(Nathalia POV)
"Nathalia!.." halos padabog na katok ni mama,maya-maya pa ay narinig kong bumukas yung pinto.Nakapikit parin ako nagbabaka sakaling isang panaginip na galit na ginigising ako ni mama."Nathalia..gumising ka at may sasabihin ako.."marahan niya akong niyug-yog at tinapik tapik,napamulat ako nang maalala ang gustong sabihin ni mama kanina kaso walang tao kanina dito sa bahay mukang nakichismis sila sa kapit bahay.Halos maga-alas dies imedya ng gabi palang ngayon.Sobrang pagmamadali ah? parang sobra 'ding importante.Nagkusot pa 'ko sandali ng mata at tumungin kay mama,makikitang excited sya dahil nakangiti sya.
'Pero nacu-curios ako dahil halos sila Seighra at Shaina ay wala dito kanina,pero wala akong maisip na dahilan para mawala yun dalawang 'yon dito sa bahay dahil ayaw nilang maarawan sa umaga at ayaw makasagap ng anumang radiation sa gabi,mga maaarte in short'
Dali dali akong bumangon at saglit na naghilamos sa maliit na banyo sa loob ng kwarto ko."Ano po ba iyon ma?" Pagkatapos ko maghilamos ay humiga ulit ako sa higaan dahil nandoon pa rin si mama.Mahihimigan ang kuryosidad sa tono ko ngunit nagulat ako nang ngumiti ito sa'kin,ngumiti din ako pabalik upang maging tugon ko.Saglit akong napahinto ngunit nabalik agad sa ulirat at matamang tinitignan ang mukha ni Mama.
Tumayo ulit ako para kunin ang isang papel na ibibigay ko sana kay mama kanina"Ahhh.."nakatingin niyang pagsisimula,mahihimigan ang nangangambang tono ,"diba.. mag-aaral ka sa Sollician University?"tumingala sya at pumantay sa mukha ko upang hintayin ang tugon ko."Hmmm opo",nangingiting tugon ko at umupo sa tabi nito."Alam ko namang matalino kang bata..Sorry kung hindi ka namin nabibigyan ng atensyon at kung sa tingin mo ay wala kaming pake sayo..."Hindi ko alam kung anong nakain ni mama kung kaya't ganito sya kabait ngayon at himalang humihingi ng paumanhin.Habang hinihintay syang magsalita ay pumasok si papa sa kwarto."Oh Pa...bakit po kayo andito",tanong ko at nagpapalit palit ng tingin sa kanilang dalawa."Bakit bawal na ba ako dito?" Tanong nito,nagbibiro."Hindi naman po hahaha,ano na nga po ulit yun Ma?" pagpapatuloy ko sa sinasabi ni mama. "ahhh..dahil.. wala kaming regalo sayo nung gumraduate ka ng Highschool ay..naisipin namin ng Papa mo na.."pagtigil nito,tinignan ko namn sila ng patanong."Na ano po?"pag mamadali ko sa kung ano man yung sasabihin nila."naisipan namin ng mama mo na bumili ng bahay para sayo,malapit lang iyon sa University na papasukan mo sa Moonsort Village"pagpapatuloy ni Papa."Pero...San nyo po nakuha yung perang pambili ninyo ng bahay?..dapat Hindi nalang po kayo nag-abala,ang batiin nyo ko ay ayos na.." nagulat ako dahil sa biglaan na regalong iyon,Hindi ko naisip na magkaroon ako ng regalo galing sa kanila dahil iniisip ko na na kailan man ay Hindi na ako magkaroon ng pwesto sa isip at puso nila dahil halos sila Seighra at Shaina lang ang napapansin nila at tanging mga sermon ng mga bibig lang nila ang nakatutok sa'kin.Napaisip ako dahil imposibleng magkaroon sila ng pera para bumili ng bahay dahil Milyon Ang halaga lalo na't sa subdivision pa nilang napili bumili."Inipon namin ng Papa mo iyon simula nung maipanganak ka dahil bunso ka namin gusto namin na maganda ang buhay mo.." Pagpapaliwanag ni mama sa'kin.Hindi ko alam kung anong swerte ang dala ng araw na ito.
Napakasaya ko dahil titiyakin ko din na makakapagtapos ako sa SU,yun ang gagawin kong kabayaran para sa regalo nila sa'kin.Napamaang din ako dahil Bakit biglaan naman ito,"Bakit naman po?"tanong ko."Dahil marami ka pang aayusin doon,gusto namin na ikaw ang magayos doon dahil bahay mo iyon"nakasimangot pero naiintindihan ko sila,pilit na ngumiti ako."Doon ka na titira simula bukas.."pagpapatuloy ni Papa."'wag kang mag-alala lahat ng kailangan mo ay andun na,hindi ka na mahihirapan pa"sabi ni mama,mukang gusto na nila siguro akong lumayas at sadyang pinaghandaan nila ito."Ma.." pagtawag ko sa kanila,napaayos ako ng uposa tabi nila,"Bakit Taliya?"nakangiti paring tugon ni mama,hindi maalis ang ngiti niya kanina pa."Pinalalayas nyo na po ba ako?"naiiyak na tugon ko,parang pinalalayas nila ako ,dahil ba ayaw talaga nila sa'kin, 'di kaya masyado na akong pabigat sa kanila? O dahil Lang stress si mama sa pag-gising sa'kin tuwing pasukan?."hahaha..ano ka ba Taliya,syempre hindi..gusto lang namin ibigay iyon para maging independent ka na lalo na't kolehiyo ka na"pagpapaliwanag ni mama,pilit na pinaiintindi ang dahilan ng pag-bili ng bahay para sa'kin."Pero..Bakit biglaan naman po?"tanong ko."Dahil hindi ka na mahihirapan sa pagco-commute papunta at pabalik mula rito,tsaka ngayon talaga namin balak sabihin dahil alam naming maso-sorpresa ka" tunay ngang nasorpresa ako,may konting lungkot dahil aalis ako dito sa bahay at mamumuhay ng mag-isa sa magarang subdivision na 'yon.Iiwan ko na sila mama..
'Pero pwede mo pa namang puntahan o bisitahin Taliya 'wag kang shunga abay lilipat kalang hindi ka pa mamamatay'
"Sige na at ituloy mo na ang tulog mo,mukang sarap na sarap ka dahil natulo pa laway mo..hahaha" sabay silang tumawa dahil sa sinabi ni mama ,Hindi naman natulo laway ko eh,sumimangot naman ako sa kanila at tinignan ang mga unan ko Kung may bakas nga ba ng laway,pero wala naman,"Biro lang Taliya hahaha sige na matulog ka na ulit at makapag-empake ka na mamaya" sabi ni Mama.parehas pa silang tatawa tawa ni Papa bago umalis.
Kinabukasan ay kalahating malungkot at kalahating masaya ang bumugad sa'kin.Malungkot dahil mamimiss ko ang bahay at panenermon ni mama,maiisip ang bawat gawaing bahay na minsan ko naring naging kaibigan dahil sila ang kinakausap ko sa mga hinanakit ko sa mga magulang ko 'magagawa mo pa rin naman ang mga gawaing bahay Taliya yun nga lang ay sa sarili mong bahay mo na gagawin 'yon'. Masaya dahil mas malapit na ako sa School na papasukan ko,mas convinient dahil wala akong gagastusin para magcommute,masaya rin dahil isang magandang regalo ang bahay pero syempre babayaran ko iyon sa pamamagitan ng pagtapos ko sa akong kurso na Accountancy.
Mula pagkabata ay ninais ko nang maging Accountant dahil sa isip ko noon ay marami akong mahahawakang pera,mas matutulungan ko sila mama kapag 'yon ang naging kurso ko.Hindi ko malilimutan ang unang pasok ko sa bangko.
(Flashback)
"Taliya! maligo ka at pupunta tayo sa bangko,magwi-withraw tayo ng pera ng Papa mo"sigaw ni Mama,"Opo!"pasigaw ko ring tugon pagkarinig na pagkarinig ko ng salitang bangko ay napangiti na ako.Dali dali naman akong naligo at nag-ayos.Gustong gusto ko na makarating sa bangko dahil maraming pera doon,unang beses palang ako isasama ni mama kaya masaya ako at higit sa lahat gusto ko ang amoy ng pera.Ang wierd no?.
"Ma...sa kanila po ba yung mga perang hawak nila?"tukoy ko sa mga babaeng may hawak ng mga pera at may kinakausap na kliente."Hindi sa kanila yan Taliya!,tumahimik ka nalang dyan!"palahaw ni mama,Nagulat ako ng biglang may tumawa dun sa isang pamilyang katabi namin,tumatawa yung anak nila na para bang wala ng bukas 'siraulo'.
"She...is..ridiculous mom! Hahahaha" patuloy na tawa nito habang nakahawak sa tiyan 'siraulo talaga' "Stop that Xion!"saway ng Mommy niya,seryosong seryoso ang mukha dahil Hindi nagustuhan ang ugaling pinakita ng anak."You're bullying her,I think she went here for the first time,so stop that stupidity"saway ulit ng Mommy niya.Nagbaba ng tingin yung batang lalaki at nakasimangot na na nagkutkot sa daliri.Tumingin naman sya sa'kin at masamang tumitig 'wengya,sa'kin ka pa magagalit eh ikaw naman 'tong nang-aasar'.Dinilaan ko nalang sya at inilagay ang dalawang hinlalaki sa sentido at ang natitirang mga daliri ay magkasalungat na iwinawagayway ko sa ere.Mas lalong sumama ang titig nito at mabilis na lumapit sa'kin.Nagulat ako ng malakas na tulak ang naramdaman ko "Aray!" daing ko,napasalampak tuloy ako sa sahig."Don't ever do that again,you don't know me,little GAS!"sigaw nito at hinaluan ng pangungutya palibhasa mas matangkad sya sa'kin,"Hindi mo din ako kilala matabang Sea lion"sinabi ko at ang pangalan nya ay iniba sa halip na sabihin ang tunay, hinaluaan ko din ng pangungutya dahil mataba naman talaga sya kahit matangkad."It's Xion"pagtatama niya sa pangalan niya,"kahit na atleast magkatunog at magkasing hubog"impit akong tumawa dahilan upang muli syang sumugod sa'kin."Xion!"pagtawag ng Mommy niya sa kaniya.Agad itong lumapit."What are you doing?,why did you pushed her?,Are you gay?"sunod sunod na tanong ng Mommy ng mataba na 'to."No!,of course I'm not,it's her fault not mine" palahaw niya 'ako pa sinisi?,Ang galing din talaga magbaliktad ng kwento,spoiled brat!'.
"Ano na naman 'to Taliya?!"tanong ni mama sa'kin at palihim na kinurot ako sa likod ko,Hindi ko iyon ininda kahit sobrang sakit non 'kayo kaya huhuhu'."Sorry po,ano po bang ginawa ng anak ko?"tanong ni Mama,hindi ko naman kasalanan ah?,bakit ako?."Don't be sorry po,my sons fault, he is the one who start this,so I should sorry instead.Sorry,Whats your name again? "Saad niya na malumanay ang tono na humingi ng tawad."Taliya po ang pangalan ko" saad ko at muling tumingin sa matabang batang lalaki.Muling kong nginitian ng matamis ang Mommy niya,"Hon,we're going home na,Sorry again for the disturbance"sabi nung Daddy niya ata na tila nagmamadali,"So we're going na Taliya,bye!,Sorry again ma'am"pagpapaalam ng Mommy ng Xion na 'yon.
Habang papauwi ay ginagaya ko Ang accent nung nanay ni Xion,maganda Kasi pakinggan ang gara parang mayaman."Muka kang tanga Taliya,bakit mo ginagaya yon?hindi bagay sayo,Hindi tayo mayaman!"sigaw ni mama,naglakad Lang kami ni mama dahil nga Wala kaming pamasahe,ayaw daw sumama nila Seighra dahil maarawan nga daw sila kaya ako yung sinama,hindi naman kasi ako maarte 'di tulad nila.
(End of Flashback)
Inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil marami rami iyon.Maaga akong nagsimula dahil sabi ni mama ay nagpakuha sya ng jeep para ilagay lahat ng gamit doon,Hindi naman daw ngayon mamamasada si Kuya Basyong kaya inarkila nila yung jeep niya.'pero ang tanong papapasukin kaya iyon sa subdivision e 'dang aarte ng mga taga doon Haysss!.'
"Mabuti naman at mababawasan na ang hampaslupa sa bahay na 'to,magpakasaya ka sa bago mong tirahan bruhilda hahaha"pagpaparinig niya,kumakain ako ngayon at Hindi tulad ng nakasanyan ko ay hindi tambak ang mga pinggan sa lababo.Isang himala ang mga nangyayari sa'kin ngayon."Kung nagtataka ka kung bakit wala ng pinggan sa lababo,pwes magtaka ka talaga dahil bihira Lang ang isang oh-so Georgious sa balat ng lupa na maghugas ng plato ng mga hampaslupa!"palahaw nito na dinuduro ang mga pinggang hinugasan niya.Tinarayan pa niya ako bago umalis.
'parang yan lang naman nagawa mo sa buong buhay mo e'
'Tama masanay kang kumilos ng gawaing bahay dahil puro ka pasarap wala ka ng ginagawa kundi ang magpaganda!tsk!'
'Mukang mabuti nga ang umalis din sa bahay na 'to dahil mas matuto ang Isang 'to na kumilos man lang hindi yung akala mo mayaman na nakahiga sa pera tsk!'
To be continued....