eight

A/N: SPG! MAY TEMANG HINDI ANGKOP SA BATANG MAMBABASA..... KARAHASAN!

LIHIM AKONG NAPANGITI habang nakamasid ako sa mga nagkakagulong tao sa aking harapan, aligaga at nahihintakutan sa lalaking nakahandusay sa isang lapag, duguan at kasing lamig na ng sementong sahig ang kanyang katawan, naninigas at wala ng buhay.

Wala sa sarili akong naiusal ang aking kasiyahan. "Kaawa-awa ang sinapit mo, Calvin.... Bakit?!"

Ganoon na lamang ang aking iyak ngunit sa aking isipan ay tuluyan ng nagbubunyi ang kalooban ko, nasisiyahan sa sinapit ng lalaking ito sa aking mga kamay.

Ang kanyang pagmamakaawang hanggang ngayo'y naririnig ko pa sa aking isip, paulit ulit puno ng pagsusumamong huwag ko siyang ituluyan...

Ang kanyang nakakabinging sigaw sa sakit at paghingi ng tulong, ngunit wala.

Niisang taoy wala nakarinig sa kanyang pagtangis, ako lang, ako!

Hindi ilang beses kong pinagtawanan ang kanyang kalunoslunos na kalagayan, wala akong maramdamang awa, tila may bumubulong pa sa isipan ko na mas saktan siya, pahirapan at paslangin na ng tuluyan.

At ngayon ngay nakatunghay ako sa matigas na niyang katawan, walang buhay.

Nahaplos ko ang kanyang pasang nakuha sa aking paghataw ng isang dos por dos, dinama ko ang bukol at pinakatitigan ko ang kanyang nakapikit na mata, tila minememorya ng aking isip ang kanyang mukha, may isang tagong ngiti tila sinusupil na huwag makita.

One down, four to go.

Pinahid ko ang luha ng pagkagalak sa aking mata, umarteng tilay isang siyang nakikiramay, pero siya pala ang tunay na salarin, siya ang may sala.

Goodluck nalang sa iba, mas malala pa ang gagawin ko sa inyo, hintay hintay lang.

Baka ikaw na ang isusunod ko.

Marahan kong niibot ang aking paningin sa loob ng pinangyarihan ng krimen, isa isa kong tiningnan ang mga taong naririto, naghahanap ng panibagong mabibiktima, ang sunod kong paglalaruan.

There he is! Napako ang mata ko sa lalaking nakatayo sa isang sulok habang nakatulala at wala sa sarili ang utak ko ay bumubuo na ng plano kung paano ko siya isusunod sa lalaking pinakakaumpukan ngayon. Isang malaking ngiti ang sinalubong ko sa kanya noong magawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Agad din naman siyang nagbawi ng tingin kaya tumalikod na ako. At napangisi sa aking isip na bubulong- bulong na ngayon sa aking tenga. Ikaw ang isusunod ko, magdudusa ka rin. Ikaw, yes you?! Ikaw! Mag- hintay ka! Sisiguraduhin kong ikaw ang isusunod ko, magmamakaawa ka rin, dadanasin mo rin ang sakit na ginawa nila sa akin.

Inumpisahan ko na kaya itutuluyan ko kayo, isa- isa. At tuluyan ko ng nilisan ang krimeng ako ang may gawa, malaking ngiti ng tagumpay ang nabuo sa labi ko noong makalabas na ako sa bahay na yon.

Wala dapat na makaalam na ako ang salarin, ako ang mamamatay tao. Hinding- hindi, uubusin ko muna kayo pahihirapan hanggang sa bawian na kayo ng inyong walang kwentang buhay. Ako naman ang maniningil ngayon, I maintain my innocent look as I walk to my house, malapit lang ang bahay ko sa mga magiging biktima ko, I planned for this, masyado ng maraming oras ang pinalugit ko sa kanila, now it's time to play, lalaruing ko sila sa sarili nilang kasalanan.

Like how they played me fool before, napagala ang paningin ko sa kalsadang aking binabagtas, ang sirena ng polisya ay naririnig ko pa rin hanggang dito. Inabangan ko talaga ang kanilang pagdaan, pati na ang karo ng purenarya, minasdan kong mabuti habang nakakubli sa mayabong na halaman sa aming harap ng bahay. May ngiting pilit kong kinukubli habang paraan na sila.'May you rest in peace Calv, I wish your soul rot in hell.'

"Oh bakit ka nariyan? Wala ka bang balak pumasok ng bahay? Maulanan ka diyan." Bahagya pa akong nagulat nong may sumigaw sa aking likuran, napabaling ang tingin ko doon. Malawak akong ngumiti noong mapagsino ko ang tao sa aking likuran.

Si Aling Lyndia, ang nanay ng sunod kong bibiktima. "Opo papasok na po!"

Sagot ko at malaya ng nakapasok sa loob ng bahay nila. Agad akong pumasok sa silid na nakalaan sa akin, dito ako nagboboard. Ilang buwan nadin noong maparito ako sa bayan nato. Matagal tagal nang huli akong tumapak dito simula yata noong mangyari ang trahedyang nangyari sa akin kinasuklaman ko ng pumunta rito.

I loathed this town so much, lalong lalo na ang mga tao dito. Nandirito lang ako para kunin ang inutang nila, ang buhay na nawala dahil sa kanila.

I roam my eyes around the room, wala akong gamit dito. It was like my clothes and nothing more. Napaupo ako sa harap ng maliit na mesa, I stared blankly at it wanting my mind to idle. 'Si Hiro, si hiro ang susunod si Hiro, siya ang papatayin mo!' Napalinga linga ako sa aking tabi, eto na naman sila, bumubulong sa akin, naguutos, napatakip ako sa aking tenga, mariin ko ring ipinikit ang aking mata. 'Patayin mo, patay. Sila ang may sala, maghiganti ka sila ang may kagagawan ng pasakit mo.'

'Mamamatay tao ka! Pahirapan mo sila katulad ng ginawa mo kay Calvin, gusto kong magdusa sila!' Halos mabingi ako sa mga boses na walang awat sa umuusal ng aking dapat gawin, marahan akong napatango. Nangislap ang panganip sa aking mga mata, isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa aking labi.

Napatingin ako sa malaking salamin na aking pagaari, tila ba agad na may mga pigurang nakatayo sa aking harapan, napahalakhak ako ng malakas halos maiyak na ako sa kasiyahan.

Agad akong nanahimik noong nakarinig ako ng mga yabag sa labas. Napapatitig ako sa espijo, lumapit pa ako. May bagong nadagdag sa aking koleksiyon, duguan din katulad ng iba niyang kasama, puro galos at pasa, walang iba kundi ang katawan ni Calvin. Wala sa sarili kong nahaplos ang kanyang repleksiyon sa salamin, may isang ngisi ng tagumpay.

M-maawa ka, maawa ka! Huwag, patawarin mo ako! H-huwag, h-huwag i-itigil m-mo to?! Wala a-akong k-kasalanan. Napailing ako sa kanila, mabilis na umikot ang mata ko, natatawa sa kanilang kaawa awang sitwasyon, mga walang kwenta. Mga makasalan, inutil! Mabuti ng mamatay kayo, mamatay kayong lahat sa kamay ko.

Sa aking paningin tila ba buhay na buhay sila sa aking harapan, pumupuno sa kwartong ako lang dapat ang nakaloob, ako lang dapat magisa. Pero ngayon nandito silang lahat, mga biktima mo sa nakalipas na taon. Mga pamilyar na mukha na ako ang may kagagawan ng kanilang pagkamatay.

Napahiga ako sa kamang naririto, napasabunot sa aking buhok dahil nangangati na naman ang kamay ko para magkasala, gusto na naman ng mata kong makakita ng dugo, makarinig ng pagmamakaawa. Nanlalaki ang mata kong napatakbo sa loob ng banyo, napahilamos ng malamig na tubig, kinakalma ang sarili kong huwag munang gumawa ng panibagong hakbang. Gigil kong nakagat ang labi ko sa pagpipigil.

"Mamatay, papatay ka! Si Hiro! Hiro!"

Napaupo ako sa malamig na sahig, napasabunot sa buhok habang walang kakurap-kurap na napatitig sa kawalan, umuusal ng salita ng pagkamuhi, salitang puno ng galit.

KINABUKASAN PAGKATAPOS kong magagahan ay unang kong nilapitan si Hiro namataan ko siyang naninigarilyo sa terasa ng bahay nila, magisa tila tulala. Malalim ang kanyang paghugot ng hininga, napansin ko ring patay sindi na siya sa kanyang yosi, na ang upos ay iniihip na ng may kalakasang hangin.

Isang tapik sa kanyang balikat ang ginawa ko, agad siyang nagulat sa aking pagdating, tinitingnan ako ng puno ng pangamba. Isang malapad na ngiti ang sinalubong ko sa kanya, pero sa loob loob ko'y gusto ko siyang singhalan.

"Ang aga mo yatang natambay dito, isang stick nga!" Ako na ang unang bumasag sa katahimikan, napaupo ako sa tabing bangko, sinindihan ang yosi sabay buga ng usok pataas.

"Ikaw pala pare! Pantanggal yamot lang, dinadadaan na naman kasi ako ni Mama." He answered back pero sa kawalan nakatingin.

Lihim ko siyang minamasdan wala na akong salitang gustong ipaabot sa kanya, minememorya ko sa isipan ang mga bagay na gusto kong gawin sa kanya kung papano ko siya babawian ng buhay, madugo at masakit na paraan. Napalingon siya sa akin kaya inayos ko agad ang bukas ng mukha ko, pilit itinatago ang aking pagkasuklam.

"Oh pare, si Liues pala gusto kang imbetahan sa birthday niya. Tagay daw tayo." Nakita ko ang pagtalim ng mata niya ngunit agad din yong nabura. "Kung hindi lang sana pinatay si Calvin, pare kasama natin siya."

Parang hangin lang nadumaan sa tenga ko ang kanyang pagluluksa, mas na excite akong marinig kung kailan ang selebrasyon na kanyang inusal, baka doon ko gawin ang maaga niyang kamatayan. Nabaling ang tingin ko sa kanya, marahan kong tinampal ang kanyang braso.

"Oo nga pre, sayang talaga at napaaga ang kanyang paglisan!" Halos pabulong kong saad.

Ikaw rin ang isusunod ko, di bale hinding- hindi magtatagal at magsasama na kayong dalawa.

Isang ngisi ang gusto kong pakawalan. Noong hindi siya sumagot ipinagpatuloy ko ang aking pagsasalita. "Kailan ba ang kaarawan ba ni Liues? Para makabili ako ng regalo. Ikaw sabay na tayo?"

"Sa makalawa na pre, ipapaalala ko na rin sayo katukin nalang kita pagaalis na tayo. Sige, pre alis muna ako." Tumayo na siya at naiwan akong nakasabay sa kanyang paghakbang paalis may ngising ngayon lang namutawi sa aking labi.

Ikaw Hiro, ikaw na ang isusunod ko. Maghintay ka lang ako ang tatapos sa walang kwenta mong buhay!

INAABANGAN ko ang araw na aking pinaka kahihintay, naremind na ako kanina ni Hiro at ngayo'y bihis na ako at hinihintay siyang lumabas. Nahanda ko na ang gagawin ko mamaya, I planned for it noong nagdaang araw. Inipit ko ang patalim sa aking jacket.

"Pare, arat na!" Napangisi ako noong narinig ko ang pagkalampag ni Hiro sa pinto.

"Coming!" I shouted back and opened the door I flash him a wide smile.

"Ang gwapo ah!" I commended, smirking.

He laugh. "Lol! Likana naghihintay na sila doon." He drags me out the house which I eagerly followed.

Matapos silang maglakad ng ilang minuto ay narating na nila ang bahay nila Liues, binati ko siya.

Nakihalubilo ako sa mga tao dito, nagiinuman, kantahanan at ng maghahating gabi na ay nalasing na lahat kaya naman marami na ang wala sa huwisyo kasama na sa bilang non si Hiro, he was so drunk and fuckin wasted. I watch him closely, like a lion looking at his prey.

Halos hindi na ako mapakali at gusto ko nang lumabas, I stood up and pulled my cigarette box and lit it up when I'm at the hammock. I sitted there watching the crowd inside, seeing familiar faces having the best time of their lives, mingling and enjoying this night.

Hithit- buga ako sa sigarilyong hawak ko, ang talim sa mata ko'y hindi nawawala lalo nat ang tingin koy napako na ngayon kay Hiro, lock on!

Isang mala demonyong ngisi ang pumorma sa labi ko as I puffed the smoke out of my lungs. 'Si Hiro na ang susunod, abangan mo siya mamaya. Saksakin mo, pasakitan. He deserve every pain and beatings.'

'I know, I know and I will.'

'Maawa ka sa kanya... ang sama mo! Demonyo ka! Mamatay tao!!'

'Hindi, hindi... sila. Sila ang mas makasalanan... mamatay sila. Tama! Tama ang ginagawa mo.."

Masakit na naman ang ulo ko, umiikot ang mata ko sa aking paligid. " Shhhh... hush. Huwag kayong maingay... I'll do it later..." I murmured back to the voices I've heard in my head.

Wala sa sarili kong naidutdot ang upos ng sigarilyo sa aking palad, masakit.. pero I like it, the pain. Hinahanap- hanap ng katawan ko ang sakit. I dip it once again, mas madiin, matagal.

Sinusunod ko lang ang utos nila sa akin, I was smiling while doing it to myself I wasn't hurting instead I felt the urge to do more.

Parang sine- selyuhan nito ang pagkauhaw ko sa sakit, sa dugo. I stopped when Im satisfied with my skin color, red and bruised. Agad kung itinago ang kamay ko sa loob ng jacket noong pumasok na ako sa loob ng bahay, checking them or its more of checking Hiro's drunk state... oppurtunity!

Hanggang sa napagdesisyunan na nilang umuwi, agad akong lumabas, lumayo sa grupo nila. Pinalipas ang minuto bago muling naglakbay ng magisa.

Sa kadiliman ng gabi at katahimikan ng kalsada ay walang takot akong naglakad, naghahanap ng matataguan. Tahimik lang akong gumalaw, maliksi pero walang tunog.

Lihim ko silang sinusundan, he was with Levin they walking in slury side by side, singing like crazy then laughing aloud like an idiot. Hanggang sa maghiwalay na sila ng daan. A sly smile broke my lips, bye Hiro!

KINAUMAGAHAN ay ang nakakagimbal na naman na balita ang gumising sa halos lahat ng mamamayan ng Buruanga, shocked and scared when they've heard the gruesome news about the death of Levin.

He was found bloody and dead inside his house, multiple cuts of knife and bruised body caused his sudden death. Halos hindi na nga makilala ang kanyang mukha dahil sa pamamaga at ang maliliit na hiwa mula sa patalim ay tila ba siya'y pinaglaruan at pinahirapan muna bago paslangin.

Ang mga awtoridad na naatasang magsagawa ng imbestigasyon ay halos maduwal na sa nakikita nilang bangkay sa kanilang harapan, demonically turtored and murdered.

Wala ni isang ebidensiya ang nakita sa pinangyarihan ng krimen, o kahit fingerprint man lamang ay wala, masyadong malinis ang pagkasagawa, halatang hindi na baguhan ang suspek, maalam na sa pagpatay.

Lahat ng nakasama ng biktima nang gabi bago siya mapaslang ay ipinatawag ng pulisya, kwenistion at pilit inaalam ang salarin. Si Hiro ay isa sa mga naging pinaghinalaan nila dahil siya ang pinakahuling kasa kasama ni Levin, at ayon narin sa kwento ng isang binatilyo na nadaan silang dalawang parehong lasing.

Pero dahil na rin sa napatunayan ni Aling Lyndia na umuwi at natulog na si Hiro sa kanilang bahay nong ineimbestigahan siya ng pulisya, sinundo nga siya ng ginang at nakita pa niya ang pagliko at dumiretso ng uwi si Levin.

MARIING na naikuyom ko ang aking kamao, I darted my grim glare at the photos infront of me. Nandito ang lahat ng mukha ng taong may utang sa akin, some are already mark with read ink, it means I'm done with them.

I sardonic grin broke into my lips, I am sitting here in an old narra chair. Nadito ako sa barong baro na kung saan ko itinatago ang mga gamit at pinaplano ang susunod kong hakbang para sa mga bibiktimahin ko.

"Nakatyamba ka Hiro, sa susunod ikaw na ang tutuluyan ko." I whispered full of hatred and rage.

Si Levin tuloy ang napabuntungan ko ng pagkaasar noong gabing iyon, hindi niya napansina ang pagpasok ko sa kanyang bahay noong hindi ko na matyempuhan si Hiro dahil bantay sarado siya ng nanay niya.

I was really pissed that time, my rage was solely darted to Levin. I was the one who did the gruesome way of his death.