THIRD PERSON P.O.V
Lumipas ang ilang araw at araw na ng Linggo kung kailan ang birthday ni Kyle. Lahat sila ay nag handa ng gamit at papunta sa Boracay para sa venue.
Sumabay si Sophia sa kanyang kuya leo papunta doon kasama si Ria at Dylan sa back seat ng kotse.
"Nadala mo ba yung sinabi kong dadalhin?" Tanong ni Leo kay Pia.
"Opo." Masayang sagot ni Sophia na ikinakunot noo ni Dylan.
"kamusta si Potchi?" Tanong ni leo kay Sophia. Yun ang alagang pusa ni Leo na pinalaya kay Sophia nitong nakaraan.
"Nandoon sa bahay binabantayan ni Ate Summer. Gusto ngang sumama ni Potchi kaso kailangan nya pang mag pa check up dahil may sakit sya." Sagot ni Sophia. Habang si Dylan ay nakakunot parin ang noo sa pag uusap ng dalawa.
Kinalabit nya si Ria na ang naka headset lang at tahimik na nag mumunti sa tabi nya.
"Ria." Mahinang tanong nya kay Ria.
"Bakit?"
"Anong meron sa kanilang dalawa? Sila na ba?" Turo nya sa kanila pia at leo.
"Hindi ah! Talagang Close pang talaga silang dalawa." Simpleng sabi ni Ria.
Napatitig nalang si Dylan sa dalawa na masayang nag kwe-kwentuhan.
"Dylan." Tawag sa kanya ni Ria.
"Bakit?"
"May gusto ka kay Sophia noh?"
"Ayokong mag sinungaling pero.." lumapit ito sa tenga nito at ibinulong kay Ria. "Oo, gustong gusto ko sya."
"WEH!? HINDI NGA!" Napalakas bigla ang pagkakasabi ni Ria sa gulat at kilig.
"Ano yun Ria?" Tanong ni leo.
"Wala May nabasa lang ako sa cp ko." Pag sinungaling nya.
"Ahh akala ko kung ano na." Sabi ni leo at pinag patuloy ang pag dadrive.
"Ang ingay mo naman Ria."
"Sorry sa sobrang kilig ko napalakas.."
Masayang sabi nito. "Grabe I'm happy for Sophia and you."
"Matutulungan mo ba ako?"
mabilis namang tumango si Ria. "At syempre boto ako sayo tutulungan kita dyan."
"Thanks." Sabi ni Dylan at tahimik na nag fist bump silang dalawa.
Nang makarating na sila sa venue ay sinalubong sila ni Kyle at niyakap.
"Welcome. come in, come in." Sosyal sa sabi ng Butler ni Kyle
"Nandyan na sila Jiero?" Tanong ni Dylan.
"Nandoon na po sila sa rooftop. Tara sumunod kayo sakin." Sabi nito at dinala naman sila sa isang rooftop kung nasaan si Jiero na nakasuot ng Hawaiian tshirt na nakabukas ang tatlong butones na kita ang Dibdib at konting sa abs nya at black short. Habang si ganun din ang suot ni Zhian blue Hawaiian style of shirt at Naka bukas ng dalawang butones ang damit nya at white short. Habang si Kyle ay Naka Yellow polo shirt at Naka black pants. Na nakabukas ang dalwang butones.
"Uy nandito na si Dylan in love~" pang-aasar ni jiero kay Dylan.
"Uy Wow sino yan!?" Tanong ni Kyle.
"Oo nga sino ang nag pagtibok sa bato mong Puso?" Natatawang asar din ni Zhian.
"Bat kayo naniniwala kay Jiero alam nyo namang loko loko yan." Kinakabahan sabi ni Dylan.
"Wala. May naamoy talaga ako sayo." Sabi ni Kyle.
"Yung pabango kong mga gwapo lang ang nakakagamit?" Nang-aasar na sabi ni Dylan kay Kyle.
"Oh! Gwapo daw Kyle! Panis ka pala eh. Ano pabango mo?" Gatong na asar ni Jiero habang si Zhian napapailing nalang sa mga tropa nya.
"Victoria secret that's my perfume."
"Kaya pala amoy babae."
"Pabango mo kasi pabango ng gwapo. Ako pabango ko nakakapang akit ng mga girls." Mayabang na sabi ni Kyle na ikinatawa ni Dylan.
"Happy birthday Kyle." sabi ni Dylan at niyakap ito at ginulo ang buhok nito.
"Oyoyoyoy yung buhok ko. Ilang oras ko itong inayos tapos guguluhin mo lang." Sabi nito habang inaayos ang buhok nya.
"Happy birthday unggoy." Pang-aasar na bati naman ni Jiero at inakbayan ito.
"Tarantado ikaw kaya ang unggoy satin." Sabi ni Kyle na ikinatawa lang ni Jiero, Dylan at Zhian.
"Happy birthday Bansot!" Sabi ni Leo kay Kyle. Na ikinasimangot naman ni Kyle.
"Ang galing nyo talaga mag bati noh!? Grabe nakakasaya ng puso." Pilosopong sabi ni Kyle.
"Naku hindi ka pa nasanay sa mga yan." Sabi ni Rianna habang inilalagay ang regalo nya at ni Pia sa lagayan ng regalo nito.
Sophia P.O.V
Nakakatuwa at napakasaya na makita sa mag kasama ulit sila. Masaya ako na nakilala ko ang mga ito. Nakakatuwa sila kasama.
Papunta palang kami sa sala para simulan na ang party ng kalabitin ako ni Zhian.
"Sophia may ibibigay pala ako sayo." Biglang sabi ni Zhian. At ibinigay sakin ng isang maliit na box kakaiba ito parang mahihirapan ka talaga mabuksan yun dahil para syang rubics cube na kailanganan ng mga sikretong ikot sa paligid nya para mabuksan sya.
"Para saan ito?"
"Gusto ko lang kasi subukan mong buksan pag na buksan mo sayo na yan." Sabi nya. Habang kinakamot ang batok nya.
Tiningnan ko itong mabuti kung paano buksan ng biglang..
"Sophia, Zhuan tara na. Magsisimula na." Tawag ni Ria samin. "Ano bang ginagawa nyo?"
"Wala sige bababa na kami." Sabi ko at ibinalik kay Zhian ang box.
"Thank you Zhian mamaya nalang siguro." Sabi ko at umalis na.
Zhian P.O.V
Nang umalis sya nais ko syang hawakan at yakapin ng hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro kamukha nya talaga si Chin chin... Kaya ako na baliw sa kanya.
Nakaramdam naman ako ng pag vibrate ng Cellphone ko. At tumawag si Beverly.
Sinagot ko yun at. "Nasan ka?"
"Beverly diba sinabi ko na sa'yong ayoko na."
"Babe bakit ba tayo nag kaka ganito? Sa simpleng pakikipagkaibigan ko lang kay Marcus ganito na ang nangyari."
"Hindi lang kasi yun Beverly. matagal na.. matagal ko ng alam." Sabi ko na ikinatahimik nya.
Katangahan man pero matagal ko ng pina bantayan sya sa secret agent ko at pinakita nya sakin ng mga ginagawa ni Beverly at kasama na rin doon na kasama nya si Marcus na nakikipag halikan. Hindi lang isa kundi maraming beses.
At ng malaman ko yun sobrang sakit. Ilang oras akong nakatulala at umiiyak. Habang tinitingnan ang mga litrato. Pero kahit na ganun pinilit ko syang pasayahin dalhin sya sa mga paborito nyang lugar like Jollibee. But nag bago sya mahilig na sya sa mga sosyal at palagi nalang nakatuon ang tingin nya sa cp nya at parang wala akong kasama pag nag da-date kami. Pero pinipilit ko paring ngumiti at palabasin na..
Okay lang ako..
Pero nung makita ko sila nun pagkatapos ng game ko na nag hahalikan. Mas masakit pa yun sa mga picture na nakikita ko.
Akala ko pag pinanalo ko ng game magiging proud sya sakin at babalik ang dati na sya ang nag che-cheer sakin sa Game.
Pero nandoon ko nakatingin s kanila na masaya sa isa't isa. Parang dahan dahang gumuho ang mundo ko at ang nakikita ko lang at nararamdaman ko lang ay pamamanhid ng puso ko.
Napakatanga ko diba?
Nang umalis ako at umupo sa swing sa park malapit sa school nakita kong nakaupo rin si Sophia. Wala syang suot na salamin nun at tumingin sya sakin at ngumiti.
Saka ko nakita sa kanya si Chin-chin. Ang childhood first love ko.
Nang mga oras na yun napangiti ako dahil nakita ko si Chin chin na ngumingiti sakin. Kahit na sya si Sophia na hindi ako makilala dahil sa nakatanggal ang salamin nya. At malabo lang ang nakikita nya.
"Life is too short to waste your time on people who don't respect, appreciate and value you. Spend your life with people who make you smile, laugh and feel loved. Like your friends and family." Sabi nya habang nakapikit na parang nag wish sa langit.
Natamaan ako sa sinabi nya. At napag isip isip ko na tama sya.
"Tama ka kailangan ko na talagang mag Move on." Sabi ko na ikinagulat nya at biglang nyang sinuot ang salamin nya at tinitigan ako ng mabuti. At nagulat sya ng makilala nya ako.
"Z-ZHIAN!?"
"Yes it's me."
"Hindi ko alam na ikaw pala yan. Akala ko si Kuya..." Sabi nya. Hindi ko alam na may kuya pala sya. "He-he-he wag mo nalang pansinin ng sinabi ko kanina." Nahihiya nyang sabi.
"Hindi okay lang. Actually nakatulong sya sakin." Sabi ko sa kanya na ikinalingon nya sakin.
Habang tinititigan ko sya hindi ko mapigilang isipin si Chin chin.
Ang First love ko...