-----

Kasalukuyan akong nakaupo sa studying table sa loob ng kwarto ko at nag da-drawing. Halos araw-araw kong ginagawa 'yon. Ako nga pala si Nathalia Millanes, at oo, hindi lang ako sa pag da-drawing mahilig, pati narin sa pag pipinta.

'Yon ang pinaka importante sakin, ang pamilya ko, ang pag da-drawing ko at ang pag pipinta ko. Pero noong 15 palang ako, ang pinaka importanteng tao non para saakin ay walang iba kung hindi siya---- si Dereck Yu.

Halos araw araw akong gumigising ng maaga para lang antayin siya sa labas ng gate nila. Nakaupo ako ngayon sa bike ko, maya maya lang ay lumabas na siya. Agad akong tumayo at nilapitan siya.

Parehas kaming nakatira sa iisang subdivision kaya sabay din kaming halos pumasok.

"Hoy! Sabay tayong pumasok!" Nakangiting usal ko. Ganito ako araw-araw, nakangiti kapag nakikita siya. Lagi akong masaya, laging mabilis ang tibok ng puso ko. Nung una, akala ko simpleng pag hanga lang, pero habang tumatagal at habang lumalaki kami, narerealize ko na minamahal ko na pala siya.

"Ayoko," sagot niya dahilan para mapanguso ako. Dumiretso siya sa pag sakay sa bike nya at umalis ng hindi manlang nagpapaalam sakin. Pero teka, ba't siya mag papaalam eh parehas lang naman kami ng school?

Nakanguso akong sumakay sa bike ko at pumasok na.

Madalas, lagi niya akong inaayang sumabay sakanya tuwing nag-aaral siya. Lagi rin naming tinutulungan yung isa't-isa kapag may nahihirapan samin sa isang subject. Lagi din siyang mabait sakin at never siyang nagalit sakin. Yun nga lang, masungit siya. Lagi rin niyang iniintindi ung kakulitan ko pag dating sakanya.

Ang problema ko lang sakanya ay kapag tuwing nag lalakad kami, lagi siyang nauuna. Akala mo walang kasama eh. Pero ayos lang, masaya naman akong nakakasabay ko siya sa pag lalakad. Sobrang haba ng legs, kaya sobrang bilis ding mag lakad at halos hindi ko siya masabayan.

Pero simula pag ka bata namin, tuwing nahuhuli ako, pakiramdam ko, lagi niya akong inaantay at binabagalan niya ang sarili niya para makasabay ako sakanya.