Nathalia Dawn Cuellar
(Nathalia POV)
Isang magandang mukha ang bumugad at nagpaganda sa araw ko ngayon, syempre sarili ko lang naman ang tinutukoy ko sino pa ba?. Well,alam ko namang ang sarili ko lang ang magpapaganda ng araw ko kaso halos 18 years narin walang mintis ang nagpapapangit ng araw ko at iyon ang pamilya ko. Hmmm ewan ko lang kung bakit ganun ang trato nila sa'kin yun bang parang 'I belong to the zoo' ang peg. Isang mahirap lang na pamilya ang kinalakihan ko pero hindi sapat ang rason na iyon para mapariwa ang isang kigwa na tulad ko. Maraming kabataan ngayon yung akala mo wala ng magulang dumidisplay nalang kung saan saan,minsan pa nga ay nagiging batang ina,buti nalang talaga na may mga taong nage-effort mag- advice na kung ano ang dapat at hindi.
"Nathalia!" Halos sunod sunod na padabog na katok ang nagpagising sa diwa ko dahil kanina pa ko gising ngunit tulog pa talaga ang diwa ko.Si mama 'yon. Halos araw araw ganyan yan siya nasanay na rin ako at mas nauuna pang gumising ng konti para ready ako sa ratratan na magaganap between me and my mom kasi for sure sangkatutak na sermon ang matatanggap ko kahit wala akong ginagawang masama.
'Bakit ganyan kayo sa'kin..'
"Po.." halos patakbo kong tinakbo ang pinto at binuksan ito.Isang masasamang tingin ang bumugad agad sa'kin at syempre dahil sanay na ako ay hinayaan ko na,tumungo nalang ako dahil paniguradong pagsasabihan ako nun kung hindi.
"Abay anong oras na? Ah...dalian mo sa mga walang kwentang ginagawa mo dyan at maghugas ka na ng mga plato at maglaba!" Sigaw nito sa'kin,agad akong nagtaas ng tingin at naalala kong enrollment ko ngayon sa School na papasukan ko. Kahit na gusto kong gawin nalang iyon pagbalik ko nalang galing sa papasukan kong school ay hindi pwede dahil tetrengkahan na naman ako ng salita.
'Hayyy..'
"Ma.." tawag ko dito nang tumalikod ito sa'kin. "Ano?!" sigaw nito,napahinto tuloy ako saglit parang ayaw ko na tuloy sabihin na ngayon ang enrollment at kung maglalaba pa ko mamaya baka hindi na ako makaabot sa pagpapalista. Ahh basta bahala na baka dapuan kahit konting bait si mama at payagan ako.
"Ahmm Ma.. pwede po bang pagbalik ko nalang po galing sa school..kasi po enrollment po ngayon baka hindi po ako... makaabot kung tatapusin ko yung labahin ngayon" sa wakas kahit natatakot ay nagawa kong maisatinig ang nasa isip ko,Wahhh isang malaking accomplishment iyon,unang beses ito kaya kinabahan ako.
"Hindi!" pasigaw nitong sagot,halos manlumo ako dahil sa sagot ni mama,hayyss nakalimutan ko mag-cross finger,ayan tuloy hindi umubra."Hindi ka aalis nang hindi mo natatapos ang labahin! Ano ka Prinsesa?..Hindi ang sagot kaya bilisan mo kung gusto mo umabot hindi yung lalandi landi ka dyan!" palahaw nito halos hindi ko na maintindihan dahil panong paglalandi ang pagtulog?,paano naging Prinsesa ang pagpapaalam?.
Agad akong lumabas ng kwarto at nakitang nakaupo ng nakapandekwatro ang panganay na kapatid kong si Seighra habang hawak hawak ang cellphone nya.
"Oh ano tinitingin mo Taliya? Sundin mo na ang inuutos ni mama kung gusto mong makapag-enroll ka sa Dream School of yours..." Sinabi niya yon na nagi-imagine pero agad din nagsalita." pero for sure hindi ka matatanggap dun dahil isa ka lang hampaslupa" tatawang saad nito na at tumunghay ulit sa cellphone.
'Parang sya hindi hampaslupa,Kung hampaslupa ako ano tawag sa kapatid ng hampaslupa?Prinsesa?syempre hindi no!,hampaslupa din.'
Hindi na ako nagsalita at dumiretso sa kusina,hindi na rin ako nagulat kung tapos na sila kumain dahil wala atang pagkakataon na nakasabay ko silang kumain halos Wala na akong madatnan na taong kumakain sa hapag kainan kapag ako na ang kakain pulos platong pinagkainan nalang ang natira. Kumain ako ng mabilis para magawa lahat ng iniutos ni mama dahil ayokong mawala ang pagkakataon ko na makapasok sa paaralang matagal ko ng pinaghahandaan.
Tinapos ko na ang paghuhugas ng pinggan at nagsimula ng maglaba 7:30 ng umaga na kaya halos kuskos dito kuskos doon ang ginawa ko para matapos lang,marami rami iyon kaya pabagsak kong itinapon ang katawan ko sa higaan.Nakakapagod,10:35 am palang kaya naisipan kong maidlip muna kahit ilang minuto dahil 12:00 pm pa ang enrollment.
Kringgg..
Kringgg..
"Hello?"nakapikit kong sinagot ang taong nasa kabilang linya."Hi Taliya,anong oras ka pupunta sa school?" Napabalikwas ako ng wala sa oras at tinignan ang wall clock na na nakadikit sa taas ng pintuan ko,buti at 20 minutes lang ang nagugol ko sa pagtulog. Salamat din at tumawag din si Rhiana.
"Ahhh ..ehhh maliligo palang ako Yana wait mo ko ha sabay na tayo mag-enroll hehe"saad ko at nilagay sa pagitan ng balikat at leeg ang cellphone tsaka dumiretso sa drawer ko para kumuha ng damit. "Hahaha sige, naku pinagod ka na naman siguro ng mama mo kaya nakatulog ka no?" Naniniguradong tanong niya,sya lang halos ang sobrang naging close ko dahil kahit mga kapatid ko iwas na iwas sa'kin.
"Ahhh Hindi naman,sakto lang medyo marami lang hehe..sige na maliligo na ako bye!"pagputol ko sa usapan namin dahil chi-chikahin ako nun kung hindi ko pa ibababa.Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo after 10 minutes ay nakapagayos na ako at sinuot ko na ang sling bag kong binili ko pa nung first year high school pa ako,sobrang tibay nun sulit ang binayad ko.Masyado akong gipit kaya mas okay na yung kahit sa ukay ukay ay magagamit ng matagalan.
Nagsabi nalang ako kay Seighra na magpapaenroll lang ako saglit at sabihin Kay mama at papa iyon,dahil kung hindi ay malilintikan na naman ako.
Magkasama na kami ni Rhiana at tinahak na ang Gate,nagulat kami na hindi pala iisa ang pageenrollment-an namin dahil magkahiwalay ang room ng course ko sa kaniya. Accountancy ang kinuha ko samantalang sya ay pinili niya sa field ng Nursing.
I'm now first year college at Sollician (Solishan) University. Matagal ko ng pinlano na dito mag-aral dahil tunay na maganda dito,magagaling maging ang mga Professor. Maswerte na ko't Kung makakapasok ako dito dahil karamihan sa mga sumusubok na mag-enroll ay minsan pinapalad at minsan naman ay hindi. May mga patakaran daw sila na kailangan sundin at yun mismo yung tutuklasin ko,Isa din iyon sa mga rason kung bakit ako papasok dito. Nung mag-enroll ako ay akala ko ay makikita ko na ang itsura nito sa loob pero hindi dahil tanging enrollment room lang ang bubungad sayo at sa likod nun ang napakalaking pader na halos mas matatas pa sa mas malalaking puno,mukang sinadya talaga ito ng may-ari. Napapaisip tuloy ako sa mga nangyayari sa loob. Ano kaya yung nasa loob?.
'Syempre School!,Ang shunga mo konti Nathalia tsk!'
"Please sign this first miss and...proceed to the bench outside after that we will call you later to discuss the rules and regulation,we will give a personal assistant to discuss that" seryosong ani nito na sinisipat ang buong itsura ko ng kaniyang mga mata. "Next please.." pagmamadali nitong pagpapaalis sakin at tumunghay sa likod ko agad naman akong umalis para pumunta na agad sa sinasabi niyang bench.Masyado syang wierd wag na natin syang pansinin dahil mukang bilog ang buwan.
Tuluyan na akong nakalabas mula sa room na yun at hindi ko malaman kung saang queue ng bench ang tinutukoy niya,sobrang dami ng bench na nakahilera dito kaya hindi ko alam kung saan uupo.
'Kung tumayo nalang kaya ako hanggang sa tawagin ako hayysss bakit ba Hindi mo naisip itanong yon?pero hindi ko din naman alam na ganito kadaming bench ang nandito,sige na nga tatayo nalang ako,sanay naman ako'
"Would you mind to sit there miss?" Tanong nung isang lalaking kinalabit ako,alam ko ng lalaki dahil boses palang ay hulmadong lalaki na.
"Ahhh...saan ba dapat uupo yung mga kukuha ng course ng Accountancy?" Nahihiya kong tugon,napatingin naman ako sakanya dahil binigyan niya ako ng 'Wtf look'
"Pfft..All benches are free miss,you can sit wherever you want" impit syang humagikhik kahit mahina yon ay narinig ko,nainis naman ako dahil tinawanan pa ko nitong kigwa na 'to.
"Ahhh.. sorry,I thought there's assigned chairs for each courses hehehe,thanks for letting me know that" Diretso ngunit nahihiya paring saad ko tsaka diretsong tinalikuran ito at tinahak ang mga benches na katapat ng room na pinasukan ko a while ago.
Habang nagiintay ay pinagmamasdan ko ang isang malaking pader na nasa likod ng mga enrollment room na yun,Anong tinatago mong lihim?,Bakit ganito ang mga patakaran dito?.Just wait and see i'll find it myself,I will going to find out what unseen identity of you,full of over covered mystery huh?.Nakakaexcite ang malaman Kung ano nga ba ang itsura ng School sa loob,may nabalitaan akong lahat ng matapos dito ay sobrang matatanyag na tao na ngayon.Walang mintis iyon every year nagche-check ako ng mga profiles ng mga gumraduate doon and it seems very suspicious,I find it wierd that all people whose graduated here was belonged to the Group named 'Bladderwort'
Kagaya ng sinabi ng babae dun sa room may nagassist nga sa'kin sinabi niya ang bawat detalye ng rules and regulations.May mga tanong pa din na Hindi nasagot sa isip ko kaya hindi ako kontento sa mga sinabi niya.
"By the way after a week we will call you if you are qualified to enter the school,sorry in advance if hindi ka makakapasok,you know for sure that only selected students are allowed to enter this School" agad na namutawi ang lungkot sa mukha ko dahil hindi ko alam kung bakit nga ba pili lang ang makakapasok sa school na ito gayong School sya diba?so I guess it's for All,lahat ng studyante ay para sa eskwelahan,Ang eskwelahan ay para sa mga studyanteng gustong matuto at mag-aral pero bakit pili lang?.
"May I ask a question?"gusto kong malaman kung ano nga ba ang itsura ng loob nung pader na yon dahil mismong gate non papunta sa loob ay wala kang masisilip na kahit anong bagay,tatanungin ko sya kung sino yung may-ari nitong prestigious school na 'to .Secured ang gate,isang malaking metal gate na may disenyong trap sa gitna,na-curious tuloy ako.
'Mukang preso Ang datingan namin dito ah?,pero hindi ako papatinag kailangan kong makapasok dito..'
"Go ahead,what is it?" tumunghay sya sa'kin nang naka-ngiti."Hmm may I know who's the owner of Sollician University?" Nahihimigan ang kuryosidad sa mga salita ko ngunit ngumiti lang ito pabalik at inayos ang papel sa table."We don't have right and are not allowed to tell you the name of the owner unless you are full-fledged Sollicians" naging seryoso ito tumayo na,naging mabilis lang ang pamamaalam niya at ako ito,nagsimula ng maglakad papalabas ng enrollment site.
Meow!..
Meow!..
Tinignan ko ang cellphone ko na medyo luma na second hand kasi galing pa sa ate ko,ringtone ko yun kapag may nag-message.
From:Mama
Nathalia umuwi ka ng maaga dahil may sasabihin akong importante,'wag mo ng subukan mag lakwatsa dahil malilintikan ka sa'kin,alam ko naman na lalandi kalang!
Kailan ba sya titigil sa kakasabing naglalandi ako?,ni wala nga akong boyfriend dahil pagagalitan nila ako. Ang maglandi pa kaya?takot ko sa kanila naku! baka makalbo ako ng wala sa oras.Nakakasakit na yung mga words ni mama hayyss hayaan na nga.
Hindi ko na nakasabay si Rhiana dahil nagtext na ako na mauuna akong umuwi dahil tumawag na si mama dahil may sasabihin daw sya ,akala niya siguro hindi ko nabasa Yung tinext niya kanina .Habang nasa daan ay Hindi maalis sa isip ko Kung ano yung sasabihin ni mama bihira syang mgsabi na may sasabihin sya,pero mukang importante itong saasabihin niya. 2:30 pm na ako nakauwi at diretsong pumasok sa kwarto tsaka nagbihis.Wala akong nadatnan sa bahay akala ko pa naman ay hihintayin ako ni mama dahil nga may sasabihin sya pero sa halip na hanapin sila ay natulog nalang ako dahil buong katawan ko ay kumikirot dahil sa pagod,pano ba'y nilakad ko lang mula school papunta sa bahay,syempre tipid tipid tayo mga besh hindi naman pinupulot ang pera.
To be continued..