ten

LDR—N: LANDIANG DI RIN NAGTAGAL!

AKALA KO nagkasundo na tayong dalawa sa set up na meron tayo ngayon. Inakala ko okay ang lahat sa ating dalawa, iniisip ko'y wala tayong hindi malalampasang problemang dalawa. Buong pusong umasa ako na kahit kailan hinding-hindi mo susubuking lokohin ako.

Ilang taon kitang ipinaglaban, minahal at inalagaan. Nakita ko na ang lahat ng ugali mo, minsa'y mabait pero madalas kang sira-ulo sa ating dalawa. Sabay nating inabot at pinaghirapang makagraduate ng highschool tapos inialyo lang tayo nang nagkolehiyo na dahil magkaiba tayo ng kursong nais maabot.

We started as elementary classmate, highschool crush more of boy bestfriend then finally naging tayo, yong mas may label na TAYO.

I'm so happy with the word US para kasing mas defined talaga kung ano ang meron tayo. I saw you grow as a man, even were apart.

Pero hindi hadlang yung magkaiba tayo ng school para hindi mo mapuntahan ang mga events ko sa school na kasali ako.

You've always find time and effort to surprise me, kahit malayo at medyo hussle para sa iyo but still hindi mo ako binibigo lalo na pagnangako ka.

You are not just my boyfriend, you also become my number one supporter, my bestfriend, my cheerer and most of all you became the man I ever wanted, you fulfill my heart with your overflowing love and I can't complain with that.

Alam ko, ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin, pinanghawakan ko iyon.

Ilang taon solid ang ating samahan, ilang taon tayong nagkasama at kahit minsa'y may bagay na hindi mapagkasunduan pero you always find ways para magkaayos tayo. Kaya naman hindi ako nangangamba na may ibang babae na makakaagaw sa'yo.

Alam ko naman na maraming may gusto sa'yo diyan sa bago mong University. Why not? With your good looks and bubbly personality bous pang brainy si Bebe kaya naman hindi na talaga nakakapagtataka na maraming may crush/pagnanasa sa iyo.

Ilang beses na ba nating pinagtatawanan ang mga DM sa'yo ng mga babaeng papansin na'to?! Ilang beses na bang nangyari na ako ang pinapareply mo dahil asar kana sa kakaflood messages nila? Ilang beses na bang nangyari na screenshot ko ang convo namin ng mga pabebegirls then I'll post it on my day, proud lang ako kasi ang kapal ng apog nila.

They know naman na may gfriend kana pero ang mga slapsoil wala man lang paki?!

Duh they are messing with the wrong, girl and your okay with it. Ikaw pa nga mismo ang nagpapatag sa akin para mas ramdam nila ang pagkaasar ko.

And I love you even more with that, naikita ko kasing wala kang pakialam sa iba, ako lang ang mahalaga sa iyo. That you will be always by my side kahit na minsan ang selosa, topakin at medyo may pagkaamozona ako.

Still you endure and love me even with my flaws, my insecurities and my uncertainties in life but you will be the one who will boost my confidence, you will always say words of wisdom para mapagaan ang loob ko, sasakyan mo ang katopakan ko kahit na minsan ikinakahiya mo na ako sa kabaliwan ko.

Ikaw ang masasandalan ko pag may pinoproblema ako, my family and sometimes sa school. Parang ikaw ang pahinga ko, ikaw ang waiting shed na naghihintay para sa napapagod kong katawan, you will be my shelter and strenght, my energizer.

Wala na akong maangal sa kung ano ang meron tayong relasyon, mahal kita at minahal mo ako. 

Pero bakit ang sakit?! Bakit ang biglaan ng lahat? Hindi ko man aminin pero unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbabago mo.

Selos na umpisa ay binabalewala ko lang kasi naniniwala ako sa sinabi mong wala iyon, kakilala mo lang.

Na hindi ko dapat siya pagselosan kasi nga sabi mo kaibigan lang kayo. Pero tangina! Isang malaking BAKIT?!

IPINAGPALIT MO NA AKO SA MALAPIT?!

Ang cliche pero ano na nga ba ako sa'yo ngayon? Naguguluhan na kasi ako sa kung meron pa bang tayo?

Inumpisahan nating ng masaya, sa kalagitnaay medyo, medyo nagbago ka pero bakit nararamdaman kong nalalapit na...

Nalalapit na ang wakas nating dalawa.

Hindi naman dapat ganito, LDR lang ang pinangako mo simula noong pinayagan kitang sumakay sa barko kasi iyon ang pangarap mo, iyon ang kailangan mo para maabot mo talaga ang pangarap mong makalayag sa iba't ibang bansa.

Pero hindi ko inexpect na sa iba ka dadaong, iba na pala ang kasama mo sa pagabot ng pangarap mo.

Iba na pala ang nasa isip mo habang ako dito naiwang pinaghahawakan ang pinangako mo, ang pagmamahal na hindi na pala para sa akin ngayon.

Ang sakit bhesh, anong bang kasalanan ko? Pinaniwalaan ko ang sinabi mong kaibigan mo lang siya pero bakit ganoon?

Bakit kayo na?! Ganoon lang iyon?

Ang sakit, ang layo mo pero ikaw lang mahal ko, minahal at mamahalin ko kahit naka-LDR tayo. Masakit kasi buong akala ko'y mapagkakatiwalaan kita, na magiging loyal ka kahit magkalayo na tayo.

Pero para tayong LDR—N short for LANDIANH DI RIN NAGTAGAL.

Nakakatawa pero iyon ang totoo. Pinagpalit mo ako kasi ang layo ko?

Ano dahil siya ang malapit sayo?

Siya ang kasa-kasama mo ngayon?

Kayo ang palaging magkausap?

Kayo ang palaging nagkikita?

Eh pa'no naman ako? Ilang taon akong nagtiis na hindi ka nakikita kahit gustong-gusto kong katabi kita, nahahawakan, nayayakap at higit sa lahat nakakausap pero tiniis ko iyon kasi ayokong maging hadlang sa pagabot mo ng iyong pangarap.

I was left here waiting for you to come back, patiently waiting na ako naman ang ipaproiritize mo kasi nga naabot mo na ang dati mo pang gusto.

Pero sa sobra kong hintay wala na pala akong dapat pang aasahang babalik, wala na pala sa akin ang lalaking pinagalayan ko ng buo kong pagmamahal.

Ako na pala ang nakikihati ng atensiyon, ako na pala ang panira sa kanila ngayon, ako pa pala ang epal.

Hindi kasi ako na inform na kayo na palang dalawa, tanong ko lang ilang taon niyo na akong pinapaikot?

Kaibigan pala ha?!

Anyare bhesh bakit mukhang iba na? Bakit proud ka na naagaw mo sa'kin ang boyfriend kong naliligaw? Taksil?

May gana ka pang eh MY DAY siya with caption na...rqst by: My Boyfriend.

Kapal no? Sobrang hard! Mga walanghiya, walang kahihiyan!

Wala akong magawa kundi umiyak, wala akong pwedemg sisisihin kasi ang layo niyo, para akong tanga dito na nasasaktan pero wala akong masisisi kasi nga hindi ako ang malapit sa'yo.

Napaupo na lamang ako sa kama ko habang binabasa ko ang huling mensahe mo para sa akin, huling beses pero sobrang pinililipit ang puso ko kahit ang ikli lang ng sinend mong mensahe.

Short but precise, shit! I wipe off the tears running down my cheek, sagana ang luhang hindi umampat sa mata ko, I was clenching my chest because I am really in pain, sobrang sakit.

Why? Bakit naging ganito ka? Bakit parang ang biglaan lahat?

Noong isang araw lang masaya pa tayo, you even surprise me by sending a pair of shoes and dresses. Hindi ko inexpect na parting gifts mo na pala iyon.

Hindi iilang beses kitang pinagtaasan ng kilay noon kasi nga napapansin kong mas may topic ka pa sa kanya kaysa kausapin ako, hindi iilang beses na napapakunot noo ako dahil bakit nasa kanya ang jacket na bigay ko? Bakit nasa kanya ang gamit mo?! I saw her posts in social media.

Ang kapal ni ghorl!

Hindi ko alam kung pa'no niya nasulsulan ang kasintahan kong marupokpok din pero sana ngayon masaya sila, sana magpakasaya dahil may inapakan silang tao.

May isa silang nasaktan babaeng wala naman ibang ginawa kundi ang buong pasensiya lang na nahintayin ang kanyang paguwi sa mga bisig ko.

Pero hindi, mas kontento siguro siya sa bisig ng malanding iyon.

Siguro mas gusto nila iyon, hayaan niyo na.

Mga kulang sa aruga, sana sinabi nalang nila agad para hindi na ako nagaksaya ng panahon kakaintindi sa panloloko niya, hindi pa siya sana nahirapang magsinungaling habang nagvivideo call kami diba?!

Oh well bahala na, sana talaga sumaya sila at magtagal. Hindi lang sila isang kwentong nabuo dahil sa lockdown.

Ako kasi ang puso ko ay bigla nalang nagshutdown. Para akong pinaglaruan tapos bigla-bigla nalang itinapon. Yong nawalan na ng halaga, wala ng pakinabang kaya naman iiwanan na.

Maybe we are not really for each other. I whispered softly while looking at their recent photo.

Isang mapait na ngiti ang namutawi sa bibig ko. "Happy 2 months and still counting, babe. LABYOU!" 

Fvckshit right? Wala pang isang linggo noong naki-pagbreak siya. I brush off my ample tears.

"Punyeta niyo kamo! Labyou niyo mga talkshit kayo!" I mumbled harshly while crying.

*****

ENDS HERE!