Hero's POV
Excited na ako mamayang gabi...
WOHOO!!!!
Lahat ata ng mga sikat at bagong club/bar pinupuntahan namin ni Caleb.
"Anong isusuot mo mamaya bro?" tanong ko sakanya.
Mahirap na pag magkapahero kami ng suot, mababawasan style ko.
"Tulad ng dati, it's something..." sabi niya kaya...
"COOL!!/HOT!!" sabay na sigaw namin.
"Bro, dapat cool tayo." sabi niya.
"No way, kung gusto mo cool bahala ka basta ako I'm always hot." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa classroom.
Oo, huminto pa kami sa labas para mag-usap, well ganun talaga pag mga gwapo...lalo na ako.
"Our topic for today is all about cells..." sabi ng Science lecturer namin.
Naturo na yan nung elementary kami eh...paulit-ulit nalang.
"Mr. Constello," biglang tawag sakin ni Mrs. Hendorin kaya napabalikwas ako ng pagtayo.
"Y-yes Miss?"
"Can you tell us what is cell?" tanong niya.
"U-uhh..."
Shit. Nung gradeschool kami naturo na toh eh...basta ang natatandaan ko may divide-divide yun eh.
"Mr. Constello?"
"C-cell is..." sagot ko.
"Oh, Ms. Aguirre!!" biglang sigaw ni Miss habang nakatingin sa labas.
Ligtas na ba ako?
"Yes ma'am?" sagot nung babaeng tinawag niya.
Teka...di ba siya yung babaeng nasapul ng bola sa ulo??
"Class this is Kharin Aguirre from A-class in fourth year." sabi ni Miss samin.
A-class...section ng mga nerd...pero syempre excepted dun si Sapphire, ang ganda niya talaga mga bro!
"Can you tell what is cell?" tanong ni Miss sakanya.
Malamang alam niya yan...fourth year na siya habang kami third year palang.
"The cell is the basic structural, functional, and biological unit of all known organisms. Cell is also known as the smallest unit of life." sabi nung nerd.
"Okay, then what does cell consist?"
"Cell consists of cytoplasm enclosed with the cell membrane, that contains many biomolecules like proteins and nucleic acid."
"What are the two classification of cells?"
"First is Unicellular, it consist single cell like bacteria, also most of its organism are microorganisms, and Multicellular consist of plants and animals."
"What are the two type of cell?"
Ano toh?! Isang tanong, isang sagot?
"Prokaryotes & Eukaryotes. Prokaryotes includes bacteria and archaea, while Eukaryotes includes plants, animals, fungi, slime moulds, protozoa, and algae."
"That's impressive Miss Aguirre." sabi ni Miss bago nagpasyang umalis yung nerd.
Impressive...malamang andaming sinabi eh, kaso wala akong naintindihan pero mas okay na yun ligtas ako sa recitatio—
"Mr. Constello can you repeat what Ms. Aguirre said?"
A-a-a-a-a-labyuu...
"Ako po M-miss?"
"Yes, ikaw lang naman ang Constello rito, now what is cell?"
"Cell is an organism..."
"Andaming sinabi ni Ms. Aguirre yan lang ang natatandaan mo?"
Kaya nga hindi ko matandaan kasi masyadong madaming sinabi eh.
"Sorry ma'am."
"Take your seat." utos niya kaya umupo ako ng naka-nguso.
Elementary yung huli yan itinuro sakin eh, hindi ko na matandaan pero ang importante....
Gwapo parin ko...
---
Naka-upo na ako ngayon sa pwesto namin dito sa cafeteria kasama ang squad.
Katabi ko si Caleb, magkatabi naman sila Lyka at Alira habang sila Dhion at Hyung naman ang magkatabi.
"Naiinis ako bro!" sabi ko kay Caleb.
"Bakit anyare?" tanong niya.
"May problema ba, Hero?" tanong ni Dhion.
"Why?" tanong ni Lyka.
"Spit it, Hero." utos ni Alira.
"Tss." singhal ni Hyung, hindi talaga ako mahal nitong kapatid ko.
"Kanina kasi sa science class namin...hindi ko nasagot yung tanong ni Miss."
"Anong bago dun?" tanong ni Caleb.
"Ginagago mo ba ako Caleb Seo?!"
"Hindi kaya!"
"Eh ano nga bang meron dun? Palagi ka namang ganyan ah, bakit ngayon ka lang nainis?" sabi ni Dhion.
Mga animal talaga itong mga taong ito!!
"Oo nga, sanay na ako pero kasi ganito yun...naalala niyo pa ba yung nerd na binato ng bola sa gym?? "
Pare-pareho silang nag-aabang ng susunod kong sasabihin, ang nakapagtataka lang, pati rin si Hyung nag-aabang.
So ngayon may care na siya sakin?
"Tinawag kasi siya ni Ms. Hendorin, tapos ayun pinag-recite niya ng definition ng cells, pagkatapos..."
"Pagkatapos ano?" sabay na ani Hyung at Dhion.
Eh???????
"Pinaulit ni Miss sakin yung sinabi nung nerd pag-kaalis niya, eh andami ng sinabi nung nerd kaya hindi ko na tan—ARAY!!" sigaw ko nang bigla akong hinampas sa ulo ni hyung.
"Para saan yun, hyung?!"
"Hoping that it will lessen the girls in your mind, you jerk." sabi niya at umalis.
Ansakeetttt!!!!!
"Sa susunod kasi Hero makinig ka. Tsk tsk." sabi naman ni Dhion tsaka siya sumunod kay hyung, bestfriend niya ngang talaga.
"Uhh guy—"
"Pagsasabihan mo rin ba ako? Aalis ka rin ba?" putol ko sa sasabihin ni Alira.
"I won't scold you because I'm already aware you're not going to listen, but yes, Lyka and I need to go there's something we need to do, so goodbye, you punks! Lets go, Lyka." sabi niya at hinatak si Lyka paalis.
"Oh, bye babe! bye Hero!" sigaw ni Lyka na hatak-hatak parin ni Ali.
"Bye babe!!!" sigaw naman nitong Cal-derong katabi ko. Ew.
"Aalis na nga rin ako, baka pagalitan na naman ako ni Mr. Arterol, see you later night Hero!" paalam ni Caleb.
"Umalis ka na!! Leave me alone!" sigaw ko.
Lagi nalang ako iniiwan...pag kayo iniwan ko...
wala lang iiwan ko lang kayo.
Kahit iniwan na nila ako, syempre hindi parin mawawala ang excitement ko mamayang gabi. Woohooo!!!