Chapter Thirteen- Who's this someone?

Incoming short chapter...

Someone's POV

Nakatali ang mga kamay namin, nakaupo sa isang kahoy na silya.

Nasa isang tagong lugar, isang napakadilim na lugar.

"Kung ako sayo sasabihin ko na kung nasaan ang anak mo." sabi niya.

Sabi ng isang napakasamang nilalang na nakilala ko, isang nilalang na handang gawin ang lahat para lang sa kapangyarihang matagal na niyang hangad.

"Ang kaso ay hindi ka ako..." sagot ko, tsaka ako sinapak ng isa sa mga tauhan niya.

Naramdaman kong gumalaw ang asawa ko mula sa kabilang silya na nasa likuran ko.

"Hon, don't give up, makakaalis tayo dito." I told her.

She gave me smile...a familiar smile.

"Ayaw mong sabihin kung sino at kung nasaan ang anak niyo? Pwes, hahanapin namin siya sa mata, balita ko kasi magkaiba ang kulay ng mga mata niya katulad ng nanay niya." sabi niya.

"Kung sakali mang mahanap niyo siya...wag na wag niyong sasabihin na sinasaktan niyo kami, mahirap na pag-nagalit siya." my wife said.

"Totoo ang sinasabi ng asawa ko, pag nalaman niyang nasaktan o sinaktan kahit sino mang miyembro ng pamilya niya...humanda na kayo at may darating na delubyo sa mga buhay niyo." dagdag ko.

Matagal na kaming nakakulong sa bodegang ito, minsan ay gusto ko nang sumuko pero maisip ko lang ang ngiti ng asawa ko lumalakas ang loob ko...

Ang ngiti kasing yun ay nagsasabing...

Hindi marunong sumuko ang mga Ramos.