fiftteen

College life

Nakakapanibago! Eh last year lang kasama ko pa ang barkada ko sa katarantadohan tas eto, ako nalang mag isa. Sheet na malagkit I am so lonely.

Eh bat kasi iba iba yung course namin eh, magkaiba tuloy kami ng school! Yan tuloy buwag-buwag na ang barkada, kainis! Naglalakad ako ngayong mag isa at hinananap ang bwesit na registrar  kung san ko ipapasa tong mga requirements ko. Letchee bat ang laki ng school na'to? San na ba iyon? Lintek talaga!

Luming-linga pa muna ako. "Excuse me? San po yung Registrar?" I asked sa nakasalubong kong babae.

"Ah don po yon. Yung sa may kanan ng building." She pointed out that one building.

"Ok thanks." at umalis na ko sa harapan niya.

Ewan ko nga kong bakit ako nakapasa dito. Hahaha ang Hirap pa naman ng entrance exam tas yung interview ang higpit tol.

"Ms. Ano yung course mo?" Ask ni ateng registrar.

Ano nga ulit yung course ko? Ang haba kasi. "Bachelor of science in Hotel and Restaurant Management Technology."

Sagot nung makita ko yung kodigo ko eh sa hindi ko alam ang course ko eh. Napagtripan ko lang to no.

"Ah BSHRMT!" She nodded.

Letche may abrevaition naman pala. Pinahirapan pa ko. Madami pang sinabi si ate pero di ako nakikinig, eh sa wala akong maintindihan LoL.

"Ah cge punta ka nang OSA ipasa mo to don."

"GEH!" I said in pabalang.

Lintek san na naman yon? Nakakainis na. Diba pedeng iisang department  lang sila? Hindi yung pinapahirapan pa nila kami. Ang init kayang maglakad, buseet.

Kinuha ko na yung papers. Pila, Perma dito, akyat don, stamp ulit, fill up, bayad and atlast OSA nako.

Mabuti nalang marami ding nag eenroll. Kaya naki sabay nalang ako sa kanila ng hindi naman ako mag mukhang tanga-tanga sa kakahanap ng mga letcheng offices nato pero ni isa sa kanila wala akong kinausap, hindi talaga ako friendly. Duh.

Ang haba ng pila sa OSA dude, ang init pa ng kinalalagyan ko. Bakit kasi ang tagal umusad ng pila? Kanina pa akong nakatayo dito at gutom na gutom na'ko.

Buseet talaga! Ang oily na ng fes ko at ang lagkit na ng pakiramdam ko sa pawis.

Tiningnan ko yung mga pumipila wishing na maglaho silang lahat at ako nalang yung matira! No effect!

Then out of nowhere nakarinig  nalang akong may tumatawa. Hindi ko alam pero nainis talaga ako ng bigtime promise!

May gana pa siyang tumawa eh, ako tong buset na buset na. Ang sarap nyang sakalin, hinanap ko yung talipandas na may gana pang magsaya sa kalagayan namin ngayon!

I search the area. Kaliwa, kanan, likod pero wala! Lahat din sila mukhang badtrip. Humarap ako tas ayon — I saw a boy or rather a handsome man. Nakikipagtawan sa isang babae. Jerk!

Sarap sumigaw ng "Ang ingay  ng landian niyo!"

Gwapo sana ang lundee naman. Tiningnan ko sila ng masama, eh naaasar ako sa harutan nila sa harapan ko. Tatadyakan ko to eh! Kabanas!

Napansin siguro ng lalaki na pinapatay ko na sila ng tingin kaya humarap siya sa'kin ngumiti pa siya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay then rolled eyes! Then I mouthed. "Duh!"

Sarap niyang suntukin nong tumawa lang siya then finally! "Ms. Qwerty Xeirin Montreal."

Ako na pala, pumasok nako don sa office. Uupo na sana ako nong mapansin kong nandito yung malanding lalaki sa labas kanina. Naakatingin sa'kin problema neto?

Tinaasan ko lang siya ng kilay but he just smirked. Taray!

"Mr. Dreivan Zyre Elizondo, here's your ID." sabi nong lalaki don then tumayo naman tong malanding to.

I heard him bid 'thanks' to someone. Siguro don sa nagbibigay ng ID. Lumapit ulit sya sa inuupuan ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangisi siya kaya't nagulat nalang ako nong dumukwang siya sa'kin. Shit na malagkit! Ang lapit ng face niya, kaunti nalang lips na yung magdidikit sa'min.

Gulp! Napanasin ko yung amusement sa mga mata nya!

"Nice meeting you Babe!" He whispered then may hinablot sya sa likuran ko tas nag lakad na palabas.

Naiwan akong nakatanga don. Fuck! Anyare? Ang lakas ng kaba ko. Buseet yon kinabahan talaga ako.

Bag niya lang pala yong kukuhanin kailangan pang ilapit yung pangit niyang pagmumukha sa maganda kong face, like duh?! SHIT MAY ARAW KADING GAGO KA!

"Ms. Montreal harap po sa cam!" Sabi nong lalaki.

Nawalan na tuloy ako ng gana hanggang sa makuha ko yung ID ko at nakauwi na.

BADTRIP TALAGA! Sana talaga hindi kami magkakaklase kundi parati akong guidance or mag shi-shift talaga ako!

How dare him to make fun of me? Me? Qwerty Xeirin Montreal? HAH!

HE AWAKEN THE SLEEPING BITCH MONSTER ON ME!

Nandito ako ngayon sa school and hella yes! It's our first day in school! Nakakatamad, hindi ko naman alam yong rooms ko, andami kasing nakasulat dito sa schedule ko. Wala akong maintindihan. Yung alam ko lang yong faculty office nong department namin. Kaya don ako pumunta, luckily merong mga nakatambay at nag kwekwentuhan, lumapit ako don.

"Hi!" Greet sakin nong girl and nag-hi din ako pabalik.

"Anong section ka?" She asked me nong nalaman nyang BSHRMT din ako kagaya niya.

"A." I answered. Yabang no? Star section eh. Talino ko talaga!

Napapalakpak siya. "Waah cmates tayo! I'm Aimie Keira Lopez."

"Qwerty Xeirin Montreal." I replied.

"Nice to meet you." then kumiss pa sya sa cheeks ko. Langya! FC Ah?

"Let's go!" She said then she started talking a LOT ang daldal nya talaga!

PROMISE! Mabuti nalang nandito tong si Ami? Armi? Annie? Hahaha nakalimutan ko na name sa kadaldalan nya.

As usual, first day of school, pakilala then seating arrangement.

Then after so many changing of rooms and prof. This is my last class and so far hindi ko pa  nakikita ang empakto nayon. Salamat naman!

"Good afternoon Ma'am!" we greeted when our prof. came in. Halata naman kasing siya yung prof. Gurang na eh! Kidding, then we introduce ourselves.

"Hi guys! I am Aimie Keira Lopez! You can call me Aera uhm..." Ah si Aimie pala to. Akala ko Amy eh tas ayon dumaldal na naman siya.

"Ok Ms. Aimie that's enough. Next!"

Si maam na yung nagpa stop sa kanya. Ang tabil kasi ng bumanganga. Nagtawanan naman yung mga classmates ko. After nong SONA ni Aimie tumayo na ko, eh ako na sunod tabi kasi siya ng tabi sa'kin.

"Nice meeting you all. I am Qwerty Xeirin Montreal." yun lang sinabi ko.

"Wait..." pigil ni maam nong uupo na'ko. I frowned.

Problema neto? She then added. "It's too short for intoduction Ms. Montreal, how can your mates get to know you better if you just say your name, give us some information about you, like age, address, birthday, likes, dislikes, hobbies etc."

Gusto kong mag roll eyes kay maam. Wtf ano kami kinder??

"15 years of age, currently staying in uhhm. Diyan lang sa may kanto (di ko kasi alam kong anong lugar nong Boarding House ko basta diyan lang sa malapit.) September 21 ang birthdate ko, I like it if you don't meddle with my business and I dislike if you put your nose in it! Hobbies? Well i watch k-dramas, I listened in kpop songs as well as p-pop and i can play guitar. Satisfied?" I ask our prof. cause I think I answered all her questions.

"Not yet, Miss."

Katamad naman gusto ng magsalubong ng kilay ko.

"WHAT ELSE?" Medyo nabubuset kong tanong sa kanya.

"Status?" Anito.

Daig niya pa yung fb ko ah. Kailangang i-update? I took a calming breath.

"Single." I replied flatly.

"Why did you take this course?" Ang duga naman ni maam. Hindi naman niya to tinanong sa iba.

"'cause I want to and this course has the longest name in all the courses here, just that." Pabalang at walang sense kong usal.

Ano akala niya? Dahil passion ko ang pagluluto? DUH I'm not! Trip ko lang talaga yung course name, it sounds so easy.

"Motto in life?" She asked again.

"Payback is bitch!" Sabay smirked, napa — WOAH naman ang mates ko. Cool ko no? Edi speechless si Ma'am. Serves her rigth, ang daldal kasi.

Umupo na ko at nagpatuloy naman si Ma'am. When the ring buzzes I hurriedly get out of our room. Bahala sila don. Nagugutom na kasi ako. Pumunta akong cafeteria I bought some snacks.

I search the cafe if theres a vacant seat and luckily ayon, uupo na sana ako  nong. "Oppss. I got here first." sabay ngisi sakin ng lalaki.

Ba't nandito tong kutong lupa nato? I asked myself.

Nagsalubong agad ang kilay ko at nagbabanta. "Don't me. Im hungry!" Wag ako.

"Tss so?" May panghahamon pa sa tinog nito.

I sigh deep, asar. "Pede mamang PANGET, umalis ka diyan wala ako sa mood magkipagsapakan ngayon. Alis, istorbo ka."

Sabay tulak sa kanya nong mailapag ko yong foods ko sa table. Buseet ayaw umalis.

He chuckles sarcastically. "Ako panget? Manalamin ka nga! Ikaw yon, hindi ako!"

Nanlaki ang mata ko — aba't ang lakas mang insulto ah. Banatan ko to eh.

"Aray!" Hinampas ko nga.

Lakas maka ilusyon eh, ako panget? DUH ang ganda ko kaya! *Flip hair

"BAT KA NANANAPAK??"

"TRIP KO BAKIT?" sigaw ko din. Lakas ng apog netong sigawan ako.

"AH GANON?" He replied.

"EH ANO NAMAN? KUNG UMALIS KA NA LANG PARA MAKAKAIN NAKO ANG PAKIALAMIRO  MO KASI. PUPUNTA-PUNTA DITO TAS MAMBUBUSIT LANG. ALIS NA NGA, NAAALIBADBARAN AKO SA MUKHA MO PANGET!"

Sabi sanyo eh — HUWAG AKO PAG GUTOM.

"Tsktsk. Ang ingay mo. Eh di kumain ka diyan. Ang daming upuan oh tas paalisin mo pa ako. Paki alam ko ba sayo?" Sagot sakin ng kurimaw nato.

HIS GETTING ON MY NERVES.

Umupo nako sa kabilang side ng table. Actually good for 4 persons ang table nato. Pero gusto ko yong spot na inupuan niya. No choice!

"Letchee ka! Pag ako di matunawan dahil sa pag mumukha mo humanda ka talaga sakin!!" Banta ko habang kumakain. Tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya with matching rising up a brow.

"HUWAG KANG MAG ALALA IBIBILI KITANG DIATABS!!!" At tumawa pa siya ulit.

Hahaha ang funny, sobra. My subconcious mind mocked. "Alam mo Draco—"

"It's Dreivan." He corrected pero wala akong paki.

"Oo nga Draco!" I pissed him more.

He frowned then. "Dreivan sabi eh!"

"Pikon ka na niyan?" Asar ko sa kanya

"NO!" He denied pero halata naman.

"Oyws?" Inis ko pa.

"You know what Quantom—"

ANO DAW? QUANTUM? THE FUCK! My brows furrowed.

"HUDAS KA! QWERTY ang pangalan ko. Hindi Quantom? Damn dude!" I angrily exclaimed.

"Pikon ka na niyan?" He mimicked what I've said a while ago.

Letchee ang lakas ding mang asar tong bugok nato ah.

"Whatever!!" I rolled my eyes on him.

Total tapos na din akong kumain, umalis na'ko don baka makakasaksak kasi ako gamit ang tinidor. Itatarak ko talaga sa bunganga niya para may impact!

Empakto siya, nakakasura! Nakakasira ng araw ang sarap isumpa at ipatapon sa pluto ng parehas silang mawala sa galaxy!

Kainis may araw ka din saking DRACULA KA!

____

One month later.....

Oo na survive ko ang isang buwan ko dito! Ang hirap palang maging College student. Akala ko kasi magiging COOL-lege student ako.

Pero hindi eh, ngarag Dude.

Andaming paper works, quizes, activities, reportings, bayarins, xerox at projects. Hay!

"Oy Qwert! Nag review ka? Pa copy ha??" Sabi ni Ethel.

"Sure!" I smiled.

Yan din ang uso pag college kana.

Its better to cheat than to repeat. Kaya dapat masipag kang mangahoy (mangopya) para may score.

After an hour.

"Lawrence?"

"85 sir."

"Mark Kenley?"

"88."

"Carlo?"

"97."

so on....Hanggang ako na. "Qwerty?"

"100!" sabay sabay nilang sagot. Hahaha sanay na sila sakin.

"Uelane?"

"97."

"Ethel?"

"95."

"Aimie?"

"98." At tinawag pa ni sir yong iba kong mates halos lahat sila nangopya.

__

"OH halika na lunch tayo." Yaya sakin ng barkada ko — oo meron nadin akong kaibigan.

Sila Akira Uelane Bautista at Jhen Yrina Garzon. Lumabas na kami at pumuntang cafeteria. Nagkwentuhan lang kami palabas, nanahimik nalang ako bigla kasi.

KASI andito yong CRUSH ko....sheet na malagkit!

Si Kyaj Malijan info-tech student hahaha ang pogi niya, ayan ang gwapo kahit meron siyang eye glasses. Tinutunaw ko lang siya ng tingin, letcheee kinikilig ako!

"Hoy nanahimik ka diyan?" Tanong ni Uelane.

Hindi ako sumagot bahala sila diyan.

"Xei maengkanto kaba??" Banat din netong c Jhen-ny.

Gusto kung i-voice out na, 'Sort of 'cause im under his spell.' Hahaha kaya lang baka mabatukan ako ng dalawang amazonang to ang lundee kasi ni braineee eh!

"Earth to Qwerty! Girl nandito pa kami. Wag kang mastock sa mundo mo! Taga planet chenileng kungfu ka panaman." I heard them.

Natutunan nila yan sa gayfriend namin that's why I laugh hard. "MGA BALIW. Natigilan lang ako kasi ang haba na ng pila staka wala ng vacant seat. Kung sa labas nalang tayo kumain?"

Palusot.com ko at naniwala namen sila. Gusto kong kumain sa labas kasi umalis na si Kjay kasama ang mates niya. Siya lang namen ang dahilan kong bat ako kumakain sa cafe.

Hahaha quite lang kayo hindi alam ni Jhen at Uelane na may CRUSH ako. Tutuksuhin lang ako ng mga pshyco nayon.

Tinatanong nyo si Draco? Doraemon? Dreigan? Sino nga si'ya ulit? Basta yung empakto na'yon.

Wala na — na stock na siya sa PUNSO kung saan na babagay ang mga kutong lupa. Hahaha Umorder na kaming foods and drinks.

Yeah. My favorites aylabfood, FOOD IS LIFE!

Kakain na sana ako nang may— "Quantom!"

Bwesit kahit nakatalikod ako alam kong si kutong lupa to. Siya lang naman ang makapal ang mukhang tawagin akong Quantom. Ignore it Qwerty.

"Bakla! Ikaw yata ang kanina pang tinatawag oh!"

Di na napigilan ni Uelane sabihin kasi ang ingay ng Doraemon nato. Sigaw ng sigaw, nakakahiya.

"Wala akong naririnig o nakikita. Guni guni nyo talaga." Pinagpatuloy ko lang ang pag kain. Bahala sila diyan, tinawag na naman ako.

"Di mo talaga makikita ayon sya oh, ayon!" With matching turo sa likod ko!

"Oy wag ka ngang nagtuturo diyan manunu ka. Kutong lupa pa naman ang empaktong yan." Inis kong sagot kat Jhen.

"Ang harsh mo naman BABE! Ganyan kaba maka-miss?"

Ang hangin grabe. Bagyo ang dala mo tol. Tiningnan ko siya ng masama. Nandito na siya sa harap ko at umupo pa talaga.

Ngumiting Orocan ako, PLASTIC! "Oo miss kita! MISS kitang SAKTAN. Lapit ka dito ng MASAMPULAN kita!"

Inis kong sabi ko sabay pausog pa sa kanya papalapit sakin.

"Ang VIOLENT mo naman di ba pedeng kiss nalang?" He again uttered.

Agad akong napakuyom ng palad, ginagago talaga ako ng pesting to.

I grin wickedly. "It depends ano bang gusto mo? Lips to fist? Foot to lips or e-Kiss ang wall? O gusto mo yong tatlo? Galante ako ngayon. Pagbibigyan kita" I asked sacrastically.

Tumawa muna siya bago ako sinagot.

"Ang sweet mo naman!" He tease.

"Ah talaga? Ang sweet ko no? Sa sobra kong kasweetan gusto kitang saksakin ngayon!" Sabay umang ko sa kanya ng tinidor.

Pag ang kurimaw nato ang kasama ko gumagana talaga ang BITCHYMETER ko, nakakaembyerna!

"Oyy..tama nayan. Masyado kayong hot!" Pigil samin ni Uelane.

Masama pa rin ang tingin ko sa abnoy nato. Nakakawalang gana!

"Oy Babe! Pakilala mo naman ako sa kanila!" Aba't SINUGO pa ako!

BABE-BIN KO MUKHA MO EH! "Mga bakla si Doraemon! Siya si Pickachu (Uelane) at Bulbasor (Jhen)." Pabalang at walang kwenta kong pakilala.

Ang sama ko ba? Wala ako sa mood ipakilala sa may tililing nato ang mga friends ko. Mahawa pa sa kanya! I saw a mischievous glow in his eyes. DAMN!

"Babe. Kung. Ayaw. Mong. Makilala. Ko. Ang. Mga. Friends. Mo—" he grinned wide kaya nairita ako lalo.

"WHAT?!" Nakakainis kailangan may emphazis?

"Sabihin mo lang. Hindi ko kasi alam na possesive ka! Dont worry Im all yours." then he winked at me.

Watdapak! Ang lakas ng self confidence Dude, ting!

"Fil-am ka ba?" Out of nowhere na tanong ko.

His eyes suddenly filled with amusement. "Woah si Quantom Bumabanat! NAKS Ok sige....gegeh bakit??"

I flashed him my fake smirked."KASI HALF-FEELINGIRO AT HALF-AMBISYOSO KA!"

Sinigaw ko talaga para damang dama niya! Banat? BANATAN kita eh!

"BOOM BASAG!" Sabay tawa ni Jhen at Uelane. Mabuti talaga nandito sila may back up ako.

Oh ano? Pahiya ka? Dude, I told yah. Wag ako!

Nag smirked lang siya sakin ang sarap sanang mag middle finger sa kanya. Pero wag nalang sayang sa ginto kong oras. Hindi siya worthy!

"Oh ano? Speechless?" I asked in my very bitchy voice...

"Yeah. Damn! your good!" Nakangisi niyang sagot

"Of course. 'Cause payback is bitch!" At iniwan ko na ang kulugong yon. May pasok pa kaming 2:30 kailangan na naming bumalik. Bweshit di tuloy ako nakakain maayos!

"Hoy geh hintay grabe naman to makapang iwan para walang kasama ah!"

"Oh nandito pala kayo?" Wala na kasi ako sa mood nakalimutan ko tuloy sila.

"Oo bakla ka! Nakakita kalang ng Gwapo nag ka alziemers kana!" Uelane na nakangisi.

"Gago! Isa siyang empakto! Gwapo! Tadyakan ko kayo eh!"

Pero embis matakot. Natawa pa talaga sila habang nakattig sa asar kong mukha. "Grabe bes! Ganyan ka mag selos? Dont Worry iyong iyo sya. Di kami makikihati! Huwag kang ma-highblood dyan. Mastroke ka!"

Bwesit tong dalawang to nang asar pa! Bahala na nga kayo diyan. Iniwan ko silang tawa ng tawa. Mga BALIW!!!

Sana talaga wag ng magtagpo ang landas namin ni DORAEMON na yan baka ipasak ko na sya sa bunganga ni Madjimboo sa sobrang ASAR!

____

Dreivan's Punto de vista.

Naiwan akong nakangisi dito sa table namin ni Xeirin. That girl is something. Simula nong first met namin, ang taray taray niya.

Ibang klase! Hindi siya naaakit sa over macho at poging kong mukha.

Nang una ko syang nakita don sa OSA office meron talagang kakaiba sa kanya. The way she looks at me that time. Glaring at me like she wants me to be dead at that moment.

At natatawa pa rin ako pag naalala ko yong time na kinuha ko yong bag ko na nasa likuran niya...

Para siyang kinakabahan na ewan.

Hahaha! Kaya everytime na nakakasalubong ko sya sa school I always wanted to tease her, to make fun of her.

She really has a temper that no one should cross. At nachachallenge ako lalo sa kanya. Para siyang tigreng gala. Sabi nga ng mga mates ko na nakikita sa mga pangbwe-bwesit ko sa kanya.

She's beautiful and wild — ang corny no? Pwee! Walang beautiful sa babaeng yon. Horrible puwede pa.

Natawa nalang ako, sheet ang lupet talaga ng banat nya kanina.

Bwesit yun, payback is bitch, indeed. A creepy smirked broke into my lips as I imagine her flushed face. Ohoh this is so bad!

Fin...

-Clxg_drgn

A/N:how was it? Should I continue?