Unang Kabanata: Manunulat

Savannah

Isa akong manunulat noon at hanggang ngayon. Hindi ko alam, simula no'ng napadpad ako sa mundo ng Wattpad, nagkaroon ako ng interest at paglaruan ang bawat letra upang makabuo at makagawa ng isang storya.

When I was 14 years old I started to read stories on Wattpad because of my addict friend who named Ella. At first, sinabihan ko pa siya na nakaka-distract ang Wattpad sa pag-aaral pero mukhang nakain ko ang salitang binitawan ko.

After I read He's into Her written by Maxinejiji, do'n ako nainspired kaya naisipan ko gumawa ng storya. Noon, wala talaga ako kaalam-alam sa writing tips, how to use proper usage of punctuation, describe body language and etc. Sobrang hanga ko sa kanya dahil ang galing niya sumulat ng storya.

Nakakatawang basahin dahil marami grammatical errors and typographical errors at lalo na sa dialogue and action tag sa unang storyang nagawa ko.

Nang mga panahon na iyon ay grade 8 pa lang ako. Sa pagbabasa pa lang ng mga iba't ibang magagandang storya sa Wattpad, lagi akong sinusuway ng magulang ko dahil bagsak ang grado ko sa lahat ng subject. Ni-hindi ko magawang matulog sa tamang oras dahil abang na abang ako sa susunod na pahina.

Nakaka-adik

I love reading gangster stories. Mga storya na mayroon magmamahalan, iyakan at ang huli ay patayan. Sawang-sawa na ako sa love story kaya naisipan ko naman na ang sunod kong babasahin ay patayan.

Sadly to say, I stopped reading and writing stories. I came back when I was Grade 10 student. Sineryoso ko ang pag-aaral dahil na-realize ko ang hirap at pagod ng magulang ko noon. Todo kayod para lang mapakain kami ng tatlong beses sa isang araw, tuition sa pag-aaral, at sa panggastos namin sa pang araw-araw. Sa sobrang seryoso ko sa pag-aaral, hindi ko namalayan nakakuha ako ng mataas na marka sa lahat ng major subject. At dahil do'n, tuwang-tuwa sa 'kin ang mga magulang ko.

Bigla kasing pumasok sa isip ko na gumawa ng storya dahil sobra ko ng na-miss ang Wattpad. I create account for my writing purpose and find some friends who also support me as a writer. That's why I met Ate Rosa.

She's the one who supported me and I owe her a lot. Medyo wala na kaming communications right now, dahil ilang nagdaan na taon hindi na kami muli nagkausap. That time,

Tinulungan niya ako sa lahat ng bagay, maging sa writing tips ay tinuturuan niya ako. Masarap sa pakiramdam kapag may kaibigan ka na writer. 'Yung tipong sasamahan ka at susuportahan ka sa lahat ng bagay.

My parents did not support me as a writer-lalo na si Dad, against siya sa pagiging writer ko, mas bigyan ko na lang daw ng pansin ang pag-aaral kaysa sa mga kwento-kwento. At doon pa lang nasaktan ako ng sobra. Year passed, tanggap na rin ng parents ko ang pagiging manunulat. At ng mga panahon na iyon ay tapos na ako ng kolehiyo.

I prove them that they're wrong

Na lahat ng bagay ay kayang kong gawin ng pagsabay-sabayin.

"Ate, malapit na tayo," wika ni Jeffrey, kapatid ko. Napalingon ako sa kanya at agad din binalik ang tingin sa kalsada. He's right.

Tumigil ang sasakyan sa may parking lot ng Airport. Inayos ko muna ang suot kong damit at magulo kong buhok bago ako lumabas ng kotse. Pagbaba ko, sinimangutan ko ang dalawang kapatid ko nang nakita kong pinag-aagawan nila ang libro ko.

"Akin na 'yan!" hasik ko sabay kuha ng libro dahilan napatigil sila sa bangayan at agawan. Hindi ko sila pinansin at tumalikod upang maglakad papunta sa likod ng kotse kung saan naroon ang maleta na dadalhin ko.

I smiled sweetly as I hugged my mom. "Mag-iingat ka ro'n, ha?" nakangiting sambit ni Mom nang lingunin niya ako, naroroon ang pag-alala at lungkot sa kanyang tono.

Tears shimmered in her eyes. "Opo, mom." I hugged her again. Bumuhos ang luha sa aking mata nang niyakap ko ng mahigpit si Mom.

"Ate, akin na lang kasi 'yang libro mo. Hindi ko pa natapos 'yan basahin simula nang na-published 'yan." Napahiwalay ako ng yakap nang narinig ko ang boses ni Angel na namimilit pagkatapos ay napanguso. Ang binabasa niyang storya ay storyang ginawa ko.

Noon pa man, pangarap ko ang magkaroon ng librong gawa ko. Thanks to God, natupad ang isa sa pangarap ko. I have three published books now on RedCom and available nationwide.

"Huwag mong sirain, ah?" alanganin kong tanong, burara pa naman 'tong kapatid ko. Agad siya ngumiti ng matamis at bineletan si Angelini. Kinuha ko ang extra ko pang libro sa shoulder bad na hawak saka binigay iyon sa kanya. Apat kasi 'yung dala ko, ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko na gusto ko marami akong copies ng story ko.

Kinuha niya ito agad. "Opo, ate! Promise! Hindi ko 'yan sisirain pero kapag nasira 'yan, ibigsabihin si Angelini ang sumira!" Tapos ay ngumisi siya nang binalingan niya ng tingin si Angelini at agad din binalik ang tingin sa 'kin.

Tumaas ang gilid ng labi ko. "Aish, kayong dalawa! Aalis na ako, gan'yan pa ang trato niyo sa isa't isa. Sige na! Huwag kayo pasaway, ah?" Syempre, binigyan ko rin si Angelini para patas silang dalawa. Ayoko mag-away sila dahil lang sa simpleng bagay.

Ngumiti sila at naglakad palapit sa 'kin upang yakapin ako.

"Ate, mamimiss kita."

"Ate, alagaan mo sarili mo, ah? Mamiss kita."

Sabay nila sinabi iyon na lalo ikangingiti ko. Niyakap ko sila pabalik ng mahigpit at hinalikan sa may bandang ulo nila. "Ako rin." Jeffrey walked over to us and gave us a tight hug.

Pinunasan ko ang butil ng luha na tumulo sa mga mata ko nang kumalas kami ng yakap sa isa't isa. Nakita kong nakangiti si Mom at Dad habang pinagmamasdan kami, nakaakbay si Dad kay Mom. Siguro, aabutin ng matagal na panahon bago kami ulit magkikita. Mahirap man, pero kailangan.

Hinatid ako nila sa may pasukan ng Departure Area. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at ngumiti ng matamis. Muli ko silang niyakap dahil paniguradong mamimiss ko silang lahat. They hugged me tight.

"Bye bye! I love you, all!" paalam ko sa kanila at nag-flying kiss pa habang naglalakad patalikod. Kumaway sila sa 'kin maliban kay Mom na gumaya na rin sa 'kin na nag-flying kiss. Isang kaway gamit ang kamay at ngiti ang sumilay sa aking labi bago ako tumalikod sa kanila, naglakad palayo papunta sa check in area.

"Enjoy your flight, ma'am," bungad sa 'kin ng isang Flight Attendant habang nakangiti nang makapasok ako sa loob ng eroplano. Ngumiti ako pabalik. "Salamat," pasasalamat ko saka naglakad papunta sa number seat ko.

Hindi ito ang una kong experience sumakay ng eroplano, iyon ang sabi sa akin ni Mom. Bata pa raw ako noon nang sumakay ako ng eroplano. Nakalulungkot isipin dahil nakasakay ako ulit ng eroplano ng hindi sila kasama.

Syempre, pangarap ko ang makatapos ng pag-aaral at makatrabaho ng propesyonal para makatulong ako sa pamilya, dahil ako ang panganay sa magkakapatid. At natupad iyon. I'm graduated Medicine in McFinley University of Maniago City. Kapag makaipon ako ng maluwag luwag, dadalhin ko sila sa ibang bansa para mamasyal. Panigurado matutuwa ang dalawang kambal na sina Angel at Angelini.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa labas ng gumalaw ang eroplano. Nagmumukha tuloy ako dito na ignorante sa inakto ko pero, hindi niĺa ako masisisi dahil sobra ang saya ko ngayon araw.

Half an hour passed, oras na para kumain ang lahat ng passenger. Medyo nakaramdam ako ng gutom at mabuti na lang may baon akong sandwich, drinks and junk foods na binili sa 'kin ni Mom. Hanggang ngayon ay tinatrato pa rin ako ni Mom na parang bata, kahit no'ng college ako pinapadala niya ako ng baon dahil mas masarap daw ang home made kaysa kumain sa labas. I'm agreed with that. At saka tipid sa pera.

Nilabas ko ang sandwich sa isang bag

kung saan nando'n lahat ng pagkain na nilagay ni Mom. Tinanggal ko muna ang tissue na nakabalot sa sandwich bago kinain iyon. Nguya-nguya habang kinukuha ang bottled water at blueberry milk sa bag.

"Hi, do you have hot choco?" rinig kong tanong mula sa likuran ko, boses babae. "Yes, ma'am. Will you take only one?"

"Yes, please. Thank you."

Hindi na lang ako nakinig sa usapan nila kaya kinuha ko ang libro ko saka binuklat ang unang pahina. Nakalimutan ko na kung saan ako banda tumigil, kaya babasahin ko na lang ulit.

The story is titled Let The Love Find Us