CHAPTER THIRTY SIX
Using his full ability
TUMAMA ang likod ni Raiko sa pader dahil sa ginawang pag-atake ni Vier sa kanya na may kasamang kuryente, napahawak si Raiko sa kanyang braso dahil ramdam parin nya ang kuryente mula sa pagkahawak sa kanya ni Vier.
Agad namang lumapit si Aron at Westley upang matulungan si Raiko at akma na sanang gagawa ng pag-atake si Aron noong hawakan sya ni Raiko sa balikat nito upamg pigilan.
"Don't. 'Wag kayong makialam dito." Nagsalubong ang kilay ni Aron dahil sa sinabi na iyon ni Raiko sa kanya, akma pa sana syang magtatanong ulit noong mapatigil sya dahil may tumama sa kanyang ulo na kung ano.
Napahawak si Aron sa kanyang ulo at noong tignan nya iyon ay kitang kita nya ang dugo sa kanyang palad, tumiim ang bagang ni Aron at binalingan ng masamang tingin si Vier na ngayon ay nakangisi na sa kanilang tatlo.
"Damn it. You agreed not to use your Ability, Vier." May diin na saad ni Aron habang ang kanyang kamao ay madiin na nakakuyom sa sobrang galit na nararamdaman nito kay Vier.
Ngisi lamang ang sinagot ni Vier kay Aron at bago nag-unat ng kanyang braso, pagtapos nitong mag-unat ng kanyang braso ay humawak ito sa kanyang batok at saka nagsalita.
"Hindi ako sumusunod sa mga batas, bakit? Mas mapapadali lang ng pagsuway ko ang buhay ko, katulad ngayon, mabilis ko na lamang kayong mapapatay ng kambal mo. Isasama ko pa ang mga kaibigan mo para 'til death ay magkakasama parin kayo." Nag-tiim ang bagang ni Aron dahil sa sinabi ni Vier na iyon, at akma na sanang susugod si Aron noong mapatigil sya dahil sa isang malademonyong pagtawa ng kung sino.
Napahinto si Aron at tumingin kay Raiko na naka-squat na ng upo, nakangisi ito habang nakatingin sa kinaroroonan ni Vier na bahagyang nakakunot ang noo dahil sa ginawang pagtawa ni Raiko.
"Do you really think that you can easily kill me?" Nagtiim ang bagang ni Vier at nakita ni Raiko iyon, muling tumawa ng malademonyo si Raiko na nakapagpatahimik at nakapagpatayo sa kanilang mga balahibo.
Salubong ang kilay ni Vier na nakatingin kay Raiko na tila hindi nya maintindihan ang sinasabi ng binata sa kanya, ngunit kalauna'y umangat ang gilid ng labi nito at humalukipkip.
"Sigurado akong madali na lamang kitang mapapatay, sa kapangyarihan pa lamang kasi ay walang wala ka na. Hindi ka makakalaban dahil sa sugat na natamo mo sa ulo mo, tama ba?" Hindi sumagot si Raiko bagkus pagak itong tumawa at hinawakan ang kanyang ulo upang tignan kung dumudugo pa ba iyon, at tama nga ang hinala nya. Wala paring tigil sa pagdugo ang kanyang sugat.
"Isama mo pa na wala ka ng kapangyarihan ngayon, diba?" Hindi sumagot si Raiko at nakatingin lamang sya kay Vier, bahagya pa nyang itinagilid ang kanyang ulo na tila hinahanap kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi ni Vier sa kanya.
Segundo lamang ay sumilay ang maliit na ngisi sa kanyang labi na sinundan ng pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata, hindi pa rin nya iniaalis ang kanyang mga mata kay Vier na nagsalubong ang kilay marahil dahil sa kanyang nakitanna pagbabago sa mga mata ni Raiko.
Now, let's finish this shit. Bulong ni Raiko sa kanyang isipan bago nya maramdaman ang isang napakalakas na kapangyarihan ang pumapalibot sa kanyang katawan, hindi sya kumukurap dahil gustong gusto nitong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Vier kapag nakita nito na nagbago ang kulay ng mga mata nito.
Bahagya namang napaatras si Aron palayo kay Raiko dahil sa mga nakita nito, lalo na ang magkaibang kulay ng mga mata ni Raiko ay nakakadagdag panindig balahibo para sa kanya. Ang kulay itim na mata nito sa kaliwa, at ang kulay pula na kulay ng mata nito sa kanan ay nakakatakot dahil sa tingkad na tingkad ang pagka-kulay pula nito.

(Ganyan kulay ng mata ni Raiko. Imagine-en nyo nalang haha.)
Malaki ang pagtataka ni Aron kung paanong nangyaring nagbago ng ganoon ang mga mata ni Raiko, oo at nagbabago nga ang mga mata ni Raiko t'wing nagagalit at nawawalan sya ng kontrol sa galit nya ngunit pawang itim lamang ang mga iyon. Ngunit ngayon ay bakit isang itim at isang pula ang mata ni Raiko? May ibig sabihin ba iyon?
"Westley, what's happening? Akala ko ba wala ng kapangyarihan si Raiko?" Tanong ni Cali habang nakatingin kay Raiko na napapalibutan na ng itim na usok na nanggagaling mismo sa katawan ng binata, lumabas na rin ang sandata nito ngunit hindi tulad ng dati ay pati ang sandata ni Raiko ay kulay pula na at may lumalabas na usok mula dito.
"That's his weapon, right? He can't summon it without using his ability, that means..." Nanlalaki ang mga mata ni Cali habang nakatingin kay Raiko dahil sa hindi inaasahang makikita nito sa likod ni Raiko.
Napaawang pa ang labi ni Cali at dali daling kinalabit si Westley na nasa kanyang harapan ngunit hindi nakatingin sa direksyon ni Raiko. Nang ibinaling ni Westley ang kanyang mga mata kay Raiko ay hindi maiwasang hindi ito magulat dahil katulad ni Cali ay hindi nya inaasahang makita ang lumabas sa likod ni Raiko.
"Hindi nawala ang kapangyarihan nya, bagkus lumakas pa lalo. And he's gonna use all his ability right now to defeat Vier." Si Aron na ang nagsalita dahil walang boses na lumalabas sa mga labi nina Westley at Cali dahil sa sobrang gulat sa kanilang nakita.
Napangisi si Raiko dahil naramdaman na nitong lumabas na ang pakpak nya sa kanyang likod na tila pinagsama-samang itim na usok. Hindi parin nya inaalis ang kanyang mga mata kay Vier at tama nga ang hinala nya, wala itong magiging reaksyon kung makikita nito ang pakpak na lumabas sa kanyang likod.

(Parang ganyan pero pakpak. PAKPAK okay? Sana makadagdag ang image para sa maiimagine nyo haha.)
"So, you're a half angel, huh?" May ngisi parin sa labi ni Vier at inangat ang kanyang palad, pinagmasdan nya iyon at segundo lamang ay lumabas na ang parang bolang mga apoy.
Binalingan nya si Raiko bago muling ngumisi at itinapat nya ang kanyang palad sa direksyon ni Raiko, segundo lamang ang tagal bago ang mga Fire Balls ay mabilis na tumama kay Raiko. Hindi umalis si Raiko sa kanyang pwesto, bahagya pa nitong iginilid ang kanyang ulo na tila walang pakealam kung tumama man sa kanya ang mga bola na gawa sa apoy.
"Conversio Impetus." Dalawang salita lamang iyon ngunit tila naging hudyat para sa lahat ng mga bolang apoy na huminto sa hangin at hindi tumama kay Raiko ng tuluyan.
"Kailan pa natuto si Raiko mag-cast ng spell?" Tanong ni Cali kay Aron ngunit hindi sya sinagot nito kaya naman napanguso si Cali, ibinaling na lamang nya ang kanyang mga mata kay Raiko na tila pinagmamasdan nya ang mga bola na gawa sa apoy.
"Globus magnus ignis in forma." Agad na naging isang malaking bilog na gawa sa apoy ang lahat ng maliliit na bolang apoy sa isang sabi pa lamang ni Raiko sa katagang iyon.
"What now, Raiko? You can't defeat me with that Latin words." Saad ni Vier habang may ngisi sa labi nito, hindi sumagot si Raiko bagkus tinitigan nya ang malaking apoy na tila nakuha nito kung anong dapat na gawin at segundo lamang ay tumama na agad ang apoy sa direksyon ni Vier.
Ngunit hindi natamaan si Vier dahil alerto masyado ito para sa mga ginagawang pag-atake ni Raiko sa kanya.
"Come on, Raiko. You're weak. Your ability level is low compared to me." Dagdag pa ni Vier na tinawanan lamang ni Raiko.
"It's not about the ability level, it's about the ability of us to control our ability to it's limit. It's about being wise, Vier." Sagot naman ni Raiko na ikinangisi na lamang ni Vier, umangat din ang gilid ng labi ni Raiko at hindi inaalis ang mga mata kay Vier.
Muling naging pula ang isang mata nito kaya lihim na napamura si Vier noong maramdaman ang isang mainit na nagmumula sa kanyang likod, at noong balingan nya iyon ay nakita nya kung paano mabilis na bumalik muli sa kanya ang malaking apoy na bumagsak na sa lupa kanina. Hindi tumama kay Vier iyon ngunit sadyang tuso talaga si Raiko at ginawa nyang maliit ang malaking apoy at sunod sunod na umatake kay Vier gamit ang maliliit na apoy.
Mahinang napamura kasabay ng pagdaing si Vier nang hindi nya naiwasan ang isang apoy na galing sa kaliwa nya, nawala muli ang pula sa mga mata ni Raiko at bumuntong hininga.
"Let's end this now, Vier."
•