Chapter 20

CHAPTER TWENTY

Flashbacks

NAPATINGIN si Xiyue kay Raiko na nag-suot ng sweater at jogging pants, alam ni Xiyue kung anong dahilan kung bakit ganoon ang laging pinipiling suotin ni Raiko. Jogging pants, at long sleeves ang laging suot nito dahil napipigilan nito ang mga malakas na kapangyarihan na pumasok sa magtungo sa direksyon nya.

Tumikhim si Raiko kaya nawala sa pag-iisip si Xiyue at napatingin kay Raiko na nasa harapan na nya ngayon.

"Huwag ka nalang kaya tumuloy? Kaya naman 'yon nila Aron." Sa limang pagkakataon ay nagbabakasakali parin si Xiyue na mapigilan parin at mabago ang desisyon ni Raiko na puntahan ang Neamora Academy.

Bumuntong hininga si Raiko at naglakad palapit kay Xiyue, nag-squat ito upang mapantayan nya si Xiyue na naka-upo sa kama. Tinitigan ni Raiko ang mukha ni Xiyue na puno ng pag-aalala para sa kanya.

"Baby, napag-usapan na natin 'to, diba? Hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko, lalo pa't alam ko na kaya ko namang tulungan sila." Mahinahon na sagot ni Raiko kay Xiyue.

Napayuko na lamang si Xiyue at pinigilang maluha. Alam ni Xiyue ng responsibilidad ni Raiko bilang isang Level 5, at alam rin ni Xiyue ang mga pinagdaanan ni Raiko upang makuha ang titulo bilang isang Hero. Oo nga't malakad si Raiko, ngunit hindi parin maiwasan ni Xiyue na hindi mangamba lalo pa't binubuwis ni Raiko ang buhay nya para sa iba.

"Baby, look at me. Look at me, Xiyue." Hinawakan ni Raiko ang baba ni Xiyue at inangat iyon upang mapatingin sya ng diretso kay Raiko.

"I'll come back, hmm? Babalik ako agad. Hindi ako mapapahamak, remember? Level 5 ako." Pagpapakalma ni Raiko kay Xiyue habang tinutuyo nito ang luha na tumulo na pala sa pisngi ni Xiyue.

"Babalik ako." Hinalikan ni Raiko ang noo ni Xiyue kaya naman napapikit ito. Yumakap sya kay Raiko bago nagsalita.

"I'll wait for you. Bumalik ka ah," tango lamang ang sinagot ni Raiko at hinalikan ulit si Xiyue. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na sa noo kundi sa labi nito.

Nagising si Xiyue sa tunog ng kanyang Alarm clock. Kinuha nya iyon at pinatay bago napatingin sa kisame ng kanyang kwarto. Ngayon, naalala na nya lahat. Mula noong unang pagkikita nila ni Raiko hanggang sa magpaalam ito na tutulong sa Neamora Academy.

Bumuntong hininga si Xiyue at winaglit muna sa kanyang isipan ang kagustuhang puntahan si Raiko at sugudin ng isang mahigpit na yakap. Pero siguro sa ibang araw na lamang dahil may kailangan pa syang gawin.

Maaga ang ginawang paghahanda ni Xiyue para sa gagawin nyang pagsama sa mga may abilidad na kontrolin ang mga bagay bagay. Inihanda nya ang kanyang sarili, at binasa ang mga detalye na nakuha nya kay Pei tungkol sa The Lost City of J'zaire.

Bukod pa doon, napag-isip isip ni Xiyue na kailangan nyang protektahan ang kanyang sarili mamaya. Lalo pa't hindi nya kilala ang mga makakasama nya sa pagpasok sa City. Napag-isip isip nya na hindi sa lahat ng oras ay magagawa syang iligtas ng mga ito, dahil may mga sariling buhay ang mga ito na dapat nilang iligtas kung may mangyayari mang masama.

Ang The Lost City Of J'zaire ay sakop ng Witch City, pero hindi katulad ng Witch City na mahahanap at makakapasok agad ang kahit na sino, ang The Lost City ay mahahanap at makakapasok lamang ang mga ordinaryong tao--ang mga mortal.

Hindi na naitanong ni Xiyue kung ano ang naging problema sa City na iyon, hindi na rin naman kasi ito nagkaroon ng oras para magtanong.

"Xiyue, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Napatingin si Xiyue kay Westley noong magsalita ito.

Hindi na nya sinabi pa kay Westley na naaalala na nya lahat. Sa ibang araw na lamang dahil parang wala sya sa mood na magsalita at sagutin ang mga katanungan ni Westley kung paano nya naalala ang lahat.

Basta ang alam lang ni Xiyue ay ginamit ni Raiko ang kapangyarihan nitong manipulahin ang alaala ng isang tao.

Nakasandal ito sa sofa, katabi sina Pei, Hera at Cuin. Kakatapos lang ng tatlo na magtraining para sa magiging misyon nila, at noong mabalitaan nila na sasama si Xiyue sa The Lost City ay agad silang sumugod patungo sa kuwarto ni Xiyue.

Kinakabahan man, hindi parin maiwasan ni Xiyue na matuwa noong puntahan sya ng apat na magkakaibigan. Napatunayan nya na kaibigan na ang turing ng mga ito sa kanya, at nag-aalala ang mga ito sa bawat desisyon na ginagawa niya.

"Wala naman akong ibang choice, 'di ba? Si Maestra ang nagsabi," kibit balikat na sagot ni Xiyue. Umiwas ito ng tingin dahil nagsinungaling nanaman sya keyla Pei.

May choice sya, dahil sya ang sasama sa The Lost City. Pwedeng pwede syang umayaw kung gugustuhin nya, pero pinili nyang sumama at sumunod dahil sa binigay na magiging kapalit ni Maestra sa kanya.

"Sumama nalang kaya kami?" Napatawa si Xiyue ng bahagya sa sinabing suhestyon na iyon ni Hera.

"Kaya naman natin, hindi ba? I mean, nakapag-training na kayo ng halos ilang araw. Sumama nalang tayo para may kasama si Xiyue." Dugtong pa nito. Buntong hininga lang ang isinagot sa kanya ni Xiyue, at hinarap ang mga ito.

"May kasama naman ako, Hera." Nakangusong saad ni Xiyue.

"Pero hindi mo kilala ang mga magiging kasama mo! Hindi natin alam kung kaya kaba nilang iligtas." Napanguso si Xiyue.

Naisip rin iyon ni Xiyue simula pa lamang. Pero kailangan nyang magtiwala sa mga magiging kasama nya, at kung sakali mang hindi nila magawang iligtas si Xiyue at pabayaan nila ito, ano pa't naghanda si Xiyue?

Naghanda si Xiyue. Binasa at pinag-aralan ang spell book na ibinigay ni Maestra sa kanya. Nagawa rin nya iyong gamitin sa ilang bagay na tila sanay sya't alam kung paano iyon kokontrolin. Doon ay napanatag sya kahit papaano.

"Kaya ko ang sarili ko," mahinang saad ni Xiyue kaya wala ng nagsalita sa apat.

Hindi na nila pinilit pigilan si Xiyue dahil alam naman nila na hindi ito magpapa-pigil kahit anong gawin nila.

Sumama ang apat hanggang sa labas ng City Academy. Kumaway at nagpaalam si Xiyue sa apat bago naglakad ng mabilis upang makahabol sa mga kasama nya na nauuna na.

Bumuntong hininga si Westley habang pinapanood si Xiyue na naglalakad papalayo sa kanilang apat.

"I think, I need to tell this to him."

Bulong ni Westley na narinig naman ng iba. Hindi na lamang nila iyon pinansin dahil hindi naman nila alam kung ano ang sinasabi ni Westley sa tabi.

-

"Bilisan nyo, we need to be there as soon as possible." Sumulyap lamang si Xiyue sa nagsalita.

Maputi ito, matangkad at natatakpan ng buhok ang mga mata. Ang lalaking ito ay nagngangalang Evan. Isang Electricity User.

"Kailangan ba talagang bilisan? Sila na nga lang humihingi ng tulong, demanding pa. Stress yung bangs ko ah!" Reklamo ng isang matangkad na babae.

Bilugan ang mga mata nito, may bangs at halata ang arte sa katawan. Ang babaeng ito ay nagngangalang Azura. Isang Air and Earth User.

"Azura, we need to be faster. Baka pagdating natin doon ng babagal-bagal tayo, wala na tayong maabutan." Sagot ng matangkad na natatakpan ng buhok ang mga mata.

Tahimik lamang si Xiyue na nakikinig sa isang gilid. Hindi ito nakikisama at kinakabisa na lamang ang mga pangalan ng kanyang mga kasama. Hindi na sana sya magsasalita pa noong kalabitin sya ng isang babae.

"Ikaw si Xiyue Sy, hindi ba?" Napakurap kurap si Xiyue noong tanungin sya nito.

Maputi ito, halata ang inosente sa kanyang mukha. Ngumiti ito at naglahad ng kamay sa harapan ni Xiyue.

"Ako nga pala si Nia." Tinanggap ni Xiyue ang kamay na nakalahad sa kanyang harapan.

Agad na bumitaw si Xiyue noong makaramdam ng tila kuryente sa kanyang kamay. Napaawang ang labi ni Xiyue at tumingin kay Nia.

"Electricity ang ability mo?" Mahinang tanong ni Xiyue na ikina-iling ni Nia.

Mahinhin ito. Inosenteng inosente.

"Hindi. Wala akong kapangyarihan katulad mo." Lalo lamang nangunot ang noo ni Xiyue sa sinabi ni Nia, pero kalauna'y napatango tango.

Mali pala ang hinala nya. Dahil sa parang kuryenteng gumapang sa kamay ni Xiyue ay inakala nyang kunektado sa kuryente ang abilidad ni Nia. Pero ang totoo, wala pala itong kapagyarihan katulad nya.

Pero imbes na mapanatag dahil may kasama silang katulad nyang walang kapagyarihan, nadagdagan lamang ang mga tanong sa kanyang isipan. Katulad na lamang ng kung bakit dalawa ang walang kapangyarihan sa kanila? At kung bakit kinakailangan pa nyang sumama gayong may kasama naman na pala silang walang kapangyarihan?

Nanahimik na lamang si Xiyue, ganoon din si Nia na nasa kanyang tabi. Hindi nagsalita si Xiyue hanggang marating na nila ang isang gate na lumang luma ang dating.

"Ito na ba 'yon?" Tanong ni Evan bago pinagmasdan ang paligid.

Mataas ang lumang gate. At sa magkabilang gilid ay may naglalakihang mga puno. Buong akala ni Xiyue ay mahihirapan sila sa paghahanap dahil Lost City ang pupuntahan nila, o sadyang nawala lang sya sa kanyang sarili kanina at di na napansin ang oras ng paglalakad nila?

"Isn't it obvious, Evan? Nakasulat na nga oh, The Lost City of J'zaire! Gosh, I can't believe na kasama kita." Naasar na saad ni Azura. Napapailing na lamang si Evan at hindi na pinatulan pa ang init ng ulo ni Azura.

"Stop fighting. Baka mauna pa kayong maglaban bago tayo pumasok sa Lost City." Saad ng isang lalaki na kanina pa tahimik.

Nakasalamin ito, at seryoso ang mukhang laging pinapakita. Ang lalaking ito ay nagngangalang Senoir, isang Spell user. Pero hindi lamang mga simpleng Spell ang nagagawa nito, isa syang Level 3 ability level kaya makapangyarihan ang mga spell na binibitawan nito.

"Let's just check what's inside." Suhestyon ni Evan na ikinatango naman nila.

Sumunod lamang si Xiyue noong pasukin nila ang lumang gate. At noong sandaling makapasok ay agad nanindig ang mga balahibo ni Xiyue sa nakita. Nagsimulang kumalabog ng napaka-lakas ang puso nya noong makitang sunog ang kapaligiran at may ibang parte pa na nagliliyab.

"What the fvck happened here?"

"Para tayong nasa impyerno."

"Asan na mga taong nanghihingi ng tulong? We did our best to make it here as soon as possible, tapos ganito parin ang maaabutan natin?"

Sari saring reaksyon mula sa mga kasama ni Xiyue ang mga narinig nya. Pero pinaka-titigan lamang ni Xiyue ang buong paligid. Hindi sya makapaniwala sa mga nakikita.

We are now here.

Pero sa kanilang pagpasok sa loob, ano ang naghihintay sa kanilang lima?

Yah, i know this one is short.