"Saan mo gusto pumunta?" Bry
Shems, 'di ko alam kung magugustuhan niya yung sasabihin ko pero sana pumayag siya. Ngayon na uli ako pupunta don.
"Pede kahit saan?"
Sana pumayag...
"Yup" Bry
Sabi mo yan a.
"To Amusement park!!" sigaw ko habang nakangiti.
Nung una nagulat siya pero hinigit ko na siya papunta sa kotse niya. Nakita ko ang reaction, shems bakit ang cute huhu.
Nakasakay na kami sa saksakyan. At syempre dating gawi.
I gibuneun mwoya eotteokhae~
"AJU NICE!!" sabay ko sa kanta na ikanagulat ni Bry.
(Very nice by Seventeen)
(ps. Pakinggan niyo yung nasa multimedia para maenjoy niyo hihi)
Sumabay na lang siya sa kanta. Natatawa ako sa kanya kasi na eenjoy niya yung kanta.
Nakarating na kami kaagad sa amusement park na sinasabi ko. Actually sikat to e. Sky Ranch Pampanga kami pumunta actually Dad ni Quinn nagmamay ari nito.
Bumaba na kami ng sasakyan pero eto ako sobrang excited kaya hinigit ko siya papunta sa bilihan ng ticket.
Binili niyang ticket ay yung ride all you can kaya sobra akong natuwa. Binigyan ko siya ng pero parang nainis siya.
"Sayo na yan, 'di ko pinapabayad mga babae" Bry
Ay waw! Sana ol. Rich kid ka kasi lods.
"What do you want-" Bry
Hindi ko na siya pinatapos at hinigit ko siya sa bumper boat. Trip kong basain siya.
Kaagad kaming nakasakay kasi wala naman masyadong tao dito. Pinili kong magisa ako para mabasa ko siya. Nang makapasok na ako sa boat at siya ren. Kaagad ko siya binasa kaya nagulat siya. Nahihiya pa siyang basain ako pero may sinabi ako.
"Laban lods!!" sinigawan ko siya at tinawanan dahil 'di niya ako binabasa.
Walang alinlangan niya ako binasa. Kaya nagbasaan kami.
Ang ending, basa kami pero hinigit ko siya sa drop tower.
"Papatuyo tayo" sabay kindat ko sa kanya na ikinatawa niya.
Nagpahigit lang siya akin. Katulad kanina konti lang ang tao kaya nakasay kaagad kami.
"Are you ready? Baka matakot ka?" pang aasar ng inutil na to.
"Ulol, wag ako lods" sabay kindat ko sa kanya.
Biglang umandar ng dahan ang drop tower hanggang sa makarating kami sa taas. Tinitignan ko ang reaction ng ulupong kong kasama pero potek bakit ganto itsura niya. Pinagpapawisan kasi siya ng 'di malaman.
Biglang bumaba ang drop tower at mas lalo ako natawa dahil sa itsura ni Bry. May pa 'Are you ready? Baka matakot ka?' ikaw naman pala takot.
Natapos na ang ride pero tawang tawa paren ako sa kanya. Nang makalabas na kami sa exit kaagad siyang naghanap ng upuan at umupo na.
"Ayos ka lang?" tanong ko habang natatawa paren.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong natawa.
"Bibili lang ako ng tubig" sabi ko sa kanya pero 'di pa ren mawala yung ngiti ko sa labi.
Gaya ng sabi ko bumili na ako ng tubig para sa aming dalawa. Pag balik ko medyo okay na siya. inaabot ko na sa kanya ang tubig.
"Okay ka na?"
Medyo nahismasmasan na ako kaya 'di na ako natatawa
"Tara na, doon tayo" sabay turo ko sky cruises.
Napabuntong hininga siya kasi alam niya na ang mangyayare. Siya yung magpapadyak non.
"Magpapadyak din ako wag kang magalala no" sabay ngiti ko.
Nakapasok na kami sa loob ng bike ata tawag don.
Sinimulan kong magpadyak ng sobrang bilis kasi nakaka enjoy siya pero etong depungal na 'to hindi gumalaw kaya hinataw ko siya.
"Tubig!" utos ko sa kanya.
Kaagad naman niya binuksan ang hawak niyang tubig.
"Painom dali!" utos ko ulit.
Pinainom na niya ako habang nagpepedal ako. Buset 'to pasalamat ka crush kita. Nagulat ako ng biglang may flash sa mukha ko buset.
"Kung gusto mo kong picturan sabihan mo lang ako" sabi ko tapos nag pose para maganda ako sa picture.
Ayun si ulupong nipicture ako. Ang galing!
"Gusto mo ba stolen? Wait"
Nagpatuloy ako sa pag pedal at nagpistura ng ayos para maganda ako kahit stolen.
"Picture na aba!" sigaw ko dito.
Ngumiti siya at nag focus sa pagpicture sa akin.
Natapos na kami sa lintek na Sky cruises na yan. Epal kasi yung kasama ko e.
"Are you hungry?" tanong niya.
"Yes po, daddy" sabay ngiting pangbata.
Natawa siya kasi sa ginawa ko. Bano!
"Ba naman kung makapagtanong ka sa akin parang bata" sabay irap ko
Natawa siya lalo. May nakita ako ice cream, omo!
Hinigit ko na siya papunta sa ice cream at dahil 'di naman siya slow kagaya nila Quinn ay bumili na siya kaagad. Hindi na niya ako tinanong kung anong gusto ko basta na lang niya pinili ang vanilla. Ay wow, alam na niya kaagad faves ko.
Binigay na niya sa akin ng ice cream ko at tahimik na kumain. Naramdaman kong pinicturan na naman niya ako pero 'di ko na pinansin kasi ang sarap ng ice cream.
Nang matapos kami kumain ay madilim na kaya umilaw na yung pampanga eye (ferris wheel sa sky ranch pampanga)
"Uy tara sakay tayo don! Ang ganda!" aya ko sa kanya.
Hindi ko na siya hinigit kasi baka masakit na braso non kaya tumakbo na ako papunta don syempre sasabay siya sa trip ko edi tumakbo din siya.
Kanina pa ako nagtataka kung bakit ang onti ng tao dito. Mga taong nagtratrabaho lang ang dito. Wag mong sabihin na nirenta niya 'tong buo?!
Nakasakay na kami sa loob ng pampanga eye. Hala ang ganda!
Nasa harap ko ngayon si Bry at nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin.
"Nirenta mo ba 'tong buo?"
Dahan dahan siyang tumango.
"Pero diba kanina bumili tayo ng ticket?" tanong ko kasi nalilito na ako.
"Nung bumili ka ng tubig, pinasabi ko sa manager na rerentahan ko 'to kasi ang raming lalaking nakatingin sayo kanina" Bry
Nagulat ako syet. Nagseselos ba siya?
"Bano! Nagseselos ka?"
Dahan dahan siyang tumango. Mas lalo akong namula dahil sa sinabi niya.
"Magkalinawan nga na tayo. Bakit ka pumayag sa set up na 'to?"
Syet please pulang pula na ako. Nagulat ako ng may pataas na fireworks.
"Kasi Mahal kita" Sabay sa pagsabog ng fireworks, sumabog na ren ata ang puso ko