Ikatatlong Kabanta: Grocery

Savannah

"BUSY ka ba ngayon?" tanong ko sa kabilang linya. Si Vivian ang kausap ko ngayon. Tinanong ko rin sa kanya kung saan ang grocery store na malapit dito sa apartment ko dahil nakalimutan ko. Hindi na ako nakapag-grocery kahapon dahil nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising ako mga alas nwebe na ng gabi. Hindi naman sa takot ako lumabas, 'yun ay wala akong kasama.

Sa pagkakaalam ko, kahit malalim na ang gabi ay bukas pa rin ang mga tindahan-dito sa Manila. Hindi tulad sa 'min ay bandang alas otso na ng gabi ay sirado na. Hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lang talaga may natira pa akong pagkain na pinadala sa 'kin ni Mom, kung wala ewan ko na lang.

"Insan, nandyan ka pa ba?" tanong ko. Ang tahimik ng kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko pero hindi naman naka-end ang call.

Tinapat ko ito ulit sa tainga. "Hello, insan! Pambihira 'tong babaeng 'to," inip na sambit ko. Hinintay kong magsalita siya.

Medyo nagulat ako at nagtaka nang may narinig akong iyak na sanggol sa kabilang linya. Bakit may sanggol? "Hoy, bakit may umiiyak? At sanggol pa talaga?" nagtatakang tanong ko habang ang kaliwang kamay ko ay nasa bewang.

Hello ako ng hello pero wala pa rin! Aakmang papatayin ko na ang call pero nagsalita si Insan. "Sorry, 'yung a-anak kasi ng ka-trabaho ko sa office umiyak. Ano nga ulit 'yung tanong mo, Insan?" pagdadahilan niya kaya ako napabuntong hininga. Akala ko naman anak ni Insan 'to dahil napaka-impossible. E, hindi pa naman sa tamang edad si Insan para magkaanak.

"Ah, ganun ba? Tinanong ko lang kung busy ka ba ngayon? Gusto ko kasi magpasama sa LMart." Saka umupo ako sa sofa.

"Ahm, Insan. S-sorry, may gagawin kasi ako ngayon sa office," pagdadahilan niya pa ulit.

I sighed. "Ayos lang, Insan. Sige, mag-aayos na ako," sagot ko na may halong nakakapanghinayang na tono. Hindi ko hinihintay ang sasabihin niya at pinatay ang tawag.

Pagkatapos namin nag-usap ni Insan, umakyat na ako papunta sa kwarto para maligo. Bago ako lumabas ng cr, nagsipilyo muna ako. Pinatuyo ko ang maitim at malambot kong buhok gamit ang mini towel habang naglalakad papalapit sa may closet, nang matapos ako naligo. Pumili lang ako na simpleng damit, iyon ay shirt na kulay itim na may naka-printed na 'Wattpad is life'. At tinerno ito sa jeans at white rubber shoes na bigay sa 'kin ni Dad.

I faced myself on rounded mirror as I combed my black, straight and smooth hair. Hindi ko mapigilan ngumiti habang nilalagay ang lip tint sa aking labi. Ayan, muli kong sinuklay ang buhok ko at inayos ang suot kong damit. Tumalikod ako, naglakad palapit sa kama upang kunin ang phone at wallet ko na nilapag ko kanina bago ako pumasok sa cr upang maligo.

Gusto ko sana isama si Insan para mag-grocery pero mukhang busy siya? Ewan ko ba, napakalabo niyang kausap. Kanina, nung tinawagan ko siya, ang sabi niya nasa bahay pa daw siya. Tapos nung may umiiyak na boses sanggol, ang sagot niya anak daw ng ka-trabaho niya sa opisina. Ako tuloy ang naguguluhan sa sinabi niya!

Alanganin pa akong sumagot dahil feeling ko may tinatago sa akin si Insan, pero binalewala ko na lang. Ayaw ko magduda dahil pinsan ko siya, gano'n din sa mga kapatid ko. Hindi na ako nagtagal, lumabas na ng apartment.

Tulad ng bilin sa 'kin ni Insan, bago ako lumabas, nasisigurado kong dala ko ang susi, phone at wallet saka sinara ang pintuan. Tinignan ko muna ang hawak kong susi dahil apat iyon. Ang isa ay para sa main door, 'yung dalawa na magkaparehas ay para sa dalawang kwarto at sa tingin ko ang isa ay para sa gate. Mabuti na lang meron dahil ayaw ko umakyat ng gate. Paniguradong pagtatawanan ako ng mga tao napapadaan sa labas at baka isipin nila akyat bahay ako.

"L Mart na ba 'yon?" mahinang tanong ko sa sarili ko nang tumigil ako sa paglakad habang nakatingin sa isang tindahan na di kalayuan sa kinatatayuan ko. Hindi ko maaninag ang nakasulat dahil sa sikat ng araw. Pinunasan ko ang butil ng pawis na tumulo sa pisnge ko gamit ang panyo na dala ko. Grabe! Ang init init! Hindi tulad do'n sa 'min, ganitong oras ay malamig-lamig pa.

Naglakad ako palapit upang nasisiguradong kong LMart nga iyon. At hindi naman ako nagkamali dahil iyon nga. Kinuha ko ang cart na malapit sa entrance saka naglibot sa loob ng tindahan upang maghanap ng pagkain na bibilhin. Syempre, dahil late ako natutulog. Ang una kong kinuha ay ang junk foods, coke in can, cloud9 at apat na mogu mogu. Ito kasi ang kinakain ko tuwing nag-a-update ako ng mga stories ko dahil nakakagana magsulat.

Sa pagsusulat kasi ay hindi madali at hindi minamadali. Aabutin ka ng ilang buwan o taon bago makatapos ng nobelang ginawa. It's a long process. Mahirap kaya mag-isip ng scenes! At saka, hindi ko pinipilit ang sarili mag-isip dahil lalong hindi ako makaka-isip ng scenes para sa mga stories ko.

Kumuha rin ako ng butter at mantika para pangluto sa mga ulam, food in cans like sardines, beef loaf, and corn beefs. Naglalakad habang tinutulak ang cart papunta sa may mga hygiene products. Kinuha ko ang tissue na may walong piraso sa isang plastic, toothbrush and toothpaste, alcohol, deodorant, Meztisa soap and safeguard na kulay puti. Dinamihan ko na ang pagkuha ng ibang products para hindi na ako mag-abala pang lumabas ulit.

'Makapagod kaya!'

Mukhang nalibot ko na ang paligid kaya naisipan kong pumila para magbayad. It's already eight-thirty, nang nagbayad na ako.

Nakaramdam ako ng gutom at bigla akong nahiya nang bigla kumalam ang tiyan ko. Nahihiya kong tinignan si Ate na nagpipigil ng tawa, gano'n din 'yung mga nasa likod ko. Ang OA ha, hindi pa kaya ako kumain! Dahil wala na ako natirang pagkain dahil inubos ko kagabi.

"Salamat po," pasasalamat ko nang nilapag ni Manong Kuya ang bitbit niyang plastic na ang alam ay ang mga pinamili kong pagkain sa L Mart. Ngumiti lang si Manong Kuya saka tumalikod para umalis.

Dalawang malaking plastics at isang maliit na plastics lang naman ito. Nilagay ko ang maliit na plastic na may laman na shampoo, sabon, toothpaste and etc para hindi ako mahirapan. Kinarga ko ito at medyo nabigatan ako pero ayos lang.

Ikalawang hakbang ko upang tumawid ng kalsada nang biglang may sumigaw na babae dahilan para napalingon ako.

"Miss! Baka masagasaan ka!"

"Aray!" Nakaramdam ako ng kirot at sakit sa may bandang pwetan ko dahil sa lakas ng impact ng pagkaupo ko. May bigla kasing dumaan na sasakyan papunta sa dereksyon ko. Kung hahakbang ako ng isa ay paniguradong mababangga ako.

"Miss, ayos ka lang ba? May masakit ba? Gusto mo dalhin kita sa Hospital?" sunod sunod na tanong ng babaeng hind ko kilala, siya ata ang sumigaw kanina at bakas sa tono ang pag-alala.

Tinulungan niya pa akong tumayo at kinuha ang mga pinamiling kong pagkain na nahulog. Habang pinupulot ng babae ang mga nahulog, napatingin ako sa isang kotse na kulay brown at mukhang mamahalin na nakaparada.

Kinublit ko ang babae habang hindi ko inaalis ang tingin sa kotse. "'Yung sasakyan na iyon ang muntik na makabangga sa 'kin!" nagmamadali kong sambit habang tinuturo ko ang kotseng iyon saka ay nilingon siya.

"Miss, saan?" takang tanong niya.

Inis akong napapadyak nang makitang wala na ang kotseng iyon nang lumingon ako. Pambihira! Kung makikita ko pa ulit ang sasakyan na 'yan, paniguradong sabog na 'yan pati ang may-ari! Napahawak ako sa may balakang ko dahil ang sakit!

'Mapapatay ko talaga ang may-ari kapag nakita ko ulit ang sasakyan na 'yon!' Bigla akong natigilan nang naalala ko ang nakasulat na plate number sa kotse na iyon.

MTTD143

"Aray! Masakit 'yon, ha!" wika ko nang biglang diniin ni Kuya Anjo ang hawak niyang coton na may betadine. Si Kuya Anjo ang sumunod sa akin matapos ang insedenteng nangyari kanina. Dapat si Insan iyon pero, nagulat akong nang si Kuya Anjo ang sumundo sa 'kin. Nga pala, nandito na kami sa apartment ko.

Ang sabi pa ni Kuya Anjo sa akin kanina, busy daw si Insan sa opisina. Naintindihan ko naman iyon. Pero, na-hurt ako at medyo nanibago sa kanya. Samantalang noon, kapag may sakit ako ay sobra ang pag-alala niya. Gano'n din ako sa kanya.

Napailing siya. "Nurse ka, dapat hindi ka nasasaktan," pambabara niya dahilan napataas ang gilid ng labi ko. Wow ha?

Galit ko siyang tinignan. "Ah, kung gano'n hindi ako tao para hindi makaramdam ng sakit?" I said in sarcasm. Natawa naman siya sa sinabi ko.

Nag-angat siya ng tingin. "Tsk, hindi ka naman mabiro. Nagbago ka, ah? Maarte kana ngayon," naninibagong sambit ni Kuya Anjo na may halong pang-aasar sa kanyang tono. Tapos, agad niya rin binalik ang tingin sa sugat ko.

Inirapan ko siya. "Lahat ng tao nagbabago, Kuya Anjo," maarteng sagot ko saka nilagay ang band aid sa may bandang braso ko kung saan may kalakihang sugat.

"Oo, pati ang pagiging lampa mo, hindi na bago," pang-aasar niya kaya binatukan ko siya. "Aray, ha!" Hinihimas himas niya ang ulo niya kung saan ko siya binatukan. Hindi ko siya pinansin dahil naaasar na ako sa kanya.

Nang matapos niyang gamutin ang sugat ko ay umupo siya sa sofa, bale magkaharap kami. "Kamusta na si Tita at Tito? Na-miss ko na tuloy sa Maniago," bahagyang malungkot na tanong ni Kuya Anjo.

Tinignan ko siya. "Okay lang naman. Bakit pala hindi kana bumalik sa Maniago, Kuya Anjo? Namiss kana ni Jeffrey." Saka napangiti ako. Close kasi silang dalawa noon, pero ngayon ay hindi na dahil busy na sa school.

Bumuntong hininga ako. Namimiss ko na tuloy sila. Hindi kasi ako sanay na wala sila sa tabi ko. Lalo na ang dalawang kambal, sila kasi ang palaging dumidistorbo sa 'kin tuwing nagsusulat ako. Pero, 'di ko maitatanggi na natutuwa ako kapag gano'n sila. Totoo pala ang sinabi ni Lola na,

'Balang araw mamimiss mo ang isang taong nangungulit sa'yo'

Sampung segundo lang ang agwat nilang dalawa, at si Angelini ang panganay. Makulit kasi si Angel habang si Angelini ay may pagka-mahiyain. Kapag kaming tatlo lang sa kwarto o magkasama ang buong pamilya, madaldal siya.

Hindi ko pa sila natatawagan hanggang ngayon para kamustahin. Siguro, maya maya na lang 'pag naka alis na si Kuya Anjo.

He sighed in relief. "I'm sorry, busy kasi ako kaya hindi ko muna naisipan bumalik ng Maniago," he apologetic answered.

Ningitian ko siya. "Ayos lang 'yon, Kuya Anjo! Ano ka ba? Naiintindihan naman iyon ni Jeffrey. Kahit siya ay busy na rin sa pag-aaral niya. Ni-hindi na nga niya maturuan ang dalawang kambal," natatawang pahayag ko.

He just gave me a smile. Bumaling siya sa bulsa niya nang tumunog ang phone niya. Sinabihan niya pa akong 'Sandali lang at sasagutin ko lang ang tawag' kaya tumango na lang ako bilang tugon at hinayaan siya.

Pumunta ako sa kusina para maghanda man lang ng maiinom para kay Kuya Anjo dahil nakakahiya naman kung hindi ko siya papainumin. Hindi naman ako madamot sa pagkain at wala naman akong problema pagdating sa pagkain. Nagtimpla ako ng creamy white coffee para kay Kuya Anjo samantalang ang akin ay mogu lang na binili ko kanina sa LMart.

Mabuti na lang malamig pa ito. Kinuha ko rin ang bread at tuna sandwich saka nilapag sa isang tray. Bitbit ang tray habang naglalakad pabalik sa sala. Mukhang kanina pa ata tapos ang usap nila.

"Here. Drink this coffee, Kuya Anjo," sabi ko at inalok sa kanya ang hawak kong paborito niyang kape. Syempre, no! Hindi ko makakalimutan 'yon!

Kinuha niya ito. "Thanks!"

Tumango na lang ako at binuksan ang flatscreen gamit ang remote nito. Mabuti na lang may wifi dito kaya gusto ko manood sa YouTube. Hay! Namiss ko tuloy manood ng konapon! Sumulyap muna ako kay Kuya Anjo na busy pa rin sa phone niya kakatipa, mukhang may ka-text.

"Kuya Anjo, pupunta ba dito si Vivian?" tanong ko habang naglalagay ng palaman sa tinapay. "Yes, I think," he answered while not looking at me.

"Okay." Saka sinubo sa bibig ang hawak kong sandwich.

Hindi ko mapigilan matawa dahil nakakatawa naman talaga ang pinapanood ko. May dalawang magkapatid kasi, at 'yung panganay binibihisan ang bunso niyang kapatid. Hirap na hirap siyang ipasuot dahil sa sobrang likot ni bunso. Nag-trending siya sa Facebook at Tiktok. At nakakatawa pa ro'n ay nagreklamo siya sa nanay niya dahil ang tamad tamad daw nito. Ang cute kasi nilang tignan!

Kanina pa nakaalis si Kuya Anjo, mga ala una pa dahil may mahalaga raw siyang pupuntahan. Hindi ko rin siyang pinigilan umalis dahil feeling ko mag-isa lang ako kahit nandyan siya. I mean, he was busy texting on his phone!

Si Vivian naman ay hindi ko alam kung anong oras siya pupunta rito. Hindi ko kasi alam kung anong oras matatapos ang duty niya dahil wala naman siyang binanggit.

Bigla akong na-bored kaya naisipan kong tawagan sila Jeffrey. Kinuha ko ang phone at ni-dial ang number ni Jeffrey. Nag-ring naman iyon.

"Hello, ate. Kamusta kana? Na saan ka ngayon?" bungad ni Jeffrey nang sagutin niya ang tawag ko.

Napangiti ako ng matamis. "Hello! Ayos lang naman ako at nandito ako ngayon sa apartment ni Insan na tinutuluyan niya noon," sagot ko saka sumimsim ng tubig.

"Ate, nakakain kana ba? Sino kasama mo dyan?" parang stiktong niyang pagkasabi. Napangiti ako dahil parang siyang si Dad magsalita. Mana mana lang. Sasagot na sana ako pero narinig ko ang malakas na boses ng dalawang kambal.

"Kuya, si Ate ba 'yan?!"

"Kausapin ko siya Kuya, please?"

"Go back to your room!"

"Ang panget mo, Kuya! Tse!"

Natawa ako nang narinig ko ang huling salita. At sigurado akong si Angel iyon. Pambihira, ayaw pa naman ni Jeffrey na tawagin siyang panget.

"Sige lang, walang gadgets ha?"

"Joke lang naman, Kuya! Syempre, gwapo ka, no! Walang panget sa pamilya natin!"

"Oo nga, Kuya! Ang gwapo mo parang demonyong anghel!"

Halakhak ko ang umalingawngaw sa loob ng sala. Napahawak ako sa tiyan dahil sa sakit na kakatawa ko. Okay na sana, e. Kaso pumalpak si Angelini kaya lalo nagalit si Jeffrey.

"Ibigay mo ang cellphone sa kanila, Jeff. Kakausapin ko," natatawang utos ko kay Jeffrey. "Sige, Ate."

Narinig ko pa ang sinabi ni Jeffrey na 'Lagot kayo sa akin' sa dalawang kambal. Mukhang hindi pinansin ng dalawang kambal ang sinabi ni Jeffrey. Narinig ko ang tawa nila.

Nangamusta at namiss ako ng dalawang kambal nang nag-usap kami sa telopono. Kahit ako ay gano'n din at naiyak nang narinig ko ang hikbi nila sa kabilang linya. Ni-kwentuhan pa nila ako tungkol sa story na ginawa ko at ang ginagawa nila sa bahay.

Hindi rin nagtagal ang usapan namin dahil may nag-doorbell. Oo, may nag-doorbell. Grabe, ang sosyal naman ng apartment na 'to. Hindi ko alam, baka nanibago lang ako o sadyang walang ganito sa Maniago.

Sinuot ko muna ang slippers ko bago ako tumayo at naglakad papunta sa pintuan para alamin kung sino ang nag doorbell. Pagbukas ko, si Insan ang bumungad sa 'kin sa may gate. Napalingon siya at kumaway nang makita niya ako.

Binuksan ko ang gate. "Mukhang haggard ka ngayon, ah?" bungad ko sa kanya nang pinagbuksan ko siya ng gate.

Ngumiti ito. "Anong meryenda mo, Insan?" halata sa boses nito ang pagod. Nauna siya naglakad papasok sa loob at pasalampak napaupo sa sofa.

"Juice and tuna sandwich lang ang meryenda ko. Teka, ano gusto mong kainin?" nag-alalang kong tanong at naupo sa tabi niya.

Hindi ko alam, biglang siyang napabalikwas at napahawak sa magkabila kong balikat. Kinunotan ko siya ng noo.

"Ayos ka lang? Na saan ang sugat mo? Sorry, hindi ako nakapunta kanina. Kilala mo ba ang driver? May masakit pa ba? Dalhin kita sa Hospital, gusto mo?" sunod sunod niyang tanong, bakas ito sa tono ang pag-alala at mukhang ngayon niya lang naalala ang nangyari sa 'kin kanina.