Simula

Magulo, maingay, at masalimuot ang mundong aking ginagalawan at higit sa lahat, wala akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko.

Ngunit nabago ang lahat ng iyon nang ika'y dumating sa buhay ko.

Ikaw iyung klase ng babae na ayaw na ayaw kong mapalapit sa 'yo, hindi dahil sa ayaw o naiinis ako sa 'yo.  Kun'di dahil ayaw kong mahulog ng tuluyan, at higit sa lahat hindi ako nararapat sa isang katulad mong lumaki na may gintong kutsara sa bibig.

"Pasukan na naman mga pare! Arat at maghanap ng kaibigang babae!" Wika ni Zian na noo'y naghahanap na ng mabibiktima niya.

"Ikaw pareng Hiro?  Wala ka bang balak na magkaroon ng kasintahan ngayong taon," tanong ng aking kaibigan na si Cymon.

Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pakikinig ng musika sa aking lumang selpon.

"Naku mapag-iiwanan ka na niyan p're!" Sabi naman ni Zian na tinapik-tapik pa ako sa balikat.

"Wala naman kasi sa bokabularyo ko ang magkaroon ng ibang pagkakaabalahan liban sa gusto kong matapos ang pag-aaral ko ngayong taon," walang gana kong saad.

Natahimik naman sila at hinayaan na lamanh akong mapag-isa sa ilalim ng punong mangga na nasa loob ng kampus.

"Ano ba! Dave! Sabi ko tapos na tayo! Ano pa ba ang dapat kong gawin upang sa ganoon ay lubayan mo na ako!"

Rinig kong sabi ng isang babae sa aking likuran.

Naiinis ako sa ganito, ayoko kasing naiistorbo ako sa tuwing gusto kong mapag-isa.

"Mga babae nga naman," bulong ko sa hangin.

Hindi rin nagtagal ay tumayo ako't inilibot ang paningin sa buong kampus, nasa itaas na bahagi ako ng unibersidad at lahat ng anggulo ay malaya kong napagmamasdan.

Muling bumalik sa alaala ko ang masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay ko na kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan.

"Hashlyn, kung nasaan ka man ngayon sana'y nasa mabuti kang kalagayan,"

"Kung sino man iyon, alam kong masaya siya dahil lagi mo siyang naiisip," wika ng isang tinig mula sa aking likuran.

Napakunot-noo naman akong hinarap ang babaeng parang kabuti.

"Wala kang pakialam," malamig kong saad na ikinatawa niya.

"Ang lamig ha! Grabi ka naman kuya," aniya.

Imbes na umalis siya'y ay mas lalo pang lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng isang matunog na halik sa aking labi na ikinagulat at kaniyang ikinangisi.

"Hindi uubra 'yang pagsusungit mo sa'kin kuya," aniya't umalis na sa harap ko.

Hinaplos ko ang labi ko at kusang napangiti ng hindi ko namamalayan.

"Mga babae nga naman nakakita lang ng guwapo basta-basta na lang manghahalik. Bakit kasi pinanganak akong magandang lalaki," saad ko at napailing na lamang.

Hindi ko akalain na ang pagnakaw niya ng halik sa akin ang siya palang magiging mitsa ng kaniyang buhay.

Dahil pinasok niya ang magulo kong mundo, gagawa at gagawa ako ng paraan upang maialis siya sa masalimuot na mundong aking kinagagalawan.

"Umalis ka na,"

"Mahal kita,"

"Hindi kita kailangan umalis ka na,"

"Sevi,"

Ito ang dapat upang maging ligtas ka mahal ko.

Itutuloy...