Nang makalapit ako sa kanila ay tinawag na ako kaagad ng anak ko.
"Mommy, sali ka po" Ae
Tumabi ako sa kanila at sumali sa paglalaro nila. Tuwang tuwa naman si Ae sa ginagawa namin.
"Maya maya pagkatapos mag lunch pupunta tayo sa kabilang isla" Bry
Tumango na lang ako at ngumiti.
"Maganda po ba don?" Ae
"Oo maganda" Bry
Nabano na 'to, bakit sa akin nakatingin?
"Mommy! Daddy! Let's swim!" Ae
Tumayo si Ae at hinila kami pataas kaya tumayo na kami.
Hinubad ko na yung beach dress ko para makaligo ako ng ayos.
Napatingin sa akin si Bry habang tinatanggal ko yun pero potek feeling ko namumula ako.
Pagkatanggal ko don ay pumunta na ako kay Ae para maligo na.
Nakatingin paren sa akin si Bry. Nakita mo na 'to bakit ganan reaction mo?
"Daddy! Tara na po!" Ae
Kung hindi pa siya tinawag ng anak namin hindi pa mawawala tingin niya sa akin.
Dali dali naman siyang pumunta sa amin at nagswimming.
Nang nakaramdam na kami ng gutom ay nag aya na si Bry mag lunch na. Doon daw kami sa seafood restaurant. Shems namiss ko na yun.
Binigyan na kami ng table pero bongga na naman. Ewan ko ba kay Bry.
"Wow!" Ae
Mahilig kami ni Ae sa seafood. Masarap naman kasi.
Nagulat ako ng biglang nagtawag ng waiter si Bry at binigay ang phone niya.
"Let's take a picture" Bry
Kaya naman pala. Mabilis na ngumiti si Ae, ang hilig kasi nito sa picture. Sa phone ko nga e puro siya yung nasa gallery ko.
Ngumiti na lang ako para maganda ako sa picture. Ay may pag ganon Haha.
Pagkatapos ng ilang picture ay kumain na kami. Nagtaka ako ksi bigla tumawa si Bry.
"Bakit?"
Nababaliw na 'to.
"Ang cute niyo kas kumain. Parehas na parehas kayo. Ang sarap niyong picturan" Bry.
"Sure, Daddy! Stolen dapat po" Ae
Nagulat naman kami ni Bry. Ganan na ganan ako nung nasa sky cycle kami ni Bry nung graduation ko. Haha manang mana sa akin aa.
Natawa na lang kami ni Bry dahil don.
"Daddy! faster" Ae
Aba magaling!
Tawa na lang kami ng tawa at si Bry naman ay todo picture sa kanya.
Nang matapos na kami kumain ay bumalik muna kami sa suite para mag ayus pero maya maya nakatulog si Ae kaya maya maya na lang kami sasakay ng bangka papunta sa kabilang isla.
Habang walang magawa pumunta muna ako sa balcony para tumingin sa dagat. Ang peaceful kasi.
Habang nakatingin ako sa dagat ramdam ko na nasa gilid ko na si Bry.
"Sorry sa nangyare, Bree" Bry
Hindi naman niya halos lahat kasalanan may part din na kasalanan ko.
"Sorry ren, Bry"
"No need to say sorry, Bree. Inisip mo lang future ko kaya ginawa mo yun. Nalungkot lang ako kasi wala ako sa tabi nung kailangan mo ng makakasama" Bry
"It's okay, Bry. Nandiyan naman si Tita Bea nung kailangan ko ng kasama"
"Dapat nakinig ako sayo nun sa explaination mo. Dapat 'di kita iniwan" Bry
"Bry, okay na yun. Matagal na yun atsaka naiintindihan naman kita non"
Tumingin siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi ko matiis sarili ko kaya niyakap ko na siya. Nagulat siya nung una pero niyakap niya ren ako.
"I miss you, Bree" Bry
"I miss you too, Bry"
Nang matapos ang eksena na yun ay nag aya na kami na pumunta na sa kabilang isla.
Ginising ko na si Ae para makapag ayus na. Binihisan ko na siya at siya pa pumili ng damit niya para daw maganda ang susuotin niya. Baduy ba ko magporma? Haha.
Pumunta na kami kung saan kami sasakay na speed boat. Nang makarating na kami sa speed boat ay sumakay na kami agad para makarating na sa speed boat.
Tuwang tuwa si Ae sa mga nadadaanan namin dahil sa linis nito. Ang ganda kasi dito.
Medyo mabilis lang kami nakadating dito dahil malapit lang naman ito. Pagkadating namin dun ay bumaba na kami at namangha sa ganda. Shems ang ganda dito.
May mga nalalakihang rock formation na napakaganda dahil sa natural nitong hugis. Kaagad pumunta si Ae sa mga rock formation at nag pose na parang pipicturan kaya naglabas agad ako ng camera para picturan siya.
Tuwang tuwa naman siya dahil sa mga kuha ko. Nakikita ko sakanya si Asha. Miss ko na yun. Nakausap ko pala yun nung nasa laguna ako. Nakita ko kasi siya.
Nag aya na si Bry na magswimming kaya naglaro ulit kami sa dagat.
Maya maya naiwan kami ni Ae sa dagat dahil may katawagan ito. Sino kaya katawagan nito?
Nang medyo nagdilim na bumalik na kasi sa speed boat para bumalik na medyo nakatulog si Ae dahil sa pagod pero dahil mabilis lang ang biyahe.
Nang makarating kami sa beach resort nila Bry. Nagtaka ako dahil ang dilim parang sarado. Lumingon ako sa likod ko wala na sila Ae at Bry kaya medyo kinabahan ako.
Anong meron?
May bigla umilaw yung lamesa nababalibutan kasi 'to ng fairy lights kaya umilaw. Naisipan kong pumunta doon para malaman kung anong meron don.
Pagkakita ko naman don, may nakita akong vanilla frappe at choco vanilla cake. Eto yung lagi ko inoorder sa cafe at nung nag cafe kami ni Bry.
Hindi ko maiwasan hindi kainin kasi favorite ko 'to.
Habang busy ako kumain biglang may umilaw ulit para siyang path na 'di ko alam kung saan papunta.
Sinundan ko na lang yung mga ilaw baka sakaling may makita na akong tao dito.
Nang makarating na ako sa biglang umilaw yung clubhouse.
Ang ganda shems!
"Hello?"
Nagbabakasakaling may tao dito.
Pumasok na lang ako sa clubhouse pero pagkapasok ko dito may nagsilabasan na mga tao pero parang sasayaw ata sila.
Naege neoneun nugulkka (eotteon jonjae)~
Nan gyesok gomin gomin gomin haewasseo~
Mundeuk deonjin saenggageun (thinkin' about you)~
(Thinkin' about you by Seventeen)
(ps. mas maganda kung papatugtogin mo yung nasa multi media girl! para bongga girl!)
Nagulat naman ao sa tugtog at sumayaw na sila. Wait...Alam ko 'to shet...Thinkin' about you 'to. Waaaahh
Ang gagaling nila shems. Feeling ko tuloy seventeen sila pero alam ko naman na hindi
I'm thinkin' about you~
I'm thinkin' about you~
I'm thinkin' about~
I'm thinkin' about I'm thinkin' about you~
Shems napapasaba na ako kasi maganda tong tugtog na 'to.
Ang galing nila Haha.
Nagulat ako ng biglang lumabas si Bry at sumayaw ren. Shet tawa ako ng tawa ngayon ko lang siya nakita na sumayaw. Ang galing niya!
"Go Bry!"
Sorry 'di ko na napigilan Haha.
Nang matapos ang sayaw ay biglang umalis yung mga sumayaw at naiwan si Bry na may dalang bulaklak.
"Anong meron Bry?"
Shems, bakit ako kinakabahan?
Hindi niya pinansin yung tanong ko. Binigay niya sa akin bulaklak. Ang ganda nung bulaklak pinaghalong Rose Quartz at Serenity.
(ps. kulay ng seventeen yung rose quartz at serenity. May ganan na bulaklak)
Maya nagulat ako ng dahan dahan siyang lumuhod. Parang alam ko na 'to a.
Binuksan niya ang maliit na box na lalagyanan ng ring at sabay na bigkas na...
"Will you marry me?"
Fuck! Nagsituluan na yung mga luha ko Haha. Ang saya ko!
"Yes, Bry"
Nagulat siya kasi 'di niya ata aakalain na papayag ako dahil sa nangyare 5 years ago at nung unang kita namin ulit.
Sinuot niya na kaagad ang ring sa akin at...
"I Love you" Bry
"I love you too"
Ang saya!
________________________________________________________________________________
Author's note:
Sorry kung corny pero ideal ko kasi 'to Haha. Sana nagenjoy kayo. Patapos na tayo at may next story akong aabangan niyo ulit. Thank you!