Kabanata 06

Kabanata 06

Practice

"Dad, late po akong makakauwi mamaya." Paalam ko kay Daddy habang kumakain kami ng agahan.

Agad nag-angat nang tingin si Mommy at Daddy sa akin. Halata sa mga mukha ng mga magulang ko ang pagtataka kaya agad kong pinaliwanag ang tungkol sa practice.

"May practice po kasi kami sa pageant, tsaka partner ko rin si Cleo, Dad," saad ko.

"Okay, good luck for that, hija. And call your driver para magpasundo," paalala ni Mommy at nginitian ako.

Pagkatapos kong mag-almusal ay agad akong nagpaalam sa na papasok na.

Pagdating sa gate ng Liceo De Cagayan University ay nakaabang na sa akin si Cleo at Eulina. Nakaupo ang mga ito sa bench. Todo ngiti naman ako sa dalawa. Pero agad akong napatikhim at nawala ang ngiti nang makitang naglalakad palapit si Race sa kinatatayuan ko. Seryoso at nakakunot ang magkasalubong na kilay. He looks irritated.

My heart start beating so fast. The familiar feeling start to weaken my knees. I open my mouth to speak, pero di ko iyon naipagpatuloy nang lagpasan ako ni Race ng di man lang tinatapunan nang tingin.

"Good morning, Race!" napalingon nalang ako sa likuran ko at nakitang nakakapit na sa braso ni Race si Challi at ang laki nang ngiti. "Good morning, Wren!" nakangising bati nito sa akin bago ako nilagpasan.

Gusto kong pangiliran ng luha, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya kapag nangyari iyon. At mas malala ay magtaka sina Cleo at Eulina pagnagkataon.

I blew a loud breath, avoiding myself to cry. It's hurting me. Challi's gestures hurts me.

"Let's go, Wren!" Napabalik ang atensyon ko dahil sa pagtawag ni Eulina sa akin. I force myself to smile and nodded at Euli. But Cleo remained his face serious and calm.

"L-Let's go," mahinang aya ko kay Cleo. Mahina itong tumango at tumiim ang bagang. Bagay na minsan ko lang nakikita kay Cleo. Dahil lagi itong nakangiti pagkasama ako.

"Whole day tayong may practice ngayon. Excused na kayo sa classes at ginawan na rin namin kayong dalawa ng excuse letters na pipirmahan ng mga subject teachers niyo. We need to practice hard dahil 1 week lang ang binigay sa atin ni Dean,"  mahabang paliwanag ni Euli.

Marami pang sinabi si Eulina at panay tango lang ang ginawa ko. While Cleo seems so quit today. He's not in his usual self. The annoying and funny one. Ipinagsawalang ko nalang ang napansin at sumunod na kina Eulina at Cleo.

Pagdating namin sa auditorium ay agad kong nakita ang mga representatives for pageant. Namataan ko rin si Shaira na nakaupo sa kaliwang bahagi ng auditorium, busy sa cellphone nito.

Naupo na rin kami sa kanang bahagi ng auditorium. Nilibot ko ang tingin sa buong auditorium para hanapin si Race, pero di ko ito nakita. Ilang beses akong bumuga ng hangin at tinigil na ang paghahanap.

Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na ang mga baklang magtuturo sa amin. Nakasunod sa mga ito si Race at may isang baklang nakakapit sa kaliwang braso nito. Bugnot ang mukha at maglasalubong ang kilay.

Gusto kong matawa sa hitsura ni Race, pero di ko magawa dahil matalim ang mga mata nitong ipinukol sa akin bago dumiritso sa tabi ni Shaira.

Kahit wala naman akong ginagawa ang sama parin talaga nang trato nito sa akin.

Panay ang tango namin sa sinasabi ng baklang magtururo sa amin. Minsan din ay sinisipat ko si Race na di nagbabago ang templa ng mukha.

Kahit gaano pa ito ka seryoso, katalim ang tingin at kabugnot ang mukha, still, Horace Kale Merande is the most handsome man I had ever met.

"Okay! Pwesto mga hija at hijo. Sa left side ay boys, right side ang girls. Kung ano 'yong sinabi ko kanina, 'yon ang sundin. Lalabas ng sabay, tapos, pak! Pose, lakad pak! Pose. Tapos pakilala... tapos pose ulit before mag-exit. Gets nyoooo?" maarting boses sabay taas ng kilay ni Tita Jelian sa amin.

Napatango nalang kami bago pum-westo sa kung saan dapat kami.

------

GorgeousYooo 🍀