Sophia P.O.V
Kahapon nag announce ang school na wala pasok ngayon at napag desisyon namin ni Ria na mag bonding kami. Saka bibili na rin daw sya ng regalo para sa kuya nya. At ang isa pang nakakagulat ay aamin na sya kay Kyle bukas!
Grabeng motivation yun. Ako kasi bawal na kaya ayoko ng mangealam pa. Pero para kay Ria supportado ko sya dyan. Pumunta muna ako sa parking lot para tingnan kung maabutan ko pa si Ria. Nang May humawak sa kamay ko.
"Hi miss.." sabi nya at tatakpan sana ang bibig ko ng Nag pumiglas ako at mabilis na tumakbo.
"Tulong, tulungan nyo ako!!!"
Jazmine P.O.V
"Anong sinabi ko sayo Jazmine?" Galit na tanong ni mommy sakin.
Sino bang hindi magagalit kung umalis ako sa party ng isa nyang investors sa company.
Tch. Like I care?
"Mom Hindi naman ako kailangan dyan. Saka anong gagawin ko dyan? Uupo lang naman ako. Tapos wala pa akong kakilala."
"Kaya nga ipapakilala kita sa kanila."
"Para saan? Para i pa arrange marriage mo rin ako tulad ni kuya?"
"Jazmine hindi sa ganun-" dahil sa bwisit ko pinutol ko agad ang tawag.
Nakakainis bakit ba parating sya ang gustong nasusunod?
I have my own life for God's sake!
Habang naglalakad ako pa punta sa motor ko. Napatigil ako at may narinig akong humihingi ng tulong.
"Tulong tulungan nyo ako!!" Sigaw nya.
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng parking lot at nakita ko ang isang babae na tumatakbo papalayo.
Kung mamalasin at pag pagpalain ka nga naman.
Mukhang May mapag lalabasan na ako ng galit ko.
*Evil smile*
Sophia P.O.V
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Dahil hawak na ako ng apat na lalaki. Nang May marinig akong tulog ng motor na papa lapit saamin mula dun bumaba ang isang rider na Naka helmet ay pinagsisipa at suntok ang mga lalaking hawak ako. At maya maya lang ay natumba na ang mga ito.
Para akong na istatwa sa pwesto ko sa bilis ng pangyayari
"Okay ka lang?" Tanong nya. Pero teka? Babae?
Tinanggal nya ang helmet nya at nakita ko ang isang magandang babae.
Teka babae nga!
"Babae ka?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.
Napakunot ang noo nya sa un at ngumiti sa akin. "Yes. And that's taekwondo I learn it from my Master." English na sagot nya.
I'm speechless..
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong nya ulit sa akin.
"Ah! Okay lang. Salamat pala?"
"Jazmine. Or you can call me Jaz."
"Salamat Jaz sa pag ligtas sa akin. Ako ng pala si Sophia. Or Pia nalang." Sabi ko na ikinatango nya.
"Ms. Sophia!" Nagulat nalang ako ng biglang dumating si Mr. Lim "Okay lang po ba kayo?"
"Kayo po pala Mr. Lim bakit po kayo nandito?"
"Binabantayan ka po namin."
"Eh!? Si daddy po ba nag utos nyan?"
"Yes Ms. Sophia. Ako ng bahala sa kanila." Turo sa mga lalaking balak an akong kidnapin.
"Sige po. Mag iingat po kayo."
"Ako dapat ang mag sasabi nyan sa inyo Ms. Sophia. Ipapabantay ko nalang sa mga kasamahan ko."
"Okay lang po sa akin."
"Sige po aalis na po kami para dalhin sila sa mga police."
"Sige po."
"Saan ka ba pupunta?" Tanong nya sa akin bigla ni Jaz ng makaalis na ila Mr. Lim at ang tatlong lalaki ang nakabantay sa akin ngayon.
"Sa kaibigan ko mag ma mall sana kami na mukhang late na ako." Naku baka hinahanap na ako ni Ria.
"Bakit ka nasa parking lot?"
"Hahanapin ko sana ang sasakyan nya baka sakaling nandito na sya. Kaso mukhang na una na sya kaya aakyat na sana ako ng makita ako ng mga ito." Paliwanag ko. Mukha namang namang nakuntento na sya sa sinabi ko kaya umalis na sya nang bigla ko syang pinigilan.
"Bakit?"
"Kung wala ka sanang gagawin pwede ba kitang imbitahan din kasama ang kaibigan ko."
"Baka makaistorbo lang ako sa inyo."
Mabilis akong umiling. "Hindi ganun si Rianna, matutuwa yun na may bago kaming kaibigan."
"Talaga?" Sabi nya na masayang ikinatango ko.
Jazmine P.O.V
Mukhang okay lang namn na sumama ako sa kanila. Tutal wala naman akong gagawin at pupuntahan. Dahil tumakas lang ako sa event ni mommy. Saka mas maganda naman dito na kasama ko sila kesa sa event na yun.
At okay na ito may makikilala pa akong bagong friends.
"Okay." Tipid kong sabi sa kanya. Pumasok na kami sa loob at nakita ko kaagad ang isang magandang babae na nakasuot ng simpleng t-shirt, pantatol at naka rubber shoes.
Simple lang ang suot nya pero umaapaw na ang ganda nya. Samahan pa ng paputi at makinis nyang balat.
"PIA!!" Bigla naman syang sumigaw ng makita si Sophia. Niyakap nya ito at nag tatalon.
Napataas ang kilay ko sa nangyari. Maganda sya pero May pag ka--
"Hello ako Rianna or Ria nalang masaya akong makilala ka. Kaya pala natagalan ka PIA may nakilala kang bagong kaibigan." Masayang akbay nito kay Sophia at sa akin.
Masyado syang makulit na hindi naman grabe. Alam mo yun sakto lang pero ang sakanya ay masyado syang mapalakaibigan. Na pwedeng ma take advantage ng iba.
Tch pano kung masama pala akong tao. Tapos ganito sya. Meron akong advantage na maloko sya. Na syempre hindi ko namn gagawin yun. Pero paano kung sa ibang tao?
"Alam mo Jazmine. Tama ba ako? Jazmine? Okay. May na sense akong magiging close tayong tatlo. Lalong lalo na kay Lia." Sabi nya. Habang binago ng tas namin ang daan papunta sa isang gift shop.
At sino pa itong kaibigan nila na Lia ang pangalan?
Kyle P.O.V
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jiero. Nakaupo kami sa sofa at nag aalala kay Zhian at kay Beverly. Dahil nag away na naman sila ni Beverly.
"Hindi ko alam kung bakit ganun si Beverly." Nag lalabas ng sama ng loob na sabi ko kay jiero. Na nakatingin lang sa akin.
"Bro alam mo naman na ganyan May pag ka na attitude din yan si Beverly. Pero hindi ko talaga ma imagine bakit sya nag cheat kay Zhian."
"Tama ka, mabait naman itong si Zhian at saka mas inuuna pa nga sya nun kesa sa ating tropa nya. Tch." sabi ko.
"Ang alam ko pinag iinitan nya rin ngayon si Hopia. Na nananahimik lang."
"Kaya nga saka mabait naman si Sophia. Hindi ko alam bakit ang init ng ulo nya kay Sophia."
"Nasabi narin ng mga girlfriends ko. Na nag sisimula yun ng nag enroll si Sophia dito nung nakaraan. Tinitingnan na nya ito ng masama mula nun."
"Bakit namn sya magagalit kay Hopia?"
"Oo nga bakit kaya."
"Baka dahil nag seselos sya kay Hopia?"
"Eh!?"
"Hoy! Mga chismoso sige lakasan nyo pa ang pag kwekwentuhan dyan yung mala speaker ang lakas. Aba nag kwe kwentuhan na lang kayo parang magdalawang bundok na ang pagitan nyo." Biglang salita ni Dylan.
"Dylan buhay ka pala akala ko kasi nilamon ka na ng libro mo." Sarcastic kong sabi.
"Tch." Sabi nya at ibinalik ulit ang atensyon sa libro nya.
"Uy! Dylan. May alam ka ba bakit ganun si Beverly?"
"Bakit nyo ako natanong yan close ba kami!?"
"Diba May kaibigan kayo ni Beverly. Close na close nga kayo eh."
"Wala naman akong maalalang naging close kami."
"Wow ang sama ah!"
"Close nga kayong dalawa dati. Tapos May tawagan pa kayo na Loki.-"
"Pwede ba Kyle."
"Sus! sige na sabihin mo na saamin."
"Ano ba nangyari bakit ganun si Beverly?" Naiintriga ring sabi ni Jiero.
"Hindi ko alam pero may hinala ako na dahil yun sa nangyari 10 years ago." Sabi nya na nakapag pagtaka sa amin.
Ano bang meron nung 10 years ago?
_____
Hi guys kamusta na kayo? Keep safe lang ngayong pandemic.
Thank you sa mga nag tatyagang mag basa kahit mabagal ako mag update😅😘🤗
kung gusto nyo meron din akong update sa Wattpad ko na Moon_Glared.