Chapter 32

CHAPTER THIRTY TWO

He's gone mad

"WHAT?" Hindi maiwasan ni Cali na hindi kabahan dahil sa nalaman kay Raiko kung ano ang maaaring mangyari sa mga susunod na oras sa mundo ng mga mortal na tao, at bukod pa doon ay sa hinihinging tulong ni Raiko sa kanya.

Binalingan ni Cali ang binata na seryosong nakatingin lamang sa kanya at ni isang emosyon ay hindi mo makikitaan ang mukha ng binata, lalo lamang tuloy nakadagdag kaba ang binibigay na aura ni Raiko para kay Cali dahil alam ng dalaga na seryoso si Raiko sa kanyang mga ibinalita sa kanya.

"Paano ko naman magagawa ang sinasabi mo? Mag-isa lang ako, madaming mga tao." Dagdag pa ni Cali na halata ang pagkabahala dahil sa pwedeng mangyari sa mga susunod na oras kapag hindi pa sila kumilos na dalawa ni Raiko.

Binitawan ni Raiko ang hawak nyang ball pen bago binalingan ng mga mata si Cali na halata sa mukha ang pagkabahala sa pwedeng mangyari kapag hindi nila napigilan ang masamang binabalak ng kung sino man.

"You're complaining about your ability, right? Ngayon natin mapapatunayan na may halaga rin ang kapangyarihan mo." Natigilan si Cali sa naging sagot sa kanya ng binata, hindi nakasagot si Cali na tila nag-iisip habang si Raiko naman ay nakatingin lamang sa kanya.

"Use your Cloning Ability to help me, Cali." Dugtong pa ni Raiko na nagresulta sa dalaga na mapapikit ng ilang beses at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng binata sa kanya.

Gumalaw ang ulo ni Raiko ng bahagya na tila naghihintay sa magiging sagot ni Cali sa kanya, naging hudyat naman iyon sa dalaga upang agad na mapatango kaya naman bumuntong hininga si Raiko at nag-iwas ng tingin sa dalaga. Sinarado ni Raiko ang kanyang hawak na libro bago tumayo, nasa kanyang bulsa ang kanyang magkabilang palad at muling nagpakawala ng malalim na pagbuntong hininga.

"Paano mo mapipigilan ang binabalak nila, Raiko?" Naigilid ni Raiko ang kanyang mga mata dahil sa hindi nya inasahan ang ibinatong tanong na iyon ni Cali sa kanya.

Natanong na rin ni Raiko iyon sa sarili nya, kung paano at anong paraan nya mapipigilan ang mga masamang binabalak ng mga hindi kilalang tao. Hindi sya makahanap ng kasagutan na maaari nyang magamit upang mapigilan ang mga nilalang na iyon, ngunit isa lamang ang nasisiguro ni Raiko.

"I don't know," pag-amin nito na hindi nya alam kung anong klaseng paraan ba ang gagamitin nya upang mapigilan ang mga binabalak nila. Nagtaas ng mga mata si Raiko sa dalaga at kitang-kita ni Cali kung paano umitim ang mga mata ni Raiko hudyat na desidido ang binata.

"But one thing I'm sure, I need to stop them. I need to stop those events from happening, hindi pwedeng maulit uli ang nangyari sa nakaraan." Seryosong dagdag pa ni Raiko na ikinaawang ng labi ni Cali.

Nag-iwas ng mga mata si Cali sa binata bago bumuntong hininga, "I think you need the help of your friends, especially your twin brother." Natigilan si Raiko.

"Sasabihin ko na ang totoo, Raiko. Sa tingin ko ay hindi mo kakayanin ang mga 'yon, they can control the Four main elements, for Pete's sake! At least humingi ka naman ng tulong man lang kahit kay Aron na isang Earth and Fire user." Dagdag pa ni Cali, hindi nagsalita si Raiko at walang emosyon lamang na nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"No. If i have to use all my ability, i will use it. Hindi na kailangan na pati ang mga kaibigan ko ay madamay pa dito." Sagot ni Raiko at hindi man lang tinanggal ang mga mata na nakatingin kay Cali.

"But Raiko..." Muling naging itim ang mga mata ng binata na ikinatigil ni Cali sa pagsasalita, bumuntong hininga si Cali dahil wala na syang magagawa pa dahil nakapag-desisyon na ang binata.

"Okay, just don't kill them. Don't you ever dare to kill them, Raizer Aikoze Sancir Mihada." Bahagyang natawa si Raiko dahil sa pagbanggit ni Cali sa kanyang buong pangalan ngunit kalauna'y napatango na lamang din dahil alam ng binata na nag-aalala lamang si Cali para sa kanya.

"I won't, Cali." May maliit na ngiti sa mga labi ni Raiko nang sumagot sya, ngunit kahit na may maliit na ngiti sa kanyang mga labi ay hindi parin makikitaan ng kahit na anong emosyon ang mga mata ni Raiko na tila ayaw ipaalam kahit kanino ang nilalaman ng isipan nya.

I won't.

-

"FINALLY, nakabalik na rin tayo." Pabagsak na na-upo si Mali sa pinakamalapit na sofa na kanyang nakita, ganoon din ang ginawa ni Aron habang ang mga mata ay nakatingin kay Raixon na tila binabasa nito kung anong nasa isipan ng binata.

"Something is wrong here," mahinang saad ni Raixon na ikinatigil ng lahat, maski si Mali na nakapikit ay biglang napadilat at ibinaling ang mga mata kay Raixon na nakikiramdam sa paligid.

Tumahimik ang lahat at nakiramdam sa paligid, ngunit kahit na anong katahimikan ang nababalot sa kanilang lahat ay hindi parin nila makuha ang sinasabi ni Raixon na tila may mali sa lugar kung nasaan sila. Nang masiguro na walang mali ay sabay sabay silang nagbaling ng kani-kanilang mga mata kay Raixon.

Kunot noo si Mali at si Westley na nakatingin kay Raixon na tila hindi nila maintindihan ang sinabi ni Raixon na may mali, ngunit si Aron ay nakatingin lamang kay Raixon at nag-iintay ng sasabihin nito.

"Raiko is missing," mahinang saad ni Raixon na ikinatayo ni Aron at ni Mali.

"What?" Halos sabay sabay ang kanilang mga tanong at kung hindi pa sumenyas si Raixon na manahimik ay hindi pa sila titigil sa kani-kanilang pagtatanong katulad na lamang ng kung paano nalaman ni Raixon na nawawala si Raiko kung hindi pa sila nagtutungo sa kwarto ni Raiko.

"He's my twin brother and as a twin, I can easily feel if he's here or not. Plus he's a Vector Manipulator and I'm a Scalar Manipulator, we're connected to each other." Pagpapaliwanag ni Raixon na tila nabasa nya ang mga katanungan sa isipan ng mga kasama nya, napatango naman si Mali at si Westley habang si Aron naman ay tahimik lamang na nakasunod sa kanyang mga kasama.

Patungo ang apat sa kwarto kung nasaan nila iniwan si Raiko, ngunit habang papalapit sila ng papalapit ay lalo lamang natitiyak ni Raixon na wala sa kwarto ang kanyang kambal at maski sa loob ng Academy ay hindi nila ito matatagpuan.

Dahan dahang binuksan ni Raixon ang pintuan ng kwarto ni Raiko, at sa sandaling tuluyan na nilang mabuksan ang pintuan ay bumungad sa kanilang lahat ang hindi inaasahan. Mabilis pa sa alas-kuatro ang naging paglapit ni Westley at Mali sa nakahandusay na lalaki sa sahig at kita ang malaking bato na nakadagan sa kanyang katawan.

"What the..." Hindi makapagsalita si Mali habang nakikita ang duguang mukha ni Leo, nagkalat na rin ang dugo sa sahig kaya naman lalo lamang nataranta si Mali.

"Where the heck is Raiko?" Malakas na tanong ni Raixon habang patuloy lamang ang mga mata na sinisiyasat ang kabuuan ng kwarto, ngunit tulad nga ng inaasahan ni Raixon ay hindi nya nakita ang kambal sa kwarto.

"H-He left." Hirap man ay nagawa parin na sumagot ni Leo sa katanungan na iyon ni Raixon dahilan upang mapadako ang mga mata ni Raixon sa nakabulagta na si Leo sa sahig.

Nagtiim ang bagang ni Raixon bago nya itinaas ang kanyang isang kamay upang alisin ang napaka-bigat na bato na nakadagan sa kalahati ng katawan ni Leo. Nang sandaling matanggal na nya ang bato na nakadagan kay Leo ay dahan dahan syang naglakad papalapit dito, pa-squat syang na-upo upang mas matitigan ng husto ang duguan na si Leo.

"Sabihin mo nga sa akin, si Raiko ba ang may kagagawan nito?" Mahina ngunit may diin sa bawat pagbigkas ni Raixon, ilang beses na napadaing muna si Leo bago unti-unting tumango na lalo lamang ikinatiim ng bagang ni Raixon.

"Kung si Raiko nga ang may kagagawan nyan sayo, why the heck that there's a big rock? Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang Earth Manipulator, isa pa, hindi basta basta aatake si Raiko kung hindi nya kailangan." Lalo pa't wala na syang kapangyarihan. Nais sanang idugtong ni Aron ang mga huli nyang sinabi ngunit minabuti na lamang nyang hindi iyon isatinig.

Natigilan ng bahagya si Raixon at masamang tumingin kay Leo na ngayon ay nakatingin na sa kanilang apat, napangisi si Leo dahil sa sinabi na iyon ni Aron sa kanya. Unti unti syang bumangon mula sa pagkakahiga sa sahig bago sinagot ang mga paratang sa kanya ni Aron.

"Yeah, you're right. I attacked him first 'cause i thought that he no longer have the ability to control the vector. But I'm wrong." Sagot ni Leo at tinawanan ang kanyang sarili, nangunot naman ang noo ni Aron dahil sa narinig mula kay Leo.

"What?" Ibinaling ni Leo ang kanyang mga mata kay Aron na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya, tumango si Leo at itinuro ang nabasag na bintana kung saan sya pumasok at kung saan din tumalon si Raiko pababa.

"I'm telling you, he's dangerous. He's really pissed right now." Sagot ni Leo na lamang lamang ikinakunot ng noo ni Aron dahil hindi naman nito nasagot ang kanyang gustong malaman.

Gustong malaman ni Aron kung paano nalaman ni Leo na wala ng kapangyarihan si Raiko, ngunit ang mas gusto nyang malaman ay kung ano ang ibig sabihin ni Leo sa sinabi nya na akala nya ay wala ng kapangyarihan si Raiko ngunit nagkamali sya. What does he mean?

"May ginawa ka ba na ikinagalit nya?" Tanong ni Mali habang sinisiyasat ang sugat na natamo ni Leo mula sa mabigat na bato.

Bahagyang natigilan si Leo dahil sa tanong na iyon ni Mali sa kanya, at noong makabawi sya ay agad din naman syang sumagot na ikinatigil ng lahat na lalo lamang ikinakunot ng noo ni Aron.

"Honestly, yeah. Pero sigurado ako na ayaw nyang malaman nyo kung ano 'yon so hindi ko sasabihin kung ano." Sagot nito sabay ngisi ng nakakaloko, agad naman syang nakatanggap ng isang malakas na hampas mula kay Mali kaya naman napadaing muli si Leo.

"This is bad, Aron." Baling naman ni Raixon kay Aron, tumango ito bilang sang-ayon kay Raixon kaya naman bumuntong hininga si Raixon bago muling nagsalita.

"We beed to find him, he's gone mad. Ayoko ng maulit ulit ang dati when he's out of control." Saad bi Raixon na ikinasang-ayon ng lahat.

I don't want his past mistake to be repeated.

-

"KUYA, I'm glad that you're alive now." Nakangising bungad ng isang lalaki habang ang mga mata ay nakatingin sa isa pang lalaking na kalalabas lamang ng isang kwarto, mula sa kwarto na nilabasan ng lalaki ay makikita ang makapal na usok.

"After so many years, matatapos na rin natin ang mga plano mo." Dagdag pa nito, bahagya namang nag-unat unat ng kanyang katawan ang lalaki habang ang mga mata ay nagbabaga dahil sa galit.

"Tell me, is Raixon alive?" Malalim ang boses nito at idagdag pa ang maiitim na mga mata kaya lalo lamang nagiging katakot takot ang kanyang aura.

Tumango naman ang lalaki bilang sagot sa kanyang nakakatandang kapatid at ibinigay ang isang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Raixon.

"Nakarating na sa kanila ang ginawa ko, at sigurado akong hindi sayang ang pagkitil ko sa buhay ng libo-libong tao para mabuhay ka lang. You're a level 6, Kuya. Kayang kaya mong patayin si Raixon Mihada." Saad ng lalaki na sinundan ng isang malademonyong pagtawa.

Napangisi naman ang lalaki at binuksan ang folder kung saan nakikita ang mga larawan ng magkakaibigan na sina Raixon, Raiko, Mali, Aron at Westley. Lumaki ang ngisi nito sa labi habang nakatingin sa larawan ni Raixon na nakangiti.

"Soon, you'll beg for your life, Raieden Aixoneze Sancir Mihada"