CHAPTER TWENTY NINE
I won't
"WALA dapat na makakaalam tungkol sa kung sino at ano ang pagkatao ko, Aron." Paalala ni Ten kay Aron noong huminto na silang dalawa sa tapat ng isang building na hindi gaanong kalakihan.
Sa building na iyon naisipang dalhin nina Aron at Xiyue si Raiko dahil bukod sa maraming Aliquam ang nakabantay sa harapan ng entrance ng building ay naroroon din ang mga makakapangyarihang tao katulad ni Xieke at ni Mali.
"Imposibleng walang nakakaalam ng pagkatao mo, Carsten. Isa pa, bakit ayaw mong ipaalam kung sino ka?" Tanong ni Aron kaya naman napahalukipkip si Ten dahil sa tanong nito.
"Si Raiko mismo ang nagsabi sa akin na huwag ipapaalam kahit kanino lalong lalo na kay Xiyue na babawiin na ng Diyos ang kapangyarihan nya, at lalong ayaw ipaalam ni Raiko na dahil iyon sa aksidenteng nakasangkutan nya noon." Sagot ni Ten kay Aron na dahan dahan na lamang tumango kaya naman pumikit na si Ten upang makapag-concentrate sa kanyang gagawing pagpapalit anyo.
Nakamasid lamang si Aron kay Ten at sa kung anong susunod na mangyayari. Hindi na nagulat pa si Aron na nagbago ang buong anyo ni Ten na kung sya ang tatanungin kung si Ten ba talaga ang nakikita nya ay hindi na nya masasabi pa dahil ibang iba na ang mukha, tindig at boses ng kanyang kaharap.
"Ipinapaalala ko lang sa'yo, Aron. Lason lang ang tatanggalin ko, hindi ang toxin na maiiwan sa katawan ni Raiko." Paalala muli ni Ten kay Aron na agad din namang tumango habang tinatahak nila ang daan patungo sa elevator.
Pagpasok nilang dalawa ay agad na pinindot ni Aron ang 7th floor kung saan nasa floor na iyon ang kwarto ni Raiko. Mabilis ang ginawang paglalakad ng dalawa patungo sa kwarto at naabutan nilang dalawa si Mali, Westley at si Xiyue na naka-upo sa gilid ng kama kung saan walang malay ai Raiko.
Una silang napansin ni Westley na naka-upo sa mahabang sofa habang si Mali naman ay nasa pinakagilid at may hawak itong libro. Tumayo si Westley at lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa ni Ten, kitang kita ni Aron kung paano titigan ni Westley ang kanyang kasama na tila iniisip nito kung kilala ba nya ito o hindi.
"Nandito si Renz para gamutin si Raiko." Nabaling ang mga mata ng tatlo kay Aron noong magsalita ito, halos sabay-sabay ang naging paglingon sa kanya ng tatlo na maski si Xiyue na nasa tabi ni Raiko ay napatingin din sa kanilang dalawa.
"Renz?" Tumango si Aron kay Mali at naglakad papalapit kay Xiyue na agad din namang napatayo upang batiin si Ten, tumango lamang sya kay Xiyue at nag-iwas na ng tingin at ibinaling kay Raiko ang kanyang mga mata.
Namumutla na ang labi ni Raiko, lihim na napamura si Ten dahil sa nakita nyang iyon.
"Hindi ko alam na ganito kabilis kumalat ang lason," bulong ni Ten na narinig naman ng lahat ng nasa kwarto na iyon dahil sa sobrang tahimik ng kwarto.
Nagtaas ng mga mata si Ten upang balingan ang iba pang kasama nila ni Aron upang makapagpakilala sya ng maayos bilang Renz at hindi bilang Terrence.
"Ako nga pala si Renz, and I'm from Elite One." Dugtong nito sa kanyang sinabi, napatango naman si Mali na mabilis na napaniwala ni Ten, habang si Westley naman ay nakatingin parin sa kanya ng masinsinan na tila kinikilatis ang kanyang buong pagkatao.
Samantalang si Xiyue ay walang reaksyon at nakatingin lamang sa natutulog na si Raiko. Napabuntong hininga si Ten bago nya binalingan si Xiyue, hindi sya nagsalita dahil alam nya na kapag nagsalita pa sya ay baka kung ano lamang ang lalabas sa kanyang bibig.
Nahihirapan si Ten sa sitwasyon ni Raiko at ni Xiyue. Lalo pa't alam ni Ten ang plano ni Raiko at nasasaktan sya para kay Xiyue ngunit wala syang magagawa dahil iyon ang plano ni Raiko, at alam at kilala ni Ten si Raiko bilang isang tao na hindi mababago ang desisyon.
"Palabasin mo muna sila, Aron." Saad ni Ten dahil hindi sya makakapag-concentrate kapag nakikita nya ang mukha ni Xiyue na tila maiiyak na. Ayaw nyang magkamali kaya naman mas mabuti na lamang na palabasin nya ang ibang tao na nandoon.
"Lumabas na muna kayo, Xiyue. Kami ng bahala kay Raiko, and trust me... He will survive this." Palihim na sumulyap si Ten kay Xiyue at hindi nakawala sa kanyang mga mata ang mabilis na pagtulo ny luha nito, agad na nag-iwas ng tingin si Ten dahil doon.
Nang makalabas na ang tatlo ay binalingan nya naman si Raiko. Bumuntong hininga sya bago pumikit ay itinaas ang kanyang kamay, nakakuyom ang kanyang mga palad ay tanging ang hintururo at gitnang daliri nya ang nakalabas.
Napaatras si Aron noong makita nya na umilaw ng kulay berde ang kamao ni Ten, binalingan nya ang katawan ni Raiko at kitang kita nya kung paanong ang pulsuhan ni Raiko ay naging berde.
Hindi pa nakuntento si Ten sa isang kamay at itinaas pa ang kaliwa nyang kamay at katulad ng sa una ay ganoon parin ang kanyang ginawa. Tumaas ang dibdin ni Raiko at nanatili iyon sa ganoong posisyon ng halos ilang segundo bago bumagsak sa kama.
Dumilat naman na si Ten at dahan dahang ibinaba nya ang kanyang dalawang kamay bago binalingan si Raiko.
"Wala na ang lason sa katawan ni Raiko, at tama nga ang hinala ko." Umupo si Ten sa sofa habang si Aron naman ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya.
"Mabilis na nawawala sa katawan ni Raiko ang kahit na anong lason, kaya mas malaki ang posibilidad na minuto lamang ay mailalabas na nya ang toxins na naiwan mula sa lason." Sinulyapan nilang dalawa si Raiko at agad na tumakbo patungo si Aron noong makita na bumangon sa pagkakahiga si Raiko.
"See?" Mahinang bulong ni Ten sa kanyang sarili noong makita na nakaupo na si Raiko at malakas na napapa-ubo ng dugo.
Tumayo si Ten at pumunta sa mini kitchen, mula doon ay kumuha sya ng isang patalim bago muling bumalik kay Raiko na wala paring tigil sa pag-ubo ng dugo. Bumuntong hininga si Ten bago nya iniabot kay Raiko ang kanyang hawak na patalim, kunot noo naman syang tinitigan ni Aron na tila nagtatanong kung para saan ang patalim na iyon.
Tinignan muna sya ni Raiko bago nya kinuha ang patalim na hawak ni Ten at sa sandaling mahawakan nya iyon ay agad nyang sinugatan ang kanyang pulso, hindi naman iyon masyadong malalim, at ginawa lamang iyon ni Raiko upang lumabas ang dugo sa kanyang katawan na may halos toxins.
"Nababaliw ka na ba?!" Mula sa loob ng kwarto ay narinig ng tatlo ang sigaw na iyon ni Aron kaya naman binuksan ni Mali ang pintuan at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Raiko na duguan ang bibig at anh pulso.
Mabilis naman na pumasok si Xiyue at lumapit kay Raiko, hinawakan nito ang kamay ni Raiko na nagdudugo upang sana pigilan ang paglabas ng dugo ngunit agad syang pinigilan ni Ten na nasa kanyang likod.
"Don't. Hindi maiilabas ng katawan ni Raiko ang mga toxins kung hindi nya susugatan ang kanyang sarili. Kapag nangyari 'yon, mas malala ang pwedeng mangyari kay Raiko." Agad na tinanggal ni Xiyue ang kanyang kamay at tinitigan na lamang si Raiko na nakatingin lamang sa kanya.
Ngumiti ng maliit si Raiko na tila sinasabihan si Xiyue na ayos lamang sya at magiging ayos lamang ang lahat. Ngunit imbes na mapanatag si Xiyue ay naiyak na lamang sya kaya agad syang hinawakan ni Raiko sa balikat gamit ang isang kamay upang yakapin.
"Akala ko... Akala ko iiwan mo nanaman ako." Umiiyak na saad ni Xiyue, hinagod naman ni Raiko ang likod ng dalaga bago napangiti.
"I won't." Mahinang sagot ni Raiko na lalo lamang nakapagpa-iyak kay Xiyue.
I won't leave you again, Xiyue.
•