six

Dear J:

Hi crush, una sa lahat

Gusto ko munang sayo'y magpasalamat

Kung hindi dahil sa iyo

Hindi ako magiging ganito kahenyo este kainspirado.

Ikaw ay matagal ko nang inaabangan

Ikay palihim kong hinahangaan

Apat na taon kitang sinubaybayan

Apat na taon nadin sayong may lihim na nararamdaman.

Hindi ko gustong umamin

Kasi dinadaga ang aking damdamin

Ayokong sagot moy alamin

Kayat ang patago kang mahalin ay aking titiisin.

Okey na kong nakikita ka

Sanay naman na akong hanggang abot tanaw lang kita

Marinig at makita lang kitang masaya

Okay na ko, kahit hindi ako ang dahilan kung bakit ka masigla't tumatawa.

Kaya naman ngayong magtatapos na tayo

Mamimiss talaga kita ng SUPER at TODO-TODO

Kahit hindi ko man naipagtapat ang pag-ibig ko sayo, okay lang!

Ginawa mo namang EXCITING ang aking buhay KOLEHIYO.

PS: Sayo lang talaga ako kakalampag!!!

Natatawa ako pagbinabasa ko ang poem na ito na ginawa ko para sa lalaking kumalampag sa natutulog kong puso.

Hay kung hindi sana nag-lockdown sabay kaming aapak ng entablado ngayon, sabay kaming makakatanggap ng medalya, maghahanap ng trabaho, magtravel at sabay tayong bubuo ng isang pamilya.

Siyempre- Charot lang!

Haiyst kasi! Ang harot ng tadhana hamo ba namang umpisa palang ng college life ko ikaw agad ang ibinigay sa akin?!

Mage-enroll po talaga ang dapat ako pero dahil sa kalandian- napadpad ako sa mundo mo.

Natatandaan ko pa ang una nating pagkikita, sa pilahan yon sa OSA (Office of student affair) pareho tayong nakatayo, naghihintay na matawag ang pangalan natin para sa wakas matapos na ang kaek-ekan ng skwelahang to para sa mga bagong estudyante ng Unibersidad.

Ang dami- dami kasing dapat fill-up pan tapos iba ibang building mo pa ipapasa, magpapaperma tapos balik ulit tapos pila ka na naman! Kaasar! Ang init pa sa kinakatayuan natin, para tayong daing na ibinilad sa arawan.

Napako ang paningin ko sa iyo noong bigla ko na lamang narinig ang iyong malamyos na halakhak habang nag-uusap kayo ng kasama mo.

I darted my stare on you, checking you out obviously.

Hindi ko maiwasang mapangiti noong nakita kong binatukan ka ng kasama mong lalaki, mukhang naasar sa iyo pero ikaw tawa ka lang ng tawa.

Your wearing a plain gray v-neck shirt, jeans and sneakers, black wrist watch and gray backpack bag. Meron ka ding mga nirolyong papel na hinahampas mo sa kasama mo, must be your requirements.

Suddenly your gaze meets mine, I gulped hard because I am self-conscious when you stared back at me.

Daym, nakakahiya sobra!

Napangiwi ako sabay iwas ng tingin sa iyo, looking above the sky wanting to disappear from your sight.

I heard your chuckles maybe because I look so damn stupid that time.

Naitakip ko na lamang ang folder na hawak ko sa namumula kong mukha! Hanggang sa natapos akong mag-enroll nakayuko lang ako para hindi ko makita ang aparisyon mo. Ang tangaers ko lang kasi.

Ganoon nagumpisa ang pagkahumaling ko sa iyo, masyado mong kinalampag ang atensiyon ko na hinahanap- hanap kita sa loob ng campus, inaalam kung ano ba ang kurso mo.

Sadly, hindi tayo magkablock. Siguro kasi Info. Tect ka at BSHRMT naman ang pinapasukan kong curriculum. Ang layo ng building natin, nasa may front kayo ng University habang kami nasa kadulu-duluhang parte ng iskwelahan.

Mabuti nalang at may mga minor subject kami na sa may building niyo. Libreng sulyap sa iyo, lalong- lalo na talaga pag kami ang susunod na klase sa inyo, punyeta grabe ang kasiyahan ko.

Grabeng biyaya sa akin yon, hamo mo ba namang namamasdan kita ng malapitan?!

Ang gwapo mo po, sobra!

Handa pa akong umakyat sa bench para lang makita ko ang dula-dulaan niyo sa filipino, actually, mukha kang tanga noon. Hahaha!

Hindi mo lang alam na patago kitang stina- stalk, tinatanong ang pangalan mo. Jasper pero engk mali pala ang source ko grabe pa naman ang tuwa ko noon tapos hindi ka naman pala si Jasper.

Ang epic noon! Asar na asar ako sa kaklase ko that time. Sure daw tapos mali-mali naman, haiyst!

Dahil narin sa pagsinta ko sa iyo pati kaklase ko alam na ang sobrang pagkagusto ko sa iyo.

Nag umpisa yon noong nahuli ako noong kaklase kong si Elane na sinundan ka ng tingin, tinakbo ko pa ang pinto para mahabol kita at masulyapan.

Ang ngisi ngising mukha ng klasmayt ko ang tumabi sa akin sabay bulong. "Siya pala ha-?"

Pinandilatan ko siya ng mata bago pa marinig ng iba kong kabarkada ang natuklasan niya.

"Heh tahimik!" Pabulong kong saad sa kanya.

Ngunit wala talagang sekretong hindi nabubunyag, nabuyangyang ang pagkakagusto ko sa iyo at buong section namin ang nakaka alam.

Tangina diba? Yong sabay-sabay silang manunukso sa iyo pagnakita ka nilang dumadaan.

"Eherm- J si Faith oh! Pst, pst!"

"Mga walanghiya kayo! Nilalaglag niyo na naman ako!" Pabulong kong palaging sita sa kanila.

Okay lang naman sana pero wala namang tulakan guys, may pa namedrop pa kasi kayo. Halos wala na akong mukhang naihaharap sa iyo pagnakasulubong tayo.

Hindi lang pangalan mo ang nalaman ko, nalaman ko ding kasali ka sa Volleyball team ng department niyo, siyempre may intramural sa college kaya naman inaabangan ko palagi ang laro mo!

Mas chini-cheer pa kita kaysa sa kupunan namin. Sa game mo lang ako sumusubaybay, kung pwede nga lang na ako ang taga bitbit mo ng tubig okay lang sa akin.

Nasasabihan pa nga akong traydor ng mga ka-klase ko. "GO NO. 88 WOOOH!!! GO ICONS! GO ICONS!"

Halos maubos na ang boses ko kakasigaw ng numero sa jersey mo.

Isa ako sa mga official ng Blazers team (BSHRMT DEPT.) pero malakas ang loob kung isigaw ang team niyo na obviously palaging nag-aagawan sa spot ng Championship pag finals na.

Kahit ang kakaklase kong manlalaro nakikicheer nalang din sa akin pag naka-bangko siya.

Pati siya inaasar na ako at sinasabayan pa ng cheer. Palakasan kami ng boses, nagwawala.

"WOOH!! GO 88! GO ICONS! GO ICONS! BLAZERS GO! BLAZERS! GO TEAM!"

Tawang-tawa sa amin ang iba kong kaklase, yong iba naman asar na kasi ang ingay naming dalawa!

Bahala kayo diyan, minsanan lang to! Hindi niyo ko maawat.

"Yes! GO J!" Napapatalon pa ako sa sobrang saya pag nakapuntos kayo.

Ilang taon ang mabilisang lumipas pero ang pagkahumaling ko sa iyo hindi yata nababawasan kahit na marinig ko na galing mismo sa bibig mo ang nagpagunaw yata ng mundo ko.

ANG SAKIT SA HEART NOON, SWEAR!

Tandang- tanda ko pa noon, June 15, 2k** pareho tayong nakaabang sa gate ng school, naghihintay na mabuksan ng guard kasi ang pesteng program ng school ang tagal matapos, ang boring na kasi kaya atat na akong makauwi, naka attendance na naman lahat ng ka-klase ko kaya sure akong present na kami sa mga prof namin.

Ako lang kasi ang nahalal na mayor ng buong section namin BSHRMT-X. Wala akong kawala kasi ako palagi ang inaabangan ng mga kaklase kong katulad ko'y pasaway din.

Kaya after makaperma lahat ipinasa ko na sa faculty ang bondpaper na may list ng nagattend, siyempre yong iba dinoktor lang ng mga iskolar sa amin ang perma ng mga absents.

Napatigil lang kami sa may bandang Tech. Office, doon yong spot na nakatayo ka habang may kausap sa phone.

Hindi ako chismosa, curious lang kaya nakinig ako este kami pala ng kabarkada ko pero punyeta lang eto ang maririnig ko?!

"Okay, babe pauwi na din ako. Geh, wait for me, yes bye I love you!"

"Aray Bes may ka iloveyouhan na ang irog mo! Boplaks na ang beauty mo sis!" Bulong sa akin ng bestfriend ko.

"Bes, yong kamay ko pakihawakan please, mahihilo yata ako." Pag- iinarte ko sa kanya.

Pero mashakit siya talaga sa dibdib, parang ang hapdi na nakakabwesit sa pakiramdam.

Ilang linggo din akong naasar sa iyo simula noong araw na iyon.

Pilit ko munang pinaghihilom ang kabiguan ko sa iyo, iniiwasan ang mga tambayan at hindi na ako naggagala sa campus dahil baka masalubong pa kita at masaktan ulit ang puso kong hibang sa iyo.

Ngunit napatunayan ko rin sa sarili kong ang rupok ko pala dahil after that moving-on weeks, isang sulyap ko lang sa iyo boom- lusaw!

Marupokpok!

Nagkakandarapa na naman sa pagsulyap at pagdungaw sa iyo, wala eh iba ang kilig na dala mo, iba ang kalembang mo sa dibdib ko, malakas, mabilis, nakakakaba at nakakakilig.

Ang hopeless ko diba? Wala akong jinowa sa school, you solely caught my attention. Ikaw lang!

Kahit na may nanliligaw sa akin, kahit ayaw ko naman nagpumilit, kaya ayon siya tuloy ang nabasted. Hindi ko kayang magtaksil sa iyo, masyado kitang gusto para magkagusto pa sa iba.

Ang arte no? Kahit hindi mo masuklian ang pagtingin ko, okay lang. Hindi naman required na paggusto mo ang isang tao kailangang gustohin ka niya pabalik.

I've learned it from wattpad stories, hindi lahat magugustuhan ka, hindi lahat ng ginusto mo makukuha mo!

Kaya kahit wala akong inaasahang paghanga galing sa iyo, tanggap ko. Tanggap ko kung ano ang parte ko sa buhay mo, your admirer.

Secret nga lang.

Hindi ko man sadya pero umiinit talaga ang ulo ko pag nakakakita ako ng babaeng naglalandi sa iyo, normal lang naman yata yon pag ay gusto ka. Diba dzaiii?

Hala naghanap ng kakampi!

Lalo na yong harapan mo pang makita ang kaharutan niya though I know naman na walang akong right pero ang sakit sa mata grabe.

Ilang beses pang umikot ang mata ko sa sobrang asar sa babaeng yon, obviously I know her, senior siya ng dept. namin.

Ayokong magname drop!

Naalala ko pa noon, vividly and clearly, napadaan ka sa laboratory namin. Tapos hinarang ka ng isang pang girl na nakakilala sayo, actually kasama ko siya sa org. higher level kasi sila magka-klase kaya naman suportado ang isa't- isa.

Then she stood infront of you, flushed and smiling idiotically wide.

Ang harsh kong mag- describe diba?

Halos maglupasay pa si ate girl nong naipakilala na kayo sa isa't isa. Tili siya ng tili, kaasar. Hanggang sa umalis kana dahil may laro pa kayo at naiwan na si ateng na hindi yata makapaniwalang nakipag-kamay ka sa kanya.

Sus papansin!

Napataas nalang ang kilay ko. Sabay alis na at nagpuntang field para manood ng laro at para narin kunyari may ginagawa ako para sa team namin.

May ambag kahit wala talaga!

Hindi lang yan ang unang naasar ako, yong malala talaga is noong nasa may tricycle kami ng mga classmate ko, kami lang ang pasahero doon kasi nga nakareserve na sa amin ang alas cinco, kilala na namin kasi ang driver na to si Junjun kong tawaging ng mga kabarkada ko.

Sakto namang napatingin ako sa may gawi ng ng driver, lumampas ang paningin ko tapos nakita kita.

Nag- iritan agad ang mga kasama ko- siyempre pati na rin ako siyempre pero nanahimik kaming lahat noong bigla na lamang may umeksena, isang babae na agad na nguyambit sa iyo, parang tukong nakahanap ng makakapitan.

Napatingin ka pa sa kanya, napangiti, hinawakan mo pa ang kamay niya at nagholding hands pa kayo sa harap ng maraming tao, psh PDA!

Wala sa sarili akong napausal ng kasamaan."Magbi- break din kayo! Kala niyo? Walang forever!"

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko sabay I seconded the motion sa sinabi ko. Amen! Amen!

"Gaga ka girlfriend niya iyan, sa GUT nag-aaral."

"Alam ko as if namang magtatagal sila!" Pabalang kong tugon sa kaklase ko, umikot pa ang mata ko, mga 360° dahil sa pagkayamot.

Mukhang nakikiayon sa kanila ang panahon kasi kung saan gusto ko ng makausad kami, natraffic kami bigla, usad pagong ang mga sasakyan sa harapan namin.

Ang haharot pa naman nila sa harapan ko, puro ako nila tinutukso dahil malungkot akong nakatingin sa lalaking gusto ko na may mahal namang iba. Mukhang happy siya ah! Sana-all!

"HAY MALAS!!" peping sigaw ng utak ko.

Hindi lang yon ang unang beses na nakatagpo ko ang jowaers mo, Sept. 11, 2k**.

Dahil narin may event sa school pinapayagan ang mga outsiders na makapasok ng campus, pwedeng magliwaliw at manood.

At dahil na rin taga-ibang school ang sinisinta mo, natour mo siya sa harapan ng faculty namin. Animal- kung saan pa naka- kampo ang mga ka- klase ko kasi may nakalaang bench para sa aming mga BSHRMT.

DOON PA TALAGA KAYO DUMAAN! MGA PARASITES!

Naslow-mo bigla ang nangyayari sa paligid ko, tila natutok lang ang buong atensiyon ko sa inyo. Sabay niyong binaybay ang hallway kung saan kami nakatambay, kahit ang mga kaklase ko napasulyap sa inyo.

Malamang naka uniform pa si girl kaya naman medyo napataas ang kilay nila, known kasi for being so maarte at kakompetensiya ng school namin.

Nabaling ang tingin ko noong may kumalabit sa akin, napa what? ako kay Ethel.

"Girlfriend niya yon?"

Napatango naman ako bilang tugon. Kilala niya si J pero hindi niya alam na may gusto ako kay boy.

"Nyee, ang pangit!" She added in horror.

I laugh hard that time. She's stating the obvious, hindi naman sa ng eechos pero, no comment.

"Hindi sila bagay girl, ang gwapo ni boy." Dagdag niya pa ulit sabay iiling-iling.

"Bwahahaha!" Ang halakhakan ng section namin ang nangibabaw sa lugar. Hindi kasi nila tinantanan si Ate girl sa pangbabash.

(A/N: Totoo yan! Promise! Tawang tawa ako sa kaklase ko that time, para kasing hindi niya talaga matanggap na magjowa sila! Nakakabaliw swear! )

Anyways, masaya talaga ako na nakilala kita though hindi man tayo nagkakilala talaga, kahit may backer ako para ipakilala sa iyo, I gladly refused her offer, not now. Kahit nga sa FB never kitang inadd friend yong mga kaklase ko nga lang oo. Hahaha! 😂😂😂

Napapadaan lang ako minsan sa account mo, sine-search ko lang para mang stalk pero hanggang doon lang, kaunting saved ng photos.

(A/N: Bwahaha peace✌, wala na po ang mga iyon ngayon. Nasa dati ko kasing phone, doon naka-folder.🤣🤣 pero now wala- pa!😅 )

Kaya naman ngayong magsasara na ang gate ng school para sa ating graduates na, hayst!

Ang bilis lang ng apat na taong makikipag- balyahan sa xerox machine. Makipagunahan sa com. shop, pagka- kacraming sa assignments, research, laboratories, projects reports at thesis niyong kinabukasan na ang pasahan.

Mga nakaka-stress na long, surprised quizes ng mga prof mong may galit sa section niyo, madami-dami pa naman sila.

Ang hell este examination week niyong sabay-sabay mag bigay ang mga major subjects niyo. Sabog sabog ang utak namin every after exam.

Kinuha ko pa naman ang course na to kasi sabi ng highschool friends ko easyhan lang ang galawan dito, pero tangeners dito ko naranasan ang magreview hanggang alas tres ng umaga, wala ng tulogan.

Mangopya at magpakopya sa ka-klase mo dahil punyeta dugo ang utak mo sa mga questions and enumerations nila sobra pa sa test paper.

Yong biglaang galaan ng mga kaklase mong nahila kalang, ang mall scenes niyong nakakahiya pero dahil marami kayo go lang, mga inuman sessions sa boarding house ng kaklase mo every vacant tapos pag masyado kang matapang papasok ka ng lasing sa next subject mo.

Ang makikipag sabayan sa tagayan tapos yong iba mong kaklase iyak na dahil sa kasawian, taga awat ka nalang pag may nag amok na. Bwahaha.

Mga panahong damay-damay ang tema niyong lahat, pag absent ang isa labas na kayong lahat, hanap ng matatambayan. Late naman ang prof ng 15 mins. Yong mga times na sobrang happy kayo kasi napaiyak niyo ang kinabwe- bwesitang propesor niyong terror na wala namang maiturong maganda.

Mga bangayan at awayan ng kaklase mo sa groupchat niyo tapos may na namedrop sila tapos ikaw na wala paki, naexcite bigla...

Hmmm nice, interesting! Naging active ka sa pag seen.

(A/N: kagaguhan ko noong college inisa- isa ko dito! 😆 )

Tapos sasabihan ka pa in the end ng prof mo ng:

"Hay amo lang sini ang maubra niyo? Mga kahangag sa inyo ya, ka- barriotic kamo magilisip. Ikaw? Anong klaseng bao ka ha? "

'Eto lang ang magagawa niyo? Mga katanga kayo, ang barriotic niyo magisip. Ikaw anong klaseng bao (bobo) ka?'

Bwahahaha that's the famous line of our male prof. na tinatawanan lang namin.

Nasanay na kami sa kanya, well he knows us kaya naman, pasok-labas sa kabilang tenga. Easy as that! Sanayan lang iyan. Or section lang talaga kami ng mga matatapang na tao?

Pero anyways, akalain mo iyo napagsasabay ko ang kalandian ko sa iyo at ang makapasa ako sa course ko?

Ha amazing!

Kahit apat na taon na kitang nagugustuhan hindi talaga ako nagsasawa na sulyap ka, hindi ko naramdaman na mawawala ang damdamin ko para sa iyo kahit alam kong imposibleng magkatagpo pa ulit ang landas natin, pareho na tayong degree holder. Yehet!

Mami- miss ko talaga ang mga unexpected meet-ups natin, ang magkakasabay tayo sa pagpasok sa cafeteria at parehong pilipila para makakain, ang pagpunta ko sa library dahil nandoon ang tambayan niyo. Ang biglang pagkasalubong natin sa hallway tapos aalembang ang puso ko sa sobrang kahahuratan.

I will miss those times na magkasama tayo sa isang hall, sa NSTP natin every saturdays. Yong magkakatabi tayo sa upuan tapos kunwari deadma lang, ang artestahin ko noon. Para wala akong paki sa iyo pero sa kaloob-looban ko sumisirko na pabaliktad lahat ng small and large intestines ko dahil sobrang ligayang nararamdaman ko.

Ah liwanag, sundan ang liwanag!

Ang pag-abang ko sa iyo sa labas ng room namin pagdadaanan na kayo, sa gate at sa pagtingin sa iyo every may performances kayo sa school, lol nakita pa nga kitang topless, nazoom in yon sa mata ko noong dumaan kayo sa harapan namin, shits namamawis ka pa noon, ang hot langs ng abs mong naghuhumiyaw, ngisi-ngisi akong nakipag apir sa kabarkada ko.

Yes! Nakatiyansing!

Yong pinaka-epic talaga nating moments sa lahat eh noong sumali ka sa pageant, representative ka ng team niyo, tapos ang magaling kong kabarkada nakasali don, o di iisang dressing room kayo.

Siyempre, support system nandoon kami sa loob kasama ka.

Kanya-kanyang siko sa akin ang mga friends ko, tinutukso ako sa harapan mo. Punyeta lang, sila tuloy ang kawawa kakakurot at sapok ko dahil sa kahihiyan.

Ang mas malala pa doon, saktong paglabas ko nahila ako ng kabarkda kong candidate din sabay tulak papunta sa gawi mo, grabe ang kalembang ng dibdib ko noon.

"Pwede daw siyang pa-picture sa iyo?" Yan agad ang binungad niya sa iyo sabay turo sa akin.

Hiyang-hiya ako that time, ang haggard ko kasi noon as in, tapos ang usapan namin ng friend ko pagkatapos dapat ng coronation nila ako magpapapicture para makapag-freshen up pa ako. Pero wala, nabulilyaso!

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti sa harap ng cam kasi kinukuhanan na nila tayo together ng picture, kaasar talaga. Para akong yagit sa tabi mo, sabog sabog ang hair ko pre tapos wala akong pulbo, even no lipgloss ako noon.

Very wrong talaga!

Tawang-tawa sila sa akin pagkatapos, ang epic kasi. Hiyang-hiya akong nagpasalamat sa iyo tapos, nagsmile ka lang sa akin pabalik tapos umalis ka na kasi magsisimula na ang pageant.

Like omeeged! Halos maglupasay ako sa kinakatayuan ko sabay pinaghahampas ang mga laglagerang kaibigang kong nasiyahan yata sa na achieved kong katarantaduhan nila.

Ang gagaling! "Hoy pasa niyo sa akin dali!"

Patili kung utos habang kinukuha ang cp sa bag. Iiling pa akong napatitig sa litrato nating dalawa. "Okay na to, kaysa sa wala!"

(A/N: hanggang ngayon nandito pa sa akin ang pic nating dalawa, sa laptop, usb at cp ko. Ang yagit ko doon🙄.)

Kaya naman ngayong tapos na ang mga moments natin, I will all treasure it all in my mind, my heart and my soul. Actually may diary ako sa lahat ng events, moments at meetups na ako lang ang kinikilig at nakaka-alam.

Hayst sobrang mami-miss talaga kita baby J, sayo lang talaga ako kakalampag, promise.

Well, as we end up our college days, let me bid a parting words for you J, dear, I hope we can both reach our goals and dreams in life in the future. I'm happy that I found my inspiration in you, my crush. Maybe we both have different path and journey to walk, I'll always remember you as one of my happiness in life I will really miss you a lot though.

I wish for your success and also mine. Thank you and finally, goodbye J. Until we meet again, see you the soonest, maybe I'm still in crush with you. Goodbye!

Forever and always, Faye.

C***** Faye R****

BSHRMT- XX

Is now signing off.

*****

ENDS HERE!

Hit the star⭐↙️ mwaah😘

A/N: Hay crush ano na, kakalampag ka na ba??? 😂🤣😅✌

Pahabol:

June 30,2020. Ang gandang ending ng month ko!🤣 kanina habang pumipila ako sa metrobank, napatingin ako sa bagong dating....

Sabay iwas din ng tingin! Punyemas talaga, si crush iyon!

Tumingin ako ulit, paside lang para i check, wahhhh!!! Real na real talaga, si crush nga! Hes wearing a black shirt and jeans less lang yong salamin niya medyo he gained weight din, sakto lang. Bagay sa tangkad niya ba naman?!

After ko siyang masilayan, magsawang titigan nagkunwari akong hindi siya nakita.... pero sa utak ko wahhh nagbubunyi na ako!

This is so amazing, isang himala!

Hanggang sa umalis na siya at naiwan na akong naka-stuck sa line ng mga pumila pero para akong timang na nakangiting magisa, kiniligs ako dzaii!

Nakalampag na naman ang puso ko, umalembang na ulit after ilang months na kalmado.

Hay! Basta ang swerte ko lang kanina, namiss ko siya ha?! Ang galing lang ng tadhana kasi kahit freetaste lang, kumbaga pinatakam lang ako. Okay lang, atleast nasilayan ko siya diba, solb na solb na ako sobra pa!

Aprub with heartheart!👍💕.

#ikaw anong kwentong crush mo🙄?