CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

__________________________________________________________________

Kib POV

Hiiii everything. Hehe. My name is Kib Renouvette, 17, ang pinaka gwapo sa NXK-AS HAHAHA. Ako din daw ang maloko samin sabi ni Xav, alam ko sinisiraan niya ako sa inyo. Wag kayong nagpapaniwala kay Xavier dahil sira'ulo nun' hahaha.

Speaking of Xavier, kanina pa to tulala e, tapos pangiti-ngiti pa ang loko. Nakakapangilabot amp.

Nakakapag taka e, ka aga-aga ngiting ngiti ito, at himala ring pumasok ng maaga at hindi kasabay si Athan na late na naman pumasok.

Siniko ko si Axielle at ininguso si Xav, nagkatinginan kaming dalawa tila nagtatalo kung sino ang unang mang aasar kay Xav. Pero dahil gwapo ako, si Axielle ang magtatanong haha..

"Brad!! " sigaw ni Axielle malapit sa tainga ni Xav, gulat na gulat naman ang loko kaya hagalpak ako sa tawa.

"Gague ka Axielle! Ikaw din Kib, sira'ulo niyo. " sabi niya, kaya tumawa na naman ako.

"Brad, kung may sira'ulo dito ,ikaw yun. Kanina ka pa tulala diyan at parang tangang nakangiti sa kawalan. Haha. Yung totoo brad? Umamin ka na samin. " sabi ko na may pakindat-kindat pa.

"A-anong aaminin ko sa inyo? " natawa ko dahil nauutal pa siya habang sinasabi ang mga katagang yan.

"Brad, sabihin mo na. Wag ka mag alala tanggap ka pa rin namin. " sabi naman ni Axielle na pinipigilan din ang pag tawa.

"Ano bang sasabihin ko? " tanong niya ulit sa amin. Hahaha! Ang sarap talaga lokohin nito e, paniwalang paniwala HAHAHA.

"Brad, umamin ka na halata ka na namin eh. " sabi ni Axielle. "Oo nga brad, sabihin mo nang bakla ka, tanggap ka naman namin eh HAHAHA.. " sigunda ko sabay tawa ng malakas.

*TOINK*

"ARAYYY!! " reklamo ko nang batukan ako ng malakas ni Xav.

"Ang gagag* niyo! Hindi ako bading. Tang'na kayo. Ang aga-aga mga sabog na kayong dalawa, hindi niyo pa ata iniinom ang mga gamot niyo at nagkaka ganyan kayo. "  inis na sabi niya kaya mas lalo kaming natawa HAHAHA.. Tae ang epic nito.

Pati si Seb ay nakikitawa na rin dahil sa epic na reaksyon ni Xav.

"Pero brad, seryoso anong nakain mo at parang good mood ka ata? " tanong ko sa kaniya.

"Wala brad HAHAHA... Maganda lang talaga gising ko haha.. " sabi niya na ngumingiti na naman at may pailing pa na tila may naaalala. Hmm.. I smell something spicy hahaha..

"Hmm.. Wala to, naglilihim na ang isang to sa tropa. " sabi ko ulit, tawa na lang ang isinagot niya sakin. Sinenyasan ko si Seb na tanungin si Xav, siya naman ang magaling pag dating sa ganiyan.

"Xav, bakit ang aga mo ata pumasok ngayon? " tanong ni Seb. Tinaasan naman siya ng kilay ni Xav. "Bawal na ba akong pumasok ng maaga? "  tanong niya at tinignan kaming tatlo ,napailing lang si Seb at ako naman ay tumango tango, pagsang ayon ko sa sinabi niya haha.

Babatuhin na niya dapat ako ng mag salita si Axielle.

"Hindi naman sa gano'n brad, kasi nasanay na kami na lagi mong kasabay si Nathaniel, nakakapanibago lang haha. " yeah that's my friend, tumingin sakin si Axielle na may I-just-save-your-life-motherfucker-look.

Dumating na ang lecturer kaya natigil ang asaran namin. Nag si-ayusan naman ang lahat. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ang lecturer na isang studyante. Katam-taman lang ang tangkad, hindi kaputian, hindi din ganon' kaganda mukhang nerd dahil sa makapal na salamin at higit sa lahat hindi ganon'  ka-sexy.

"Good morning class, btw you have your new classmate, she's from the other class and got transferred here because she don't belong to that section. You may introduce yourself hija. "  pahayag ni Miss Eulla.

Napatingin ako kay Xav ng mahina itong napamura.

"Brad, okay ka lang? " bulong na tanong ko sa kaniya, tumango lang siya at nakatitig din sa studyante habang naka ngiti na naman ng nakakaloko, kung pano yung ngiti niya kanina, ganun siya ngayon. Tsk! Nauna na atang nasiraan ng ulo ito kaysa sa akin hahaha.

"U-uhm.. H-hi.. " nabalik ang atensiyon ko sa babae nung mag salita siya. "My n-name is Xhai–" naputol ang sasabihin niya nung biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang hingal na hingal na Nathaniel  Villafuente.

"Mr. Villafuente, how many times do I have to told you na ayaw kong may nale-late sa klase ko? " masungit na tanong ni Miss Eulla. Nakatingin na sa kaniya ngayon lahat ng classmate namin.

"This would be the last time na male-late ka sa klase ko Mr. Villafuente. Understand? " tanong muli ni Miss Eulla. Agad namang tumango si Athan.

"Good, you may go to your seat. Continue your introduction hija. " sabi ni miss at bumaling na ulit sa bagong classmate namin.

Naupo naman na sa tabi ko si Athan, siniko niya ako kaya napatingin ako sa kanya, inginuso niya yung babae. "Sino yan? " tanong niya sakin na naka nguso pa rin dun sa babae. "Transferree daw galing sa kabilang section. " sagot ko na lamang at ibinalik na sa harap ang tingin dahil nagpapakilala ulit yung babae.

"A-ahm. M-my n-name is Xhailla Andrea Vizcon, I'm 16,you  can call me Drea, t-that's all. " pangkatapos magpakilala ay yumuko na ito.

"Good, good. You can take your sit beside to Mr. Villafuen–"  hindi natapos ni Miss ang sasabihin dahil ito na naman si Xav at sumisigaw na naman.

"WAIT! MISS!? " sigaw ni Xav. Tss. May sapak na sa ulo tong kaibigan namin HAHAHA. nasa harapan ko siya kaya dii ko makita ang expresyon ng mukha niya.

"Do you have a problem,  mr. Dela cruz? " tanong ni Miss. "N-nothing M-miss, I'm sorry for shouting. " sagot ni Xav. Haha sabi sa inyo e,  may sira na ulo niyan.

"As I was sayin' before Mr. Dela cruz interupt me, you can take your seat now hija. " sabi niya at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ni Athan.

Nag lakad naman itong Xhaira ba ang pangalan, papunta dito sa puwesto namin. Nakayuko lang siya habang naglalakad, tumigil siya mismo sa tapat ni Athan at tinignan ito deretso sa mata.

Ganu'n din ang ginawa ni Athan nakatitig lang din siya sa babaeng nasaharapan niya. Nag pabalik balik ang pagtingin ko sa kanilang dalawa ng biglang tumingin sa akin ang babae at ngumiti.

Bigla akong napatulala dahil sa ngiting yun', hindi totalling ngiti ang ibinigay niya pero napaka-ganda nito. Nakakapang tulala. Napailing iling ako sa naisip. Tsk. Tsk. Wag papadala Kib.

Umupo na ang babae, at nagsimula naman ng mag turo si Miss.  Eulla.

Xavier POV

Kanina pa nagtuturo si Miss Eulla sa harapan pero hindi ko magawang makapakinig dahil pinapakiramdaman ko Si Andrea sa likuran ko, hindi kasi ako makapaniwala na magiging magkaklase na kami, parang kahapon lang nung makita ko siya at makilala. Hindi ko talaga inaasahang makikita ko siya ngayon, pero kita niyo nga naman mukhang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkasama kaming dalawa haha. Ang kapal lang ng mukha ko e, pero okay lang gwapo naman haha.

Natapos ang klase ni Miss Eulla ng walang pumasok sa isip ko na kahit anong naging lecture ngayong araw.

Nag iingay na ang mga classmate ko pati ang barkada pero ito ako ngayon hindi pa rin makagalaw at makalingon para tignan si Andrea.

"Hi my name is Kib Renouvette. " dinig kong pakilala ni Kib kaya mabilis akong napalingon, tumawa naman si Seb at umiling. Tss..

Tinignan ko si Kib ng masama, sabay tingin kay Andrea. Unti-unti niyang inabot ang kamay ni Kib at nakipag shake hands. "I'm Andrea,Drea na lang for short. " sabi niya na may ngiti sa labi, napatulala na naman ako sa ngiti niyang yun. Napaka-ganda talaga.

"Ehem.!! " tumikhim si Kib kaya napakurap kurap ako. "Nga pala Drea ito si, Seb ang pinakamatanda dito sa'tin" turo niya kay Seb.

"Hi! Andrea. " sabi ni Seb at nakipag shake hands kay Andrea.

"Ako naman si Axielle John, AJ for short. " pakilala naman ni Axielle "Nice to meet you Andrea, btw your smile is really beautiful. " dagdag pa ni Axielle habang nakangiti ng malapad.

"T-thank you. " tipid na sagot ni Andrea at tsaka yumuko na parang nahihiya. CUTE.

"Walang balak mag pakilala itong dalawa ,nga pala Drea ito si Nathaniel –" turo niya kay Athan, ngumiti si Andrea sa kaniya pero tinanguan lang siya ni Athan. Tss."hayaan mo na yan Drea si Athan, ganiyan talaga yan haha, lastly ito si Xavier. " turo sa akin ni Kib.

"Kilala ko na siya. " maikling sagot ni Andrea na ikinagulat nung tatlo syempre except kay Athan, walang pakialam yan sa mundo.

"Pano mo siya nakilala Drea? " tanong ni Axielle

"A-ahm.. Kahapon kasi nakasabay ko siya sa paglabas ng building, at sinamahan din niya ako maghintay para sa sundo ko,kaya kilala ko na siya.. Kaya lang.. Akala ko Xander pangalan niya, Xavier pala hehe... " sabi niya at napayuko dahil nahihiya sa huling sinabi, ang CUTE niya talaga pag nahihiya haha.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko dahil dun sa epic na pangalang akala ni Andrea sa akin. 

Dumating na ang sunod na lecturer at nakinig na kaming lahat. Mabilis lumipas ang oras at lunch time na, aayain ko sana si Andrea na sumabay mag lunch pero naunahan ako ni Kib magsalita.

"Drea, sabay ka na sa'min mag lunch, if ever na wala lang kasabay!? " pahayag niya.

"No, thank you but–I h-have something else to do before I eat lunch. " sagot niya kay kib at ipinagpatuloy niya ang pag aayos ng mga gamit niya.

Aalis na dapat si Andrea nang magsalita si Athan.

"You will eat lunch first before you go to that something you'll do, I'm sure it can wait. Let's go. "  sabi niya kay Andrea sa natural na boses at hinila na lang bigla si Andrea palabas ng room.

Nagkatinginan kaming lahat habang yung mga girls ay napa-gasp dahil ngayon lang nangyari ito. Dali-dali akong sumunod dun sa dalawa dahil baka kung ano ang gawin ni Nathaniel kay Andrea.

Narinig ko pang tinatawag ako nung dalawang loko si Kib at Axielle, hindi ko na sila pinansin at nag tuloy sa Cafeteria. Agad kong hinanap sila Athan pero hindi ko makita, wala dun sa table na nakalaan sa barkada.

"Oh!  Asan sila? " biglang tanong ni Axielle nung makarating sila. Nag kibit balikat lang ako at dumeretso na para bumili ng makakain.

Bumalik na ako dala-dala ang tray ko nang mapansin kong papasok na si Athan sa Cafeteria pero hindi niya kasunod si Andrea. Huminto siya mismo sa puwesto namin.

"Brad, asan si Drea? Akala ko sasabay siya sa atin? " naunahan akong mag salita ni Axielle. Tss lagi na lang ako nauunahan ng mga kupal na to.

Tinignan ko si Athan at hinintay ang magiging sagot niya.

Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.

"She was called off one of her proffesor at the faculty room. " malamig na sabi ni Athan at umorder na rin ng makakain.

Natapos ang lunch ng hindi nagpakita si Andrea sa Cafeteria. Excuse din siya sa mga sumunod na subject dahil urgent daw ang pinapa-asikaso sa kaniya dun sa school paper, yung mismong school president mismo ang nag hatid ng excuse letter niya.

Uwian na at naisipan kong dumaan dun sa kwarto kung saan ko unang nakita si Andrea kahapon. Papalapit pa lang ako may naririnig n akong kanta kaya nagmadali aking mag lakad, nagbakasakaling sumasayaw na naman si Andrea.

Pagsilip ko sa bintana maraming tao ang nasa loob, may malaki ring salamin sa harapan. Hinanap ko si Andrea sa mga taong naroon pero hindi ko siya nakita.

Lumabas na ako ng building at pumunta sa parking lot. Nakita ko si Athan na naka sandal sa kotse niya at pinalilibutan ng mga babaeng studyante.

Lumpalit ako sa kanya.

"Brad, bakit hindi ka pa umuuwi? " tanong ko nung makalapit sa kaniya.

"May hinihintay lang ako, ikaw bakit di' ka pa umuuwi? " sabi niya at sumulyap lang sa akin at ibinalik ang titig sa kawalan. Hindi ko talaga maintindihan to minsan e.

"Sino hinihintay mo? New girl, brad? " asar ko sa kaniya. Umiling lang siya at ngumisi. Tss.

"Gege brad, una na ko sayo. " tinapik ko ang balikat niya at sumakay na sa kotse ko. Binuhay ko ang makina, aalis na dakin. ako nang makita ko si Andrea na kalalabas lang ng Main building.

Pinatay ko muna ulit ang makina at lumabas para salubungin siya.

"Hi Andrea! " bati ko sa kaniya nung makalapit ako. Nginitian naman niya ako.

"H-hello Xa–" naputol ang pagbati niya sa akin ng tumunog yung cellphone niya. Pinagmasdan ko siyang sagutin ang telepono.

"H-hello po? –ah g-ganon po ba? Sige po mag tataxi na lang po ako. " nakatitig lang ako sa kaniya habang kinakausap ang nasa telepono. Napakurap ako ng tumingin siya sa akin.

Walang susundo sa kaniya, kaya mag tataxi siya. May pumasok naman na ideya sa isip ko. Hahaha! 

"Ahm do you mind? Walang mag susundo sayo?  " tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya, malalakad na sana siya ng pigilan ko siya.

"Ako na lang ang maghahatid sayo, if okay lang naman. Delikado kase pagnag taxi ka, mag isa ka pa naman. " mabilis na sabi ko, napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"N-nakakahiya n-naman, m-mag tataxi n-na l-lang ako.. " nahihiyang sabi niya habang nakayuko. Napa-ngiti naman ako sa kinikilos niya, ang cute niya kasi e. Ayuko sa mga mahiyain pero pagdating sa kaniya natutuwa ako.

"Wag ka na mahiya sakin, magkaibigan naman na tayo diba? " sabi ko na naka ngiti parin, tumango naman siya. YES!

"Lika na Drea, baka gabihin tayo. " aya ko sa kaniya at inalalayan papunta sa kotse ko. Nakita namin si Athan na naka tingin sa akin, walang emosyon yung mga mata niya. Dumapo yung tingin niya kay Andrea, napayuko na naman si Andrea sa ginawang pagtingin sa kaniya ni Athan.

"Brad, una na kami, ihahatid ko din kase si Andrea. Wala yung sundo niya e. " sabi ko kay Athan para malipat sa akin ang tingin niya. Tumango siya bilang pagsagot.

Inalalayan ko si Andrea para makapasok sa passenger seat bago umikot sa driver seat, tinapik ko muna yung balikat ni Athan hudyat para sa pag alis ko.

Pinaandar ko na yung sasakyan.

Nathaniel POV

Umayos ako ng tayo nang makita ko na si Andrea na lumabas sa main building. Yes, siya ang hinihintay ko. Why? Napag-utusan lang ako.

~Flashback~

Palabas na ako sa room ng mag vibrate ang cellphone ko.

~Mom Calling~

I answered the call.

"Hello, mom? "

"Nathaniel, can you do me a favour? " sabi ni Mommy sa kabilang linya.

"What is it this time mom? " tanong ko, hindi ito ang unang beses na humingi ng pabor ang Nanay ko. Tsk!

"Anak this is simple, you just need to fetch someone. "

"Why me mom? Wala ba silang driver? " iritang tanong ko.

"Hindi makakarating yung parents niya dahil nasa meeting pa kami, her parents is our bussiness partner, and beside she's your schoolmate. That's why i asking you this, son. " mahabang sabi niya.

"Who is this someone mom? " tanong ko.

"Her name is...Ahm mrs. Vizcon, what is your daughter named again? –Xhailla Andrea. – ah son, her name is Xhailla, do you know her? " balik na kausap niya sakin.

Yung nerd na Bettina na yun ang susunduin ko? Tss.. Kung mamalasin ka nga naman.

"Yes, mom. She's my classmate. " maikling sagot ko.

"Oh! That's good then, son. I'll just send to your bank account you're prize hijo. Bye bab–" hindi ko na tinapos ang sasabihin ni mommy at in-end na ang call.

~End of flashback~

That's why I'm here, waiting for that girl Nerd Bettina. Nakita ko na siyang papalapit dito kaso biglang humarang si Xavier sa dadaanan niya kaya napatigil ito sa paglalakad.

Akala ko ba aalis na ang lokong to? anong ginagawa niya diyan at kinakausap ang nerd na Bettinang yan? Masiyadong malayo pa sila sa puwesto ko kaya hindi ko ganun marinig ang pinauusapan nila.

Kinuha naman ni Nerd na Bettina yung cellphone niya.  'Hinihingi ba ni Xavier ang number niya? ' ,tanong ko sa sarili ko pero mali pala ako dahil may tumawag sa kaniya at singot lang ang telepono.

Maya-maya lang ay ibinababa' na niya ito at nakipag usap na naman kay Xav. 'Ano ba ang sinasabi nito ni Xavier dito kay nerd na Bettina? ' tss. Ano bang pakialam ko? Tsk!

Lalapit na sana ako sa kanila, nang makita kong maglakad si Nerd na Bettina palapit dito sa puwesto ko, kaya hindi na ko tumuloy lumapit dahil sinabayan na siya ni Xav sa paglalakad.

Tinignan ko lang sila habang papalapit dito, nalipat ang paningin ko dito kay nerd na Bettina. Tinitigan ko lang siya, bigla na lang napayuko si nerd na Bettina, nailang ata sa titig ko.

"Brad, una na kami, ihahatid ko din kase si Andrea. Wala yung sundo niya e. " napabalikwas ako ng tingin nung mag salita si Xavier.

'anong walang sundo pinagsasabi nito? Ako ang sundo niyan, brad. ' gusto ko man sabihin yan ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Tinanguan ko na lang siya bilang pag sagot.

Tinignan ko siya inaalalayan niya si nerd na Bettina papasok na sasakyan. Tss, bakit nakaramdam ako ng inis? Tch! Pabor pa nga sakin yang paghatid ni Xavier kay nerd. Naramdaman kong tinapik ni Xav yung balikat ko bago sumakay sa kotse niya at pinaandar paalis.

Nung matanaw kong  malayo na sila ay sumakay na rin ako at pinaandar papaalis ang sasakyan ko.

Hindi ko namalayan na sumusunod na pala ako sa kotse ni Xav, pumasok ito sa subdivision namin. Tignan mo nga naman parehas pa kami ng subdivision, nalagpasan na nila ang daan papunta sa bahay namin.

Nag-aalangan man ay sinundan ko pa rin sila, but I make sure na hindi nila ko mapapansing nakasunod. Tumigil ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking bahay.

Akalain niyong napakayaman pala nitong nerd na Bettina na to. Malaki lang ng kaunti ang bahay nila kaysa sa amin. Itinigil ko ang sasakyan ko sa may isang iskenita para pag nag u-turn si Xav ay hindi niya ko makikita.

Lumabas ako ng sasakyan at sumilip. Nakita kong pinagbubuksan ni Xav si nerd na Bettina ng pintuan ng sasakyan.

Nag-uusap na naman silang dalawa, hindi ko marinig pero parang tuwang tuwa ang lokong Xav sa sinabi ni nerd na Bettina. Tch!

'Ano bang ginagawa ko dito? ' naiinis na tanong ko sa sarili ko, dahil mukha akong tangang nagtatago habang nakatanaw sa kanilang dalawa.

Tch! Ginagawa ko lang naman to dahil sa favour ni Mom sa akin, ayun lang yon. Tss. Wag ka na mag isip pa ng kung ano-ano.

Nakita kong pumasok na si Bettina sa gate nila, at si Xav naman ay papalapit na sa kotse niya at sumakay. Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ko at nagtago sa loob ng sasakyan ko.

Dumaan na ang sasakyan ni Xavier kaya binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan ko at umuwi na sa bahay.

Xhailla Andrea POV

Pakababa ko nang sasakyan ni Xavier ay nagpaalam na ako sa kaniya.

"T-thank you Xavier sa paghatid, n-naabala ka pa tuloy. " sabi ko sa kaniya, nginitian naman niya ako at natawa.

"Okay lang yun Drea haha, enjoy nga akong kasama ka e hahaha.. " sabi niya kaya napangiti din ako sa kaniya. Napaka bait talaga nito ni Xavier e, kakikilala pa lang namin pero ang gaan na agad ng loob ko sa kaniya.

"Sige na Andrea, pasok ka na gumagabi na oh!. "

Tumango naman ako sa kaniya at naglakad papasok ng bahay namin bago ko isara ang gate ay kumaway at ngumiti ako sa kaniya.

Pumasok na ako sa bahay at sinalubong ng mga maid.

"Good evening Miss Andrea. " bati nung isang maid sa akin, nginitian ko na lang silang lahat bago nagpatuloy sa loob ng kwarto ko.

Sobra akong napagod ngayong araw dahil sa mga inasikaso ko sa school papers. Hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako.

To be continue...

__________________________________________________________________