Chapter 13 (part 1) - A friend
ZIRO
PATULOY lang kami sa pagtakbo at pakiramdam ko makakalas na ang paa ko dahil sa kakatakbo. "Ang labasan!" Sigaw ko ng makita ang liwanag na mediyo malayo pa saamin.
Nagulat ko ng bigla nalang bumilis ang takbo nila at halos maiwan ako. Waah! hanggang dito nalang ang kaya ko!
Sa hindi inaasahang kamalasan ay natapilok ako sa isang bato, halos mangungod ang mukha ko sa lupa. Malapit ng mangungod ang mukha ko sa matigas na bato na ngayon ay nasa harap ko, isabay mo pa ang batong nakaambang durugin ako. "WAAAHHH!"
Napapikit nalamang ako at hinintay kung ano mang mangyayari. Ilang minuto na ata ako sa ganoong position kung kaya't idinilat ko ang mata ko. Nakatigil lang ang bato na naipit pala dahil sa kipot ng dadaanan niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako na pitiyet ng malaking batong ito. "Ayos kalang ba Ziro?" Agad kong tinanggap ang kamay ni Frey at tinulungan akong tumayo.
"Ayos lang ako medyo nagasgasan lang ako," Pinagpag ko ang damit ko na puno ng dumi dahil sa pagbagsak ko kanina. Napatigil ako ng mapansin nakatingin silang lahat saakin na parang may ginawa akong mali "bakit?"
"Wala!" sabay-sabay nilang sabi at nagsi labasan na. Sumunod narin ako habang may pagtataka parin.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay bumungad sa harapan namin ang isang bayan. Ang akala ko ba sira-sira na ang bayan na ito?
"Mukhang inayos nila ulit ito" Rinig kong sabi ni Sora. Kung ganon may ibang bumalik dito para ayusin ang lugar na ito. Pagpasok namin sa bayan makikita ang nga taong nag-aayos na ng mga bahay at ang iba ay nag-aayos ng mga gamit. Pagdaan namin sa kanila ay pinagtitinginan nila kami— hindi parang saakin.
Isang babae na naka braid ang buhok ang biglang lumapit saamin "Kayo po siguro ang pinapunta dito ng Hari" Masayang sabi niya.
"Nagkakamali ka, Nandito kami dahil kailangan namin ng sasakyan papunta sa life city" Sagot ni Riku. Napakamot naman sa uli ang babae at humingi ng tawad.
"Isa lang ang nagpapahiram dito ng kalesa. Kung gusto niyo ng masasakyan pumunta kayo sa Bar na malapit dito, itanong nyo kung nasaan si Baldo Tyaka-" Hindi na siya pinatapos pa ni Riku at nauna nang maglakad saamin.
Humingi nalang ako ng tawad sa babae dahil sa naging asal ni Riku. Tahimik lang na naglalakad si Riku habang ang iba ay manghang-mangha sa nakikita.
Si Sandro naman ay nagpapalinga-linga, mukhang natatakot sa mga asong nakakalat sa paligid. Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng Bar. Mediyo tapos na ito kaso wala pang pintura.
pagpasok namin ay puno ng mga taong nag-iinuman sa loob, Nang mapadaan kami ay pinagtitinginan nila kami na para bang naghahamon ng away.
Napatigil kami ng may biglang humarang saaming tatlong kalalakihan na puno ng mga hikaw ang mukha pati sa ilong ay meron ito. "Sino ang pinunta nyo dito?" tanong ng lalaki na nasa unahan.
"Hinahanap namin si Baldo" Sagot ni Riku. Minasdan naman siya ng lalaki at napa dila pa na parang takam na takam.
"Mukhang masarap kaha" Sabi nito habang malagkit ang tingin kay Riku. Akmang papatulan ko na siya ng pigilan ako ni Sandro at napailing pa.
"Pero-"
"Manood ka nalang" Nag-aalala man ay tiniis kong manood nalang. Lumapit ang lalaki kay Riku at inikutan pa ito habang hinahawi ang buhok niyang mala Ginto.
"Ang ganda mo-" Isang malakas na sipa ang natanggap ng lalaki na sumira sa pagkalalaki niya. Halos mapa aray kami ni Sandro dahil sa ginawa niya kahit hindi naman kami ang sinipa at si Creg naman ay napatakip sa 'ano' niya.
Sinabunutan njya ang lalaking namimilipit sa sakit "Nagtatanong ako ng maayos kaya sumagot ka ng maayos! nasan si Baldo!?" Takot na takot niyang itinuro ang daliri niya sa pintuan na nasa dulo. Agad namang binitawan ni Riku ang lalaki at Nilampasan nalang.
Napahingi naman ako ng tawad sa kaniya at dinuro-duro pa ako. "P-pasensya na talaga"
Walang pasabi na sinipa ni Riku ang pinto na lumikha ng malakas na tunog. Bumungad sa harap namin ang matandang lalaki na may mga kasamang babae habang umiinom.
"WHAHAHA! ang gaganda nyo talaga!" Rinig namin at hindi man lang kami napansin. Pumasok kami sa loob habang hingi ako ng hingi ng tawad sa mga taong napadako na ang atensiyon saamin.
"Ikaw ba si Baldo?" Tanong ni Sora na nakaagaw ng atensiyon ng Matanda. Lasing na lasing ang matanda na mukhang kanina pa ito nag-iinom
"Aba! mga babae na ngayon ang naghahabol sakin Anong mapaglilingkod ko sa inyo?" Pagewang-gewang ito tumayo at inalalayan pa siya ng mga babaeng nasa tabi niya.
"Maaari niyo ba kaming dalhin sa Life city?" Ako na mismo ang sumagot at baka kung ano ang mangyari.
"Tch! oo naman!," Nabuhayan ako ng loob kaso naglaho din ng sabihin niya ang mga salitang " Babae lang pwede!," Nilagok niya ang isang malaking baso ng Alak na isang inuman lang "Babae lang ang pwedeng sumakay, Mas mabilis kung Sexy"
Agad pinigilan ni Sandro si Riku na nakaambang basagin din ang pagkalalaki ng matanda. "Ummm.. Babayaran naman po namin kayo" Pagmamakaawa ko pero tumanggi siya at Pinaalis kami.
Dismayado kaming lumabas ng bar dahil wala kaming napala. Akala ko pa naman makakaalis na kami dito,ang alam ko malayo-layo pa dito ang life city.
Sana nandoon nga ang Ama ko.
"Ano ng gagawin natin Ate Riku?" tanong ni Miya kay Riku na ang sama parin ng loob sa nangyari.
"Sayang kung babae lang sila Ziro" sabi ni Sora na dismayado din at bigla nalang napangisi. Nagbulungan yung mga babae at tinignan kaming tatlo na parang may balak.
"Masama ang kutob ko dito" Sabay naming sabi nila Sandro at Creg.
.
.
.
.
"KYAAA! ANG GANDA NYOOO!" Tili ng mga babae ng makita ang itsura namin. Nakasuot lang naman kami ng Dress at naka Wig pa! Napatingin ako kay Sandro na Nakasimangot, mukhang sirang-sira na ang dangal niya.
Si Creg naman ay pinahiram ng damit ni Miya dahil yun lang ang kakasiya sa kaniya habang ang suot namin ay ang mga dalang damit ni Felisha.
"Yieee! buti nalang handa ako sa ganitong bagay" Sabi niya at yumakap sa Braso ko, Agad naman siyang inalis ni Riku na bwiset na bwiset parin.
"Umasta kayo na parang babae kung gusto nyong makasakay, kung ayaw niyo naman magtiyaga kayong maglakad hanggang sa matanggal ang inyong mga Paa!" Banta nito saamin na agad naman naming sinang-ayunan.
Muli kaming bumalik sa Bar at pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao sa Loob. Hindi na namin nakita yung mga lalaking humarang saamin na mukhang nasa pagamutan na.
Pagpasok namin sa loob ay nadako ang tingin saamin ng matanda na parang naglalaway.
siniko ako ni Sora na nagpapahiwatig na ako ang magsimula.
Magrereklamo pa sana ako kaso tiningnan ako ni Riku na parang sinasabing 'Basag-sakin-ang-pagkalalaki mo'
"P-pwede mo ba kaming pasakayin?" Pinilit kong magboses babae at rinig kopa ang pigil na tawa ng mga babae.
Nahihiya akong lumapit sa lalaki at nagpamewang. Nanginginig ang kamay ko ng ilagay ko iyon sa bibig ko at nag 'Flying kiss' sa kaniya. "WOOH! Ang ganda mo naman!" sigaw nito. Agad akong nagtago sa sulok at inalala ang nakakahiyang bagay na ginawa ko.
Huhuhu Sa ganito lang pala masisira ang imahe ko. Sumunod naman si Sandro na parang naging bato ang paa dahil hirap maglakad.
Tiningnan din siya ni Riku kung kaya't pinilit niyang maglakad na parang babae. Nagpaikot-ikot pa ito at may pahawi-hawi ng buhok sabay Kindat sa matanda. "WOAHHHH! PINAPATIBOK NIYO NG MATINDI ANG PUSO KOO!" sigaw ng matanda. Naki singit na din saakin si Sandro na nakatakip ang kamay sa mukha. Tinapik ko naman ang Likod niya na nagpapahiwatig na Naiintindihan ko siya.
Sumunod nadin si Creg na feel na feel ang pagiging babae, Natakot ata ni Riku. Ang mga babae na ang kumokontrol sa mga lalaki porket kaya nilang basagin ang pagkalalaki namin.
"O sya halika na kayo! dadalhin ko kayo kung saan niyo gusto" Nauna na ang matanda sa paglabas habang kaming tatlo ay puno parin ng kahihiyan.
Habang nakasakay sa kalesa ay nakayuko parin kami at tulala habang yung mga babae tawa ng tawa sa mga itsura namin kanina. "Ayoko na... Ayoko na.." Pulit-ulit naming sabi na parang nabaliw na.
Habang papalayo kami ay napapansin kong dumidilim ang kalangitan. Mukhang may bagyo pa atang darating.
"Bakit gusto niyong pumunta sa life city?" Napadako ang atensiyon namin sa matanda na nagmamaneho. Nakatuon lang ang tingin niya sa daan at walang intensjyon na kausapin kami ng harap harapan.
"May hinahanap po kami" Sagot ko. Napatingin na saakin saglit ang matanda at tumuon din pabalik sa daan.
"Nagkakagulo ngayon doon kaya mag-iingat kayo," Paalala niya. Napakunot naman ang noo ko, akala koba payapa ang lugar na iyon kaya bakit magkakagulo? "Ang sabi nila May halimaw daw na nagwawala doon"
Nagkatinginan naman kami at mukhang alam na kung sino ang may gawa non, Si Esther. Ayos lang kaya si Freya? Siguradong may nangyari na sa kaniyang masama.
"Ayos lang si Freya, wag kang mag-alala" Napatingin ako kay Sora na kaharap ko ngayon habang si Sandro ay katabi niya. Si frey at riku naman ay nasa Tabi ng matanda. Halos sik-sikan na nga kami dito eh.
Hinawakan ni Sora ang kamay ko na sinabayan naman ng masamang tingin ni Sandro. Pinalo niya ang kamay ni Sora at napadaing siya sa sakit. "Epal ka naman ehh!" Nagsimula na silang mag-away at nagbabarahan pa.
Napatingin naman ako kay Riku na tahimik lang habang naka-kruss ang braso. "Ziro," napalingon ako kay Sandro na nakatingin saakin. Si Sora naman ay pinipigilan ang kamay ni Sandro upang hindi siya masaktan.
"Pag-natapos na ang lahat ng ito, Gusto kong labanan ka" Napakurap naman ako ng ilang beses dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Bakit naman?"
"Simula ngayon, ituturing na kitang isang karibal" Napalingon-lingon naman si Sora saamin na napapagitan ng tensiyon saaming dalawa.
"Tama na muna yan! Yung misyon muna natin ang pagtuunan natin ng pansin" Awat niya saamin kung kaya't nag-iwasan kami ng tingin.
Ilang oras ang lumipas at nakarating din kami. Ang Barrier na nakapalibot sa life city ay wasak-wasak na, ang mga istraktura ay Wasak na din na para bang may delubyong dumaan sa life City. Sa pagpasok namin sa loob makikita ang mga kaluluwang nagtatago samain. Tama nga yung matanda "Magpalit muna kayo ng damit"
Inabot saamin ni Felisha ang mga damit namin at agad naghanap ng pagbibihisan. Napadako ang tingin ko sa isang kahoy na bahay, Agad kaming pumasok doon. Magulo ang lahat ng gamit at ang pader ay may malaking butas. Ano kaya ang nangyari dito?
"Kuya Ziro!," Napatakbo kami kay Creg na may itinuturo."Kuya Ziro may Babae dito!" Isang babae na nakahiga sa sulok at puro natuyong dugo ang damit niya.
"Creg! tawagin mo sila Riku!" Naliligo ang babae sa sarili niyang dugo at may sugat din siya sa kanyang tiyan. inihiga ko siya sa isang Sofa at tiningnan ang pulso niya.
"Buhay paba?," Napatungo ako sa tanong ni Sandro. "Siguradong isang malaking nilalang ang may gawa nito, Hindi masisira ang buong lugar kung isang hamak na tao lang ang may gawa"
Nagsi datingan na ang iba at dali-daling pinagaling ni Miya ang sugat ng babae. Mahina pa daw siya at kailangan ng pahinga para bumalik lahat ng lakas niya. "Meron syang Charm kaya nakayanan niyang mabuhay ng matagal"
"Nasaan na kaya si Freya?" mahina kong sabi pero alam kong narinig nila iyon. Napayuko nalamang ako at tiningnan ang kahoy na sahig.
"Masama ang kutob ko sa lugar na ito," napadako ang tingin namin kay Riku na nakapikit. "Kung nandito si Freya bakit hindi manlang niya napagtanggol ang lugar na ito? Kung nandito siya sana hindi nangyari ito"
"Ang sinasabi mo ba hindi talaga pumunta dito si Freya?" Napailing si Riku sa tanong sa kaniya ni Miya. Natahimik muna si Riku at parang hindi gustong ituloy ang sasabihin niya. Baka may nangyari na kay Freya kaya ayaw niyang sabihin.
"Ituloy mona" Napabuntong hininga nalamang si Riku at tiningnan kami isa-isa. Walang pag-alala sa kaniyang mukha kundi takot.
"Si Freya mismo ang may gawa nito"
Chapter 13 (part 2) - A friend
ZIRO
"Si Freya mismo ang may gawa nito" Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Riku. Paanong siya? Isa siyang Diyosa kaya hindi niya magagawa yun.
"N-nagkakamali ka lang siguro Riku" Muli siyang napapikit at nilayo ang tingin saakin.
"Sana nga Ziro" Lumabas siya habang naiwan kaming tahimik. Walang may gusting magsalita sa naging opinyon ni Riku, Sana nga hindi siya.
"S-sino kayo?" Napadako ang atensiyon namin sa babaeng nakahiga sa sofa at pilit na bumabangon. Tinulungan ko siya upang hindi maubos ang lakas niya.
"Pasensiya kana sa pagpasok namin" Tiningnan ako maigi ng babae at pati si Sandro ay tiningnan niya na parang may kung ano sa itsura namin. Agad naman kaming napatingin sa itsura namin na hanggang ngayon ay nakasuot padin ng pangbabae. Dali-dali naman kaming nagtago sa kung saan at doon nagpalit ng damit.
Dahil sa mga nangyari nakalimutan na naming magpalit. "Pasensiya kana sa suot namin" Nahihiya kong sabi habang napakamot naman ako sa Batok ko.
"ano palang nangyari sayo?" Panimulang tanong ni Sandro. Napayuko naman ang babae at napakuyom pa ang kamay niya dahil sa galit.
"Ang akala ko mabuti siya pero sinira lang niya ang tiwala ko! Binalak pa niya akong patayin, buti nalang at nakaligtas ako!" Nagkatinginan naman kami dahil nagtataka kami kung sino iyon.
Napalunok ako ng laway at may gustong itanong. Natatakot ako na baka tama nga si Riku, pero kung hindi ko itatanong hindi ko malalaman. "S-si Freya ba ang may gawa nito?"
Tumingin sjya saglit saakin at napayuko ulit. Sagutin mo pakiusap, sabihin mo 'hindi', Nakikiusap ako.
Yan ang naiisip ko pero ang ayaw kong marinig ang kaniyang sinabi. "Oo, sya nga." Eto na ngaba ang sinasabi ko ehh, May taksil sa mga kaibigan ko. Isang bagay na ayaw kong mangyari pero nakatadhana na kaya wala na akong magagawa.
Naagaw ang atensiyon nila sa malakas na pag-sabog habang ako ay tulala parin. Masiyado ba akong naging mabait kaya naloloko ako? Ganon ba ako ka tanga para hindi maisip na may nanloloko saakin?
"Ziro! kailangan na nating lumabas!" Parang ayokong umalis sa kinatatayuan ko. Parang ayokong makita pang muli kung ano ang nasa labas ng bahay na 'to.
Hindi ko namalayang nasa labas na pala ako at ang bahay na kahoy ay naging abo nalang. Sa napaka laking usok ay may imahe ng kung sino na papalapit. Dahan-dahan hanggang sa magpakita siya. "Akala ko pa naman naging abo na kayo"
"F-freya?!" May isang malaking nilalang sa likod niya, isa iyong Ifrit na bihira mo lang makikita dito.
Nasa harap kona ang sagot kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin na kaaway ko siya. "Inaakala mo bang ako lang ang taksil sa mga kaibigan mo?," Napatingin ako sa kaniya at Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Lahat sila pinagtataksilan ka" Napalayo ako sa kanila Sandro at napapailing pa, pilit na sinasabing hindi totoo ang lahat.
"H-hindi yon Totoo diba?," Tanong ko sa kanila pero tanging yuko lang ang sinagot nila. "Ano ba sumagot naman kayo! Riku? Sora? Sumagot kayo!"
"Ziro," Napatingin ako kay Frey na pinipigilan nilang magsalita. "Sasabihin kona sayo ang totoo, Tama sila taksil nga kami sayo pero hindi namin yon ginusto"
"Frey ano ba!" Pinipigilan siya ni Riku pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy. Nakikinig lang ako habang nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi niya at kasabay non ay ang pagkawala ng tiwala ko sa kanila.
"Ang paglalakbay na ito ay hindi para hanapin ang ama mo, kundi Ang patayin ka"
Ang mga tinuring kong kaibigan ay gusto akong Patayin, Nagtitiwala ako sa kanila habang sila ay pinagpaplanuhan na pala akong patayin. Natawa ako ng mapait at pilit na pinipigilan ang luha kong naka-ambang tumulo. "Pati ikaw Diyosa?" Tiningnan ko si Sora habang ang luha ko ay kusa ng tumulo.
Tumungo lang ito at halos mapakagat ako sa labi ko. "ehh ikaw Creg?" Tumingin naman ako kay Creg na gulat na gulat sa nangyayari.
"H-hindi ko alam ang nangyayari kuya Ziro! Maniwala ka!" depensa nito. Napayuko nalamang ako at pilitna kinukumbinsi ang sarili na hindi ito totoo.
"Ang drama niyo naman! bakit hindi niyo pa sabihin ang lahat-lahat," Napatingin ako kay Freya na nakangisi. "Gusto mo bang sabihin ko sayo Ziro?" Kusa na lamang sumang-ayon ang sarili ko habang ang isip ko ay ayaw malaman ang mga bagay na dapat hindi kona nalaman.
"O sya! Makinig kayo, lalo kana Ziro. Hindi lang sila ang gusto kang patayin, lahat sila! lahat ng taong nakakasalamuha mo! Tingin mo masaya sila kapag nakikita ka nila? tingin mo pinagpapasalamat nila na iniligtas mo sila? Hindi ! kahit kailan hindi nila inisip yon, Dahil ang iniisip nila dapat hindi kana nabuhay"
"TAMA NA!" Pigilan man siya ni Riku ngunit nagpatuloy lang si Freya kahit ako ay gusto kopa siyang pakinggan, Gusto kong malaman ang katotohanang tinatago nila saakin.
"Alam moba kung bakit gusto ka nilang mamatay? Ikaw lang naman ang pumatay sa mahal nila sa buhay! WHAHAHHAHA!" malakas na tawa niya ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Parang natulala ako nang marinig ang sinabi nya. Ako ang pumatay sa kanila?
"SABING TAMA NA!" Hinarap ko si Riku at tiningnan na para bang nahihiya sa pinaggagawa niya.
"Para saan yang ginagawa mo? Para lokohin ulit ako na tinutulungan niyo ako?" Nagulat si Riku sa mga sinasabi ko. Si Sandro naman ay pinapatigil ako sa ginagawa ko habang ang iba ay nanahimik nalamang.
Napayuko si Riku at hindi pinansin ang nasa paligid namin. Parang sa mga oras na yon ay ako at siya lang ang magkaharap. "Gusto mong malaman diba ang totoo? P'wes sasabihin ko!" Ikinagulat ko ang nakita ko sa mukha niya. Luha, Luha na umaagos sa kaniyang mata.
Si Riku na walang emosiyong pinapakita ay bigla nalamang pinakita ang ibang siya, Ang tunay na siya. "Ikaw lang naman ang Demonyo na pumatay sa mga taong lumaban n'on Dalawampung taon na ang nakakalipas! Ang Demonyong pumatay sa aking mga magulang!"
Parang dinurog ang puso ko ng marinig iyon, parang dinurog ang puso ko ng makita ko siyang umiiyak. Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Napahawak ako sa dibdib ko at napakapit sa damit ko.
"Pano kung hindi nangyari 'to? Pano kung hindi ko kayo nakilala? pano kung hindi mo ako niligtas? pano kung," Humugot muna ako ng lakas para ipagpatuloy ang mga sinasabi ko. "pano kung Hindi nalang ako nabuhay? kung nangyari yon siguro masaya ka sa mga oras na 'to. Edi sana hindi si Riku na kilala ko ang Riku ngayon"
"Huli na, Nangyari na. Wala ka ng magagawa" Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang isa niyang kamay. Ibinigay ko sa kaniya ang Dagger ko at itinapat iyon sa puso ko.
"Kung ang mawala ako ang magpapasaya sayo, Pumapayag ako. Kung ang pagtapos mo sa buhay ko ay ang papanatag sayo, Gawin mo. Hindi ako tatakbo o lalaban Basta gawin mo" Hinigpitan niya ang hawak niya sa kutsilyo ko at nakaambang saksakin ako ng bigla niyang itigil.
"Tingin mo tanga ako! Diba hahanapin mopa ang Ama mo?! Kakalimutan mona ba ang dahilan mo sa pagiging Adventurer?!" Napatigil ako at napalingon sa likuran ko ng makarinig ng mabagal na palakpak.
"Binabati kita Ziro" Napakunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi ni Freya. Nakangiti ito katulad ng anghel na para bang walang nangyari kanina.
"Anong ibig mong sabihin?!"Inis na tanong ni Sandro. Kahit ako ay naiinis ngunit hindi ko lang mapakita.
"Nalampasan mo ang pagsubok ko, Pero ang totoong pagsubok ay nagsisimula palang," Ang ngiti niyang mala anghel ay naglaho. Tumalon pa itaas ang Ifrit at pagkababa niya ay gumawa iyon ng napakalakas na hangin na kaya kaming tangayin."Pinapakilala ko sa inyo ang inyong makakalaban"
Gumawa ng tunog ang ifrit na nagpatakip saaming tenga. "Miya, Creg! Ilayo niyo na yang babaeng yan!" Agad namang hinila nila Miya ang babae kanina at lumabas ng City.
Bigla nalamang nagbago ang kulay ng kalangitan at paligid na kanina ay makulay ngayon ay naging kulay pula na parang may nangyari madugong laban. "Ziro," Tinapik ni Sandro ang balikat ko at tiningnan ako sa mata "Patawad."
napatingin ako sa gilid ko kung saan nagsi punta sila Riku. "Ang laban na ito ay tatapusin natin ng magkakasama, Dahil kaibigan mo kami" Nabuhayan ako at hinarap ang malaking halimaw na nasa harap namin ngayon. "Oo sa simula ayoko sayo pero iba na ngayon, hindi ko alam ang dahilan pero nag iba ang pakikitungo ko sayo"
"Salamat sayo Freya dahil...
Alam kona ngayon ang kahalagahan ng pagkakaibigan!"