito ngayon.
"Nangyari na ito noon, ngunit ang pinagka-iba lamang ay wala ng tutulong sa ating mga tao para labanan ito." Dagdag pa ng matanda ngunit hindi sya pinansin ng mga tao, tuloy tuloy lamang ang mga ito sa paglalakad.
Isang malungkot na ngiti ang binigay ng matanda sa mga taong hindi nakikinig sa kanya at may mahinang sinabi ito.
"Sana lamang ay hindi tulad noon na libo libong ka-tao ang namatay. Sana lamang ay nandito pa si Raixon upang iligtas ang lahat." Malungkot na saad ng matanda bago ito naglaho ng tila bula, ngunit ni isa sa mga taong nandodoon ay wala man lang nakapansin sa biglaang pagkawala ng matanda.
-
SA kabilang City naman kung saan naninirahan ang mga Ajin, nagkakagulo rin ang lahat dahil mga rebelde na mga Ajin ang naghihimagsik. Pumapatay ang mga rebelde ng mga inosenteng naninirahan sa The Lost City Of J'zaire.
Nangangamba ang mga tao doon dahil baka unti unting ma-ubos ang mga tao sa kanilang lugar dahil sa mga pagpatay na nagaganap ngayon sa kanilang bayan. Kahit hindi sang-ayon ang Hari nila ay nagdesisyon ang mga tao doon na humingi ng tulong mula sa pinakamalapit na City sa labas---at iyon ay ang City Academy.
Nakarating naman agad ang impormasyong iyon sa kanilang Hari, hindi ito nagalit ngunit nabahala lamang lalo dahil alam nito na sa oras na dumating ang tulong mula sa City Academy ay dadanak ang dugo.
Dahil kilala ng Hari ang City Academy bilang isang makapangyarihang bayan, at doon nakatira ang mga makakapangyarihang nilalang tulad na lamang ni Aron na isang Level 5. Kilala rin ang City Academy bilang isang bayan na walang inuurungan digmaan dahil lahat ng naroroon ay may taglay nakapangyarihan.
At iyon na lamang ang natitirang makapangyarihang bayan, bukod sa Neamora Academy na nasunog at sumabog sa hindi malamang dahilan. At sa pagkakaalam ng Hari ng J'zaire ay ang City Academy ang may kagagawan ng pagkasira na iyon ng Neamora, ayon na rin iyon sa mga bali-balitang kumakalat.
"Kamahalan, nakatanggap na kami ng pagtugon ng City Academy sa hinihinging tulong ng taong bayan. Ang sabi nila ay may ipapadala sila ditong mga tao upang lutasin ang kaguluhan." Sabi ng isang tauhan nito kaya naman napabuntong hininga ang Hari.
"Hindi nila mapipigilan ang mga rebelde. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko ngunit naging taga-sunod at alila na lamang ako ng mga Ajin, hindi nila mapipigilan ang mga nilalang na 'yon na hindi namamatay." Saad ng kanilang Hari at napahawak sa kanyang sentido.
Marami na itong ginawang paraan para mapigilan ang mga Ajin ngunit lahat ng iyon ay bigo sya. Dahil sino nga ba ang makakapuksa sa probelamang iyon kung ang kalaban ay mga rebelde na hindi namamatay?
Kaya may pagdududa at walang tiwala ang Hari sa ipapadala ng City Academy para tumulong dahil kahit sinong malakas pa ang ipadala nila ay hindi ito makakatulong.
At baka lalo lamang lumala ang problema dahil baka magalit ang mga Ajin lalo.
"Ihanda mo ang Aliquam at Exercitus, sabihin sa kanila na sa oras na may hindi magandang mangyari sa pagdating ng mga tao na galing sa City Academy, hindi tayo aatras at tutulong tayo sa mga ito para matapos na." Utos ng Hari at saka tumayo. Kinuha nito ang espada na nakalagay lamang sa gilid ng kanyang trono.
"Kung dumanak man ang dugo, wala tayong magagawa. Kailangang magsakrispisyo ng iba para sa kabutihan ng karamihan." Saad nito habang sinisipat ang kanyang hawak na espada.
Tumango ang kanyang tauhang at agad na tumalima sa pinag-utos ng minamahal nilang Hari.
Hindi ako papayag na magpa-alila lamang sa mga Ajin.
-
"HINDI AKO MAARING UMALIS NGAYON, Mali." Tamad na sabi ni Aron at nakasandal sa swivel chair nito.
Hindi man lamang nito binalingan ng tingin si Maestra, nakapikit ito at tila inaantok pa. Sino ba naman kasi ang matinong papasok bigla sa kanyang opisina at gigisingin sya sa kanyang pagkakahimbing para lamang sabihin na kailangan nyang pumunta sa isang lugar.
"But, Aron! Kailangan nila ang tulong mo, sumasakit na ang ulo ko dahil sa problema nila." Sagot ni Maestra kay Aron. Bumuntong hininga lamang si Aron at itinaas ang paa sa lamesa nya.
"Sino bang nagsabi na problemahin mo ang problema ng iba? Wala naman, diba." Tamad na sabi ni Aron kay Maestra. Binalingan naman sya ng masamang tingin ni Maestra.
"Well, for your information, trabaho kong problemahin ang problema ng iba dahil ako ang Dean ng school!"
"Ginusto mo 'yan, bakit ako ang ginugulo mo ngayon e, ikaw ang Dean."
"Kasi nga ikaw ang President!"
"Nah. Kay Xieke ka humingi ng tulong at 'wag sakin. Sya naman ang pinaka-iingatan mo, diba? In short, alas mo sya." Tamad na sagot sa kanya ni Aron at nagdilat na ng mata.
Binalingan nya ng walang emosyong mga mata si Mali na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon. Bahagya pang umawang ang labi nito na ikinailing ni Aron bago itinuro ang pintuan palabas ng office nya.
"Now, if you don't need anything. Please leave my office, gusto ko ng matulog." Saad ni Aron bago ito tumayo at pabagsak na nahiga sa mahabang sofa sa kanyang opisina.
Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya si Maestra at walang nagawa kundi ang lisanin ang opisina nya.
Damn it. Istorbo.
-
Balisa na naglalakad si Xiyue hanggang makarating ito sa loob ng City Academy. Hindi parin kasi ito makapaniwala na ang misteryosong lalaki sa panaginip nito at si Raiko ay iisa lamang. Pero kahit nalaman na nito, lalo lamang itong naguluhan. Lalo lamang nadagdagan ng mga tanong ang kanyang isipan.
Anong koneksyon ko sa kanya?
Dahil madalas sa mga sinasabi nito sa panaginip nya mismo ay mga pagpapakalma sa kanya mismo. At sino naman itong si Gin? At bakit hindi nya sila maalala? Bakit hindi nya man lang matandaan na nangyari ang mga nasa panaginip nya? Totoo bang nangyari ang mga iyon?
Pabagsak na humiga si Xiyue sa kama nito at saka bumuntong hininga. Sumasakit ang ulo nito tuwing pilit nyang inaalala ang lahat. Kung bakit wala syang maalala sa lahat.
Limipas din ang minuto na nakahiga lamang ito at nag-isip isip muna kung anong dapat nyang gawin, ngayong nalaman na nya kung sino si Raiko. Pero kailangan paring malaman nya ang pagkatao ni Raiko.
Hindi kasi porket nasa panaginip nya ang binata ay kilala na nya ito. Ni wala nga itong maalala ni isa tungkol kay Raiko.
"Argh," padabog na bumangon ito at nagmartsa palabas ng kwarto. Naglakad ito patungo sa office ni Maestra.
Siguro naman ay gising pa iyon, anong oras na pero alam ni Xiyue na gising pa ang Maestra dahil marami syang tambak na trabaho. Paano nito nalaman? Palagi kasi nitong inuutusan si Pei, at sinabi ni Pei na marami pa silang gagawing mga dokumento. Katulad na lamang ng pag-update ng mga info ng bawat nandito sa City Academy.
Tama. Sa info. Yun ang tatanungin ni Xiyue kay Maestra. Kailangan nitong makita ang info ni Raiko at malaman ang mga tungkol sa kanya.
Naisip ni Xiyue na kaya siguro sya pinapa-iwas ni Raiko sa kanya ay dahil part sya ng nakaraan nito. At kaya nya sinabi na lumayo sya sa kanya dahil mapapahamak sya at siguro may nangyari noon na naging dahilan ng pagkalimot ni Xiyue sa lahat.
Kumatok si Xiyue sa pintuan bago nito dahan dahang buksan iyon. Bumungad sa kanya ang maliwanag na paligid, ngunit hindi nito nakita si Maestra kahit saan. Bumuntong hininga ito bago tuluyang pumasok sa loob.
Naglakad sya patungo sa lamesa ni Maestra. Hindi naman sana gustong makealam ni Xiyue sa gamit ni Maestra pero tila may nagtulak sa kanya na tignan ang naka-usli na tila larawan sa brown envelope.
Noong tignan nya iyon ay agad na nangunot ang noo nito dahil ang mukha nya ang nasa larawan.
At anong ginagawa ng mukha ko dito?
Para iyong stolen picture dahil hindi sya nakatingin sa camera, at halatang wala itong alam na may kumukuha ny litrato nya.
Lalo lamang nangunot ang noo nito noong makita nya pa ang kung anong nasa loob ng envelope.
Si Raiko. Pero hindi. Magkamukha ang nasa larawan at si Raiko at kung titignan ay malaki ang pagkakatulad ng mukha nila, pero alam nitong hindi si Raiko iyon.
Walang nunal sa bandang pisngi ang nasa picture na kamukha ni Raiko, samantalang si Raiko ay mayroon. Kaya nakakasiguro sya na hindi si Raiko ang nasa larawan.
Pero sino ito, kung ganoon? At bakit magkamukha ang dalawa?
"Xiyue, Ijah." Agad na ibinalik ni Xiyue sa loob ang mga litrato noong marinig nitong tinawag sya ni Maestra.
Noong humarap sya dito ay nakita agad nya ang madilim nitong mga mata. Agad syang pinangunahan ng kaba na para bang may ginawa itong napakalaking pagkakamali.
"Maestra," huminga ng malalim si Xiyue noong dumako ang tingin ni Maestra sa kamay nito kung saan nakapatong pa ang kamay nito sa brown envelope.
Lumapit si Maestra at kinuha iyon. Tinignan muna sya nito bago bumuntong hininga't nilapag ang envelope sa loob ng cabinet. Bumaling ito sa kanya kaya naman napalunok agad sya.
"What do you need?" Tanong nito. Tumingin lang si Xiyue sa kanya noong naglakad ito paikot sa lamesa upang maka-upo.
Nangunot ang noo ni Xiyue noong may mapansin itong kakaiba sa mga kinikilos ni Maestra. Pinagmamasdan nya si Maestra at alam nya na may mali. Lalo pa't sa pagsasalita ni Maestra ngayon.
"Sino ka?" Hindi alam ni Xiyue kung saan nanggaling ang lakas ng loob nito para tanungin si Maestra ng ganoon.
Lalo pa't alam ni Xiyue na isa lang syang ordinaryong tao, samantalang ang kaharap nito ay isang cloning ability ang kanpangyarihan.
Imbes na sumagot. Tawa lamang ang isinagot nito sa kanya. Hinarap sya ng nagpanggap na si Maestra gamit ang matatalim na mga mata nya na agad nitong napansin. Ngumisi ang nagpanggap na si Maestra sa kanya bago dahan dahang nilagay ang palad sa lamesa.
"Hindi ko alam na mabilis ka palang makahalata," muli itong tumawa, at sa klase ng pagtawa nya ay nagtindigan ang mga balahibo ni Xiyue.
"Asan si Maestra? Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong nitong muli pero tingin lang ang ibinigay sa kanya nito.
"I don't know where the hell she is. I just want this document." Pagkatapos kunin ang isang bagay ay winagayway iyon ng nagpanggap na si Maestra sa harapan nito.
Napatingin si Xiyue doon, hindi iyon ang tinignan nito kanina kundi ang manipis na clear book. Alam nya ang mga laman non, iyon ang mga detalye ng bawat estudyante. Bawat Ability Level nila ay nakasulat sa Clear book na iyon.
"And to tell you, leave the fvck Raiko alone. Hindi mo alam kung anong magagawa nya kapag naubusan sya ng pasensya sa kakasunod mo."
"Lalayo ako kung gusto ko. Wala kang karapatang utos-utusan ako at sabihin kung ano ang dapat kong gawin. So, give me back those files. Hindi ka si Maestra kaya ibalik mo yan." Lakas loob ni Xiyue na suway sa kanya. Ngumisi lamang ito sa kanya at saka tinignan ang clear book na hawak nito.
"Why would i give this fvcking files to you? At sino ka nga uli? Xiyue Sy? Level 0." Noong akmang maglalakad na ang nagpanggap na si Maestra ay agad syang tinamaan ng binato ni Xiyue na pinakamalapit na bagay na nadampot nito.
At sakto dahil tumama iyon sa kanya. Tumigil ito kaya naman kinabahan agad si Xiyue.
"I'll let this pass, Xiyue." Saad nito bago naglaho ng parang bula. Napa-upo naman si Xiyue sa upuan bago napahilamos sa kanyang mukha.
The F? Sino yun? At bakit nya kinuha ang files na iyon?
Kinuha nito ang clear book kung saan nya makikita ang detalye tungkol kay Raiko. Ngayon, paano nya malalaman kung sino talaga si Raiko Mihada?
Frustrated na napasigaw na lamang si Xiyue at dinukdok ang mukha sa lamesa ni Maestra.
•